wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ipinangako ni Liam kay Haniel na hindi niya sasabihin kahit kanino ang tungkol sa pagkuha niya ng board exam para sa inhinyero hanggat hindi pa ito nakakapasa. Anong isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ang ipinapakita sa sitwasyon?

a)

plagiarism 

b)

lihim     

c)

whistleblowing     

d)

pagsisinungaling

2.

Si Alvin ay isang vlogger. Ngunit ang mga video na pinopost niya ay kinukuha niya lamang din sa internet. Anong isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ang ipinapakita sa sitwasyon?

a)

plagiarism   

b)

intellectual piracy    

c)

whistleblowing     

d)

pagsisinungaling

3.

  Si Aling Oping ay empleyado sa isang malaking kumpanya. Hindi niya sinasadya na malaman ang ginagawang katiwalian ng isa sa mataas na opisyal ng kanilang kumpanya. Hindi maatim ng kanyang konsensya na ipasawalang bahala ito sapagkat marami ang naaapektuhan sa ginagawa nito. Kaya napagdesisyunan niyang isiwalat ito. Anong isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ang ipinapakita sa sitwasyon?

a)

lihim   

b)

copyright infringement

c)

whistleblowing     

d)

pagsisinungaling

4.

Pinagkakalat ni Noah sa kanilang mga kaklase na si Moses ang nagnakaw ng wallet ng isa nilang kaklase kahit hindi naman talaga ito ang kumuha. Anong isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ang ipinapakita sa sitwasyon?

a)

plagiarism 

b)

lihim

c)

whistleblowing     

d)

pagsisinungaling

5.

Si Aldrich ay nasa Ikasampung Baitang na at naatasan na gumawa ng isang sanaysay. Kumuha na lamang siya ng impormasyon sa internet at kinopya ito na parang siya ang gumawa ng sanaysay. Anong isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ang ipinapakita sa sitwasyon?

a)

plagiarism

b)

lihim

c)

whistleblowing     

d)

pagsisinungaling

6.

Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.

 

 

a)

whistleblowing

b)

plagiarism

c)

intellectual piracy

d)

pagsisinungaling

7.

Ito ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.

 

a)

whistleblower

b)

copyright holder

c)

author

d)

composer

8.

Ito ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.

 

 

a)

whistleblower

b)

copyright holder

c)

author

d)

composer

9.

Ito ay prinsipyo na magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan at tamasahin ito.

 

 

a)

prinsipyo ng confidentiality

b)

prinsipyo ng intellectual honesty

c)

prinsipyo ng intellectuality

d)

prinsipyo ng fair-use

10.

Anong batas ang nagpoprotekta sa mga orihinal na mga gawa ng isang tao na mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987?

 

a)

law on intellectuality

b)

law on obligations

c)

law on copyright

d)

law on contract