Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEWER FOR 2nd PT in ESP

Total questions: 52

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tama ang pasya o desisyon?

a)

Ito ay ayon sa Mabuti

b)

walang masasaktan

c)

makapagpapabuti sa tao

d)

magdudulot ito ng kasiyahan

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi umaayon sa likas na batas moral?

a)

pagkaltas ng SSS, Pag-ibig at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon

b)

Pagtututuro sa mga bata ng tamang pangangalaga ng sarili

c)

Pagbalik sa may-ari ng pera na napulot

d)

Paghihikayat sa mga tao na magsimba tuwing linggo.

3.

Ang tama ay pagsunod sa Mabuti. Ito ay totoo dahil bakit?

a)

Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon

b)

angkop sa kagustuhan

c)

Mula sa sariling pakiramdam

d)

Lahat ng nabanggit

4.

Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?

a)

ang likas na batas moral ay lumilipas

b)

ang likas na batas moral ay nagbabago

c)

ang likas na batas moral ay para sa lahat

d)

marami ang batas

5.

Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?

a)

Tinuturo sa eskwelahan

b)

Pagpinapagalitan ng magulang

c)

Sa pag-anib sa relihiyon

d)

Sumisibol mula sa konsensya

6.

Piliin ang hindi kabilang sa mga katangian ng batas.

a)

Ang batas ng tao ay kailangang naaayon sa Batas Moral

b)

Ang batas ng tao ay kailangang magpanatili at may tunguhin para sa kabutihang panlahat

c)

Ang batas ay kailangang nakatuon sa kabutihan ng nakararami

d)

Ang batas ng tao ay walang kinikilingan

7.

Ang ating Lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng diwa nito?

a)

Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan

b)

Ingatan ang interes ng bawat tao sa lipunan

c)

itaguyod ang karapatang-pantao

d)

kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan

8.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasya o desisyon?

a)

ikaw ay sumaya

b)

ginaya ka ng iba

c)

marami ang sumang-ayon

d)

Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos

9.

Ito ang gabay upang makita halaga ng tao. Dito nakabatay ang mga batas na kinikilala natin bilang tao.

a)

moralidad

b)

tama

c)

Mabuti

d)

likas na batas moral

10.

Ito ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon.

a)

Batas

b)

tama

c)

Mabuti

d)

likas na batas moral

11.

Ito ang pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubbuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.

a)

Batas

b)

tama

c)

Mabuti

d)

likas na batas moral

12.

Tungkuling magpunyagi at magpakita ng kahusayan sa paggawa, maging tapat, makapokus sa Gawain at hindi pinapalipas ang oras. Ito ay Karapatan sa _______________?

a)

Sa buhay

b)

karapatang magpakasal

c)

karapatang maghanapbuhay

d)

Sa pribadong ari-arian

13.

Tungkuling igalang ang mga pribadong boundary, kilalanin ang sariling limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa. Ito ay Karapatan sa _______________?

a)

Sa buhay

b)

karapatang magpakasal

c)

karapatang maghanapbuhay

d)

Karapatan sa pribadong ari-arian

14.

Tungkuling suportahan ang pamilya ng sapat at masustansyang pagkain, gabayan ang anak upang makaiwas sa panganib at maging mabuting halimbawa sa pagsasabuhay ng mga birtud

a)

Sa buhay

b)

karapatang magpakasal

c)

karapatang maghanapbuhay

d)

Karapatan sa pribadong ari-arian

15.

_______15. Tuwing linggo, hindi lumiliban si Joy sa pagsisimba. Kahit na mababa lang ang kanyang kinikita sa kanyang Negosyo ay palagi syang naglalaan ng pera upang makapagbigay ng regular na kontribusyon sa simbahan. (tithing.) Anong karapatan ang inihahayag ni Joy?

a)

Karapatan sa pribadong ari-arian

b)

Karapatan sa buhay

c)

Karapatang maghanapbuhay

d)

Karapatang sumamba

16.

_______16. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng Karapatan sa buhay?

a)

Iniiwasan ni Summer kumain ng karne at matamis na pagkain

b)

Nagpatayo ng bahay-ampunan si Mrs. Marquez para sa mga batang bikima ng pang-aabuso

c)

Sumali si Cong sa isports na mapanganib na car racing

d)

Nag-eehersisyo si Viy tuwing umaga.

17.

_______17. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin o iwasan ang isang Gawain. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ibig sabihin nito?

a)

nakasalalay ang tungkulin sa isip

b)

nakabatay ang tungkulin sa likas na batas moral

c)

ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan

d)

Malaki ang epekto sa sarili at mga ugnayanang hindi pagtupad ng mga tungkulin

18.

_______18. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng tamang kahulugan ng KARAPATAN?

a)

Hindi maaring pwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kanya nang sapilitan ang mga bagay na hindi nya kailangan sa buhay

b)

Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan

c)

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwa na igalang ito

d)

Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makakagawa ng moral na kilos

19.

_______19. "Gabayan ang mga anak at hubugin na maging isang mabuting tao. Kasama sa pagbuo ng pamilya ang pagiging mabuting huwaran." Aling tungkulin tinutukoy ang pahayag?

a)

Karapatan sa buhay

b)

Karapatan sa pagsamba

c)

Karapatan sa pagpapakasal

d)

Karapatang maghanapbuhay

20.

_______20. Aling karapatan ang itinuturing na pinakamataas na antas ng karapatan?

a)

buhay

b)

pagsamba

c)

pagpapakasal

d)

pribadong ari-arian

21.

_______21. Anong karapatan ang kaakibat na may tungkulin ang tao na palaguin ang kaniyang ugnayan sa kinikilalang Diyos?

a)

buhay

b)

pagsamba

c)

pagpapakasal

d)

pribadong ari-arian

22.

_______22. Nagsasaad na tayo ay maaaring magtrabaho sa ibang bansa kung naroon ang kaniyang pagkakataon? Ito ay Karapatan sa?

a)

pribadong ari-arian

b)

paghahanap-buhay o trabaho

c)

tumungo sa ibang lugar

d)

pagsamba

23.

_______23. Ito ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay.

a)

karapatan

b)

kakayahan

c)

tungkulin

d)

Katapatan

24.

_______24. Ano ang tawag sa pagganap sa mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao?

a)

karapatan

b)

kakayahan

c)

tungkulin

d)

Katapatan

25.

Ano ang tawag sa pagganap sa mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao?

a)

karapatan

b)

kakayahan

c)

tungkulin

d)

Katapatan

26.

Saan nagmula ang salitang karapatan, na nagsasabi sa isang katauhan ng kaniyang tungkulin para sa iba?

a)

sapat

b)

dapat

c)

katulad

d)

Karapat-dapat

27.

Si Mang Tomas ay ang barangay chairman ng barangay Pag-asa, kilala siya sa kanilang komunidad bilang isang mabait at matulungin na tao. Tinitiyak niya ang kaayusan at kalinisan sa kanilang lugar. Sa tuwing may mga kalamidad o sakuna, agad na nagbibigay tulong si Mang Pedro sa kanyang nasasakupan kasama ang iba pang volunteer sa barangay. Ang ipinamalas ni Mang Tomas ay maituturing na:

a)

Paggawa

b)

Paglilingkod

c)

Pakikipag-kapwa

d)

Pamumuno

28.

Hindi nakalahok si Vico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit. Ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Vico?

a)

Impormasyon

b)

Konsultasyon

c)

Pagsuporta

d)

Sama-samang Pagkilos

29.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?

a)

Tuwing walang pasok ay tinuturuan ni Avy ang mga batang hindi nakapagaaral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.

b)

Si Derek ay pumupunta sa bahay ampunan upang alagaan ang mga bata dito tuwing bakasyon.

c)

Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Chloe na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno.

d)

Sumali si Mandy sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.

30.

Ang buong barangay ng Brgy. Maunlad ay taos pusong nakikilahok at nagboboluntaryo sa mga gawain at proyekto ng kanilang lugar. Ano ang magiging dulot nito sa kanilang komunidad?

a)

Kabutihang Panlahat

b)

kaginhawaan

c)

pagkakaibigan

d)

pagtutulungan

31.

Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:

a)

Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.

b)

Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto saiyo.

c)

Tama, dahil ikaw ay mananagot sa iyong konsensiya kung hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.

d)

Mali, sapagkat hindi dapat pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Dapat ito ay manggaling sa puso.

32.

Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?

a)

Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.

b)

Nagkakaroon siya ng pagkakataon na higit na makilala ang kanyang sarili.

c)

Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.

d)

Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo sa ugnayan sa iba.

33.

Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang:

a)

Dignidad

b)

Karapatan

c)

Pananagutan

d)

Tungkulin

34.

Ito ay ang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain

a)

Paggawa

b)

Dignidad

c)

obheto

d)

Subheto

35.

Ito ay ang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain

a)

Paggawa

b)

Dignidad

c)

obheto

d)

subheto

36.

Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.

a)

Paggawa

b)

Dignidad

c)

obheto

d)

subheto

37.

Ano-ano ang mga katangian na dapat maipamalas ng isang taong may pakikilahok at bolunterismo?

a)

Bayanihan, Kayamanan, Talento

b)

Damayan, Dangal, Talento

c)

Kayamanan, Panahon, Talento

d)

Pagkakaisa, Panahon, Talento

38.

Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?

a)

Upang matugunan ang sariling kapakanan

b)

Upang maipakita ang kagalingan sa buong pamayanan

c)

Upang maibahagi ang kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat

d)

Upang magampanan utos ng mga kinauukulan

39.

Ang sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:

a)

Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.

b)

Isang malayang pagpili, hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.

c)

Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.

d)

Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa

40.

Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos pusong pakikilahok at bolunterismo?

a)

Kabutihang Panlahat

b)

Pagkakaisa

c)

Pag-unlad

d)

Sama-samang Pagkilos

41.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng Paggawa?

a)

Upang kitain ng tao ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang pangangailangan

b)

Upang matulungan ang mga nangangailangan

c)

Upang mapalitan ng teknolohiya ang paggawa ng tao

d)

Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan

42.

Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?

a)

Sa tatak ng isang produkto

b)

Sa mahal ng kagamitan sa paggawa

c)

high-tech na mga kagamitan

d)

Sa katotohanan na ang gumawa ng produkto ay ang tao

43.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?

a)

Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.

b)

Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para makapaglingkod at maitaguyod ang dignidad ng lipunan

c)

Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.

d)

Ang paggawa ay pagdepende sa sariling kakayahan ng walang hinihinging tulong ng kapwa

44.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng subheto ng paggawa?

a)

Inuutusan ni Annie ang kanyang kasambahay na subuan sya sa pagkain.

b)

Nagreport si Berna sa pamamagitan ng Powerpoint

c)

Gumagamit ng Chatgpt si Leah para masagutan ang repleksyon sa ESP

d)

Kinopya ni Lori ang takdang aralin ni Gemma.

45.

Bakit hindi maaring ihalintulad ang mga hayop sa paggawa ng mga tao?

a)

Dahil mas mahal ng Diyos ang tao sa lahat ng kanyang nilikha

b)

Dahil tao lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng talino

c)

Dahil ang mga tao ay walang instinct

d)

Dahil ang hayop ay katuwang ng mga tao sa paggawa.

46.

Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ang pahayag ay nangangahulugan na:

a)

Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang makamit ang kaganapan.

b)

Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang maiangat ang sarili

c)

Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa para gumaan ang kanyang trabaho

d)

Ang tao ay nakakagawa ng teknolohiya na gagawa ng mga gawain para sa kanya.

47.

Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa maliban sa:

a)

Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.

b)

Ito ay nagbubukas para sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

c)

Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa sarili

d)

Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng iba

48.

Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang;

a)

Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.

b)

Kailangan ng tao na maghanap ng hanap-buhay

c)

Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.

d)

Lahat ng nabanggit.

49.

Ano ang maaaring epekto ng pag-unlad ng agham at teknolohiya sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa?

a)

Nababawasan ang pagiging malikhain ng tao

b)

Nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.

c)

Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.

d)

Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa

50.

Ang tao ay gumagawa upang kumita lang ng salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil pera ang pambili ng pangangakailangan

b)

Tama, dahil hindi ka magiging masaya pag walang pera

c)

Mali, dahil hindi nararapat na pera lang ang maging layunin sa paggawa

d)

Mali, dahil mahalaga ang pangangailangan ng kapwa bago sarili

51.

Ang sumusunod na pangungusap ay paglalarawan sa paggawa maliban sa isa:

a)

Anomang gawaing para sa sarili

b)

Gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa

c)

Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa

d)

Ito ay nangangailangan ng orihinalidad

52.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng obheto ng paggawa?

a)

Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.

b)

Ang mga taong gagamit ng mga produktong nilikha

c)

Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.

d)

Kakayahang kakailanganin ng tao upang makagawa ng isang produkto.