Worksheetsrebyu-4th quarter
Total questions: 30
Worksheet time: 19mins
Tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa bawat taludtod ng isang saknong.
Awit
Korido
Talinhaga
Epiko
Ito ay tumutukoy sa mga panitikang nagbibigay ng saglit na kasiyahan at aliw sa mga mambabasa sa kabila ng sitwasyong kinabibilangan.
Panitikang Rehiyonal
Panitikang Oral
Panitikang Pasulat
Panitikang Pantakas
Siya ang nagsaayos ng mga sipi ng Ibong Adarna na ginagamit sa mga paaralan sa ngayon.
Marcelo A. Garcia
Marcelo P. Santos
Marcelo P. Santos
Marcelo P. Garcia
Ang salitang "Korido" ay nagmula sa Mehikanong salita na "occurido" na nangangahulugang _____________________.
"mga pangyayaring naganap na"
"mga pangyayaring mangyayari pa lang"
"mga pangyayaring pinag-isipan"
"mga pangyayaring isinulat"
Anong tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan? Halimbawa nito ay pagdedesisyon.
Tao laban sa kalikasan
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa tao
Ito ang makapangyarihang ibon na makikita sa Piedras Platas.
Ibong Adarna
Agila
Ibong Malaya
Hiraya
Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Don Juan
Don Pedro
Don Diego
Don Fernando
Ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Reyna Maria
Prinsesa Leonora
Prinsesa Blanca
Reyna Valeriana
Anong elemento ng isang kuwento ang nagpapakita ng suliranin o problemang kinakaharap ng isang tauhan?
Tagpuan
Talinhaga
Tunggalian
Kasukdulan
Ang koridong Ibong Adarna ay panitikang ginamit ng mga Espanyol
sa pagpapalaganap ng ___________.
Kapayapaan
Katolisismo
Karunungan
Pagkakaisa
Anong uri ng tunggalian ang pagsuway sa alituntunin ng lipunan o pagtakwil sa kultura nito?
Tao laban sa Tao
Tao laban sa Sarili
Tao laban sa Lipunan
Tao laban sa kalikasan
Anong uri ng tula ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig (12 syllables)?
Awit
Korido
Tugmaan
Malaya
Sino ang tauhan sa Ibong Adarna na nagpakita ng pagiging sunod-sunuran sa iba kahit alam na mali ang ipinagagawa?
Don Pedro
Don Diego
Don Juan
Don Fernando
Anong kaugaliang Filipino ang nagpapakita ng pagbabalik ng kabutihan o pabor sa mga taong nakagawa ng mabuti rin sa kanya?
Paggalang sa kapwa
Pagkakaroon ng Utang na Loob
Pagmamahal sa magulang
Wala sa nabanggit
Anong pangalan ng kaharian nina Haring Fernando at Reyna Valeriana?
Albanya
Delos Cristales
Berbanya
Piedras Platas
Tinatawag siyang Huseng Sisiw, siya rin ang binanggit na guro niFrancisco “Balagtas” Baltazar sa pagsulat ng tula.
Jose Mari Chan
Jose delos Santos
Jose dela Pena
Jose dela Cruz
Paano binabasa o inaawit ang korido?
allegro
andante
moderate
wala sa nabanggit
Basahin ang sumusunod na pahayag. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
I. Nakuha ni Don Juan ang Ibong Adarna.
II. Naging bato sina Don Pedro at Don Diego.
III. Mayroong ermintanyo na nanghingi ng pagkain kay Don Juan.
IV. Nagkaroon ng malubhang sakit si Don Fernando.
V. Hinanap ng tatlong magkakapatid na prinsipe ang Ibong Adarna.
VI. Dahil sa pagtulong ni Don Juan sa ermitanyo, siya ay tinulungan nito sa tamang gagawin para makuha ang Ibong Adarna.
III, VI, II, IV, V at I
V, III, VI, II, IV at I
IV, V, III, VI, II at I
I, II, IV, V, III, at VI
Sino ang nagsulat ng Ibong Adarna?
Dr. Jose Rizal
Francisco Balagtas
Jose dela Cruz
Walang tiyak na manunulat
Tinanggihan siya ni Huseng Sisiw at pagkaraa’y natutong sumulat ng tula na nagtataglay ng kariktan at lamukot kaysa sa mga tula ng bantog na gurong makata.
Jose dela Cruz
Francisco “Balagtas” Baltazar
Jose Rizal
Wala sa nabanggit
Ano ang tawag sa puno kung saan ito dito ay nananatili ang Ibong Adarna?
Reyno delos Cristales
Kastilyo
Kahariang Berbanya
Piedras Platas
Ibigay ang kahulugan ng salitang "pasaliwa" sa saknong na nasa ibaba:
Malimit na makagawa,
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
tunay
matuwid
tama
baliktad
Ibigay ang kahulugan ng salitang "hamak" sa saknong na nasa ibaba:
Ako’y isang hamak lamang
taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.
kulang sa halaga
masama
traydor
matapang
Sino ang ama ni Maria Blanca?
Don Fernando
Haring Juan
Haring Salermo
Haring Pedro
Binabasa nang mabagal ang awit na tinatawag na _______.
alegrino
moderato
allegro
andante
Saang bansa nagmula ang Ibong Adarna?
Pilipinas
Europa
Amerika
Wala sa nabanggit
Ilang pagsubok ang binigay ng ama ni Maria Blanca?
5
6
7
8
Ano ang tawag sa ibinuhos ni Don Juan sa kanyang dalawang kuya na naging bato?
Agua Bendita
Tubig
Holy water
Yelo
Ano ang tawag sa paggamit ng may-akda ng mga pahiwatig o clue ng magaganap o mangyayari sa kuwento?
Kariktan
Tunggalian
Foreshadowing
Talinhaga
Basahin ang sumusunod na pagsubok ni Haring Salermo. Ayusin ito batay sa tamang pagkakasunod-sunod.
I. Ilalagay sa prasko ang labindalawang negrito.
II. Magtatayo ng kastilyo sa dagat.
III. Ang trigo ay itatanim at gagawing tinapay.
IV. Hanapin ang nawawalang singsing.
V. Hanapin si Maria Blanca sa tatlong silid.
VI. Paamuhin ang kabayo.
VII. Itatapat ang bundok sa bintana.
III, I, VII, V, IV, VI, at II
III, I, VII, II, IV, V, at VI
IV, VI, V, III, I, VII, at II
III, I, VII, II, IV, VI, at V
