wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit 3.1 - Panitikang Kanluranin at Henyo

Total questions: 20

Worksheet time: 2hrs 40mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing ideya ng tulang Henyo ni Mark Twain?

a)

Ang tunay na henyo ay laging kinikilala ng mundo

b)

Ang henyo ay madalas hindi nauunawaan at hindi sinusunod

c)

Ang henyo ay may perpektong buhay at hindi nagkakamali

d)

Ang henyo ay palaging masaya at kuntento

2.

Ano ang tono ng tulang Henyo ni Mark Twain?

a)

mapang-uyam at nanunuligsa

b)

Malungkot at sentimental

c)

Mapanindigan at seryoso

d)

Malalim at espiritwal

3.

Ano ang layunin ni Mark Twain sa pagsulat ng tulang Henyo?

a)

Upang ipakita ang kadakilaan ng mga henyo sa buong mundo

b)

Upang tuligsain ang paraan ng lipunan sa pagtrato sa henyo

c)

Upang ipakita ang kahalagahan ng edukasyon sa pagiging henyo

d)

Upang ipaliwanag kung paano nga ba maging henyo

4.

TAMA O MALI: Piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian sa ibaba.

Paksa - Henyo ni Mark Twain

A. Ang tula ay nagpapahiwatig na ang pagiging henyo ay isang pagpapala na madaling tanggapin ng lipunan.

B. Gumamit si Mark Twain ng satire upang ipakita na ang lipunan ay hindi laging kumikilala sa henyo.

a)

kapwa TAMA ang A at B

b)

kapwa MALI ang A at A

c)

TAMA ang A, MALI ang B

d)

MALI ang A, TAMA ang B

5.

TAMA O MALI: Piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian sa ibaba.

Paksa - Henyo ni Mark Twain

A. Ang ironya ng tula ay nagpapakita ng kontradiksyon sa pagitan ng potensyal ng isang henyo at sa paraan ng pagtanggap ng lipunan sa kanya

B. Isa sa mga temang makikita sa tula ay ang kawalan ng hustisya sa paraan ng pagtrato sa mga henyo.

a)

kapwa TAMA ang A at B

b)

kapwa MALI ang A at B

c)

TAMA ang A, MALI ang B

d)

MALI ang A, TAMA ang B

6.

Sa anong paraan ipinapakita ng tulang HENYO ni Mark Twain ang pagiging satirical o mapanukso?

a)

Sa pamamagitan ng tuwirang panunuligsa sa mga pulitiko

b)

Sa pamamagitan ng paglalarawan sa henyo bilang isang taong hindi pinapansin o nauunawaan

c)

Sa pamamagitan ng pagpapakita na ang henyo ay palaging tama

d)

Sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang henyo ay dapat sambahin

7.

Paksa: Panitikang Kanluranin

Ano ang pangunahing tema ng "Pride and Prejudice" ni Jane Austen?

a)

Ang digmaan at kapayapaan

b)

Ang kahalagahan ng pag-aasawa at katayuan sa lipunan

c)

Ang tunggalian ng mahika at agham

d)

Ang kalayaan sa politika

8.

Paksa: Panitikang Kanluranin

Ano ang kahulugan ng "Panitikang Kanluranin"?

a)

Panitikan mula sa Asya at Aprika

b)

Panitikan mula sa Europa at mga bansang may impluwensiyang Kanluranin

c)

Panitikang isinulat sa wikang Ingles

d)

Mga akdang relihiyoso mula sa Gitnang Silangan

9.

Paksa: Panitikang Kanluranin

Ano ang pangunahing tema ng "Crime and Punishment" ni Fyodor Dostoevsky?

a)

Ang kasaysayan ng Rebolusyong Pranses

b)

Ang paghahanap ng kayamanan sa isang lihim na isla

c)

Ang ugnayan ng tao at kalikasan

d)

Ang epekto ng moral na pagkakasala at pagsisisi sa isang tao

10.

Paksa: Panitikang Kanluranin

Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang pangunahing tema ng "Don Quixote" ni Miguel de Cervantes?

a)

Ang paghahanap ng tunay na pag-ibig

b)

Ang digmaan sa pagitan ng mabuti at masama

c)

Ang kontradiksyon ng realidad at ilusyon

d)

Ang paglalakbay patungo sa imortalidad

11.

Paksa: Panitikang Kanluranin

Ano ang mahalagang aral sa "Les Misérables" ni Victor Hugo?

a)

Ang tagumpay ay palaging nakukuha sa pamamagitan ng lakas

b)

Ang pag-ibig ay mas mahalaga kaysa sa moralidad

c)

Ang pagbabagong-loob at habag ay may kapangyarihang magpabago ng buhay

d)

Ang kayamanan ay susi sa kaligayahan

12.

Paksa: Panitikang Kanluranin

Ano ang pangunahing tema ng "Crime and Punishment" ni Fyodor Dostoevsky?

a)

Pulitika, pag-ibig at digmaan

b)

Pilosopiya, pananampalataya, at moralidad

c)

Pagtatayo ng kaharian at mapaniil na paghahari

d)

Paglalakbay sa hinaharap at pagtuklas sa kapalaran

13.

Paksa: Panitikang Kanluranin

Ano ang pangunahing tema ng "The Great Gatsby" ni F. Scott Fitzgerald?

a)

Ang halaga ng pagkakaibigan at samahan

b)

Ang kawalang-kabuluhan ng materyalismo at American Dream

c)

Ang pananampalataya sa Panginoon bilang inspirasyon sa buhay

d)

Ang digmaan sa pagitan ng mahihirap at mayayaman

14.

TAMA O MALI: Piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian sa ibaba.

Paksa - Panitikang Kanluranin

Nakahikayat ang Panitikang Kanluranin sa mga mambabasa upang

A. bigyang-halaga ang mga pangyayari sa nakaraan

B. mabago ang takbo ng buhay ng isang lipunan

a)

kapwa TAMA ang A at B

b)

kapwa MALI ang A at B

c)

TAMA ang A, MALI ang B

d)

MALI ang A, TAMA ang B

15.

Paano nagkakatulad ang Panitikang Kanluranin sa Panitikang Filipino?

a)

kapwa nakabatay sa kultura

b)

parehong ang tema ay pag-ibig

c)

kapwa tumutuligsa sa digmaan

d)

parehong kakikitaan ng makukulay na tagpuan at tauhan

16.

Ano ang ipinapakita ng linyang "Marahil, dahil dito kaya madalas na hindI nagbabayad ng upa ang mga henyo"?

a)

Ironiya

b)

Simile

c)

Personipikasyon

d)

Metapora

17.

Bakit tila may bahid ng pangungutya (satire) ang paglalarawan ni Mark Twain sa henyo?

a)

upang ipakita na ang henyo ay mahirap lamang kaya hindi mahalaga sa lipunan

b)

upang ipakita na ang pagiging henyo ay walang silbi kaya madalas pinagtatawanan

c)

upang ipakita na ang henyo ay hindi naman talaga matalino at maituturing na hangal lamang

d)

upang ipakita ang kontradiksyon sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa katalinuhan

18.

Bakit pinili ni Mark Twain na ilarawan ang henyo sa isang di-pangkaraniwang paraan?

a)

upang ipakita na ang henyo ay palaging seryoso at matalino

b)

upang ipakita na ang henyo ay may espesyal na kapangyarihan

c)

upang ipakita na ang henyo ay palaging perpekto at hindi nagkakamali

d)

upang ipakita na ang henyo ay naiiba at madalas hindi nauunawaan ng lipunan

19.

Paano ipinakita ng Panitikang Kanluranin ang ideya ng pag-ibig bilang pangunahing tema? 

a)

Sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga digmaan

b)

Sa pamamagitan ng pagsulat ng tulang tumatalakay sa kalikasan.

c)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kwentong may pagmamahalan

d)

Sa pamamagitan ng mga trahedyang pag-iibigan tulad ng Romeo and Juliet 

20.

Paano nakakaapeto ang trahedya sa mga tauhan sa Panitikang Kanluranin?

a)

 Ginagawa nitong perpekto ang mga tauhan

b)

Walang epekto ang trahedya sa mga tauhan

c)

Inilalarawan nitong laging masaya ang kanilang buhay

d)

Pinakikita nito ang kanilang moral na kahinaan at kapalaran