Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa AP 7

Total questions: 80

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Anong sistema ang isinulong ni Sukarno upang tugunan ang mga panloob na tunggalian sa lipunan ng Indonesia?

a)

Guided Democracy

b)

Bagong Kaayusan

c)

Parliyamentaryong Demokrasya

d)

Sosyalistang Pamahalaan

2.

Aling bansa ang nanakop sa Timor-Leste ilang araw matapos nilang ideklara ang kanilang kalayaan mula sa Portugal?

a)

Australia

b)

Netherlands

c)

Indonesia

d)

Estados Unidos

3.

Anong taon nakamit ng Timor-Leste ang ganap na kalayaan at soberanya?

a)

1999

b)

2000

c)

2001

d)

2002

4.

Alin sa sumusunod na mga pahayag ang wastong naghahambing sa naging pagharap nina Sukarno at Suharto sa pangloob na tunggalian sa Indonesia?

a)

Si Sukarno ay nagbigay ng puwang sa mga komunista habang si Suharto ay nagpatupad ng marahas na panunupil sa mga ito.

b)

Parehong sinupil nina Sukarno at Suharto ang kilusang komunista at iba pang partidong bahagi ng oposisyon.

c)

Si Sukarno ay gumamit ng militaristikong mga hakbang, samantalang si Suharto ay nagsulong ng diplomasya.

d)

Parehong nagpatupad sina Sukarno at Suharto ng demokratikong proseso upang malutas ang mga tunggalian.

5.

Ano ang pagkakapareho ng Guided Democracy at Bagong Kaayusan?

a)

parehong nagpatupad ng demokratikong halalan

b)

parehong ginabayan ng liberal na demokrasya

c)

parehong nagtulak para sa malawakang reporma sa agraryo

d)

parehong nagtatag ng sentralisadong kapangyarihan sa pamahalaan

6.

Ano ang naging epekto ng purge o pagpurga at pag-alis sa mga komunista sa pampolitikang kapaligiran ng Indonesia?

a)

Nagpaigting ito ng demokratikong proseso sa bansa.

b)

Nagdulot ito ng malawakang takot at pagsikil sa kalayaan.

c)

Nagsulong ito ng mas malawak na pagtanggap sa ideolohiyang komunista.

d)

Nagbigay-daan ito sa mas malayang pagpapahayag ng ideya at opinyon.

7.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga repormang ipinatupad sa panahon ng Reformasi?

a)

paglulunsad ng malayang halalan

b)

pagbibigay ng kapangyarihan sa lehislatura

c)

pagpapalawak ng kapangyarihan ng military

d)

pagpapahintulot ng paglahok ng bagong mga partidong political

8.

Alin sa sumusunod ang isa sa mga batayan upang ituring na awtoritaryan ang rehimen ni Suharto?

a)

pagbabawal sa kritisimo sa gobyerno

b)

pagbibigay ng insentibo sa dayuhang pamumuhunan

c)

paglala ng korapsiyon at nepotismo

d)

pagtataguyod ng malayang pamamahayag

9.

Batay sa karanasan ng Indonesia, alin sa sumusunod ang wastong tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng awtoritaryang pamumuno at paglaganap ng korapsiyon, kronyismo, at nepotismo?

a)

Nagbigay-daan ang awtoritaryang pamumuno sa korapsiyon, kronyismo, at nepotismo dahil sa kawalan ng checks and balances.

b)

Napigilan ng awtoritaryang pamumuno ang korapsiyon, kronyismo, at nepotismo dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng batas.

c)

Nagtataguyod ng transparency at accountability ang awtoritaryang pamumuno na naglilimita ng korapsiyon, kronyismo, at nepotismo.

d)

Nakatulong ang awtoritaryang pamumuno sa ekonomiya dahil sa pagsupil nito sa korapsiyon, kronyismo, at nepotismo.

10.

Kailan idineklara ng ang Kalayaan mula sa Portugal?

a)

1900

b)

1955

c)

1975

d)

1985

11.

Anong taon itinatag ang ASEAN?

a)

1957

b)

1967

c)

1977

d)

1987

12.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa limang kasaping tagapagtatag o founding members ng ASEAN?

a)

Singapore

b)

Malaysia

c)

Myanmar

d)

Indonesia

13.

Alin sa sumusunod na bansa ang huling sumali sa ASEAN?

a)

Laos

b)

Vietnam

c)

Cambodia

d)

Timor-Leste

14.

Kung may di-pagkakasundo sa mga bansa sa rehiyon, alin sa sumusunod na solusyon ang naaayon sa prinsipyo ng ASEAN?

a)

negosasyon at diplomasya

b)

tuwirang interbensiyong militar

c)

pakikisangkot sa panloob na usapin

d)

paghihiwalay sa mga bansang may alitan

15.

Ano ang layunin ng ASEAN sa pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga kasaping bansa?

a)

upang suportahan ang pag-unlad ng isa't isa

b)

upang makontrol ang presyo

16.

Ano ang layunin ng ASEAN sa pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga kasaping bansa?

a)

upang suportahan ang pag-unlad ng isa't isa

b)

upang makontrol ang presyo ng mga kalakal sa pandaigdigang merkado

c)

upang limitahan ang importasyon mula sa labas ng rehiyon

d)

upang magpatupad ng mga taripa at buwis sa pagitan ng mga kasaping bansa

17.

Alin sa sumusunod na pahayag ang wastong naghahambing sa ASEAN at Kumperensiyang Bandung?

a)

Ang ASEAN at Kumperensiyang Bandung ay parehong nagtataguyod ng militar na alyansa sa Timog-Silangang Asya upang maiwasan ang muling pagkasakop.

b)

Ang ASEAN ay sumaklaw sa mga kasunduang may kinalaman sa politika, habang ang Kumperensiyang Bandung ay sumaklaw lamang sa usaping pangkultura.

c)

Ang ASEAN at Kumperensiyang Bandung ay parehong itinatag upang isulong ang pagkakaisa ng mga bansa, partikular sa Timog-Silangang Asya.

d)

Ang ASEAN ay pormal na organisasyon para sa pangmatagalang kooperasyon sa rehiyon habang ang Kumperensiyang Bandung ay pagpapahayag ng pagkakaisa.

18.

Alin sa sumusunod na hakbang ang naaayon sa prinsipyo ng ASEAN?

a)

pagtatatag ng isang rehiyonal na forum upang talakayin ang di-pagkakaunawaan tungkol sa teritoryal na hangganan ng mga bansa

b)

pagpapadala ng mga tropang militar sa isa pang kasaping bansa upang tumulong sa paglutas ng panloob na kaguluhan

c)

pagpapataw ng pang-ekonomikong parusa sa isa pang kasaping bansa dahil sa di-pagkakasundo sa patakaran sa kalakalan

d)

paghihigpit sa kalakalan sa mga bansang hindi miyembro ng ASEAN upang protektahan ang mga lokal na industriya ng isang kasaping bansa

19.

Saang kategorya ng mga layunin ng ASEAN napapabilang ang pagtataguyod ng ekonomikong paglago at panlipunang progreso?

a)

militar at seguridad

b)

teknolohiya at inobasyon

c)

edukasyon at kultura

d)

pag-unlad at kooperasyon

20.

Paano maitataguyod ang prinsiyo ng mutual na paggalang sa kalayaan at soberanya ng mga bansa?

a)

pakikilahok nang walang pagbabanta sa pambansang pagkakakilanlan at desisyon ng iba pang kasapi

b)

pagpapataw ng patakaran at regulasyong makatutulong sa pag-unlad ng isa pang kasaping bansa

c)

pagtatatag ng isang sentralisadong kapangyarihang mamamahala sa pag-unlad ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya

d)

paglilimita sa iba pang uri ng kooperasyon sa labas ng rehiyong Timog-Silangang Asya

21.

Alin sa sumusunod na hakbang ang maaaring gawin ng ASEAN sang-ayon sa prinsipyo at layunin ng organisasyon?

a)

pagpapataw ng parusa sa mga bansang hindi sumusunod sa patakaran at prinsipyo ng organisasyon

b)

pagbuo ng isang sentralisadong hukbo upang tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon

c)

pagtataguyod ng patakaran at pagtutulungang naaayon sa turo ng isang relihiyon

d)

pagpapatupad ng programa at inisyatibang nagpapataas ng produksiyon sa agrikultura

22.

Ilan beses sa isang taon karaniwang inilulunsad ang ASEAN Summit?

a)

1

b)

2

c)

3

d)

4

23.

Anong estruktura ng ASEAN ang may mahalagang papel sa pagpapalakas ng koordinasyon at implementasyon ng mga inisyatiba ng organisasyon?

a)

ASEAN Security Council

b)

ASEAN Cultural Committee

c)

ASEAN Economic Board

d)

ASEAN Coordinating Council

24.

Paano nakatutulong ang regular na pagdaraos ng ASEAN Summit sa mga layunin ng ASEAN?

a)

Nagbibigay-daan ito para sa regular at tuwirang komunikasyon sa pagitan ng mga pinuno ng mga bansang kasapi.

b)

Nagpapahintulot itong regular na mapalitan ang lumang patakaran sa bawat pagpupulong.

c)

Nagdiriwang ito ng mga kultural na aktibidad sa iba't ibang bahagi ng ASEAN.

d)

Nagbibigay ito ng oportunidad para sa mga bansang hindi kasapi na sumali sa ASEAN.

25.

Alin sa mga sumusunod na isyu ang pangunahing tinutugunan ng ASEAN Political-Security Community Council (APSC)?

a)

pagtugon sa krisis sa kalusugan tulad ng pandemya

b)

pagpapabuti ng akses sa edukasyon sa buong rehiyon

c)

paglutas ng mga hidwaan sa teritoryo sa Dagat Timog Tsina

d)

pagharap sa epekto ng pandaigdigang krisis pampinansiyal sa ekonomiya

26.

Alin sa mga sumusunod na isyu ang pangunahing tinutugunan ng ASEAN Economic Community Council (AEC)?

a)

paglutas ng mga hidwaan sa teritoryo sa Dagat Timog Tsina

b)

pagpapalakas ng mga hakbangin laban sa terorismo

c)

pagtataguyod ng mga programa para sa cultural exchange

d)

pagharap sa epekto ng pandaigdigang krisis pampinansiyal sa ekonomiya

27.

Alin sa mga sumusunod na isyu ang pangunahing tinutugunan ng ASEAN Socio-Cultural Community Council (ASCC)?

a)

pagharap sa epekto ng pandaigdigang krisis pampinansiyal

b)

pagpapalakas ng depensa laban sa mga banta ng seguridad

c)

pagtugon sa krisis sa kalusugan tulad ng pandemya

d)

pagpapabuti ng mga relasyon sa kalakalan sa mga bansa sa labas ng ASEAN

28.

Alin sa sumusunod na pahayag ang wastong naglalarawan ng ASEAN Summit at ASEAN Coordinating Council (ACC)?

a)

Ang ASEAN Summit ay pagtitipon ng pinuno ng mga bansa, samantalang ang ACC ay binubuo ng mga ministro ng ugnayang panlabas.

b)

Ang ASEAN Summit at ACC ay pareho lamang ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad.

c)

Ang ASEAN Summit ay tumutugon lamang sa mga isyung pampolitika, samantalang ang ACC ay sa mga isyung pang-ekonomiya lamang.

d)

Ang ASEAN Summit ay tumutugon lamang sa mga isyung pang-ekonomiya, samantalang ang ACC ay sa mga isyung pangkultura lamang.

29.

Bakit consensus at hindi botohan ang mekanismo ng pagpapasya sa ASEAN?

a)

Dahil ito ang pinakamabilis na paraan upang makagawa ng desisyon.

b)

Upang bigyan ng mas maraming kapangyarihan ang mas malalaking bansa sa ASEAN.

c)

Upang makahanap ng pinakamainam na kasunduan na katanggap-tanggap sa lahat.

d)

Dahil hindi pinapayagan ng konstitusyon ng ASEAN ang paggamit ng botohan sa paggawa ng desisyon.

30.

Alin sa sumusunod na pahayag tungkol ASEAN Economic Community Council (AEC) at ASEAN Socio-Cultural Community Council (ASCC) ang wasto?

a)

Ang AEC ay nakatuon sa pagpapabilis ng kalakalan, habang ang ASCC ay nakatuon sa pamanang kultural.

b)

Ang AEC at ASCC ay parehong nakatuon sa pagpapalakas ng seguridad at kapayapaan sa rehiyon.

c)

Ang AEC ay nagtataguyod ng seguridad at kapayapaan, habang ASCC ay nakatuon sa likas-kayang pag-unlad.

d)

Ang AEC at ASCC ay parehong nakatuon sa pagpapabuti ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon.

31.

Ano ang pangunahing layunin ng ASEAN Free Trade Area (AFTA)?

a)

itaguyod ang turismo sa ASEAN

b)

pagbawalan ang pag-export ng mga produkto

c)

pag-aalis sa hadlang ng malayang kalakalan

d)

limitahan ang importasyon ng produkto

32.

Anong kasunduan ang naglalayong gawing iisang pamilihan at base ng produksiyon ang buong rehiyon ng ASEAN?

a)

ASEAN Free Trade Area (AFTA)

b)

Southeast Asian Treaty Organization (SEATO)

c)

ASEAN Economic Community (AEC)

d)

Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP)

33.

Alin sa sumusunod na bansa ang kasama sa inisyal na negosasyon para sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), ngunit kalaunan ay nagpasyang huwag maging bahagi nito?

a)

India

b)

Tsina

c)

Vietnam

d)

Pilipinas

34.

Alin sa sumusunod na pahayag ang wastong naghahambing sa Asean Free Trade Area (AFTA) at ASEAN Economic Community (AEC)?

a)

Ang AFTA ay nagpapataw ng mas mataas na taripa kompara sa AEC.

b)

Ang AFTA ay nakatuon sa kalakalan ng produkto, habang kabilang sa AEC ang serbisyo, kapital, at paggawa.

c)

Ang AFTA at AEC ay parehong nakatuon lamang sa pagpapalakas

35.

Kung ibababa ng Pilipinas ang taripa para sa produktong sibuyas, ano ang maaaring asahang epekto nito sa presyo ng sibuyas sa ating pamilihan?

a)

hindi magbabago ang presyo ng sibuyas

b)

bababa ang kalidad ng sibuyas na mabibili sa merkado

c)

magiging mas mura ang presyo ng sibuyas para sa mga konsyumer

d)

tataas ang presyo ng sibuyas dahil sa mas mataas na demand

36.

Kung pagbabatayan ang karanasan ng Vietnam, ano ang mahihinuhang mahalagang hakbangin upang makaangkop ang lokal na sektor ng agrikultura sa AFTA?

a)

pagtataas ng taripa sa lahat ng imported na produkto

b)

pagbabawal sa pag-import ng anumang produkto

c)

pagpapalakas lamang ng sektor ng serbisyo

d)

pagpapatupad ng wastong suporta at programa para sa lokal na magsasaka

37.

Alin sa sumusunod na pahayag ang wastong naghahambing ng maaaring epekto ng pag-aalis o pagpapababa ng taripa sa konsyumer at lokal na prodyuser?

a)

Makikinabang ang konsyumer sa mas mababang presyo, samantalang maaaring mahirapan ang lokal na prodyuser dahil sa mas matinding kompetisyon.

b)

Makikinabang pareho ang konsyumer at lokal na prodyuser sa mas mababang kalidad ng produktong nanggagaling sa ibang bansa.

c)

Parehong mahihirapan ang konsyumer at lokal na prodyuser dahil sa limitadong pagpipilian ng produkto at akses sa pamilihan.

d)

Makikinabang ang mga lokal na prodyuser sa mataas na kompetisyon, samantalang maaaring mahirapan ang konsyumer sa mataas na presyo ng mga bilihin.

38.

Anong wastong kongklusyon ang mahihinuha kung lumaki ang bahagi ng intra-ASEAN trade sa kabuuang kalakalan ng rehiyon?

a)

Ang paglaki ng intra-ASEAN trade ay nagpapakita ng pagbaba ng kalidad ng mga produkto sa rehiyon.

b)

Ang paglaki ng intra-ASEAN trade ay nagpapahiwatig ng pagprotekta ng mga bansa sa kani-kanilang lokal na industriya.

c)

Ang paglaki ng intra-ASEAN trade ay nagpapahiwatig na bumababa ang kalakalan sa loob ng ASEAN.

d)

Ang paglaki ng bahagi ng intra-ASEAN trade ay nagpapakita ng mas malalim na ekonomikong integrasyon sa rehiyon.

39.

Matapos ang ilang dekadang implementasyon ng AFTA at AEC, kapansin-pansin pa rin ang malayong agwat ng pag-unlad ng mga bansa tulad ng sa pagitan ng Singapore at Laos. Alin sa sumusunod na layunin ng AEC ang hindi natutupad?

a)

pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan sa buong rehiyon

b)

pagpapalawak at pagpapalakas ng digital economy sa rehiyon

c)

pagtutulungan sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon

d)

pantay na pakinabang sa pang-ekonomiyang pag-unlad sa lahat ng kasaping bansa

40.

Layunin ng RCEP na lumikha ng isa sa pinakamalaking free trade zone sa mundo. Paano ito makaaapekto sa lokal na industriya ng mas mahihinang bansang ASEAN?

a)

Maaaring mahirapan ang lokal na industriya ng mas mahihinang bansa dahil sa matinding kompetisyon mula sa mas malalaking ekonomiya.

b)

Tiyak na magdudulot ang RCEP ng agarang pag-unlad sa lahat ng lokal na industriya ng mga bansang ASEAN.

c)

Direktang magreresulta ito sa pagbubukas ng maliliit na negosyo ng mahihinang bansa at pakikipagsabayan sa presyo ng mga bansang may malalakas na ekonomiya.

d)

Magbibigay-daan ang RCEP sa mas mabilis na teknolohikal na pag-unlad sa lokal na industriya ng mas mahihinang bansa.

41.

Ano ang layunin ng Southeast Asian Nuclear-Weapon-Free Zone Treaty (SEANWFZ)?

a)

pagpapalakas ng ugnayang militar ng mga bansang ASEAN

b)

pagtatag ng free trade zone sa Timog-Silangang Asya

c)

pagtatatag ng common currency para sa mga bansang ASEAN

d)

pagbabawal ng mga sandatang nukleyar sa Timog-Silangang Asya

42.

Ano ang pangunahing layunin ng Declaration on the Zone of Peace, Freedom, and Neutrality (ZOPFAN) na nilagdaan ng mga bansang kasapi ng ASEAN noong 1971?

4 lines
43.

Ano ang pangunahing layunin ng Declaration on the Zone of Peace, Freedom, and Neutrality (ZOPFAN) na nilagdaan ng mga bansang kasapi ng ASEAN noong 1971?

a)

pigilan ang paggamit ng kanilang teritoryo sa mga aksiyong makasisira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon

b)

pagtibayin ang paggamit ng sandatang nukleyar sa loob ng rehiyon

c)

itaguyod ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng malayang kalakalan

d)

palakasin ang mga ugnayang militar sa pagitan ng mga bansang kasapi

44.

Ano ang isa sa mga komplikasyong kinakaharap ng ASEAN sa pagpapatupad ng ZOPFAN?

a)

ang kakulangan ng pondo para sa mga programang pangkapayapaan

b)

ang paglaban ng lokal na populasyon sa mga inisyatiba ng ASEAN

c)

ang pag-usbong ng mga bagong banta tulad ng terorismo at krimeng transnasyonal

d)

ang pagtanggi ng mga bansang kasapi na magbahagi ng impormasyon

45.

Paano nakatulong ang Declaration on the Zone of Peace, Freedom, and Neutrality (ZOPFAN) sa pagpapabuti ng rehiyonal na seguridad ng mga bansang kasapi sa ASEAN?

a)

sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kolektibong hangarin na huwag gamitin ang kanilang teritoryo sa mga aksiyong makasisira sa kapayapaan

b)

sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga bansang kasapi para sa kanilang mga programa sa depensa

c)

sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang rehiyonal na hukbo na binubuo ng mga sundalo mula sa lahat ng bansang ASEAN

d)

sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng umiiral na alitan sa teritoryo sa pagitan ng mga bansang kasapi

46.

Sa anong paraan magkatulad ang mga layunin ng ZOPFAN at SEANWFZ?

a)

Pareho silang naglalayong magtatag ng isang rehiyonal na pamilihan para sa malayang kalakalan.

b)

Pareho silang naglalayong pahusayin ang relasyon ng ASEAN sa mga superpowers ng mundo.

c)

Pareho silang naglalayong itaguyod ang paggamit ng renewable energy sa rehiyon.

d)

Pareho silang naglalayong protektahan ang rehiyon mula sa panlabas na panghihimasok at itaguyod ang kapayapaan at katatagan.

47.

Alin sa mga sumusunod na inisyatiba ang maaaring ituring bilang isang hakbang patungo sa disarmament o pagbabawas ng armas sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya?

a)

pagtatatag ng ASEAN Free Trade Area (AFTA)

b)

paglulunsad ng ASEAN Cultural Heritage Parks

c)

pagpapatupad ng Southeast Asian Nuclear-Weapon-Free Zone Treaty (SEANWFZ)

d)

pagbuo ng ASEAN Regional Forum (ARF)

48.

Paano nauugnay ang mga layunin ng ASEAN na palakasin ang pang-ekonomiyang pagtutulungan at itaguyod ang rehiyonal na kapayapaan at katatagan?

a)

Ang rehiyonal na kapayapaan at katatagan ay nagbibigay ng ligtas na kapaligiran para sa pang-ekonomiyang pagtutulungan at kaunlaran.

b)

Ang pagtatatag ng mga kultural na palitan ay nagpapalakas ng pang-ekonomiyang pagtutulungan at kapayapaan.

c)

Ang pagpapalakas ng relasyon sa mga superpowers ay nagtataguyod ng kapayapaan at nagpapalakas ng ekonomiya.

d)

Ang mga inisyatibang pangkapaligiran ay nagpapabuti ng kapayapaan at nagpapasigla sa ekonomiya.

49.

Paano nakaaapekto ang mga hidwaan sa teritoryo at mga hidwaang panloob sa pangangailangan para sa ZOPFAN at SEANWFZ?

a)

Ang mga hidwaang ito ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mahigpit na pagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan.

b)

Ang mga hidwaang ito ay nagbigay daan para sa direktang interbensyon ng ibang mga bansa sa ASEAN.

c)

Ang mga hidwaang ito ay nagpapatibay sa pang-ekonomiyang pagtutulungan sa pagitan ng mga bansang ASEAN.

d)

Ang mga hidwaang ito ay humantong sa pagbabawal ng lahat ng uri ng armas sa rehiyon ng ASEAN.

50.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan sa papel ng ASEAN Regional Forum (ARF) sa konteksto ng mga inisyatiba ng ZOPFAN at SEANWFZ?

a)

isang pang-ekonomiyang samahan na nagtataguyod ng libreng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon

b)

isang kultural na inisyatiba na naglalayong itaguyod ang pagpapalitan ng kultura at edukasyon sa Timog-Silangang Asya

c)

isang programa sa pagpapaunlad ng impraestruktura na naglalayong itaas ang pamantayan ng pamumuhay sa rehiyon

d)

isang forum para sa dayalogo at kooperasyon sa mga isyung rehiyonal at panse

51.

Bakit mahalaga para sa ASEAN na panatilihin ang dayalogo at kooperasyon sa mga bansang may reserbasyon sa SEANWFZ, tulad ng Estados Unidos, Russia, at Tsina?

a)

upang makatulong ang mabuting relasyon at mapigilang humantong sa armadong alitan ang mga di-pagkakaunawaan

b)

upang makakuha ang ASEAN ng teknolohikal at pinansyal na suporta mula sa mga nasabing bansa

c)

upang maitaguyod ng ASEAN ang rehiyon bilang nakatataas sa iba pang mga bansa sa mundo

d)

upang maipatupad ng ASEAN ang parusa laban sa mga bansang hindi sumusuporta sa SEANWFZ

52.

Anong dokumento ang naging batayan sa pagkakatatag ng ASEAN?

a)

Manila Accord

b)

Bangkok Declaration

c)

Singapore Agreement

d)

Jakarta Protocol

53.

Anong taon naging punong-abala ang Pilipinas ng ika-31 ASEAN Summit?

a)

2015

b)

2016

c)

2017

d)

2018

54.

Paano nakatulong ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa ASEAN sa pagtugon sa mga hamon ng komunismo at kolonyal na kontrol sa rehiyon?

a)

sa pamamagitan ng pagpapalakas ng rehiyonal na kooperasyon at seguridad

b)

sa pamamagitan ng direktang pakikipaglaban sa mga komunistang bansa

c)

sa pamamagitan ng pagsasara ng hangganan ng mga teritoryo ng ASEAN

d)

sa pamamagitan ng pagsasarili at pag-iwas sa pakikipagtulungan sa ibang bansa

55.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN?

a)

pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon

b)

pagpapalakas ng ekonomikong integrasyon at malayang kalakalan

c)

pagharap sa mga hamon tulad ng komunismo at kolonyal na control

d)

pagpagsusulong ng interes ng Estados Unidos sa loob ng ASEAN

56.

Alin sa sumusunod ang layunin ng Pilipinas sa pagsusulong ng isang Code of Conduct sa Dagat Timog Tsina?

a)

itaguyod ang pagtaas ng turismo sa Dagat Timog Tsina

b)

tuwirang magtagumpay sa pag-angkin ng ilang teritoryo sa bahagi ng Dagat Timog Tsina

c)

maiwasan ang tensiyon at posibleng komprontasyon sa pagitan ng mga bansang may territorial claim sa Dagat Timog Tsina

d)

palakasin ang presensiyang militar ng Pilipinas at Estados Unidos sa rehiyon

57.

Alin sa sumusunod ang maaaring tuwirang maging epekto kung hindi matutupad ang pagkakaroon ng Code of Conduct sa Dagat Timog Tsina?

a)

pagbaba ng interes ng mga dayuhang mamumuhunan sa ASEAN

b)

pagtaas ng tensiyon at posibilidad ng mga komprontasyon sa rehiyon

c)

agaran at lubos na pagresolba sa lahat ng teritoryal na alitan

d)

pagkakaroon ng lubos na pag-unlad sa ekonomiya ng mga bansang ASEAN

58.

Alin sa sumusunod na hakbang ng Pilipinas ang itinuturing na bahagi ng pagtupad ng tungkulin sa pagtataguyod ng rehiyonal na kapayapaan at seguridad?

a)

pagpapataas ng buwis sa mga produktong inaangkat mula sa ibang bansang kasapi sa ASEAN

b)

pagpapalawak ng teknolohiya sa komunikasyon sa loob ng Pilipinas

c)

pagtatayo ng karagdagang mga paaralan sa mga rural na lugar sa Pilipinas

d)

paglahok sa pagpupulong para sa mapayapang resolusyon ng mga teritoryal na alitan sa Dagat Timog Tsina

59.

Alin sa sumusunod na hakbang ng Pilipinas ang itinuturing na bahagi ng pagtupad ng tungkulin sa pang-ekonomiyang integrasyon at pagpapadali ng kalakalan?

a)

paglahok sa ASEAN Free Trade Area (AFTA) at ASEAN Economic Community (AEC)

b)

pagpapatupad ng mandatory military service para sa mga kabataan

c)

pagbibigay ng libreng internet access sa lahat ng pampublikong lugar

d)

paglulunsad ng isang national health awareness campaign

60.

Alin sa sumusunod na hakbang ng Pilipinas ang itinuturing na bahagi ng pagtupad ng tungkulin sa pamamahala sa sakuna at humanitarian assistance?

a)

pagdaragdag ng badyet para sa turismo

b)

pagpapataas ng buwis sa pag-angkat ng ibang bansa ng mga produktong gamit sa sakuna

c)

paglilimita sa mga ipinapadalang produkto sa mga bansang may kakulangan sa pagkain

d)

pagpapadala ng tulong sa ibang bansang nakaranas ng sakuna

61.

Alin sa sumusunod na hakbang ng Pilipinas ang itinuturing na bahagi ng pagtupad ng tungkulin sa pangkultura at panlipunang kooperasyon?

a)

pagpapatupad ng reporma sa buwis

b)

pagtatag ng bagong pambansang parke sa Pilipinas

c)

pagpapadala ng mga kabataang Pilipino sa ASEAN Youth Conference

d)

pagpapatayo ng mga bagong teknolohikal na hub sa Metro Manila

62.

Ano ang pangunahing layunin ng Retail Trade Liberalization Act of 2000?

a)

pahintulutan ang pagtatayo at pagpapatakbo ng mga dayuhang mamumuhunan ng retail stores sa Pilipinas

b)

ganap na ipagbawal ang pagpasok ng dayuhang mamumuhunan sa retail sector ng Pilipinas

c)

pagtatakda ng mas mataas na buwis para sa mga dayuhang retail stores sa Pilipinas

d)

paglilimita ng bilang ng mga produkto na maaaring ibenta sa mga retail stores sa Pilipinas

63.

Alin sa mga batas na ito ang naglalayong maitaguyod at mapanatili ang patas na playing field sa lahat ng sektor ng ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Agricultural Tariffication Act

b)

Retail Trade Liberalization Act of 2000

c)

Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)

d)

Philippine Competition Act (PCA)

64.

Ano ang pangunahing layunin ng Philippine Export Development Plan na inilabas noong 2017?

a)

pagbawalan ang pag-aangkat ng produktong agrikultural sa bansa

b)

palakasin ang regulasyon sa paggamit ng nukleyar na enerhiya

c)

itakda ang direksyon para sa pagpapalakas ng sektor ng pagluluwas ng Pilipinas

d)

itaguyod ang proteksiyon ng personal na impormasyon ng mga mamamayan

65.

Paano nakatutulong ang Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968 sa pagsusulong ng layunin ng ASEAN?

a)

sa pamamagitan ng pagbawal sa paggamit ng enerhiyang atomika

b)

sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahang nukleyar ng militar sa mga bansang kasapi ng ASEAN

c)

sa pamamagitan ng regulasyon para sa ligtas at mapayapang paggamit ng enerhiyang atomika

d)

sa pamamagitan ng pagtataguyod ng bukas na kalakalan ng enerhiya sa ASEAN

66.

Paano nakatutulong ang Philippine Coast Guard Law sa pagsusulong ng layunin ng ASEAN?

a)

sa pamamagitan ng pagpapatupad ng maritime laws

b)

sa pamamagitan ng pagtataguyod ng turismo sa karagatan

c)

sa pamamagitan ng pagkontrol sa dami ng inaangkat na mga produkto mula sa dagat

d)

sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayang militar ng mga bansa sa ASEAN

67.

Anong suliranin ang sinisikap na tugunan ng pagtatakda ng panuntunan sa rules of origin?

a)

pagbibigay ng pribilehiyong pangkalakalan sa wastong mga produkto

b)

pagbabawas ng buwis sa lahat ng mga inaangkat na produkto

c)

pagpapabilis ng proseso ng importasyon at paggalaw ng mga produkto

d)

pagpapataas ng kita mula sa pagluluwas ng produkto o export

68.

Bakit kinailangang ipatupad ang Agricultural Tariffication Act?

a)

upang makontrol ang presyo ng mga produktong agrikultural

b)

upang tuluyang itigil ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultural

c)

upang unti-unting pataasin ang taripa sa lahat ng inaangkat na produkto

d)

upang palitan ng taripa ang dating pagpapataw ng limitasyon sa dami ng inaangkat na produkto

69.

Bakit kinailangang ipatupad ang Customs Modernization and Tariff Act o CMTA?

a)

upang ganap na itigil ang lahat ng uri ng kalakalan sa ibang bansa

b)

upang makakalap ng mas malaking pondo mula sa buwis ng iniluluwas na produkto

c)

upang tiyaking nakasusunod sa international trade standards ang proseso ng customs

d)

upang limitahan ang dami ng produktong maaaring iluwas

70.

Bakit kinailangang ipatupad ang Migrant Workers' Act?

a)

upang protektahan ang karapatan at kagalingan ng OFWs

b)

upang hikayatin ang mas maraming Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa at mag-ambag ng remittance

c)

upang hikayatin ang mas maraming Pilipino na manatili sa bansa at dito na lang mag-ambag ng kanilang lakas-paggawa

d)

upang kontrolin ang pagdagsa ng mga migranteng mangagagawa mula sa ibang bansa

71.

Bakit kinailangang ipatupad ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act?

4 lines
72.

Bakit kinailangang ipatupad ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act?

a)

upang matiyak na hindi maabuso ang pagbubukas ng borders para sa iligal na gawain

b)

upang makapagbigay ng mas maraming trabaho sa loob ng Pilipinas

c)

upang patunayan ng mga naglalakbay na Pilipino na sila ay babalik sa bansa

d)

upang magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga iligal na inangkat na produkto

73.

Ilan ang Sustainable Development Goals (SDGs) na ibinalangkas ng United Nations?

a)

15

b)

16

c)

17

d)

18

74.

Ano ang pangunahing layunin ng Sustainable Development Goals (SDGs)?

a)

tugunan ang mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon

b)

tugunan ang pangangailangan ng susunod na henerasyon

c)

tugunan ang pangangailangan ng rehiyon ng Timog-Silangang Asya

d)

tugunan ang mga pangangailangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon

75.

Alin sa mahahalagang aspekto ang sinisikap na balansehin ng Sustainable Development Goals?

a)

pang-ekonomiyang paglago, pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan

b)

kalusugan at kagalingan, kalidad ng edukasyon, malinis na tubig at maayos na sanitasyon

c)

mabuting asal at moralidad, kahusayan sa trabaho, inobasyon at impraestruktura

d)

pagkonsumo at produksiyong mapanagutan, pagtugon sa pabago bagong sa klima, pangangalaga sa mga hayop

76.

Alin sa sumusunod na pahayag ang naaayon o umaakma sa prinsipyo ng likas-kayang pag-unlad?

a)

Pinakamahalaga sa pagkamit ng likas-kayang pag-unlad ang mabilis at agarang pang-ekonomiyang paglago upang umalwan ang kasalukuyang pamumuhay.

b)

Hindi bale nang hindi makamit ang pang-ekonomiyang paglago at katarungang panlipunan basta't napapanatili ang mayamang kalikasan.

c)

Mas mahalaga ang pagkakapantay-pantay kaysa pangangalaga sa kalikasan o pagkamit ng pang-ekonomiyang pag-unlad.

d)

Kailangang pantay na makamit ang pang-ekonomiyang pag-unlad sa kasalukuyan nang nang walang panganib na maubos ang mapagkukunan ng susunod na henerasyon.

77.

Alin sa sumusunod na mga hakbang ang naaayon at nag-aambag sa likas-kayang pag-unlad?

a)

paggamit ng renewable energy sources tulad ng solar at wind energy

b)

pagtatayo ng mas maraming pabrika na gumagamit ng fossil fuels at mabilis na produksiyon

c)

pagpapababa ng sahod ng mga manggagawa upang maipuhunan ang kita sa industriyalisasyon

d)

pagbabawas sa mga gastusin para sa social welfare programs

78.

Alin sa sumusunod na pang-ekonomiyang mga hakbang ang HINDI naaayon o hindi nag-aambag sa likas-kayang pag-unlad?

a)

pagtataguyod ng eco-tourism

b)

paggamit ng teknolohiya para sa mas epektibong paggamit ng likas na yaman

c)

pagputol ng malalaking kagubatan para sa agarang benepisyo ng ekonomiya

d)

pagpapatupad ng green taxation sa mga industriyang malaki ang carbon emissions

79.

Alin sa sumusunod na pangkapayapaan at panseguridad ng mga hakbang ang hindi naaayon sa likas-kayang pag-unlad?

a)

pagpapalakas ng militar sa pamamagitan ng pagpapataas ng produksiyon ng armas

b)

pagsasagawa ng rehiyonal na usapang pangkapayapaan at diplomasya

c)

pagtataguyod ng mga programa para sa edukasyon tungkol sa kapayapaan

d)

pagpipigil-sa-sarili at pagsusulong ng confidence-building measures sa pagitan ng magkakaribal na bansa

80.

Kung pagbabatayan ang prinsipyo ng likas-kayang pag-unlad, bakit kinakailangang tiyakin ng ASEAN ang pantay na benepisyo sa rehiyonal na integrasyon at makatarungang pag-unlad ng mga bansang kasapi nito?

a)

upang matiyak na pantay ang kakayanan ng mga bansang matugunan ang kani-kanilang pangangailangan sa kasalukuyan at hinaharap

b)

upang ipagpatuloy ang kaayusang may industriyalisado at agrikultural na mga bansa

c)

upang maabot ang pinakamataas na antas ng pag-unlad para sa kasalukuyang henerasyon

d)

upang makalikha ng makabagong teknolohiyang magpapataas ng produksiyo