NEW
Font size
WorksheetsPANININDIGAN SA KATOTOHANAN
Total questions: 25
Worksheet time: 17mins
Matagal ng magkaibigan sila Susan at Guada at mas lalong tumitibay at tumatatag ang kanilang pagkakaibigan, para sa kanila ”Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat”. Paano kaya naisasabuhay ng magkaibigan ang kanilang paniniwala sa kasabihan?
Sumusumpa na hindi na magsisinungaling kailanman.
Paninidigan ang pagsasabi ng katotohanan at walang lihiman.
Huwag basta naniniwala sa mga pinagsasabi ng mga tao.
Sabihin ang gusto lang sa madinig para maging matatag ang pagkikipag-kaibigan.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng isyu sa kototohanan na whistleblowing?
A. Pagsasabi ni Lesley kay Nana na may gusto sa kanya ang kanyang kapatid na si
Harith.
B. Pagsusumbong ni Vegeta sa kaniyang guro tungkol sa pangongodigo si Goku sa
pagsusulit.
C. Pagbibigay impormasyon ni Killuah kay Kurapika sa kinaroroonan ng puganteng
Spiders.
D. Paglalantad ni Sakuragi sa publiko tungkol sa hindi patas na pagbibigay ng sahod sa
mga manggagawa ng kompanya na kanyang pinapasukan.
Magkakaroon ng Field Trip ang inyong paaralan at humihingi ka ng malaking pera sa itinakdang halaga ng iyong guro, kahit na alam mong nagangailangan ang kapatid mo ng pambili nga gamit sa eskwelahan. Paano mo maitutuwid ang pagsisinungaling sa perang hiningi mo sa nanay mo?
A. Bigyan ng pasalubong ang nanay pagkagaling sa field trip.
B. Ipakita ang sinseridad sa paghingi ng tawad at hindi na uulitin ang ginawa.
C. Ipangako na hihingi ng sapat lamang na pera sa kailangan at pipiliting magbago.
D. Kausapin ang kapatid na huwag ng magsabi sa Nanay ng kaniyang kailangan.
Habang papauwi ka sa bahay ay nakita mo ang isang kotse na biglang bumangga sa isang motorsiklo at malubhang nasugatan ang sakay nito. Bilang saksi sa aksidente, bakit kailangang paninindigan mo at sabihin ang totoong pangyayari?
A. Dahil marami ang nakakaalam ng nangyari.
B. Dahil ang mga taong nakasaksi sa nangyari ay iba-iba ang kuwento.
C. Dahil gusto mong makita sa telebisyon ang pagbabalita sa nangyaring banggaan.
D. Dahil tungkulin mong maitama at ipahayag ang totoong pangyayari sa nasaksihang aksidente.
Anong paglabag ang sinasakop ng pagdodownload ng anumang files sa internet ng walang pagkilala sa may ari?
A.Confidentiality
B. Intellectual Piracy
C. Lies
D. Theft
Ang mga pahayag ay may kinalaman sa katotohanan maliban sa ____________:
A. Ang pagiging tapat ay ipinapapakita lamang sa salita.
B. Ang pagsasabi ng tama at totoo ay tungkulin ng bawat tao.
C. Ang katotohanan ang nagsisislbing ilaw sa paghanap ng kaalaman.
D. Ang sinomang sumusunod sa katotohanan ay nagkakamit ng kaluwagan sa buhay.
Dahil sa hirap ng buhay, hindi makabili si Dan ng damit at sapatos kaya’t hindi na siya nagdalawang isip na patusin ang alok ng isang kabilang sa LGBTQ na makipagrelasyon sa kaniya kapalit ang mga pangangailangan niya na hindi kayang ibigay ng kaniyang magulang. Kung ikaw ang nasa sitwasyon gagawin mo ba ang kaparehong desisyon?
A. Hindi, dahil tiyak na magagalit ang aking magulang pag nalaman ito.
B. Oo, dahil wala namang maapektuhang kapwa sa aking ginawang desisyon
C. Hindi, dahil ang gawaing ito ay hindi makabubuti at makakasira ito sa aking
pagkatao.
D. Oo, makakatulong ako sa magulang ko kung hindi na ako hihingi sa kanila ng aking
pangangailangan.
Upang makapagpasa ng research paper ay kinopya na lamang ni Jessie ang isang bahagi ng akda ng kanyang nakita sa online. Alin ang tumutukoy sa kilos na ginawa ni Jessie?
A. Korupsiyon
B. Plagiarism
C. Whistleblowing
D. Whistleblower
Buong tapang na isinisawalat ni Marco ang katotohanan sa likod ng nawawalang pondo sa isang ahensiya ng pamahalaan na kaniyang pinapasukan, kaya nagkaroon ito ng linaw. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kilos na ginawa ni Marco?
A. Korupsiyon
B. Plagiarism
C. Whistleblowing
D. Whistleblower
Alin sa mga sitwasyon ang walang kinalaman sa paglabag sa katotohanan?
A. Pagtatago isang guro ng mga dokumento ng kaniyang mga studyante.
B. Pagtatago ng isang ina ng mga impormasyon tungkol sa kaniyang anak na isa palang
ampon.
C. Paglantad ng isang empleyado laban sa kanyang pinaglilingkurang amo dahil sa
hindi patas o pantay na pamamalakad at korapsiyon.
D. Pagkakalat ng studyante ng maling bintang na ninakaw ang kanyang wallet. Ang
totoo ay nais lamang niyang makakuha ng atensiyon mula sa kaniyang kaklase
Ang katagang “Think before you click” ay nagpapahayag na:
A. Maging patas at iwasan ang paghuhusga sa napapanood sa internet.
B. Tayong lahat ay may isip at may kapangyarihang alamin ang mga bagay bagay sa
internet.
C. Maging mapanuri sa mga nilalaman ng nakikita o napapanood sa internet o social
media.
D. Tayo ay nasa modernong panahon na at lahat ay may kakayahang gumamit ng social
media.
Bakit mapanganib sa isang whistle blower ang pagsisiwalat ng katotohanan?
A. Maaring makapagsiwalat siya ng hindi totoong impormasyon.
B. Nakakagawa siya ng maling pagpapasya dahil sa pagkatakot.
C. Maraming tao ang kaniyang maaapektuhan kapag nagsabi ng katotohanan.
D. Dahil sa pagbubulgar niya ng katotohanan maaring mapagbantaan ang kaniyang
buhay.
Pagkukuwento ng isang nanay tungkol sa Santa Claus na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging masunurin at mabait nito.
A. Jocose lies
B. Officious lies
C. Pernicious lies
D. White lies
Ang paggamit ng seksuwal na kasarian ay para sa mag-asawa na ang layunin ay:
A. Ipakita ang pagmamahal sa bawat isa.
B. Paligayahin ang minamahal na kinakasama.
C. Ibigay ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa.
D. Ipadama sa bawat isa ang pagmamahal at magkaroon ng anak.
Nabasa ni Clara sa kaniyang newsfeed na nagpost ang kaniyang kaibigang si Fiona na naka away niya kamakailan lamang. Naisip ni Clara na siya ang pinatutungkulan ng post na ito kaya’t gumanti siya ng post at nai-mention niya ang kaibigan sa facebook. Sa sitwasyong ito may nilabag ba si Clara sa isyu ng kawalan ng paggalang sa katotohanan?
A. Wala, dahil wala namang kinalaman sa pagsisinungaling ang ginawa ni Clara.
B. Walang kaugnayan sa pagsasabi ng katotohanan ang pagpopost sa social media.
C. Meron, dahil sa social media si Clara nagpost ng paghihiganti niya.
D. Meron dahil hindi niya inalam ang katotohanan bago siya nagpost laban sa kaniyang
kaibigan.
Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang matandaan ang pahayag na ito?
A. Dahil ito ang katotohanan.
B. Para sa kabutihang panlahat.
C. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang.
D. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.
Ang isang mag-aaral na idinahilan ang kaniyang pagliban sa klase nang nakaraang araw dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama, na ang totoo ay noong nakaraang taon pa ito yumao.
A. Jocose lies
B. Officious lies
C. Pernicious lies
D. White lies
Ang pakikipagtalik ay gawaing nararapat lamang gampanan ng mga:
A. Mag-asawang nais bumuo ng pamilya.
B. Relasyon na matagal nang nagmamahalan.
C. Nagmamahalang gustong ipakita ang pagmamahal
D. Taong nais gawin ito na umaayon na gawin ang kilos.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang prostitusyon ay mapagsamantala?
A. Nakapagbibigay aliw ito sa mga tao.
B. Nakatutulong ito sa mga nangangailangan.
C. Nakapagbibigay ligaya sa mga taong may gusto nito.
D. Ang taong bumibili ay sinasamantala ang kahinaan ng taong sangkot dito.
Palagi mong napapansin ang grupo ng mga kaklase mo na nagpapalitan ng mga usaping may kinalaman sa pag-aaral. Tukuyin mo sa mga pagpapahalaga kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at hindi nagsisinungaling base sa obserbasyon sa kanilang ikinikilos?
A. Ang may malakas na boses.
B. Ang paglingon lingon habang nagkukuwento.
C. Ang kaklase mong kasama mo sa ilang pangkatang gawain sa iskul.
D. Ang kaklase mo na mataas ang grado at nakikita sa kanyang makataong kilos.
Nadinig mo na may pagbubunyag ng mga maling gawain na nagaganap sa loob ng iyong paaralan na sangkot ang
iyong guro. Ano ang maaari mong gawin?
A. Sabihin sa iyong nanay.
B. Ikalat ang nalalaman sa mga kaibigan at kakilalang guro.
C. Alamin ang katotohanan at magsumbong sa opisina ng Punong-guro
D. Pumunta sa kuwarto ng iyong guro at magbanta tungkol sa kumakalat na isyu.
Anong hakbang ang gagawin mo sa paggawa ng Infographic Material para hindi ka maakusahan ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil sa pag-angkin ng hindi sayo.
A. Kopyahin ang mga ginawa ng kaibigan para hindi na mahirapan sa paggawa.
B. Isulat ang website na nakita sa kamag-aral at kaibigan na may kaparehong tema.
C. Basahing mabuti ang research at ibigay ito sa sariling pagpapahayag o pag-unawa.
D. Baguhin ang pagkasunod-sunod at pag-ibaibahin ang istilo ng pagkakasulat ng gawain.
Bilang mag-aaral, paano mo mahahadlangan ang pangongopya o Plagiarism?
A. Isisiwalat o isusumbong sa pulis.
B. Ilihim sa kahit kanino man upang walang makaalaam.
C. Aalamin kung ano ang nasasaad sa Law on Copyright o sa Intellectual Honesty.
D. Hahayaan na lang at hindi papansinin ang mga gawain ng pangongopya o Plagiarism.
Ano ang nararapat mong gawin bilang isang mag-aaral na mapaninidigan ang katotohanan?
A. Ang pagiging tapat ay ipinapakita lamang sa salita.
B. Ang taong mapagkumbaba ay may respeto sa katotohanan.
C. Mainam na maipakita ang pagiging tapat o makatotohanan sa paggawa.
D. Magkakaroon ng kaalaman at kamalayan sa makataong kilos at paninindigan ang
sinasabi at ikinikilos.
Piliin ang iyong nararapat na gawin para hindi ka maakusahan ng Plagiarism sa video clip na iyong ipapasa bilang
proyekto sa paaralan.
A. Isulat ang mga gumagawa ng video clip.
B. Ilalagay sa hulihan ng video kung saan ito nakuha
C. Gagamit ng ibang salita sa pagapaliwanag ng video.
D. Hahayaan na lang dahil sa eskuwelahan lang naman gagamitin ang video
