WorksheetsREVIEW ESP 9
Total questions: 51
Worksheet time: 26mins
Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso ang may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay?
Hilig
Kasanayan
Pagpapahalaga
Talento
Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso ang may kinalaman sa pambihirang biyaya at likas na kakayahang mayroon ang isang tao?
Hilig
Kasanayan
Pagpapahalaga
Talento
Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso ang may kinalaman sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo?
Hilig
Kasanayan
Pagpapahalaga
Talento
Bilang na sa Baitang 9, ano ang pinakamahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
Pahalagahan at paunlarin
Pagtuunan ng pansin at palaguin
Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
Makinig sa mga gusto ng kaibigan
Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
Humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
Bata pa lamang si Caroline ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay din nito ang pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad sa pagsali sa mga paligsahan sa loob at labas ng paaralan. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Caroline ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
kakayahan
mithiin
hilig
pagpapahalaga
Nakasanayan na ni Manny ang pagsasaayos at pagsisinop sa mga kasangkapan at kagamitan sa bahay. Kaya naisip niya na mag-aaral ng kursong Engineering sa Unibersidad ng Dapitan. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Manny sa kaniyang naging desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo?
katayuang pinansyal
pagpapahalaga
mithiin
kakayahan
Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa't bukas siya pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
mithiin
pagpapahalaga
kasanayan
hilig
Sa Multiple Intelligences Survey form, matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intellegences?
Spatial
Existentialist
Auditory
Kinesthetic
Ang kakayahan ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng track o kurso. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Uri ng Kakayahan.
A. Kakayahan sa Pakikiharap sa Tao
B. Kakayahan sa mga Datos
C. Kakayahan sa mga Bagay-bagay
D. Kakayahan sa Pag-iisip
Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?
Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan
Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
Kalinawan ng isip at masayang kalooban
Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
Alin ang pinakaunang hakbang sa pagpapasya bago pumili ng kurso?
Magkalap ng kaalaman
Magnilay sa mismong aksiyon
Maglaan ng oras sa pag-iisip
Tayahin ang damdamin sa pipiliing pasya
Bakit kailangang isaalang-alang ang sariling talento, hilig, pagpapahalaga, kakayahan at pinansiyal na kalagayan sa pagpili ng hanapbuhay o negosyo?
Sapagkat ang mga ito ay nagpapakita ng potensiyal ng isang tao para sa manga hanapbuhay o negosyo
Sapagkat magiging matagumpay lamang ang isang tao kung kilala niya ang kanyang sarili
Sapagkat nakabatay sa mga ito ang magiging pangarap ng isang tao sa kanyang buhay
Sapagkat hindi lahat ng hanapbuhay o negosyo ay kakailanganin sa hinaharap
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng paglinang sa sariling kakayahan?
pagsasagawa ng natutuhan
pagtaya sa kahinaan at kalakasan ng kapwa
pakikipag-usap sa mga taong may kasanayan
pag-oobserba sa mga tao sa kanilang gawain.
Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sayo?
Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan.
Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtayo ng negosyo
Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at kaibigan.
Alam ni Shine na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kaniyang ginawa ay naghanap siya ng scholarship sa kanilang munisipyo at ibapang institusyon ay unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalala upang maging gabay niya. Ano ang pansariling salik ang isinagawa ni Shine?
Katayuang pinansyal
Hilig
Mithiin
Pagpapahalaga
Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?
Sarili, simbahan at lipunan
Kapuwa, lipunan at paaralan
Paaralan, kapuwa at lipunan
Sarili, kapuwa at lipunan
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na maging batayan sa pagpili ng kurso o track?
Kailangang sundin ang gusto ng magulang
Kailangang angkop ito sa kakayahan at interes
Kailangan yong madali kang yumaman
Kailangang magkapareha sa kung sino ang ating mga kaibigan
Mahilig si Nelba sa pagluluto ng iba't ibang kakanin. Katatapos lamang niya ng Junior High School. Ano ang kanyang gagawin upang lalong mapahusay ang kanyang kasanayan?
Kailangan niya ng masusing pagsasanay sa pamamagitan ng pagkuha ng Technical-Vocational and Livelihood.
Kailangan niyang magnegosyo gamit ang kanyang kahiligan sa pagluto at hihinto na sa pag-aaral
Kailangan niyang pumasok bilang tagapagluto at huminto na sa pagaaral.
Magtayo ng sariling karenderya sa kanilang barangay at huminto sa pagaaral
Kinahiligan ni Joe ang paggamit ng mga makina at iba pang mga kagamitang pang-kunstruksiyon. Anong kakayahan ang kanyang ipinapakita?
pakikiharap sa Tao
mga datos
mga bagay-bagay
mga ideya at solusyon
Anong kakayahan ang kanyang ipinapakita?
pakikiharap sa Tao
mga datos
mga bagay-bagay
mga ideya at solusyon
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
Ito ang batayan ng tao sa kanyang pagpapasya.
Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na magsasalaysay ng nis mong mangyari sa iyong buhay.
Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o mapalitan.
Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
Bokasyon
Misyon
Propesyon
Tamang Direksiyon
Ang ibig sabihin nito ay calling o pagkatawag sa atin ng Diyos.
Bokasyon
Misyon
Propesyon
Tamang Direksiyon
Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay maliban sa alin?
Suriin ang iyong ugali at katangian
Alamin ng tao ang sentro ng kaniyang buhay
Tukuyin ang mga pinahahalagahan
Tipunin ang impormasyon
Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na ito ay gamitan mo ng SMART. Ano ang kahulugan nito?
Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao?
Upang hindi siya maligaw
Upang matanaw niya ang hinaharap
Upang magkaroon siya ng gabay
Upang magkaroon siya ng kasiyahan
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kapag:
nagagagamit sa araw-araw ng may pagpapahalaga
nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian.
nagagampanan nang balanse ang kanyang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
kinikilala niya ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa.
Kailangan na magkaroon tayo ng sentro sa ating buhay sa pagkamit natin ng ating Personal na Misyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa maaaring maging sentro ng ating buhay?
Diyos
Kaibigan
K-POP group tulad ng BTS
Pamilya
Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
Kaligayahan
Kabutihan
Kaligtasan
Kapayapaan
Ang mga sumusunod ay mga hadlang sa pagpapasya ng mga mithiin sa buhay maliban sa isa alin ito?
Pagiging totoo sa sarili
Masyadong abala at kulang sa pokus
Panggagaya sa nakikita o naririnig sa iba
Takot mabigo
Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga paraan kung paano maiiwasan ang mga hadlang sa pagbuo ng Personal na Misyon sa Buhay, maliban sa isa alin ito?
Huwag madaliin at mag-umpisa sa pinakamababa
Palaging isipin bakit mo gagawin ang mabuting pagpapasya
Pag-aaralang mabuti ang mga kakaharaping balakid sa iyong pagpapasya
Palagiang unahin ang sarili bago ang kapakanan ng nakararami
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng misyon sa buhay na nakabatay sa SMART?
Pagpasok at pag-uwi ng tama sa oras.
Pagsasagawa ng bagay para sa sariling adhikain.
Pagsusumite ng mga hinihingi na dapat ipasa sa paaralan.
Pagtuturo ng maayos dahil ito ang aking misyon.
Ano ang aral na maaaring makuha sa isang bulag kaugnay sa pagtatakda ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
Ang kawalan ng direksiyon sa buhay ay nagmula sa sarili lamang.
Ang bulag ay nangangailangan ng tungkod na gagabay sa kanya.
Ang pagpapasya sa buhay ay nangangailangan ng gabay upang maiiwasan ang pagkaligaw tungo sa iyong mga mithiin sa buhay.
Ang paglayo sa kapahamakan ay nangangailangan ng paghinging tulong sa magulang.
Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa pagkilala sa sarili?
Inililista lamang ang mga sariling katangian o ugali na mabuti o maganda
Ang pakikinig sa mga husga ng taong hindi kilala.
Inililista ang mga kalakasan at kahinaan sa iba't-ibang mga larangan batay sa tunay na obserbasyon sa sarili
Pagkukunwari at pagkukubli sa tunay na pag-uugali
Alin sa mga sumusunod na krayteriya ng SMART ang tumutukoy sa layuning itinakda ni Joshua?
Time Bound
Attainable
Measurable
Specific
Ano ang tumutukoy sa hakbang na ito sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
Suriin ang iyong sarili
Tukuyin ang mga pinahahalagahan
Tipunin ang kaalaman
Sumannguni sa iba
Alin ang hindi kabilang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
Suriin ang iyong sarili
Sukatin ang mga kakayahan
Tipunin ang mga impormasyon
Tukuyin ang mga pinahahalagahan
Anong hadlang sa pagganap ng Personal na Misyon sa buhay ang tinutukoy ng naiimpluwensiyahan sa kung anong nakaugalian o gusto ng pamilya at ginagaya kung ano ang naririnig nila sa iba?
Abala sa ibang bagay
Kayabangan at Pagiging makasarili
Pangagaya
Takot
Anong hadlang sa pagganap ng Personal na Misyon sa buhay ang tinutukoy ng maraming pinagkakaabalahan, nakaligtaang gawin o bigyan ng pansin ang mga bagay na dapat isaalang-alang tungo sa minimithi sa buhay?
Abala sa ibang bagay
Kayabangan at Pagiging makasarili
Pangagaya
Takot
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagiging mapanagutan, maliban sa isa alin ito?
Si Henry ay naglilista ng mga maaaring maging epekto ng kanyang gagawing pasya.
Si Jane ay nagbibigay konsiderasyon sa kapakanan ng kanyang pamilya sa kanyang ginagawang kilos.
Si Peter ay nagtatakda ng kanyang mga layunin batay sa kanyang sariling kapakanan lamang.
Si Mika ay nagninilay ukol sa mga mithiing kanyang itatakda sa kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Bakit mahalaga na makamit ang kabutihang panlahat?
Upang magkaroon ng kalayaang kumilos na masaya, may pagkakaisa, unawaan, pagdadamayan at respeto
Upang maging maganda ang kalagayan ng mamamayan at kapag ikaw naman ang nangangailangan ay sila naman ang tutulong sa iyo
Upang hindi na magtatrabaho ang karamihan
Sa paanong paraan magagampanan ng tao ang hangarin sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan?
Kung ikaw ay makatapos ng pag-aaral para sa sarili
Kung ating magagampanan ang ating misyon sa buhay
Kung susundin mo ang dikta ng iyong konsensya
Kung matutugunan at magagampanan mo ang sarili
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang na gagawin sa pagiging tapat sa tungkulin?
Pagsagawa ng bagay para sa sariling adhikain
Pagpasok at pag-uwi ng tama sa oras
Pagsusumite ng mga hinihingi na dapat ipasa sa paaralan
Pagtuturo ng maayos dahil ito ang aking misyon
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa pag-abot sa kabutihang panlahat?
Si Jerry ay nagtatakda ng kanyang mga mithiin para sa kanyang sariling kapakanan
Si Anna ay madalas mag-ensayo upang mapaunlad ang kanyang talento sa pagsayaw
Si Kimpy ay nag-aaral ng mabuti upang matupad ang kanyang pangarap na maging isang accountant.
Si Emily ay nagdesisyon na makilahok sa pagbabahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar.
Ang mga sumusunod na pagpapahalaga ay mainam sa pagbuo ng mabuting pasya sa buhay maliban sa isa alin?
Kasanayan
Pananagutan
Katapatan
Determinasyon
Ano ang kahulugan sa kasabihang, "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang"?
Lahat ng nilalang ng Diyos ay may mahalagang papel na ginagampanan sa bawat isa.
Ang tao ay nangangailangan ng ibang tao para mabuhay.
Lahat ng tao o hayop ay may pananagutan isa't-isa.
Lahat ng nabanggit
Ano ang pinagbabatayan mo sa iyong pagpapasya?
Kung ano ang idinidikta sa iyo
Kung ito ay itinuturo sa iyo
Kung saan ka madaling matututo
Kung ano ang pinakamahalaga sa iyo
Ang mga sumusunod ay mga konsepto ng kabutihang panlahat maliban sa isa alin ito?
Paggalang sa pagkatao ng indibiduwal
Kagalingang panlipunan
Karangalan ng bawat isa
Kapayapaan at kaligtasan
Ang pagpapasya ay di maaring gawin sa isang araw lamang. Ang pahayag ay nagsasaad ng ano?
Tama, dahil ito ay nangangailangan ng sapat na panahon upang makapagpapasya ng tama
Tama, dahil para di ka makagawa ng maling pagpapasya.
Mali, dahil di dapat pinaghihintay ang pinagpapasyahan.
Mali, dahil lahat naman dapat ay bibilang ng ilang oras bago magdesisyon.
