wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Natatandaan mo pa ba?

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang uri ng panahon kung ang kalangitan ay natatakpan ng maraming ulap, ngunit hindi umuulan?

a)

maulap

b)

mahangin

c)

mainit

d)

maulan

2.

Si Ben ay lumabas ng bahay at naramdaman niya ang malamig na hangin sa umaga. Nang tumingala siya, nakita niya ang mainit na sikat ng araw. Anong katangian ng panahon ang tumutukoy sa init o lamig ng hangin?

a)

ulan

b)

temperatura

c)

halumigmig o humidity

d)

hangin

3.

Ano ang tamang uri ng panahon kung ang araw ay mataas at ramdam ang matinding init?

a)

maulap

b)

mainit

c)

mahangin

d)

mabagyo

4.

Habang naglalakad si Carlo papunta sa paaralan, napansin niyang malakas ang ihip ng hangin at ang mga dahon ng puno ay nahuhulog. Aling katangian ng panahon ang tumutukoy sa paggalaw ng hangin?

a)

hangin

b)

temperatura

c)

halumigmig o humidity

d)

ulan

5.

Napansin ni Pedro na napakainit ng panahon at walang ulap sa langit. Ano ang dapat niyang gawin upang maprotektahan ang sarili?

a)

magsuot ng makapal na jacket

b)

magdala ng payong o sumbrero

c)

maglaro sa ilalim ng araw nang matagal

d)

lumangoy sa baha

6.

Habang nasa paaralan, narinig ni Lea sa balita na bumababa ang atmospheric pressure sa isang lugar. Ano ang maaaring mangyari sa panahon?

a)

uulan o magkakaroon ng bagyo

b)

magiging maaraw at mainit

c)

tataas ang temperatura

d)

matutuyo ang hangin

7.

Kapag may malalakas na hangin at bumabagsak ang malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat, anong uri ng panahon ito?

a)

mainit

b)

mahangin

c)

mabagyo

d)

maulap

8.

Pagkatapos umulan, napansin ni Juan na parang ang bigat ng hangin at pakiramdam niya ay malagkit ang kanyang balat. Ano ang nararanasan niya?

a)

malakas na hangin

b)

mataas na temperatura

c)

mataas na halumigmig (Humidity)

d)

malakas na ulan

9.

Alin sa sumusunod na gawain ang mainam mong gawin kapag maulan ang panahon?

a)

maglaro ng habulan

b)

magpalipad ng saranggola

c)

magbasa ng aklat

d)

maglaro ng mobile legends

10.

Habang naglalakad si Miguel sa labas, bigla siyang nakaramdam ng malamig na patak ng tubig mula sa ulap. Maya-maya pa, lumakas ito at nagpatuloy sa loob ng ilang oras. Anong katangian ng panahon ang tumutukoy sa pagbagsak ng tubig mula sa himpapawid?

a)

halumigmig (Humidity)

b)

ulan

c)

temperatura

d)


hangin