NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsMALAPANGWAKAS FLORANTE at LAURA REBYUWER
Total questions: 31
Worksheet time: 21mins
Name
Class
Date
1.
Sa pahayag na, “May kalayaan ang mga Pilipino na sumulat ng panitikan sa panahon na naisulat ang Florante at Laura.” Aling bahagi ang NAGPAPAMALI sa
pahayag?
a)
may kalayaan
b)
sa panahon
c)
ng panitikan
d)
ang Florante at Laura
2.
Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat _____________. Aling pahayag ang kukumpleto sa pahayag?
a)
isinulat ng bayani
b)
walang kamatayan ang sumulat
c)
sumikat sa panahon ng Espaňol
d)
maituturing na walang kamatayan
3.
Mahigpit ang _____________ kaya’t hindi pinapayagang mailathala ang mga sulating tumutuligsa sa pamahalaang Espaňol. Alin sa mga sumusunod na salita ang kukumpleto sa pahayag?
a)
senyas
b)
sensura
c)
sabi- sabi
d)
sensasyon
4.
Ang karamihan sa mga Pilipinong sumulat ng mga akda sa panahong isinulat ang Florante at Laura ay gumamit ng wikang ____________. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong salita na kukumpleto sa pangungusap?
a)
Espaňol
b)
Filipino
c)
Hapon
d)
Ingles
5.
Ano ang kukumpleto sa susunod na pahayag?
Dapat basahin ang Florante at Laura dahil ____________.
a)
maganda sa pandinig
b)
makasaysayan sa Pilipinas
c)
madamdamin ang nilalaman
d)
malaki ang ambag sa ekonomiya
6.
Ang mga sumusunod ay karaniwang tema ng mga sulatin sa panahon kung kailan naisulat ang Florante at Laura MALIBAN sa isa, alin ito sa mga sumusunod?
a)
Kristiyano
b)
Moro
c)
Pulitika
d)
Relihiyon
7.
Ang Florante at Laura ay isang katangi- tanging korido na isinulat ni Francisco Balagtas. Aling bahagi ang ng pahayag ang NAGPAPAMALI sa pangungusap?
a)
Florante at Laura
b)
katangi-tangi
c)
korido
d)
Francisco Balagtas
8.
Ano ang pinakakukumpleto sa kaisipan ng pahayag? Mahalaga kay Apolinario Mabini ang Florante at Laura dahil ______________.
a)
mabuti siyang bayani
b)
naisulat niya ito sa papel
c)
ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
d)
inihalimbawa ang kadakilaan ng Pilipino
9.
Sinimulan ni Francisco Balagtas sa isang hindi pangkaraniwang paraan, sa pamamagitan ng pag-aalay kay Selya. Ano ang tunay na katauhan ni Selya?
a)
Marie Ana Rivera
b)
Maria Annaliza Ramos
c)
Magdalena Ana Ramos
d)
Maria Asuncion Rivera
10.
Noong panahong naisulat ang Florante at Laura, ang kalagayan ng lipunan ng bansang Pilipinas ay ___________. Ano ang wastong pahayag na kukumpleto sa pangungusap?
a)
naaapi ang mahihirap
b)
nagmumuni ang mahihirap
c)
kawawa ang nakaaangat
d)
sunod-sunuran ang mayayaman
11.
Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang Florante at Laura dahil ito ay _________. Alin ang pinakwastong kukumpleto sa pahayag?
a)
nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
b)
nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
c)
naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espaňol
d)
nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
12.
Ano ang naging epekto ng pagsulat ng Florante at Laura sa nakabasa nito nang panahon na ito ay mailimbag?
a)
pagsunod sa pamunuan
b)
pagsang-ayon sa kamalian
c)
pagpumiglas ng mahihirap
d)
pagkagalit sa mga Espaňol
13.
Alin sa mga sumusunod ang pinakakukumpleto sa mga sumusunod na pahayag? Pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang _______________.
a)
paborito ng kabataan
b)
taluktok ng panulaang Pilipino
c)
makasaysayan ang kuwento
d)
simula ng panitikan sa Pilipinas
14.
Alin ang salitang pinakakukumpleto sa pahayag? Naisulat ang Florante at Laura dahil sa _______________.
a)
galit
b)
pananalig
c)
paghihiganti
d)
pagmamahal
15.
Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang nakaraan. Ano ang naging dulot nito sa kasalukuyang panahon?
a)
kahirapan
b)
kasamaan
c)
pagsalamin
d)
pagbalikwas
16.
Ano ang nangingibabaw na damdamin sa sumusunod na saknong?
"Itong iyong awa'y di ko hinahangad,
patayin mo ako'y siyang pitang habag;
di mo tanto yaring binabatang hirap,
na ang kamatayan ang buhay kong hanap."
a)
pagdurusa
b)
pagkagalit
c)
panibugho
d)
pagkatakot
17.
Ano ang nangingibabaw na damdamin sa sumusunod na saknong?
"Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako'y Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko.”
a)
panibugho
b)
pagkatakot
c)
pangungulila
d)
pagdurusa
18.
Ano ang nangingibabaw na damdamin sa sumusunod na saknong?
"Payapa na naman disin yaring dibdib,
napagkikilalang kaaway kang labis;
at di binayaang nagkapatid-patid
a)
pagkatakot
b)
pagkagalit
c)
pagdurusa
d)
pagpapasalamat
19.
Ano ang nangingibabaw na damdamin sa sumusunod na saknong?
“Bababa si Marte mula sa itaas
at sa kailalalima’y aahon ang Parkas,
Buong galit nila ay ibubulalas
yayakagin niring kamay kong marahas.”
a)
galit
b)
lungkot
c)
kasiyahan
d)
pangungulila
20.
Ano ang nangingibabaw na damdamin sa sumusunod na saknong?
“Buong panganib mo’y baka magkasugat,
di ka maniniwala kung di masiyasat,
at kung magkagurlis ng munti sa balat,
hinuhugasan mo ng luhang nanatak.”
a)
pagkainis
b)
pangungulila
c)
panibugho
d)
pagkatakot
21.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod mula sa inyong binasa? “kamataya’y nahan ang dating bangis mo, nang di ko damdamin ang hirap na ito?”
a)
Hindi na kaya ng binata ang paghihirap ng loob nang siya’y mawalan ng malay- tao.
b)
Ninanis pa ni Florante na siya ay mamatay upang hindi na maghirap.
c)
Nakatitighaw ng damdamin ang alaala ni Laura.
d)
Panandaliang nalimutan ni Florante ang kanyang nanay nang makita niya si Laura.
22.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod mula sa inyong binasa? “Ang kahima’t sinong hindi maramdamin, kung ito’y makita’y magmamahabagin”
a)
Maaawa sa kalagayan ni Florante ang sinuman kahit napakatigas ng puso.
b)
Hindi na kaya ng binata ang paghihirap ng loob nang siya’y mawalan ng malay- tao.
c)
Panandaliang nalimutan ni Florante ang kanyang nanay nang makita niya si Laura.
d)
Mahirap makalimutan ang kabiguan sa pag-ibig
23.

24.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod mula sa inyong binasa? “Dito hinimatay sa paghihinagpis, sumuko ang puso sa dahas at sakit”
a)
Pinipilit ni Florante na malabanan ang labis na pangungulila.
b)
Hindi na kaya ng binata ang paghihirap ng loob nang siya’y mawalan ng malay- tao.
c)
Mahirap makalimutan ang kabiguan sa pag-ibig.
d)
Maaawa sa kalagayan ni Florante ang sinuman kahit napakatigas ng puso.
25.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod mula sa inyong binasa? “Magmula sa yapak hanggang sa ulunan, nalimbag ang bangis ng kapighatian”
a)
Pinipilit ni Florante na malabanan ang labis na pangungulila.
b)
Hindi na kaya ng binata ang paghihirap ng loob nang siya’y mawalan ng malay- tao.
c)
Punong- puno ng pagdurusa si Florante.
d)
Ninanis pa ni Florante na siya ay mamatay upang hindi na maghirap.
26.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod mula sa inyong binasa? “sa pagkakita ko’y sabay ang paggiliw inagaw ang pusong sa ina ko’y hain.”
a)
Nakatitighaw ng damdamin ang alaala ni Laura.
b)
Kumain din si Florante dahil mahusay makiusap ang gererong Moro.
c)
Pinipilit ni Florante na malabanan ang labis na pangungulila.
d)
Panandaliang nalimutan ni Florante ang kanyang nanay nang makita niya si Laura
27.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod?
“dito na nahubdan ang kababayan ko ng hiram na bait na balat-kayo”
a)
Lumabas na ang tunay na katauhan ni Florante.
b)
Natuklasang mula sa kalaban na bayan si Aladin.
c)
Nagbabait-baitan lamang pala si Adolfo.
d)
Tuluyan nang nagtaksil si Laura kay Florante.
28.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod?
“Sapagka’t ang dusang mula sa pag-ibig , kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib, kisap-mata lamang ay agad babalik.”
a)
Mahirap makalimutan ang kabiguan sa pag-ibig.
b)
Pinipilit ni Florante na malabanan ang labis na pangungulila.
c)
Panandaliang nalimutan ni Florante ang kanyang nanay nang makita niya si Laura.
d)
Nakatitighaw ng damdamin ang alaala ni Laura.
29.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod?
“kung nang una’y nukal ang luha sa habag ngayo’y sa galak na ang inilalagaslas.”
a)
Nakatitighaw ng damdamin ang alaala ni Laura.
b)
Mahirap makalimutan ang kabiguan sa pag-ibig
c)
Maaawa sa kalagayan ni Florante ang sinuman kahit napakatigas ng puso.
d)
Sa simula, umiiyak si Aladin sa awa kay Florante ngunit natuwa nang makitang nabawi ang lakas.
30.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na taludtod?
“kahit umaayaw ay nahikayat din
ng sabing malambot na pawing pang-aliw.”
a)
Pinipilit ni Florante na malabanan ang labis na pangungulila.
b)
Kumain din si Florante dahil mahusay makiusap si Aladin.
c)
Nawalan na ng malay-tao ang lalaking nakagapos.
d)
Sinisisi na ni Florante ang Diyos sa hindi patuloy na hindi pakikinig sa kaniyang panalangin.
31.
Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa Florante at Laura?
a)
C-D-B-A-E
b)
C-B-D-E-A
c)
C-B-E-D-A
d)
C-A-E-B-D
Reset