Font size
WorksheetsESP 9 Quarter 4 Periodical Exam
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang na sa Baitang 9, ano ang pinakamahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
Pahalagahan at paunlarin
Pagtuunan ng pansin at palaguin
Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, at pagbubuo ng masistemang paraan sa pagkuha ng datos?
Hilig
Pagpapahalaga
Kakayahan
Talento
Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay din nito ang pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad sa pagsali sa mga paligsahan sa loob at labas ng paaralan. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
kakayahan
mithiin
hilig
pagpapahalaga
Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha naman niya sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado rin siya ng kaniyang mga magulang lalo pa‘t bukas siya pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
mithiin
pagpapahalaga
kasanayan
hilig
Nakasanayan na ni Melchor ang pagsasaayos at pagsisinop sa mga kasangkapan at kagamitan sa bahay. Kaya naisip niya na mag-aaral ng kursong Engineering sa Unibersidad ng Dapitan. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo?
katayuang pinansyal
pagpapahalaga
mithiin
kakayahan
Sa Multiple Intelligences Survey form, matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intellegences?
Spatial
Existentialist
Auditory
Kinesthetic
Alin sa mga sumusunod na paraan ang mainam gamitin upang tuklasin ang sariling talento dahil ito ay nakaangkla sa teorya ni Dr. Howard Gardner?
RIASEC
Tseklist ng mga Kasanayan
Pagsusuri ng Pagpapahalaga
Multiple Intelligences Survey Form
Ang kakayahan ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng track o kurso. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Tseklist batay sa Uri ng Kakayahan.
Kakayahan sa Pakikiharap sa Tao
Kakayahan sa mga Datos
Kakayahan sa mga Bagay-bagay
Kakayahan sa mga solusyon sa problema
Ang talento at kayamanan ang hindi dapat na makita at maibahagi ng isang tao na magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo.
Ang mga tao ay nagtutulungan sa pamamagitan ng pagdamay sa kanilang kapwa tao.
Ang pakikilahok ay dapat kilalaning isang obligasyon ng bawat tao
Ang kabutihang panlahat ay makakamit lamang kung ang bawat isa ay hindi nagdadamayan sa gawain.
Ikaw ay hindi makadadalo sa lingguhang paglilinis sa inyong komunidad sa kadahilanang ikaw ay naglalaro ng ML. Ito ay nagpapakita ng isang uri ng pakikilahok.
Ang pagganap sa tungkulin bilang isang mamamayan sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglahok ay isang uri ng bolunterismo
Ang halimbawa ng bayanihan, damayan, kawang gawa at pagbibigay ng tulong na walang hinihintay na kapalit ay isang uri ng paglahok.
Mahalaga na may kamalayan ang isang batang katulad mo sa mga pananagutan at tungkuling dapat mong gampanan sa iyong komunidad.
Ang pag-unlad at pagpapahalaga sa sarili ay isa sa mga benepisyong taglay ng isang mamamayan.
Nagkaroon ng isang proyekto ang Sangguniang Kabataan sa aming Barangay. Ang mga kabataan ay tumugon sa panawagang paglilinis ng kapaligiran sa ikagaganda ng aming komunidad na madaling naisagwa ng lahat.
Kailangang ginagawa ng may buong pagmamahal ang lahat ng ating ginagawa.
kagalingan
paggawa
Mas pagod ang taong tamad sa masipag
kagalingan
paggawa
Ang pagtulong sa gawaing bahay ay bahagi ng disiplina na kailangan nating matutuhan sa buhay.
kagalingan
paggawa
Ang pagpapakita ng kagalingan sa paggawa ay nakapag-aangat ng kalagayang pang-ekonomiya ng bansa.
kagalingan
paggawa
Ang pagpapakita ng kagalingan sa paggawa ay nakapag-aangat ng kalagayang pang-ekonomiya ng bansa.
kagalingan
paggawa
Ang taong masipag, matiyaga, malikhain, mapagtanong at may disiplina ay nagtataglay ng kagalingan sa paggawa.
kagalingan
paggawa
Mas mabuting matulog maghapon kaysa gumawa ng gawaing bahay.
kagalingan
paggawa
Sa pagnenegosyo mas mabuting malaki ang iyong puhunan para malaki din ang iyong kita.
kagalingan
paggawa
Sa paggawa nangangailangan ito ng pagiging malikhain at hindi nanggagaya ng gawa ng iba.
kagalingan
paggawa
Higit na mabuti na makapagpasa ng magandang gawain kahit huli na ito at tapos na ang itinakdang araw ng pagpapasa.
kagalingan
paggawa
Higit na mabuti na makapagpasa ng magandang gawain kahit huli na ito at tapos na ang itinakdang araw ng pagpapasa.
kagalingan
paggawa
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
pagsuot ng uniporme
pagsuot ng Identification Card (ID)
pagpasok sa paaralan sa takdang oras
lahat ng mga nabanggit
Ito ay tumutukoy sa trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Dapat ang trabahong pipiliin at paghahandaan ng mag- aaral na tulad mo ay tugma at naaayon sa iyong talino, hilig at kakayahan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay at maging kapakipakinabang sa pamilya at sa lipunan
Misyon
Propesyon
Bokasyon
Desisyon
Ito ay tumutukoy sa hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
Misyon
Propesyon
Bokasyon
Desisyon
Ito ay katulad din sa propesyon ngunit mas kawili-wili sa tao sapagkat nagagamit niya ang kaniyang talento kaya hindi niya nararamdaman ang pagkabagot Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
Misyon
Propesyon
Bokasyon
Desisyon
Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw.
Talaan ng mga pangarap sa buhay
Layunin at Pagsisikap
Inspirasyon sa buhay
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay, ano ang kahulugan ng SMART ?
Specific, Measurable, Aesthetic, Relevance, Time Bound
Specific, Measurable, Againable, Realistic, Time Bound
Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Timer
Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound
Sa paggawa ng Personal Mission Statement, kinakailangang ang lahat ng isusulat mo dito ay ispisipiko. Kung kaya't mahalaga na ikaw ay magnilay upang makita mo ang nais mong tahakin nang sa gayon ay hindi pabago-bago ang iyong pagpapasya. Anong hakbang sa pagbuo ng PPMB ang tinutukoy dito?
tiyak
nasusukat
angkop
napapanahon
Kailangang itanong mo sa iyong sarili kung ang personal na pahayag ng misyon mo sa buhay ay totoong kaya mong gawin dahil kung hindi ay masasayang lamang ang tuition fee dahil baka mag shift ka lang ng kurso sa bandang huli. Anong hakbang sa pagbuo ng PPMB ang tinutukoy dito?
tiyak
napapanahon
angkop
naaabot
Sa pagbuo ng PPMB nararapat na ito ay ayon sa pangangailangan ng iyong kapwa. Ang iyong pagkilos ay dapat responsible, mapanagutan at isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat. Anong hakbang sa kraytiryang SMART ang tinutukoy dito?
tiyak
nasusukat
angkop
nagagawa
Mahalaga ang pagtatakda ng panahon o oras kung kailan isasakatuparan ang iyong misyon upang hindi maubos ang maraming taon para sa isang gawain. Mainam na ito ay itakda upang masuri kung ikaw ay nagtagumpay o nabigo sa iyong misyon. Anong hakbang sa pagbuo ng PPMB ang tinutukoy dito?
Specific
Relevant
Attainable
Time bound
Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, nararapat na isaalang-alang ang krartiryang ___________. Ito ay mahalaga upang maging malinaw sa iyo ang landas na tatahakin sa buhay.
RIASEC
SMART
PPMB
GLOBE
Bakit mahalaga na ngayon pa lamang ay marunong ka nang magpasiya ng wasto at makabuluhan?
Upang mas maging madali ang buhay
Upang hindi magsisihan sa bandang huli
Upang mas makatipid ng panahon at hindi na ito paulit-ulit pang pag-iisipan.
Upang magkaroon ng matalinong desisyon at maayos na direksyon sa buhay
Ano ang maidudulot sa iyong buhay kung maaga mong matutukoy ang iyong misyon?
matatakot ka sa responsibilidad kaya magbabarkada ka na lamang upang makaiwas sa obligasyon
mapaghahandaan mo at mapagpaplanuhan ang iyong mga hakbang upang masigurong matutupad ang iyong misyon
masyado mo itong seseryosohin at mawawalan ka ng panahon sa paglilibang at pamamasyal
kakantyawan ka ng iyong mga kaibigan kaya isasantabi mo na lamang ang iyong misyon
Alin ang nagpapakita ng mapanagutang kilos tungo sa pagtupad sa misyon?
Bilang panganay na anak, batid ni Orlando na sa hinaharap ay kailangan niyang tumulong sa pagpapaaral sa kanyang nakababatang kapatid. Dahil dito umiiwas siya sa bisyo, maagang relasyon at mga masasamang impluwensiya upang hindi siya maligaw ng landas.
OFW ang magulang ni Kim kaya hindi siya nagpaplano sa hinaharap, alam kasi niyang may tutulong sa kanya anumang oras niya ito kailanganin. Ayon sa kanya, "You only live once", kaya naniniwala siya sa kasabihang "eat, drink, and be merry".
Palakaibigan si Margarita kaya nahihirapan siyang tumanggi sa mga pagyayaya ng barkada. Isang araw ay bigla na lamang ito huminto sa pag-aaral dahil sa maagang pagbubuntis.
Working student si Tristan dahil mahirap ang kanyang mga magulang. Nang makamit niya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ay nagtrabaho agad siya sa ibang bansa. Bihira itong magbigay ng pinansiyal na tulong sa kanyang pamilya dahil katwiran niya, hindi naman siya pinag-aral ng kanyang mga magulang kaya hindi rin nila deserve na matulungan.
Suriin ang mga sumusunod na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Aling PPMB ang dapat tularan?
Bilang isang mabuting anak, nais kong makapagtapos ng pag-aaral, maiahon sa kahirapan ang aking pamilya, makatulong sa kapwa at makapaglingkod sa Diyos at sa bansa.
Bilang isang makatuwirang mamamayan, nais kong maging disiplinado sa lahat ng pagkakataon, sumunod sa batas at umiwas sa gulo.
Bilang isang mabuting tao, hangad ko ang pag-unlad ng lipunan, pagganda ng ekonomiya, pagkakaroon ng maayos na sistema, tapat na namumuno, matiwasay na pamumuhay at mapayapang kapaligiran.
Bilang isang matalinong nilalang hindi ako manlalamang at mang-aapi ng kapwa, igagalang ko ang aking mga magulang at lahat ng nakatatanda at awtoridad. Hindi ako magdadamot bagkus ay tutulong ako sa abot ng aking makakaya upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay sa ating bansa.
Ayon kay Fr. Jerry Orbos, ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay ang magkaroon ng makabuluhang misyon. Alin ang magdudulot ng totoong kaligayahan?
Paglilingkod
Pamamahinga
Kasikatan
Kayamanan
Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita kung paano maisasabuhay ang pagiging mapanagutan sa pagtupad ng iyong misyon?
alamin ang sasabihin ng iba para agad umayon sa kanila
isipin ang kapakanan ng kapwa kaysa personal na pakinabang
magbigay ng suhol kung kinakailangan
gumamit ng puwersa sa sinumang sasagabal sa misyon
Ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagganap sa iyong misyon
ang salaping kikitain mula rito
ang pabor na makukuha mula sa mga koneksyon
ang pagiging responsable at mapanagutan sa kapwa
ang kasikatan na matatamo mula sa mga makakasalamuhang tao
Ito ay tumutukoy sa iyong mga naisin at hangarin sa buhay.
Pagpapahalaga
Talento
Hilig
Mithiin
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao kung saan siya mahusay o magaling. Ito ay bunga ng matiyagang pagpapraktis.
Mithiin
Talento
Hilig
Kasanayan
