wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Lagumang Pagsusulit sa Filipino 7 Unang Bahagi

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.
Ito ay isang teknik kung saan isinasaayos ang mga salitang batay sa tindi o antas ng damdamin
a)
pagkiklino
b)
pagdidigri
c)
paghahanay ng salita
d)
pag-aayos ng salita
2.
Ito ang elemento ng alamat na nalulutas ang suliranin patungo sa wakas.
a)
wakas
b)
pataas na pangyayari
c)
pababang pangyayari
d)
kasukdulan
3.
Sino ang Datu na natatangi sa lugar ng Negros sa isang baranggay dahil sa kanyang kahanga-hangang katapatan at kabaitan?
a)
Datu Sidayan
b)
Datu Ramilon
c)
Datu Puti
d)
Datu Sumakwil
4.
Anong okasyon ang naganap sa isang barangay ng Negros?
a)
pagtataling-puso ng anak ng Datu
b)
pagdiriwang ng kapistahan
c)
Laon
d)
Leon
5.
Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
a)
Kwento
b)
Alamat
c)
salaysay
d)
dula
6.
Sinasabi na ang alamat ay __________ basahin.
a)
kawili-wili
b)
nakakatamad
c)
nakababagot
d)
nakasasabik
7.
Ito ang elemento ng alamat na nagaganap ang pagpapakilala at suliranin ng pangunahing tauhan.
a)
Katapusan
b)
Panimula
c)
gitna
d)
Kasukdulan
8.
Nalulutas ang suliranin patungong wakas
a)
Katapusan
b)
Papataas na Pangyayari
c)
Pababang Pangyayari
d)
Kasukdulan
9.
Ang ________ ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw araw.
a)
wika
b)
sining
c)
kwento
d)
kilos
10.
Dugtungan ang pahayag na "Nagmula ang salitang lingua sa Latin na nangangahulugang _________."
a)
bibig
b)
labi
c)
dila
d)
mata
11.
Gumawa si Henry ng salipawpaw na gawa sa papel. Ang salitang "salipawpaw" sa pangungusap ay nasa antas ng?
a)
pampanitikan
b)
pambansa
c)
balbal
d)
kolokyal
12.
Paano na natin tatapusin ang ating gawain kung kulang tayo sa pondo? Ang salitang "paano" sa pangungusap ay nasa antas ng?
a)
kolokyal
b)
balbal
c)
lalawiganin
d)
Pambansa
13.
Ito ang ang antas ng wika na tinatawag na salitang Pangkalye o Panlansangan
a)
balbal
b)
lalawiganin
c)
kolokyal
d)
pampanitikan
14.
Ang _______ ay mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika.
a)
pormal
b)
impormal
c)
di-pormal
d)
normal
15.
Ang bulong at awiting bayan ay madalas gamitin ng mga matatanda sa pamayanan bilang:
a)
gabay sa pagtuturo ng wastong kilos ng mga kabataan
b)
gabay sa pagtatrabaho ng mga mamayan
c)
gabay sa pagsasagawa ng rebolusyon kontra dayuhan
d)
gabay sa pamumuhay ng mga magsasaka
16.
Anong uri ng awiting-bayan ang tumutukoy sa tagumpay at pakikipagdigma.
a)
Kumintang
b)
Sambotani
c)
Oyayi / Hele
d)
Kundiman
17.
Ang pahayag na "Tabi-Tabi po! Makikiraan lang po!" ay isang halimbawa ng ________.
a)
Sambotani
b)
Bulong
c)
Hele
d)
Kumintang
18.
Anong tawag sa pulo na nasa gitnang bahagi ng Pilipinas?
a)
Luzon
b)
Visayas
c)
Mindanao
d)
Palawan
19.
Huwag kang magtampo,Iyon ay biro lamang, Di na uulit Manalig ka Hirang,Kung galit ka pa, Parusahang lubusan at iyong asahang. Hindi magdaramdam. Ang saknong na ito ng isang awiting bayan ay nangangahulugan na:
a)
Ang panunuyo sa nagawan ng kamalian ay may kasamang sakripisyo
b)
Ang kaparusahan ay dapat ibigay sa nakagawa ng mali
c)
Hindi lahat ng biro ay nakakatuwa,madalas ito ay nakakasakit ng damdamin
d)
Masama ang magbiro sa kapwa
20.
Ang awiting bayan at bulong ay ginagamit noong unang panahon bilang isang anyo ng_______________.
a)
pagdarasal
b)
sayaw
c)
palabas
d)
libangan
21.
dunong, talino, henyo
a)
dunong-talino-henyo
b)
talino - dunong - henyo
c)
henyo – dunong -talino
d)
dunong -henyo -talino
22.
usad-pagong, mabagal, makupad
a)
makupad – mabagal – usad pagong
b)
usad pagong – mabagal -makupad
c)
usad pagong -makupad- mabagal
d)
mabagal – makupad – usad pagong
23.
lumbay, lungkot, panglaw
a)
lumbay - lungkot – panglaw
b)
panglaw – lungkot -lumbay
c)
panglaw -lungkot -lumbay
d)
lungkot -lumbay -panglaw
24.
naguguluhan, naliligalig, nababalisa
a)
nababalisa -naguguluhan -naliligalig
b)
naliligalig – naguguluhan – nababalisa
c)
naguguluhan -naliligalig – nababalisa
d)
naguguluhan – nababalisa – naliligalig
25.
galit, poot, muhi, ngitngit
a)
poot- muhi- ngitngit- galit
b)
muhi- galit- ngitngit- poot
c)
galit- poot- muhi- ngitngit
d)
ngitngit- galit- poot- muhi