wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

HAHAMAKIN ANG LAHAT

Total questions: 20

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang dahilan ng pagpapasikdo ng dibdib ni Maria Clara kapag may mga dumaraang mga sasakyan?  

a)

Ang paghahanda para sa pista

b)

Ang pagkikita muli nila ni Padre Damaso

c)

Ang pagdating ni Ibarra

d)

Ang pag-alis niya sa kumbento

2.

Bakit pinili ni Tiya Isabel na sa San Diego sila mamalagi?

a)

Doon hiniling ni Maria Clara na manatili

b)

Doon nais ni Kapitan Tiyago na manatili

c)

Doon nais Padre Damaso

d)

Nalalapit na ang pista mas maganda ang bahay doon

3.

Saan inihalintulad ni Crisosotomo Ibarra si Maria Clara bilang patunay na ito ay kanyang iniibig?

a)

Bayang Pilipinas

b)

Chloe

c)

dahon ng sambong

d)

lawa

4.

Ano ang ala-alang itinago ni Ibarra na bigay ni Maria Clara?

a)

koronang bulaklak

b)

Sambong

c)

Sampaguita

d)

Chloe

5.

Ano ang ipinahihiwatig ng pagtatago ni Maria Clara ng mga alaala ni Ibarra?

a)

labis na kasiyahan sa pagmamahal

b)

pagiging sentimental

c)

pagpapahalaga sa mga bagay na bigay ng kanyang minamahal

d)

labis na paghanga

6.

Ano ang ginawa ni Basilio pagkatapos na malinis at matapalan ng ina ang kanyang sugat sa noo?

a)

pinagmasdan at niyakap ang ina

b)

ikinuwento sa ina ang kanyang napanaginipan

c)

pinatulog na ang kanyang ina

d)

tinabihan ang kanyang ina sa pagtulog

7.

Ano ang inamin ni Basilio sa kanyang ina?

a)

pinahihirapan at sinasaktan sila ng sakristan mayor

b)

hindi sila pinasahod ng sakristan mayor

c)

sinaktan sila ng sakristan mayor

d)

napagbintangang nagnakaw ng 2 onsang ginto si Crispin

8.

Bakit hindi ikinuwento ni Basilio sa ina ang totoo niyang napanaginipan?

a)

natatakot siyang magdamdam ang kanyang ina

b)

sapagkat ayaw niyang mag-alala nang lubha ang ina

c)

sobrang nakakatakot ang kanyang panaginip

d)

hindi niya maalala ang kanyang napanaginipan

9.

Ano ang pangarap ni Basilio para kay Crispin at sa kanyang ina?

a)

magkaroon ng mga alagang hayop

b)

Makapag-aral si Crispin at hindi na mapuyat ang ina sa pananahi

c)

magkaroon ng sariling taniman

d)

magkaroon sila ng maayos na tahanan

10.

Ano ang magandang katangian ni Basilio ang ipinamalas sa kabanata 17 na tunay na kahanga-hanga?

a)

pagmamalasakit sa kapwa

b)

mataas na pangarap

c)

pagmamahal sa magulang

d)

pagiging matapang

11.

Ano ang lumitaw sa lawa habang nangingisda ang pangkat ng kalalakihan?

a)

buwaya

b)

sawa

c)

bayawak

d)

bangkay

12.

Bakit tumalon si Ibarra sa lawa?

a)

upang sundan ang piloto sa pagsisid

b)

upang maligo

c)

upang tulungan at iligtas ang piloto

d)

upang hulihin ang buwaya

13.

Ano ang katangiang ipinamalas ni Ibarra upang mailigtas ang piloto ?

a)

pagiging maalaga

b)

pagiging maalalahanin

c)

pagmamahal sa bayan

d)

malasakit sa kapwa

14.

Sino ang hinahanap ni Elias sa kabanata 45? Ano ang kaugnayan nito sa kanya?

a)

ang iba pang mamayan na pinag-uusig

b)

matandang Pablo na tumulong din sa kanya

c)

Si Ibarra na nagligtas sa kanya

d)

ang mga anak ni Sisa

15.

Ano ang dahilan ng pagtatago ni Kapitan Pablo?

a)

siya ay pinag-uusig

b)

siya ay nanggahasa

c)

siya ay itinawalag ng simbahan

d)

siya ay nagnakaw

16.

Bakit ganun na lamang ang galit ni Tandang Pablo sa simbahan at pamahalaan?

a)

kinamkam ang lahat ng kanyang kayamanan

b)

pinatay ang kanyang asawa

c)

namatay ang 3 niyang anak bunga ng kawalang katarungan

d)

ipinakulong siya nang walang sala

17.

Bakit namatay ang kanyang 2 anak na lalaki ni Kapitan Pablo?

a)

pinahirapan ng mga prayle at pinagbintangang nagnakaw

b)

pinakaladkad sa mga kabayo

c)

pinainom ng lason

d)

binaril ng mga gwardia sibil

18.

Ano ang plano ni Elias na isinawalat kay Kapitan Pablo?

a)

sumanib sa iba pang mga tulisan upang lumakas ang pwersa ng mga ito

b)

hihingi ng tulong kay Ibarra upang maiparating ang kanilang mga hinaing sa Kapitan Heneral

c)

magtatayo ng isang kuta para sa mga tulisan

d)

magbagong buhay at iwanan at pumunta sa malayong lugar

19.

Ano ang ipinayo ni Elias kay Kapitan Pablo habang sila ay naghihintay ng magiging sagot ni Ibarra sa kanilang paghingi ng tulong?

a)

sumuko sa pamahalaan sapagkat wala na silang laban na magagawa para sa bayan at mga inapi

b)

huwag munang gumawa ng anumang marahas na hakbang at huwag hahayaang makapanakit ng mga inosenteng mamamayan

c)

magtago muna habang hindi pa nakahahanap ng matitibay na armas sa pakikipaglaban

d)

magpagaling upang muling makalusob sa mga gwardia sibil

20.

Nabuo ang pangkat ng mga tulisan bunga ng kawalang hustisya ng paggamit sa simbahan at pananamantala ng pamahalaan sa mahihina. Sila ay nagsama-sama upang ipaglaban ang hinaing ng mga inapi at ng bayan. Ano ang katangiang ipinamamalas sa bahaging ito?

a)

pagmamalasakit sa kapwa

b)

pagka maka-Diyos

c)

pagmamahal sa bayan

d)

pagiging tapat sa kapwa