wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN

Total questions: 29

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Anong sektor ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap o materyales?

a)

teknolohiya

b)

agrikultura

c)

industriya

d)

edukasyon

2.

Anong bahagi ng sektor ng agrikultura ang tumutukoy sa pangangalaga ng mga kalabaw, baka, at kabayo?

a)

paggugubat

b)

pangingisda

c)

paghahayupan

d)

pagmimina

3.

Anong bahagi ng sektor ng agrikultura ang tumutukoy sa pagtatanim ng iba’t ibang halaman?

a)

pangingisda

b)

pagsasaka

c)

pagmimina

d)

paghahayupan

4.

Ano ang nagdudulot ng mga natural na suliranin?

a)

magandang kalikasan

b)

pagtaas ng kita ng mga magsasaka

c)

natural na kalamidad

d)

kawalan ng suplay ng pamilihan

5.

Alin sa sumusunod ang makapagpapabuti ng daloy ng ekonomiya sa pamilihan?

a)

supply chain

b)

kalakalan

c)

implasyon

d)

retail

6.

Anong uri ng patakaran ang tumutukoy sa mga polisiyang piskal at pananalapi?

a)

pagbubuwis

b)

makroekonomiko

c)

pamumuhunan

d)

maykroekonomiko

7.

Ano ang layunin ng rural na pagpapaunlad?

a)

demokrasya

b)

migrasyon

c)

implasyon

d)

komunikasyon

8.

Anong sektor ng ekonomiya ang nagpoproseso ng mga hilaw na sangkap para gawing mga produkto?

a)

industriya

b)

paglilingkod

c)

pananalapi

d)

agrikultura

9.

Anong sub-sektor ng industriya ang tumutukoy sa pagpoproseso ng mga hilaw na produkto gamit ang iba't ibang makina?

a)

konstruksyon

b)

utilities

c)

pagmimina

d)

pagmamanupaktura

10.

Anong sub-sektor ng industriya ang tumutukoy sa pagtatayo ng mga impraestraktura?

a)

pagmimina

b)

pangkabuhayan

c)

konstruksyon

d)

palingkurang bayan

11.

Anong sektor ang pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap bago ito maiproseso ng sektor ng industriya?

a)

pananalapi

b)

agrikultura

c)

pagmimina

d)

pangkabuhayan

12.

Saan ginagamit ang malalawak na lupaing agrikultural na nagdudulot ng suliranin sa sektor na ito?

a)

sakahan

b)

industriyal

c)

residensyal

d)

pamilihan

13.

Ano ang itinalaga ng pamahalaan upang mapaunlad ang mga piling lugar na nagsisilbing sentro ng industriya sa iba’t ibang bahagi ng bansa?

a)

Agro-Industrial Technology Transfer Program

b)

Industrial Guarantee and Loan Fund

c)

Regional Industrial Development Center

d)

Philippine Economic Zone Authority

14.

Anong programa ang inilunsad ng pamahalaan para matulungan ng mahihirap na negosyante?

a)

"Negosyo Mo, Sagot Ko."

b)

"Puhunan Mo, Tulong Ko."

c)

"Tulong Pangnegosyo"

d)

"Tulong Sa Tao"

15.

Anong samahan ang nilalahukan ng pamahalaan para makilala ang mga produktong Pilipino sa buong mundo?

a)

Multinational Corporation

b)

World Industrial Organization

c)

World Trade Organization

d)

International Trade Oraganization

16.

Ano ang isa pang tawag sa sektor ng paglilingkod?

a)

initial sector

b)

secondary sector

c)

primary sector

d)

tertiary sector

17.

Ano ang tawag sa proseso ng pag-aangat ng sektor ng paglilingkod bilang bahagi ng ekonomiya?

a)

specialization

b)

tertiarization

c)

monetarization

d)

upskilling

18.

Bakit mahalaga na bigyang pansin ang antas ng pagkonsumo sa pagpapaganda ng sektor ng paglilingkod?

a)

Ang mga ekonomista ay nagpayo na huwag nang kumonsumo ang mga tao.

b)

Magkaugnay ang pagkonsumo at produksyon

c)

Ang industriya at agrikultura ay mas lalong uunlad kung ang sektor paglilingkod at ang pagkonsumo ay pauunlarin.

d)

Ang pagkonsumo ay ginagawa ng maraming tao.

19.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tertiarization?

a)

Napili ang isang Pilipino bilang panauhing pandangal sa Worl Economic Forum.

b)

Nagkaroon ng matinding problema sa suplay ng tubig

20.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tertiarization?

a)

Napili ang isang Pilipino bilang panauhing pandangal sa Worl Economic Forum.

b)

Nagkaroon ng matinding problema sa suplay ng tubig ang mga naninirahan sa rural areas ng bansa.

c)

Nabawasan ang mga programang pangkalusugan ng mga lokal na pamahalaan ng bansa.

d)

Nagbukas ng maraming BPO companies sa bansa ang mga namumuhunan.

21.

Alin sa sumusunod ang HINDI totoong pahayag?

a)

Ang sektor ng paglilingkod ay kinabibilangan ng mga NGO.

b)

Mas napauunlad ang indibidwal na kakayahan sa sektor ng paglilingkod.

c)

Magkapareho ang papel na ginagampanan ng mga manufacturer at service providers sa kani-kanilang industriya.

d)

Ang mga produkto sa sektor ng paglilingkod ay nakatutulong sa isang makroekonomikong lebel.

22.

Sa paanong paraan nakilala ang Pilipinas sa mundo pagdating sa ekonomiya?

a)

bilang isang salary-dependent economy

b)

bilang isang industry-dependent economy

c)

bilang isang remittance-dependent economy

d)

bilang isang technology-dependent economy

23.

Bakit mahalaga ang Labor Code?

a)

Ito ang nagsasaad ng mga karapatan ng mga maypagawa laban sa mga empleyado.

b)

Ito ang nagsasaad ng mga kakayahang dapat makamit ng mga empleyado bago makapagtrabaho sa ibang bansa.

c)

Ito ang nagpapahayag ng lahat ng karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

d)

Ito ang nagsasaad ng mga tungkulin ng pamahalaan sa mamamayan.

24.

Bakit mahalaga na palaguin ang lakas paggawa ng bansa?

a)

Upang mapangalagaan ang economic resources ng bansa

b)

Upang makisabay sa ibang bansa.

c)

Upang dumami ang populasyon ng bansa.

d)

Upang makamit ang full employment.

25.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng paglago ng puhunan?

a)

pagsasara ng negosyo

b)

pagtatayo ng bagong branch o sangay ng isang negosyo

c)

pag-upa ng pwesto sa isang mataong lugar

d)

pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng bangko upang mangutang

26.

Alin sa sumusunod ang HINDI totoong pahayag?

a)

Kailangang panatilihing sustainable ang pag-unlad.

b)

Ang pag-unlad ay maaaring makamit ng anumang bansa.

c)

Mas malaki ang kita ng mga mamamayan mula sa less developed countries kaysa sa mga moderately developed countries.

d)

Ang populasyon ng mas mayamang bansa ay mas maliit kumpara sa papaunlad na bansa.

27.

Bakit mahalaga ang mga Overseas Filipino Workers?

a)

Magaling sila sa kanilang trabaho.

b)

Sila ang mga bagong bayani ng Pilipinas.

c)

Malaki ang kanilang kinikita sa ibang bansa.

d)

Nakapag-aambag sila sa ekonomiya ng bansa.

28.

Suriin ang dalawang pahayag. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

a)

Ang mga mamamayan ay mahalagang sangkap ng pambansang kaunlaran.

b)

Ang mga OFW ay nakatutulong sa pamamagitan ng remittance.

29.

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?

a)

Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng kapital o puhunan ng mga miyembro upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin.

b)

Ang kooperatiba ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng bansa.