wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

LAKBAY, NAKALARAWANG SANAYSAY AT POSISYONG PAPEL

Total questions: 50

Worksheet time: 34mins

Name
Class
Date
1.

Mahalagang maisaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na ilaw ng paligid, anggulo at komposisyon sa pagkuha ng mga litrato.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Sikaping magkaroon ng kabuluhan sa lipunan ang lilikhaing nakalarawang sanaysay.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Ang proseso sa paglika ng nakalarawang sanaysay ay nagsisimula sa pagpili ng larawang itatampok. 

a)

Tama

b)

Mali

4.

Maituturing na hindi lamang potograpo ang taggalikha ng nakalarawang sanaysay kundi isa ring mananalaysay.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Nararapat na tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakakapukaw sa damdamin ng mambabasa sa isang nakalarawang sanaysay. 

a)

Tama

b)

Mali

6.

Isang kababawan sa manlilikha ng nakalarawang sanaysay kung madali lamang naiintindihan ang kanyang mga larawan at di na napapaisip ang tumitingin dito.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Ang nakalarawang sanaysay ay maihahalintulad sa isang photo album.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ang mga larawan sa lilikhaing photo essay ay nararapat na may kaisahan at katuturan.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Kailangang maisaisip ang iyong motibo o layunin sa paghahanda ng nakalarawang sanaysay.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Higit na mainam kung mahaba ang paglalarawan sa nakalarawang sanaysay upang mas maging epektibo ang pagsasalaysay o pagkukuwento.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay- sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o dyornal at kamera. Mahalaga ito para sa wastong rekomendasyon ng sanaysay. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Ang lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista, dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Maging subhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon ng lugar na pinuntahan.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa _____.

a)

a.pansariling kasaysayan

b)

b. maidokumento ang kasaysayan

c)

c.kawilihan lamang

17.

Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging _______ sa paglalatag ng mga impormasyon.

a)

a.obhetibo

b)

b.organisado

c)

c.malinaw

18.

Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga sumusunod na gamit maliban sa isa___________.

a)

a. panulat

b)

b. dyornal

c)

c. radyo

19.

Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na kung saan nilalagyan ng maikling deskripsyon.

a)

a.dyornal

b)

b.sanaysay

c)

c.larawan

20.

Kasabay sa paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap na maunawaan ang kultura, kasaysaysan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at maging ang pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Maaari ding itala ang panlipunang kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya ay pagtuklas sa sarili.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang lakbay sanaysay ay mga salaysay ng mga manunulat ng kanilang naging karanasan mula sa kanilang paglalakbay.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Ang tanging layunin lamang ng mga turista sa tuwing sila ay namamsyal ay makatuklas ng bagong daigdig.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Ang mga manlalakbay naman ang tanging layunin lamang nila ay magpahinga ng ilang araw sa kanilang destinasyon na pinuntahan.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon bago magsusulat ng posisyong papel.

a)

TAMA

b)

MALI

26.

Ang nasabing sulatin ay gumagamit ng personal na atake upang siraan ang kabilang panig.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Maaaring gumamit ng isang balangkas kapag nagsusulat ng posisyong papel.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Hindi nangangailangan ng masusing pagsusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging sa kabilang panig ang isang posisyong papel.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na

kung ito ay pawang katotohanan.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating damdamin na wala sa awtoridad.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

Maaaring gamitin ang isang opinion bilang isang matibay na ebidensiya lalo na kung ito ay galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga kilalang tao na may sapat na kaalaman kaugnay sa paksa.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging obhetibo sa pangangatuwiran.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang

dyornal o kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o anumang obserbasyon sa isang lugar.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing layunin sa pagsulat ng pagsisimula.

a)

TAMA

b)

MALI

35.

Ang pagbibigay ng opinyon at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang magagamit sa pagsulat.

a)

TAMA

b)

MALI

36.

TAMA O MALI (Modified True or False)

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag; kung mali naman, palitan ang nakasalungguhit na salita upang maging totoo ang pahayag.

Ang mga posisyong papel ay nakabatay sa mga kathang-isip na nagbibigay ng isang matatag na pundasyon para sa iyong mga argumento.

(a)  

37.

TAMA O MALI (Modified True or False)

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag; kung mali naman, palitan ang nakasalungguhit na salita upang maging totoo ang pahayag.

Suriin ang mga posibleng suliranin at magmungkahi ng aksyon. Pumili ng isang isyu kung saan mayroong isang malinaw na dibisyon ng opinion.

(a)  

38.

TAMA O MALI (Modified True or False)

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag; kung mali naman, palitan ang nakasalungguhit na salita upang maging totoo ang pahayag.

Dapat ibinubuod sa kongklusyon ang mga pangunahing konsepto o ideya at pinagtitibay ito nang may paulit-ulit na pahayag sa pagpapakilala o katawan ng papel.

(a)  

39.

TAMA O MALI (Modified True or False)

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag; kung mali naman, palitan ang nakasalungguhit na salita upang maging totoo ang pahayag.

Saliksikin nang lubusan ang iyong isyu. Kumunsulta sa mga eksperto at kumuha ng mga pangunahing dokumento.

(a)  

40.

TAMA O MALI (Modified True or False)

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag; kung mali naman, palitan ang nakasalungguhit na salita upang maging totoo ang pahayag.

May tatlong bahagi ang posisyong papel: ang panimula, paninidigan, at wakas.

(a)  

41.

TAMA O MALI (Modified True or False)

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag; kung mali naman, palitan ang nakasalungguhit na salita upang maging totoo ang pahayag.

Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang sanggunian o pangunahing pinagkukunan ng sipi.

(a)  

42.

Ano ang layunin ng posisyong papel?

a)

Magpahayag ng personal na opinyon ng manunulat

b)

Magbigay ng impormasyon ukol sa isang paksa

c)

Mang-akit o mangumbinsi ng mambabasa

d)

Ipakita ang kabatiran ng manunulat ukol sa isang isyu

43.

Ano ang tamang paraan ng pag-cite ng mga sanggunian sa posisyong papel?

a)

Maglagay ng link patungo sa mga sanggunian

b)

Ilista ang mga sanggunian sa dulo ng papel

c)

Ilagay ang mga sanggunian sa talampakan ng papel

d)

Gumamit ng tamang format tulad ng APA o MLA style

44.

Ano ang pinakamahalagang bahagi ng posisyong papel?

a)

Konklusyon

b)

Introduksyon

c)

Mga batayang argumento

d)

Listahan ng sanggunian

45.

Sa pagsulat ng posisyong papel ay inilalahad ang kahinaan at kalakasan ng dalawang panig upang makatulong sa pagpapasya ng mga taong wala pang alam hinggil sa isang isyu.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Higit na makabubuti kung mahaba ang posisyong papel. 

a)

Tama

b)

Mali

47.

Upang higit na matibay ang iyong pangangatuwiran o posisyon, sikaping maglahad ng mabibigat na dahilan kung bakit ito kinakailangang tutulan o sang-ayunan. 

a)

Tama

b)

Mali

48.

Hindi kinakailangang maging marubdob o madamdamin ang pagsulat ng posisyong papel. 

a)

Tama

b)

Mali

49.

Kinakailangang matiyak na ang pinagkunan ng impormasyon ay mapagkakatiwalaan.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Gumagamit din ang posisyong papel ng mga personal na banat o pagbatikos upang mapulaan ang kabilang panig.

a)

MALI

b)

TAMA