wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagmamahal sa Bayan

Total questions: 15

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng "Pater" na pinagmulan ng salitang Patriyotismo?

a)

Katatagan at Kasipagan

b)

Kabayanihan at Katapangan

c)

Pinagmulan at Pinanggalingan

d)

Pinagkopyahan o Pinagbasehan

2.

Ano ang kahulugan ng salitang

Patriyotismo?

a)

Pagmamahal sa Bayan

b)

Pagmamahal sa Kapwa

c)

Pagmamahal sa Diyos

d)

Pagmamahal sa Kalikasan

3.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan maliban sa isa ;

a)

Pagsunod sa batas gaya ng pagtawid sa pedestrian lane

b)

Pagtangkilik sa mga produktong lokal

c)

Pagtatapon ng basura sa tamang lugar

d)

Pakikipag-usap sa katabi habang inaawit ang pambansang awit

4.

Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng Patriyotismo?

a)

Sa pagkilos ng bawat Pilipino ay natutugunan ang mga pangangailangan ng tao

b)

Sa bawat hangarin ng mga mamamayan ay napapaunlad ang sarili at kapwa.

c)

Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna

d)

Lahat ng nabanggit

5.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan malin sa isa;

a)

Paggalang sa watawat

b)

Pagsunod sa Batas

c)

Pagbili ng mga produktong galing sa ibang lugar

d)

Pagsusubaybay sa kultura, tradisyon, at gawi.

6.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan?

a)

Si Ana ay nakatayo ng tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang

b)

Narinig ni Rene ang balita na maraming produkto galing China ang dumating sa LCC store kaya ito ay nagmadali upang bumili

c)

Si Marie ay magiliw na naglilinis sa tabing Ilog

d)

Si Mang Anistasyo ay bumibili ng mga lokal na produkto

7.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng pagmamahal sa Bayan?

a)

Produktong mga Koreano ang laging binibili ni Jade

b)

Nag-aaral nang Mabuti si Janna at kahit kailan hindi niya ginawa ang mangopya

c)

Si Cazy at kinakanta nang may paggalang at respeto ang pambansang awit na Lupang Hinirang

d)

Si Alex ay nagtatapon ng basura sa tamang lugar

8.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal sa Bayan?

a)

Paggalang sa mga Batas

b)

Pagtapon ng Basura sa Ilog

c)

Pagbili ng mga produktong galing sa ibang bansa

d)

Pakikipag-away sa kapwa Pilipino

9.

Bakit sinasabing ang pagbebenta ng boto ay hindi paraan ng pagmamahal sa Bayan?

a)

Dahil ito ay para sa sarili lamang

b)

Dahil ito ay ipinagbabawal ng batas

c)

Dahil mali ito sa mata ng Diyos

d)

Dahil ang layunin ay mali at ng pagboto ay dapat isagawa ng tama

10.

Saan nakapaloob ang mga pagpapahalagang dapat linangin ng mga Pilipino upang maisabuhay ang Pagmamahal sa Bayan?

a)

1879 konstitusyon ng Pilipinas

b)

1789 konstitusyon ng Pilipinas

c)

1978 konstitusyon ng Pilipinas

d)

1987 konstitusyon ng Pilipinas

11.

Matalik na magkaibigan sina Julio at Julia. Naawa si Julia kay Julio dahil

palagi siyang bumabagsak sa kanilang pagsusulit. Isang araw, kinausap ni Julio

si Julia na pakopyahin siya nito sa kanilang mga pagsusulit kapalit ay ang

pagbibigay ni Julio ng gamit na galing ibang bansa.

Kung ikaw si Julia ano ang gagawin mo?

4 lines
12.

Isa si Jana sa mga kabataang pwede nang bumoto. Agad siyang

nagparehistro para sa paparating na halalan. Nang dumating ang araw ng

kampanya, kinausap siya ng kanyang mga magulang na ibenta niya ang

kanyang boto upang magkaroon sila ng pambili ng pagkain. Dahil dito nalilito si

Jana kung ano ang kanyang gagawin

Kung ikaw si Jana ano ang gagawin mo?

4 lines
13.

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan?

4 lines
14.

Bilang isang mag-aaral na may kaalaman patungkol sa pagmamahal sa Bayan, ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang kapwa mo mag aaral na tumatakbo habang ipinapatugtog ang pambansang awit na Lupang Hinirang?

4 lines
15.

Naniniwala kaba sa kasabihang " ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan" ? Bilang isa sa mga kabataan paano mo ito patutunayan?

4 lines