wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW TEST AP10

Total questions: 33

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.

a)

.   Pagkamamamayan

b)

Pagboto

c)

Pagkamakabansa

d)

Pagkamakabayan

2.

Aling artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ang nagsasaad ng pagkamamamayan?

a)

ARTIKULO I

b)

ARTIKULO II

c)

ARTIKULO III

d)

ARTIKULO IV

3.

Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.

a)

JUS SOLI

b)

JUS SANGUINIS

c)

DE JURE

d)

DE FACTO

4.

Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.

a)

JUS SOLI

b)

JUS SANGUINIS

c)

DE JURE

d)

DE FACTO

5.

Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte.

a)

NATURALISASYON

b)

LOKALISASYON

c)

ISPESYALISASYON

d)

KONTEKSWALISASYON

6.

Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)
Isang mamamayang Pilipino ay ang sinumang natural-born citizen o mga nakakuha ng pagkamamamayan sa pamamagitan ng naturalization.
b)
Isang mamamayang Pilipino ay ang sinumang nakatira sa Pilipinas nang higit sa limang taon.
c)
Isang mamamayang Pilipino ay ang sinumang ipinanganak sa ibang bansa.
d)
Isang mamamayang Pilipino ay ang sinumang may hawak ng visa.
7.

Si Yumi ay naipanganak sa Estados Unidos. Ang kanyang mga magulang ay parehong Pilipino. Batay sa Republic Act 9225. Maari siyang maging ____________ sa edad na 18.

a)

DUAL PERSON

b)

DUAL CITIZEN

c)

DUAL ALIEN

d)

DUAL MERCHANT

8.

Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal MALIBAN sa isa.

a)

Nawala na ang bisa ng naturalisasyon

b)

Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon

c)

Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.

d)

. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating   bansa sa panahon na mayroong digmaan.

9.

Ano ang maaring mangyari kung hindi natin tutuparin ang mga gawaing pansibiko?

a)

Maaring mahdlangan ang pag-unlad

b)

Maaring magalit ang mga mamamayan

c)

Walang magiging epekto

d)

Maaring sapilitang ipaako sa iba

10.

Alin ang halimbawa ng gawaing pansibiko?

a)

Pagsasabi ng "Po" at "Opo" s amga nakatatanda

b)

Pagtangkilik sa produkto ng China

c)

Pagtawid sa tamang tawiran

d)

Panonood sa gawaing pansibiko sa youtube

11.

Alin ang katangian ng isang mabuting mamamayan?

a)

May disiplina sa sarili at sumusunod sa mga batas

b)

Aktibo sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko

c)

Masipag at may kusang -palong gawin ang mga bagay

d)

May positibong pagtanggap at pananaw sa mga pangyayari

12.

Tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan siya ay ginagawaran ng mga karapatan at tungkulin.

a)

Mangungupahan

b)

Citizen

c)

Maninirahan

d)

Citizenship

13.

Ang mga sumusunod ay mga kwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.

a)

mamamayan ng Pilipinas

b)

nakatapos ng hayskul/ sekondarya

c)

labing walong taong gulang pataas

d)

naninirahan sa Pilipinas kahit isang taon

14.

Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?

a)

ito ay itinakda ng mga batas

b)

Ito ay simbolo ng pamahalaan

c)

Ito ay pinagtibay ng ating Pangulo

d)

Ito ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan

15.

Sa anong bahagi ng saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang pagturing ng isang mamamayan bilang isang Pilipino?

a)

Article III Bill of Rights

b)

Article IV Citizenship

c)

Article V Suffrage

d)

Article I National Territory

16.

Bakit may mga karapatan maging akusado o nasasakdal sa isang kaso?

a)

Ito ay itinatadhana sa Saligang Batas

b)

Ito ay ipinagkalooob sa kanila ng pamahalaan

c)

Sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa

d)

Sila ay itinuturing na inosente hanggang mapatunayang nagkasala

17.

Isang uri ng karapatang pantao na kung saan ito ay binuong batas at maaring alisin sa pamamagitan ng bagong batas.

a)

Natural Rights

b)

Statutory Rights

c)

Constitutional Rights

d)

Legal Rights

18.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa uri ng karapatan ng bawat mamamayan sa isnag demokratikong bansa batay sa aklat ng De Leon et al.

a)

Constitutional Rights

b)

Economic Rights

c)

Natural Rights

d)

Statutory Rights

19.

Itinuturing na "International Magna Carta for All Mankind" ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibidwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.

a)

Bill of Rights ng 1987 Phil Constitution

b)

Declaration on the Rights of Man and of the Citizen

c)

Magna Carta ng 1215

d)

Universal Declaration of Human Rights

20.

Ito ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.

a)

Civil Society

b)

Grassroots Organization

c)

Non Governmental Organizations

d)

People's Organization

21.

Ano ang tawag sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa para sa ikabubuti ng nakararami?

a)

Gawaing Pampulitika

b)

Gawaing Pampubliko

c)

Gawaing Pang-ekonomiya

d)

Gawaing Pansibiko

22.

Paano maaring malabag ng mga magulang o nakatatanda ang ating mga karapatan?

a)

Kung sila ay nagiging pabaya sa kanilang trabaho

b)

Kung sila ay nagiging masamang halimbawa sa kanilang kilos at salita

c)

Kung sila ay nang-aabuso o nagtutulak sa ating gumawa ng hindi mabuti

d)

Kung sila ay umiiwas pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mamamayan

23.

Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan?

a)

Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang knilang karapatan

b)

Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan

c)

Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas

d)

Tinatanggalan nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado

24.

Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?

a)

Iniiwasan nito ang diskriminasyon

b)

Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao

c)

Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas

d)

Sinisiguro nito walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao.

25.

Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?

a)

Ipinapaubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad

b)

Aktibo siya sa isang peace and order komite ng kanilang barangay

c)

Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naapi

d)

Nanonood siya s amga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao

26.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Karapatan na nakasulat sa dokumento ng Magna Carta?

a)

Hindi maaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasya ng hukuman

b)

Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan

c)

Pagbibigay proteksyon sa karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging iba pang naninirahan sa bansa

d)

Pagbibigay ng karapatan na makapili ng sariling relihiyon

27.

Alin sa pahayag ang nagpapakita ng Statutory Rights?

a)

Ang karapatan ni Adelyn na kilalaning anak ng kanyang tunay na magulang

b)

Ang pagsapi ni Allen sa grupong sakdalista

c)

Ang pagbibigay ng 20% na pribelihiyo sa mga Senior Citizen at mga mag-aaral sa lahat ng pampasaherong sasakyan.

d)

Ang pagpili ni Ryan sa Iglesia ni Kristo bilang isang relihiyon.

28.

Alin ang aktibong pakikilahok?

a)

Pangangampanya at pagboto tuwing halalan

b)

Pakikinig ng balita sa radyo at pagbabasa ng dyaryo

c)

Pangongolekta ng mga larawan ng community services

d)

Paglalahad ng opinyon sa Twitter at iba pang social media.

29.

Alin ang hindi pagsangguni o pagkonsulta?

a)

Gumawa si Leo ng isang Facebook post ukol s anapipisil niyang kandidato.

b)

Sumasali si Cherry sa isang survey para sa mga ina na kinakalinga ng DSWD

c)

Nag-iwan si Jose ng komento sa comment box ng BIR pagkakuha niya ng ITR

d)

Kinukunan ni Lina ng larawan ang mga pulubi para i post sa Twitter

30.

Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?

a)

Funding Agency NGOs

b)

Grassroot support Organizations

c)

Non-Governmental Organizations

d)

People's Organization

31.

Ano ang mga responsibilidad ng isang mamamayan sa kanyang komunidad?

a)

Magpahayag ng saloobin sa social media

b)

Mag-aral ng mabuti

c)

Magbigay ng donasyon sa mga charity

d)

Sumunod sa mga batas at regulasyon

32.

Alin sa mga sumusunod ang hindi itinuturing na karapatan ng mga mamamayan?

a)

Karapatan sa pag-aari

b)

Karapatan sa edukasyon

c)

Karapatan sa malayang pagsasalita

d)

Karapatan na hindi magbayad ng buwis

33.

Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga halalan?

a)

Upang makuha ang mga benepisyo mula sa gobyerno

b)

Upang maipahayag ang kanilang mga opinyon

c)

Upang makilala ang mga kandidato

d)

Upang matiyak ang pagkakaroon ng magandang pamamahala