NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Filipino 6
Total questions: 47
Worksheet time: 24mins
Marites, ikaw na ang maglinis ng bakuran natin. Anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit sa pangungusap?
pandiwa
pang-abay
panghalip
pang-uri
Maganda ang ayos ng bahay nila Nena. Anong bahagi ng pananalita ang salitang "maganda" sa pangungusap?
pandiwa
pang-abay
panghalip
pang-uri
(gusali, kabundukan, kapatid, pamayanan) Anong salita sa panaklong ang kaugnay ng salitang "kalikasan"?
gusali
kabundukan
kapatid
pamayanan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tamang pangungusap tungkol sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon?
Ang opinyon ay dapat laging tama.
Ang opinyon na kakaunti lamang ang detalyeng basehan ay matatawag na hilaw o kulang.
Ang opinyon ng ibang tao tungkol sayo ay mahalaga.
Ang opinyon ay naisusulat lamang.
Ano ang dapat isagawa upang makapagbigay ng patas na opinyon o reaksyon?
Gumamit ng pariralang gaya ng "Sa aking palagay…"
Ipilit na tama ang iyong opinyon.
Pakinggan o alamin ang lahat ng detalye bilang basehan ng opinyon.
Humanap ng magandang opinyon mula sa Google.
Gustong-gusto na ni Lando na maglaro sa labas. Ipinagbabawal pa ito sa kasalukuyan kaya nanatili na lang siya sa loob ng bahay. Ano ang angkop na reaksyon sa sitwasyong ito?
Sumasang-ayon ako dahil iyon ang makabubuti.
Dapat ay lumabas na siya kahit saglit lamang.
Sa opinion ko ay maaari na siyang lumabas.
Hindi ako sang-ayon sa ginawa niya.
Alin sa mga sumusunod na pamagat ang kathang-isip lamang?
Si Malakas at Si Maganda
Manuel Roxas: Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
Taong 2019: Nagsimulang Kumalat ang Pandemyang Covid-19.
Paghuhugas ng Kamay: Dapat Isagawa sa Panahon ng Pandemya
Anong uri ng pelikula ang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian at ginawa upang paiyakin ang manonood?
Drama
Historikal
Katatakutan
Musical
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan tungkol sa pelikulang kababalaghan o Fantasy?
Ito ay mga pelikulang katatawanan.
Ito ay tungkol sa pag-iibigan ng mga tauhan.
Ito ay mga pelikulang nag-uulat sa mga balita, o mga bagay na may halaga sa kasaysayan, pulitika o lipunan.
Nagdadala sa manunuod sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa o kwentong bayan.
Ano ang maaaring maging bunga ng pangyayari sa dayagram?
Yayaman ang mga tao.
Magiging malinis ang kagubatan.
Magkakaroon ng landslide kapag malakas ang ulan.
Magkakaroon ng malalaking gusali sa mga pamayanan.
Tungkol saan ang impormasyon sa tsart?
Ang tsart ay tungkol Pamilya Aoalin.
Ang tsart ay tungkol sa kung paano ang pagkonsumo ng Pamilya Aoalin.
Ang tsart ay tungkol sa kung ilan ang binayaran ng Pamilya Aoalin sa taong 2020
Ang tsart ay tungkol sa buwanang konsumo ng kuryente ng Pamilya Aoalin sa taong 2022.
Ano ang tawag sa uri ng natatanging balita ukol sa iba't ibang uri ng laro na batay sa tuwirang balita subalit karaniwang nasusulat sa pamaraang action story.?
balitang pang-isport
iskrip ng teleradyo
sa uri ng natatanging balita ukol sa iba't ibang uri ng laro na batay sa tuwirang balita subalit karaniwang nasusulat sa pamaraang action story?
balitang pang-isport
iskrip ng balitang pangradyo
iskrip ng teleradyo
liham sa editor
Ano naman ang tawag sa isang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga dayalogong binabasa ng tagapagbalita?
balitang pang-isport
iskrip ng balitang pangradyo
iskrip ng teleradyo
liham sa editor
Ano ang tawag sa isang uri ng liham na naglalahaad ng sariling opinyon o pananaw ng mambabasa sa isang mahalagang isyu o paksa?
balitang pang-isport
iskrip ng balitang pangradyo
iskrip ng teleradyo
liham sa editor
Ang _______ay isang tsanel na pantelebisyong nakakable? Ito ang bersiyong pantelibisyon ng himpilan ng radio.
balitang pang-isport
iskrip ng balitang pangradyo
liham sa editor
teleradyo
Tayo ay sasali sa gaganaping patimpalak sap ag-awit. Ano ang tawag mo sa salitang 'Tayo'?
pandiwa
pang-abay
panghalip
pang-uri
Ano ang salitang kaugnay ng salitang H I M A L A sa pagpipilian sa ibaba?
ala-ala
bungang-isip
kagila-gilalas
Panaginip
Nakita mo sa TV na nakasalampak na lang sa gilid ng kalsada ang mga umuwing OFW na kailangang i-quarantine muna bago umuwi. Ano ang masasabi mo dito?
Ipagwalang bahala ko nalang ang lahat.
Kukunan ko sila ng litrato upang maging sikat ako.
Magpasundo sila sa mga kaibigan at mamasyal muna.
Kung hindi kaya ng pamahalaan na bigyan sila ng maayos na lugar na panuluyan hayaan na sila sa kanilang bahay na umuwi at mag-quarantine.
Nagkaroon ng malawakang rapid-test ang pamahalaan ng Banna sa mga driver ng sasakyan ng pamahalaang lokal. Ano ang sarili mong pagkakaintindi o reaksyon sa nasabing aktibidad?
Batiin ko ang bawat isa dahil dito.
Mgmamalaki ako bilang taga-Banna
Marahil para maging sikat ang Banna sa buong Pilipinas.
Narapat lang ito upang mabigyan agad sila ng lunas at di na lumbas pa.
Ano ang tawag mo sa babasahi na binubuo ng mga makatotohanang pangyayari At mangyayari pa ito sa totoong buhay?
di-piksyon
piksyon
pakuwento
pasalaysay
Pumunta sina Ana at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Ana sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
Pumunta sina Ana sa paaralan.
Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
Nakaramdam ng awa si Ana sa batang kalye.
Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.
Nais mong malaman ang impormasyon tungkol sa graph. Alin sa mga sumusunod ang angkop na tanong?
Tungkol sa pakikiramay, pakikipagkapwa-tao at pagkakawang-gawa sa panahon ng covid.
Tungkol ito sa nakatanggap ng ayuda.
Tungkol ito sa mga taong gusto at hindi gusting pumasok sa trabaho.
Datos ng mga Pilipino na tumutulong sa kapwa.
Ano ang pagkakaintindi mo sa naglalahad ng mga kaganapan sa laro?
resulta ng laro
sports profile
sports linggo
kasalukuyang
glalahad ng mga kaganapan sa laro?
A resulta ng laro
B. sports linggo
C. sports profile
D. kasalukuyang balita
Batay sa inyong kaalaman,ano ang ipinapahiwatig ang kahulugan ng mga salita,tamang pagpapantig ng salita,pagbibigkas,pagbabaybay at pagbabantas?
A. Atlas
B. Almanac
C. Diksyunaryo
D. Ensiklopedya
Sa mundong ating ginagalawan,anong uri ng babasahin kung saan ditto mababasa ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa araw-araw?
A. Almanac
B. Diksyunaryo
C. Pahayagan
D. Thesaurus
"Nag-abang kami ng masasakyang bus sa harap ng paaralan ngunit wala kaming nahintay." Anong salita sa pangungusap ang isang halimbawa ng pangatnig?
A. bus
B. nag-abang
C. ngunit
D. paaralan
Anong mga salita sa loob ng kahon ang pipiliin mo na magkakaugnay?
A. aklat, bolpen, kuwaderno at lapis
B. bahay, bulaklak , kalsada at isda
C. bolpen, bulaklak, isda at kuwaderno
D. bulaklak, isda, kalsada at kuwaderno
Si Rayven ay mahusay umawit. Lumalahok siya sa iba't ibang paligsahang pampaaralan at pambaranggay. Ano ang damdamin mo sa sitwasyon?
A. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa ni Rayven masyado siyang mayabang.
B. Natutuwa ako kay Rayven dahil ipinapakita at linilinang niya ang kanyang talento.
C. Salungat ako sa ginagawa ni Rayven dahil marami siyang sinasayang na oras sa pagsali sa mga paligsahan imbes na mag-aral.
D. Sang-ayon ako kay Rayven dahil kapag nanalo siya sa mga paligsahan magkakaroon siya ng maraming pera at sisikat.
Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa kuwentong piksyon?
A. Isang umaga, tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon.
B. Sa taong 2020, ay kumalat ang isang uri ng "virus" na isa ring uri ng SARS at ito ay kumalat sa buong mundo.
C. Ang pagtatanim ng punongkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila.
D. Ang globo ay nahahati sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo.
"Puno na ang salop, dapat ka nang kalusin." Batay sa linyang yan ni Fernando Poe Jr. na hango sa pelikulang "Kapag Puno na Ang Salop", anong uri ng pelikula ito?
A. aksyon
B. drama
C. kababalaghan
D. katatakutan
Basahin ang sanhi na nasa dayagram. Ano ang magiging bunga nito sa kalusugan ng mga tao?
A. Maluluha ang mga tao.
B. Magsusuka ang mga tao.
C. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
D. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
Gamit ang grap, anong baitang ng mga mag-aaral ang may magkaparehong dami ng mag-aaral?
A. I at II
B. II at III
C. III at IV
D. IV at VI
Paano ang tamang pagsulat ng iskrip ng balitang panradyo?
A. Haluan ng personal na opinyon ang balita.
B. Di-pormal ang pagsulat para sa balitang panradyo.
C. Gumamit ng simpleng salita na madaling maunawaan ng tagapakinig.
D. Gumamit ng maliliit na titik o letra sa paggawa ng iskrip para madaling mabasa ng tagapagbalita at madaling basahin.
Paano mo gagamitin ang diksyunaryo?
A. Gagamitin ko ang diksyunaryo para mabigyan ng kahulugan ang mga salita.
B. Gagamitin ko ang diksyunaryo para masabi ng lawak, distansiya at lokasyon ng lugar.
C. Gagamitin ko ang diksyunaryo para malaman ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa araw-araw.
D. Gagamitin ko ang diksyunaryo para malaman ang mga impormasyon tungkol sa mga ba
Mayroon kang kompyuter at tablet, anong pangkalahatang sanggunian ang maaari mong pagkunan ng impormasyon gamit ang mga ito?
Almanac
Atlas
Internet
Pahayagan
Sa paanong paraan iugnay o ipangkat ang salitang BULAKLAK sa mga salitang nakatala sa ibaba?
gumamela
kalabasa
malunggay
mangga
Paano mo maipapakita ang relasyon ng salitang may salungguhit sa pagpipilian? Piksyon: Tambelina = Di Piksyon
Balitang Isports
Si Langgam at Tipaklong
Ang Mahiwagang palakol
Si Dalagangbukid at Metronews
Ito ay mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manonood. Ano ang pagkaibhan nito sa ibang uri ng pelikula?
aksiyon
animasyon
dokyu
drama
Ano ang pangkalahatang impormasyong ipinapakita sa mapang ito?
Ang klima na meron ang Pilipinas.
Ang mapa na nagpapakita ng kabuhayan ng Pilipinas.
Mapa na nagpapakit ng lokasyon ng ibat-ibang lugar sa bansa.
Mapang nagpapakita ng ibat-ibang kaanyuang pisikal. Gaya ng anyong lupa.
Ito ay bolyum ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay. Anong sanggunian ito?
Atlas
Almanac
Diksyunaryo
Ensiklopedya
Paano binubuo ang isang patalastas?
Kailangang malinaw ay maayos ang pagkakasulat ng patalastas.
Kailangang malinaw sa pagpapahayag ng nais ipabatid sa patalastas.
Gumamit tayo ng ibat-ibang bahagi ng pananalita para sa paggawa o pagbuo ng patalastas
Lahat ng nabanggit.
Paano mo iugnay ang salitang may salungguhit sa pagpipilian sa ibaba? ASTRONAUT
bagwis
kalakawan
lumilipad
eroplano
Ang mga nakatala sa pagpipilian ay katangian ng piksyon maliban sa isa? Ano ito?
pagmamalabis
pagpapanggap
pagiging makatotohanan
pag-imbento ng kwento
Suriin ang tinutukoy sa ibaba? Ito ay mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay inilalagay sa mga hindi maisip na sitwasyon.
Historikal
katatakutan
komedya
musikal
Tumatakbo ng mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano ang maibibigay mong ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
Maluluha ang mga tao.
Magsusuka ang mga tao.
Magkakasakit sa baga ang mga tao.
Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
