wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FIlipino Q4-1

Total questions: 63

Worksheet time: 43mins

Name
Class
Date
1.
Ito ay binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay tungkol sa isang paksa.
a)
pangungusap
b)
salita
c)
talata
2.

Si Bb. Maria Clara ay isang guro sa Sta. Cecilia Parochial School. Siya ay nagtuturo ng Religion. Mabait at masipag na guro. Siya ay pinarangalan bilang isang ulirang guro. Tama ba ang pagkasulat ng talata?

a)

Hindi

b)

Maaari

c)

Oo

3.
Ang ____ ay ang muling pagkukuwento sa isang akdang nabasa o napakinggan na gamit ang sariling pananalita.
a)
buod
b)
pangungusap
c)
talata
4.
Paano makagagawa ng buod o lagom ng isang talata o kuwento?
a)
Alamin ang paksa ng bawat talata/kuwento.
b)
Alamin ang buhay ng sumulat sa kuwento.
c)
Alamin ang katapusan ng kuwento
5.
Isang taon na ang lumipas nang magsimula ang pandemyang Covid-19. Araw-araw pataas nang pataas ang bilang ng tinatamaan nito ngunit patuloy pa rin tayong nakikipaglaban upang manatiling ligtas at hindi mahawa ng sakit na ito. Ano ang buod o lagom nito?
a)
Hindi na mabibilang ang mga natamaan.
b)
Patuloy pa rin tayong lumalaban sa pandemya pagkalipas ng isang taon.
c)
Patuloy pa rin ang pagbibigay ng Covid-19 vaccine sa mga tao
6.
Maraming naitutulong ang punongkahoy. Mula sa punongkahoy ang mga notbuk, papel na ating sinusulatan, mga karton, tissue, at iba pa. Kaya dapat lang na magtanim tayo ng punongkahoy upang maiwasan ang pagkawala ng ating pinagkukunan ng mga kagamitan. Ano ang buod nito?
a)
Huwag mabahala kung mawawala ang punongkahoy.
b)
Maraming maibibigay ang punongkahoy sa atin.
c)
Magtiwala sa Panginoon na bibigyan tayo uli ng punongkahoy.
7.
Pinuntahan nina Lorna at Delia ang lalawigan ng Bohol dahil narinig nila na dinarayo ito ng mga turista, lalo na ang Chocolate Hills. Nagkukulay tsokolate ang mga burol na ito tuwing buwan ng Abril at Mayo dahil ito ay tag-araw, kulayluntian naman kung tag-ulan. Ano ang buod o lagom sa talatang ito?
a)
Ang Bohol ay puno na ng mga turista.
b)
Maraming pumuntang mga turista sa Bohol dahil sa nagagandahang Chocolate Hills.
c)
Hindi maiwasan na ang Chocolate Hills ay maibaiba ang kulay nito dahil sa panahon.
8.

Ito ay maikling lagom ng akdang binabasa. Binubuo ito ng paksang-diwa at mahahalagang detalye.

a)

buod

b)

pamagat

c)

simula

9.

Ano ang tawag sa pagpapaikli ng teksto?

a)

buod

b)

pangungusap

c)

parirala

d)

talata

10.

Ang buod ay mas mhaba p sa orihinal na teksto.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Sa pagbibigay ng lagom o buod, dapat magbigay ng halimbawa at opinyon.

a)

tama

b)

mali

12.

Ang pangunahing idea na pinag-uusapan o tinatalakay sa isang pangungusap o talata.

(a)  

13.

Naglalahad ng pangunahing paksa o kabuuang diwa ng talata.

(a)  

14.

Saan maaring makita ang pangunahing paksa ng isang akda?

a)

unang pangungusap

b)

gitna ng akda

c)

huling pangungusap

d)

unang salita

15.

Kadalasan ay matatagpuan sa unang pangungusap at huling pangungusap ng isang talata ang pangunahing kaisipan.


TAMA o MALI

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Ang _____ ay tumutukoy sa pinaikling bersyon ng orihinal at ipinahahayag sa sariling pananalita ng gumawa nito.

a)

Kaisipan

b)

Buod

c)

Pangungusap

d)

Diwa

17.

Kapag ang pangunahing kaisipan ay nasa huling talata, kadalasang ito ay __________.

a)

Konklusyon

b)

Pagpapakilala sa paksa

c)

Pagsasalaysay

d)

Pagsuporta sa paksa

18.

Sa pangunahing kaisipan makikita ang pinakadiwa ng isang talata. Ang pangungusap na ito ay

a)

Mali

b)

Palagay

c)

Tama

d)

Opinyon

19.

Sa isang _____ matatagpuan ang pangunahing kaisipan at pantulong na detalye.

a)

pangungusap

b)

tula

c)

salita

d)

talata

20.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay pangunahing Kaisipan o Pantulong na Kaisipan.


1. Nakamamatay ang paninigarilyo.

a)

pangunahing kaisipan

b)

pantulong na kaisipan

21.

2. Una, Ugaliing maghugas ng mga kamay upang hindi kumapit ang Virus.

a)

Pangunahing Kaisipan

b)

Pantulong na Kaisipan

22.

3. Ang pananampalataya sa Panginoon ay ating sandata sa anumang pagsubok.

a)

Pangunahing Kaisipan

b)

Pantulong na kaisipan

23.

4. Kaya nararapat lamang na tayo ay manalig upang tayo'y magabayan sa lahat ng oras at mailigtas sa anumang kapahamakan.

a)

Pangunahing Kaisipan

b)

Pantulong na kaisipan

24.

5. Ipatutupad ang Curfew sa 897 na barangay sa anim na distrito ng Maynila.

a)

Pangunahing Kaisipan

b)

Pantulong na Kaisipan

25.

6. Dahil dito, mababawasan ang mga taong pakalat-kalat sa kalye at mga lumalabag sa Health Protocol.

a)

Pangunahing Kaisipan

b)

Pantulong na kaisipan

26.

7. Sampung magagandang kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino.

a)

Pangunahing kaisipan

b)

pantulong na kaisipan

27.

8. Isa na rito ang pagiging magalang, ang pagsabi ng po at opo lalo na kung mas nakatatanda ang kinakausap.

a)

Pangunahing Kaisipan

b)

Pantulong na Kaisipan

28.

9. Ito ang pinakamahalagang ideya ng teksto o talata. Ito ay matatagpuan kadalasan sa simula at hulihan. Ito rin ay sumasagot na tanong na , tungkol saan ang paksa?

a)

Pangunahing kaisipan

b)

Pantulong na kaisipan

29.

10. Ito ang mga suportang detalye na nagbibigay linaw o nagpapaliwanag hinggil sa paksang pangungusap.

a)

Pangunahing kaisipan

b)

Pantulong na kaisipan

30.

Ito ay binubuo ng grupo ng mga pangungusap na may isang paksang diwa.

a)

ideya

b)

talata

c)

bantas

31.

Nagsisimula sa malaking titik ang bawat pangungusap sa isang talata.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ilang paksa mayroon ang isang talata?

a)

isa (1)

b)

dalawa (2)

c)

tatlo (3)

33.

Dapat magkakaugnay ang diwa ng bawat pangungusap sa isang talata.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Hindi kailangang ipasok o i - indent ang unang salita sa isang talata.

a)

Tama

b)

Mali

35.

"Si Bella ay tumatahol sa labas ng bahay. May nakita siyang pumasok na tao sa aming bakuran. Tumakbo ito para puntahan ang bagong dating". Ano ang paksa ng talata?

a)

Ang kapatid kong si Bella

b)

Ang alaga kong aso

c)

Ang bisita namin na si Bella

36.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba't ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa.

a)

Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa.

b)

Ang Makati ay may iba't ibang tanyag na hotel at restawran.

c)

Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati.

d)

Kilang-kilala ang lunsod ng Makati.

37.

Sina Alen at Anton ay matalik na magkaibigan. Si Alen ay mahilig magbisikleta. Si Anton ay mahilig ding magbisikleta. Sila ay laging magkasama. Sila ay laging masaya.

a)

Sina Alen at Anton ay matalik na magkaibigan.

b)

Sila ay laging masaya.

c)

Si Alen ay mahilig magbisikleta.

d)

Si Anton ay mahilig ding magbisikleta.

38.

May batang mahilig magbasa. Marami siyang libro. Bili iyon ng kanyang ina. Ang pinakapaborito niya ay kuwentong "Ang Munting Unggoy". Si Niko ang batang mahilig magbasa.

a)

Marami siyang libro.

b)

Bili iyon ng kanyang ina.

c)

Paborito niya ang "Ang Munting Unggoy".

d)

Si Niko ang batang mahilig magbasa.

39.

Binuksan ni Arding ang kanyang bag. Kumuha siya ng kuwaderno. Kumuha siya ng lapis. Binuklat niya ang isang aklat. Gagawa si Arding ng kanyang takdang-aralin.

a)

Binuklat niya ang isang aklat.

b)

Gagawa si Arding ng kanyang takdang-aralin.

c)

Binuksan ni Arding ang kanyang bag.

d)

Kumuha siya ng kuwaderno.

40.

Ang Narra ay pambansang puno ng Pilipinas. Ito ay matibay. Ito ay mataas. Ito ay may malagong dahon.

a)

Ang Narra ay pambansang puno ng Pilipinas.

b)

Ang Narra ay matibay.

c)

Ang Narra ay mataas.

d)

Ang Narra ay may malagong dahon.

41.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


Maaga pa ay gising na lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.

a)

Maaga pa ay gising na lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Isidro.

b)

Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan.

c)

Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa.

d)

Ito ang araw ng kanyang kasal.

42.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.

a)

May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay.

b)

Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan.

c)

Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw.

d)

Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim.

e)

Marami pang kulay ang may kahulugan.

43.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


Ang aklat ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon. Ito rin ay nagdadala sa atin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

a)

Ang aklat ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon.

b)

Ito rin ay nagdadala sa atin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa.

c)

Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat.

d)

Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

44.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito.

a)

Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan ay ang kapaskuhan.

b)

Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito.

c)

Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit.

d)

Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din.

e)

At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito.

45.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba't ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa.

a)

Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati.

b)

Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo.

c)

Narito rin ang iba't ibang mga hotel at restawran na tanyag.

d)

Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa.

46.

Magbigay ng 2 pangungusap gamit ang tambalang salita ng di-ganap.

4 lines
47.

pulutong ng mga nakulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog, makikita ito pagkatapos ng pag-ulan

a)

bahaghari

b)

balikbayan

c)

bahagulan

48.

masigasig o magaling sa paggawa sa unang pagkakataon lamang

a)

ningas-kugon

b)

boses-palaka

c)

balat-sibuyas

49.

taong nagbabalik sa sariling bansa mula sa ibang bansa

a)

balikbayan

b)

balikbata

c)

balikatan

50.

katabi o kalapit na bahay

a)

kapittuko

b)

kapitbahay

c)

kapitpatalim

51.

nabibilang sa mga pamilya ng mayayaman tulad ng hari at reyna

a)

dugong-dilaw

b)

dugong-bughaw

c)

dugong-kalabaw

52.

pagbubukas o pagsisimula ng liwanag

a)

takipsilim

b)

dapithapon

c)

bukang-liwayway

53.

maawain, malambot ang puso

a)

pusong-mamon

b)

pusong bato

c)

pusong saging

54.

Isa sa mga ugaling ayaw ko sa kanya ay ang kanyang pagiging balat-sibuyas sapagkat umiiyak siya

kahit sa napakaliit na bagay lamang.

a)

maganda ang kutis o balat

b)

madaling magalit

c)

madaling masaktan ang damdamin

d)

mabilis magsalita

55.

Sa tuwing kailangan niyang magdesisyon, siya ay palaging atras-abante. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

a)

nag-iisip

b)

nanonood

c)

nagagalit

d)

nag-aalangan

56.

Kahit siya ay anak-pawis, nagsusumikap pa rin siyang makapagtapos ng pag-aaral.

a)

mabaho na dahil sa pawis

b)

maraming pawis ang anak

c)

mahirap sa buhay

d)

umuwing pawis na pawis

57.

Siya ay umiiyak ngayon dahil ang kanyang lolo ay agaw-buhay sa ospital.

a)

malapit nang mamatay

b)

malapit nang lumabas sa ospital

c)

nagpapagamot

d)

may sakit

58.

Malapit na tayo sa kanila dahil abot-tanaw na natin ang kanilang tirahan.

a)

nakikita lahat

b)

mata ang ginagamit

c)

konting hakbang na lang

d)

naaabot ng paningin

59.

Sabik na sabik na siya dahil abot-kamay na niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

a)

hawak ang kamay

b)

malapit nang makamit

c)

malapit nang matapos

d)

inabot niya ang kamay

60.

Piliin sa kahon sa ibaba ang tambalang salitang bubuo sa pangungusap.

5. ________ ang pasasalamat ng biktima ng krimen sa mga taong tumulong upang mailigtas siya.

a)

Lakas-loob

b)

Taos-puso

c)

takdang-aralin

d)

abot-kaya

61.

Piliin sa kahon sa ibaba ang tambalang salitang bubuo sa pangungusap.

6. Mabait ang ________ sa paaralang elementarya na aking pinapasukan .

a)

Lakas-loob

b)

mga guro

c)

takdang-aralin

d)

punong-guro

62.

Piliin sa kahon sa ibaba ang tambalang salitang bubuo sa pangungusap.

6. Sa ________ nag-lalaba si Inay at ate tuwing umaga ng Sabado .

a)

tabi ng dagat

b)

tabing-ilog

c)

takdang-aralin

d)

ilog

63.

Piliin sa kahon sa ibaba ang tambalang salitang bubuo sa pangungusap.

2. Ang dating mamahaling gamot ay ________ na ngayon.

a)

lakas-loob

b)

Anak-pawis

c)

taos-puso

d)

abot-kaya