NEW
Font size
WorksheetsReviewer Para sa Pre Test sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4th Quarter
Total questions: 50
Worksheet time: 1hrs 15mins
Ito ay tumutukoy sa trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Dapat ang trabahong pipiliin at paghahandaan ng mag- aaral na tulad mo ay tugma at naaayon sa iyong talino, hilig at kakayahan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay at maging kapakipakinabang sa pamilya at sa lipunan
Misyon
Propesyon
Bokasyon
Desisyon
Ito ay tumutukoy sa hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
Misyon
Propesyon
Bokasyon
Desisyon
Ito ay katulad din sa propesyon ngunit mas kawili-wili sa tao sapagkat nagagamit niya ang kaniyang talento kaya hindi niya nararamdaman ang pagkabagot Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
Misyon
Propesyon
Bokasyon
Desisyon
Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw.
Talaan ng mga pangarap sa buhay
Layunin at Pagsisikap
Inspirasyon sa buhay
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay, ano ang kahulugan ng SMART ?
Specific, Measurable, Aesthetic, Relevance, Time Bound
Specific, Measurable, Againable, Realistic, Time Bound
Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Timer
Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound
Sa paggawa ng Personal Mission Statement, kinakailangang ang lahat ng isusulat mo dito ay ispisipiko. Kung kaya't mahalaga na ikaw ay magnilay upang makita mo ang nais mong tahakin nang sa gayon ay hindi pabago-bago ang iyong pagpapasya. Anong hakbang sa pagbuo ng PPMB ang tinutukoy dito?
tiyak (specific)
nasusukat (measurable )
angkop (relevant)
napapanahon (time bound)
Kailangang itanong mo sa iyong sarili kung ang personal na pahayag ng misyon mo sa buhay ay totoong kaya mong gawin dahil kung hindi ay masasayang lamang ang tuition fee dahil baka mag shift ka lang ng kurso sa bandang huli. Anong hakbang sa pagbuo ng PPMB ang tinutukoy dito?
tiyak (specific )
napapanahon (time bound)
angkop (relevant)
naaabot (measurable)
Sa pagbuo ng PPMB nararapat na ito ay ayon sa pangangailangan ng iyong kapwa. Ang iyong pagkilos ay dapat responsible, mapanagutan at isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat. Anong hakbang sa kraytiryang SMART ang tinutukoy dito?
tiyak (specific)
nasusukat (measurable)
angkop (relevant)
nagagawa (attainable)
Mahalaga ang pagtatakda ng panahon o oras kung kailan isasakatuparan ang iyong misyon upang hindi maubos ang maraming taon para sa isang gawain. Mainam na ito ay itakda upang masuri kung ikaw ay nagtagumpay o nabigo sa iyong misyon. Anong hakbang sa pagbuo ng PPMB ang tinutukoy dito?
Specific
Relevant
Attainable
Time bound
Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, nararapat na isaalang-alang ang krartiryang ___________. Ito ay mahalaga upang maging malinaw sa iyo ang landas na tatahakin sa buhay.
RIASEC
SMART
PPMB
GLOBE
Bakit mahalaga na ngayon pa lamang ay marunong ka nang magpasiya ng wasto at makabuluhan?
Upang mas maging madali ang buhay
Upang hindi magsisihan sa bandang huli
Upang mas makatipid ng panahon at hindi na ito paulit-ulit pang pag-iisipan.
Upang magkaroon ng matalinong desisyon at maayos na direksyon sa buhay
Ano ang maidudulot sa iyong buhay kung maaga mong matutukoy ang iyong misyon?
matatakot ka sa responsibilidad kaya magbabarkada ka na lamang upang makaiwas sa obligasyon
mapaghahandaan mo at mapagpaplanuhan ang iyong mga hakbang upang masigurong matutupad ang iyong misyon
masyado mo itong seseryosohin at mawawalan ka ng panahon sa paglilibang at pamamasyal
kakantyawan ka ng iyong mga kaibigan kaya isasantabi mo na lamang ang iyong misyon
Alin ang nagpapakita ng mapanagutang kilos tungo sa pagtupad sa misyon?
Bilang panganay na anak, batid ni Orlando na sa hinaharap ay kailangan niyang tumulong sa pagpapaaral sa kanyang nakababatang kapatid. Dahil dito umiiwas siya sa bisyo, maagang relasyon at mga masasamang impluwensiya upang hindi siya maligaw ng landas.
OFW ang magulang ni Kim kaya hindi siya nagpaplano sa hinaharap, alam kasi niyang may tutulong sa kanya anumang oras niya ito kailanganin. Ayon sa kanya, "You only live once", kaya naniniwala siya sa kasabihang "eat, drink, and be merry".
Palakaibigan si Margarita kaya nahihirapan siyang tumanggi sa mga pagyayaya ng barkada. Isang araw ay bigla na lamang ito huminto sa pag-aaral dahil sa maagang pagbubuntis.
Working student si Tristan dahil mahirap ang kanyang mga magulang. Nang makamit niya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ay nagtrabaho agad siya sa ibang bansa. Bihira itong magbigay ng pinansiyal na tulong sa kanyang pamilya dahil katwiran niya, hindi naman siya pinag-aral ng kanyang mga magulang kaya hindi rin nila deserve na matulungan.
Suriin ang mga sumusunod na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Aling PPMB ang dapat tularan?
Bilang isang mabuting anak, nais kong makapagtapos ng pag-aaral, maiahon sa kahirapan ang aking pamilya, makatulong sa kapwa at makapaglingkod sa Diyos at sa bansa.
Bilang isang makatuwirang mamamayan, nais kong maging disiplinado sa lahat ng pagkakataon, sumunod sa batas at umiwas sa gulo.
Bilang isang mabuting tao, hangad ko ang pag-unlad ng lipunan, pagganda ng ekonomiya, pagkakaroon ng maayos na sistema, tapat na namumuno, matiwasay na pamumuhay at mapayapang kapaligiran.
Bilang isang matalinong nilalang hindi ako manlalamang at mang-aapi ng kapwa, igagalang ko ang aking mga magulang at lahat ng nakatatanda at awtoridad. Hindi ako magdadamot bagkus ay tutulong ako sa abot ng aking makakaya upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay sa ating bansa.
Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay ang magkaroon ng makabuluhang misyon. Alin ang magdudulot ng totoong kaligayahan?
Paglilingkod
Pamamahinga
Kasikatan
Kayamanan
Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita kung paano maisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pagtupad ng iyong misyon?
alamin ang sasabihin ng iba para agad umayon sa kanila
isipin ang kapakanan ng kapwa kaysa personal na pakinabang
magbigay ng suhol kung kinakailangan
gumamit ng puwersa sa sinumang sasagabal sa misyon
Ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagganap sa iyong misyon
ang salaping kikitain mula rito
ang pabor na makukuha mula sa mga koneksyon
ang pagiging responsable at mapanagutan sa kapwa
ang kasikatan na matatamo mula sa mga makakasalamuhang tao
Ito ay tumutukoy sa iyong mga naisin at hangarin sa buhay.
Pagpapahalaga
Talento
Hilig
Mithiin
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao kung saan siya mahusay o magaling. Ito ay bunga ng matiyagang pagpapraktis.
Mithiin
Talento
Hilig
Kasanayan
May mga taong nagpapakita ng kasanayan sa pakikipagtulungan at pakikisama sa iba, paglilingkod at panghihikayat sa iba na mag-isip at kumilos. Kung pililiin nilang maging health workers at customer service agent, ano sa palagay mo ang kasanayang nangingibabaw sa kanila?
People Skill
Data Skill
Thing Skill
Idea Skill
Ang taong may ganitong kasanayan ay lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay. Dapat tayong magbasa at manuod upang mapalawak ang kaalaman at opinyon para makapagmungkahi ng solusyon.
People Skill
Data Skill
Thing Skill
Idea Skill
Ang mga tao na may ganitong uri ng kasanayan ay may kakayahang humahawak ng mga dokumento. Mapalalawak ang kakayahang ito kung didisiplinahin ang sarili na magligpit at iayos mabuti ang mga files
People Skill
Data Skill
Thing Skill
Idea Skill
Ang taong may ganitong kasanayan ay nakapagpapaandar at nakabubuo ng mga makina. Kung nais maging technician, simulan ng magsanay sa pagkukumpuni ng mga kagamitan.
People Skill
Data Skill
Thing Skill
Idea Skill
Ang taong nabibilang sa ganitong hilig ay mailalarawan bilang malikhain. Kailangan ng regular na ensayo upang patuloy na maging malawak ang isipan at mataas ang imahinasyon
Artistic
Social
Enterprising
Conventional
Ayon sa RIASEC ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay kaysa makihalubilo iba. Ang hakbang upang mapauunlad ang kakayahang ito ay sa pamamagitan ng kasipagan at pagtitiyaga ng ating kamay sa paggawa
Realistic
Investigative
Enterprising
Social
Ang taong nasa ganitong grupo ng interes ay palakaibigan. Bilang mag-aaral ay sanayin mo ang iyong sarili sa mga interaksyon at talakayan upang higit na mapaunlad ang iyong pagkatao
Artistic
Social
Enterprising
Conventional
Ito ang interes o hilig na nakatuon sa mga gawaing pang-agham. Mapapaunlad pa ito sa pamamagitan ng ibayong pananaliksik upang higit na mapayaman ang ideya at kakayahang pang-agham.
Realistic
Investigative
Artistic
Social
Ang pangkat ng taong may mataas na interes dito ay organisado at may sistema sa gawain. Habang estudyante pa lamang ay simulan na ang pag-organisa sa sariling gamit, rekord at mga dokumento
Artistic
Social
Enterprising
Conventional
Likas sa mga taong may ganitong uri ng hilig o interes ang pagiging mapanghikayat kaya ngayon pa lang ay gamitin na ang husay para makumbinsi ang mga kabataan na magsikap at magtapos ng pag-aaral.
Artistic
Social
Enterprising
Conventional
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng personal na pahayag ng misyon sa buhay (PPMB) maliban sa:
Ang PPMB ay mahalaga upang magkaron ng gabay ang tao
Ang PPMB ay mahalaga upang masiguro ang kasiyahan at karangyaan
ang PPMB ay nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao upang hindi maligaw ng landas
ang PPMB ay mahalaga upang makaiwas ang tao sa mga masasamang impluwensya na hahadlang sa kanyang pangarap
Si Samantha ay nagtataglay ng husay sa pagbabasa, pagsusulat, pagmememorya ng salita. Pangarap niyang maging lawyer o journalist. Saan kaya nabibilang ang kanyang talino?
logical-mathematical
verbal-linguistic
visual-spatial
naturalist
May mga taong mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin gaya ng designer, photographer at beauty consultants. Saan kaya nabibilang ang kanilang talino?
logical-mathematical
verbal-linguistic
visual-spatial
musical-rhythmic
Si Michael ay nagpapamalas ng talento na may kaugnayan sa mga tunog, pag-uulit at melodiya. Alin ang angkop na trabaho para sa kanya?
kompositor
gardener
athlete
surgeon
Ito ang talinong may kaugnayan sa pangangatuwiran, abstraksyon, lohika, paglutas ng suliranin (problem solving) at mga numero. Tugma sa talinong ito ang pagiging inhinyero at statistician. Saan ito nabibilang?
logical-mathematical
verbal-linguistic
visual-spatial
musical-rhythmic
Ang larangang may kaugnayan sa pagsasayaw, isports, konstruksyon at pagsusundalo ay tugma sa taong mahusay sa mga pisikal na aktibidad. Ano ang tinutukoy na talino dito?
bodily-kinesthethic.
intrapersonal
interpersonal
naturalist
Kapag ang tao ay may talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagmanipula ng mga elemento ng kapaligiran, bagay, hayop o halaman, tugma sa kanila ang pagiging meteorologist, biologist at veterinarian. Ano ang talinong tinutukoy dito?
bodily-kinesthethic.
intrapersonal
interpersonal
naturalist
Si Rudy ay madalas nakikipag-ugnayan at may interaksiyon sa kapwa. Pangarap niyang maging politiko balang araw. Ano kaya ang taglay niyang talino?
existential
intrapersonal
interpersonal
naturalist
Si Brando ay may kapasidad na maunawaan at pag-isipan ang mga paksang pilosopikal na may kaugnayan sa pag-iral ng sangkatauhan kaya nais niyang maging pastor. Ano kaya ang taglay niyang talino?
existential
intrapersonal
interpersonal
naturalist
Ang taong may intrapersonal na talino ay may pag-unawa sa kanyang sariling damdamin, motibasyon at layunin. Mataas ang kaniyang kamalayan sa sariling kalakasan at kahinaan. Ano kaya ang angkop na larangan para sa kanya?
researcher o manunulat
sales agent o beterinaryo
doktor
vlogger
Ito ay likas na kakayahang nagmula sa Diyos na kailangang tuklasin at paunlarin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
Mithiin
Talento
Hilig
Kasanayan
Ang itinuturing ng tao na makabuluhan o may saysay ang siyang nagtutulak sa kanya para magsikap, magpursigi at magpatuloy sa kabila ng iba't-ibang problema o pagsubok sa buhay.
Pagpapahalaga
Talento
Hilig
Mithiin
Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
Pagpapahalaga
Talento
Hilig
Mithiin
Nais ng lola ni Amanda na maging nurse sya, ayaw sana niyang biguin ang lola subalit labag naman ito sa loob nya. Kinausap nya ang kanyang lola upang hindi ito magdamdam. Ang totoong pangarap ni Amanda ay maging isang matagumpay na abogado. Hangad nyang ipagtanggol ang mga naaapi lalo na ang mga kapos-palad sa lipunan. Anong salik ang pinagbatayan ni Amanda sa kanyang pagpapasya?
talino
hilig
kasanayan
mithiin
Inaaya ni Marco ang matalik nyang kaibigan na si Andrew na kumuha ng kursong engineering. Subalit tumanggi ito dahil alam naman nyang mahina sya sa matematika. Anong salik ang pinagbatayan ni Marco sa pagtanggi sa kursong pang-enhinyero?
talino
hilig
kasanayan
mithiin
Maraming kapitbahay si Dencio na umunlad sa buhay sa pagiging seaman. Pero marami rin naman syang nabalitaan na negatibong epekto sa relasyon ng mag-asawa at masasamang epekto sa ugali ng mga anak kapag nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang. Mas importante kay Dencio ang close family ties, katapatan, pagmamahal at paglilingkod sa pamilya kaya dito nya sa Pilipinas nais magtrabaho. Anong salik ang nangibabaw sa pagpapasya ni Dencio?
pagpapahalaga
talino
kasanayan
hilig
Nagdadalawang isip si Simon kung papasok ba siya sa Academic Track o Technical Vocational Track sa Senior High School. Buti na lang at naalala niya na mas paborito niya ang mga gawaing may kaugnayan sa kompyuter, lubhang interesado siya dito kahit sa murang edad pa lamang. Dahil dito ay pinili niyang mag-enroll sa ICT sa ilalim ng Technical Vocational TrackAnong salik ang pinagbatayan ni Simon sa kanyang pagpapasya?
talino
hilig
kasanayan
mithiin
Anong salik ang pinagbatayan ni Randy?Uso ang kursong IT o Information Technology kaya inaaya si Randy ng kanyang mga barkada na mag-enroll sa ICT. Ayaw sana niyang mahiwalay sa mga kaibigan subalit alam niyang hindi siya bihasa (expert) sa paggamit ng kompyuter at sa mga prosesong may kinalaman dito. Bilang panganay lagi siyang inuutusan magluto kaya praktisado siya sa gawaing ito. Dahil dito mas pinili niya ang Cookery sa Senior High School. Anong salik ang pinagbatayan ni Randy?
pagpapahalaga
mithiin
kasanayan
hilig
Alam ni Clara na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina dahil walang kakayahan ang kaniyang mga magulang na suportahan siya. Dahil dito, sinikap niyang maghanap ng mga scholarship at tulong mula sa ibang tao. Anong salik ang pinaghandaan ni Clara?
impluwensiya ng guro
impluwensiya ng barkada
kakayahang pinansiyal
lokal na demand
Matiyagang nagsasaliksik si Emilio ng iba’t-ibang impormasyon tungkol sa kursong Accountancy. Ito ang paraan niya ng paghahanda sa kursong kanyang minimithi. Napag-alaman niyang kabilang pala ito sa mga trabahong kailangan sa bawat kumpanyaAnong salik ang isinaalang-alang ni Emilio?
impluwensiya ng guro
impluwensiya ng barkada
kakayahang pinansiyal
lokal na demand
Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
Makinig sa mga gusto ng kaibigan
Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
Humungi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
