WorksheetsPRE-TEST AND POST-TEST
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sino ang kilalang Pilipinong makata at may-akda ng Florante at Laura?
a. Francisco "Balagtas" Baltazar
b. Francisco dela Cruz
c. Juan Francisco Balagtas
d. Francisca "Balagtas" Baltazar
2. Ano ang akda na isinulat ni Francisco Balagtas upang tuglisain ang pamamahala ng mga espanyol sa ating bansa?
a. Ibong Adarna
b. Florante at Laura
c. Florante at Leonora
d. Laura at Florante
Si Balagtas ay kinikilala bilang ________
a. Prinsipe ng Manunulang Tagalog
b. Baltazar
c. Mahusay sa pagtula
d. Reyna ng Balagtasan
4. Ang babaeng unang nagpatibok sa puso ng may-akda ng isang obra maestra, “ Florante at Laura” at isa rin sa nais ibigin ni Mariano "Nanong” Capule
a. Marian Rivera
b. Maria Asuncion Rivera
c. Maria Asuncion Rivero
d. Maria Rivera
5. Si Maria Asuncion Rivera ay kinilala bilang si ______.
a. Selya
b. Cecelia
c. Sta. Cecilia
d. Sesilya
6.Isa sa mga nakatuluyan ni Francisco Balagtas nang manirahan siya sa Udyong Bataan matapos makalaya
a. Juana Tiambeng
b. MAR
c. Juana dela cruz
d. Juan Tiambeng
7. Anong taon isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?
a. 1838
b.
Panahon nang pananakop ng mga Kastila.
c. Taong 1860
d. 1788
Ang naging guro ni Balagtas sa larangan ng panulaan.
a. Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)
b. Juan Baltazar
c. Juana dela Cruz
d. Jose Rizal
9. Ito ang ginamit sa pagsulat ng akdang Florante at Laura upang maitago ang mensaheng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol.
a. Paggamit ng alegorya
b. Paggamit ng mga tayutay
c. Paggamit ng mga matalinhagang ekspresyon.
d. Paggamit ng mga malalalim na salita
10. Ang mga ekspresyon na may malalim na pagpapakahulugan ng salita at naglalarawan ng mga makasagisag ay tinatawag na ______________________.
a. Pagtutulad
b. Idyoma
c. Matalinhagang ekspresyon
d. Simbolo
11. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng salita upang gawing mabisa, matalinhaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
a. Tayutay
b. simbolismo
c. Sawikain
c. Pagwawangis
12. Ito ay karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa buhay na tao.
a. Pagsasatao
b. tayutay na pagwawangis
c. sagisag
d. pagtawag
13. Ano ang uri ng tayutay na lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan, kalagayan ng tao, bagay, pangyayari at iba pa?
a. Pagmamalabis
b. pagsasatao
c. paghahalintulad
d. paghahambing
14. Ito ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis, animo kagaya ng at iba pa , upang paghambingin ang dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari atbp.
a. Pahambing na pagkakapareho
b. pagtutulad
c. pagkukumpara
d. Simbolismo
15. Ang sagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao, bagay o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan ay tinatawag na ____________.
a. simbolo
b. tayutay
c. matalinhagang ekspresyon
d. malalim na salita
16. Ang suliranin o problema ay katulad ng bagyo na lumilipas. Anong uri ito ng tayutay?
a. Pagtutulad
b. pagwawangis
c. pagsasatao
d. metapora
17.Ano ang ginamit na salita sa pangungusap na nasa itaas upang makapaghambing ng dalawang magkaibang bagay?
a. Katulad
b. Bagyo
c. Lumilipas
d. ay
18. Ano ang sinisimbolo ng ahas na isang uri ng hayop?
a. Traydor
b. mabuting tao
c. Masama
d. Nanunuklaw
19. “Papamilansikin ang kalis ng poot”. Ano kaya ang kahulugan ng matalinhagang ekspresyon na ito?
a. Paghihiganti
b. malungkot
c. pagiging emosyonal
d. may suliranin
20. Ang tayutay ay karaniwang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing kaakit-akit ang isang pahayag. Ito ay may 5 uri ng tayutay maliban sa isa;
a. Pagtutulad
b. Pagmamalabis
c. pagsasatao
d. Paghahambing
21. Ano ang pangunahing dahilan ng mga manunulat kung kaya't gumagamit sila ng mga tayutay sa pagsulat ng akda?
a. Gawing kaakit-akit ang mga pahayag.
b. Pahirapan ang mga mambabasa
c. Upang hindi maunawaan ng mga pahayag
d. Para maging simple ang mga pahayag at madaling maunawaan
22. Anong uri ng tayutay ang salitang " umiiyak ang langit"?
a. Pagsasatao
b. Pagtawag
c. Paghahalintulad
d. Simile
23. Anong uri ng tayutay ang bahagi ng awit na “Kung akin ang mundo” ni Erik Santos?
“Susungkitin mga bituin,
Para lang makahiling,
Na sana’y maging akin."
a. Pagmamalabis
b. Pagtawag
c. Pagwawangis
d. Tayutay na pahambing
24. Leon-isang uri ng mabangis na hayop. Sino ang sinisimbolo nito sa pagsulat ng akdang Florante noong pamamahala ng mga Espanyol sa bansa?
a. Kastila
b. Amerikano.
c. Pilipino
d. Mga mananakop
25. “Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan? Anong uri ito ng tayutay?
a. tayutay na pakikipag-usap.
b. Pagtawag
c. Hyperbole
d. Metapora
26. Pagsaulan kong basahin sa isip
ang nakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Celiang namugad sa dibdib?
a. Sobrang sad
b. nagagalak
c. Natutuwa
d. namamanglaw
27. Ano pa nga't walang 'di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas;
sa kagugunita luha'y lalagaslas
sabay ang taghoy kong "O, nasawing
palad!"
a. Hirap sa pagmomove-on
b. malungkot
c. May peace of mind
d. nagagalak
28. Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,
ang suyuan nami'y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?
a. Sawi sa pag-ibig
b. Namamanglaw
c. Nag-iisa
d. nagtatanong
29. Yaong Celiang laging pinanganganibang
baka makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
a. nagsisisi
b. feeling hopeless
c. malungkot
d. tinatamad
30. Bakit baga niyaong kami'y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Celia'y di ka mapaparam.
Mula sa saknong, ano ang
damdamin o saloobin ng mayakda sa nasa itaas na saknonggamit ang wika ng kabataan?
a. Forever inlove kahit nasasaktan
b. Nagsisisi.
c. Labis na
nalulungkot
d. maligaya
Para sa bilang 31-38. Panuto: Ilahad ang pangunahing kaisipan ng nabasang bahagi
ng aralin.
31. Ngayong namamanglaw sa pangungulila
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
Nagdaang panaho'y inaalaala
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa (saknong 5)
a. Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ng pinakamamahal niyang si Selya
b. Ang pagiging malungkot ni Balagtas sa pagkakagapos.
c. Pagdaramdam ni Aladin habang siya ay nakatali sa puno.
d. Ang pangungulila kay Flerida.
32. Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban kay Celiang namugad sa dibdib. (Saknong 1)
a. Ang lungkot na nadama ni Balagtas dahil sa pagkawala sa kaniya ngpinakamamahal.
b. Ang pagdaramdam na sakit dulot ng pagkawala ng pinakamamahal ni Florante na si Selya.
c. Tungkol kay Maria Asuncion Rivera
d. Walang hanggang pagmamahal hanggang sa kamatayan.
33. Kung sa pagbasa mo'y tulang malabo,
bago mo hatulan, katkatin at liko
pasuriin muna ang luwasa't hulo
at makikilalang malinaw at wasto
a. Ang pagsasabing kung may malabong bahagi, suriin munang mabuti.
b. Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag basahin ang buong bahagi.
c. Huwag babaguhin ang berso.
d. Ang pagnanais na manalamin ang babasa dahil maliit ang pagkaklimbag ng mga letra.
34. Hanggang dito ako. O nanasang pantas
sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad,
sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat
a. Ninanais na tularan si Sigesmundo.
b. Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit.
c. Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensahe ng awit.
d. Gawing matamis ang mga gagamiting salita sa pagbuo ng akda.
35. Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat
may punong higerang daho'y kulay pupas;
dito nakagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad. (Saknong 1)
a. Ang labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo.
b. Ang pananatili sa gubat na mapanglaw
c. Pagdaramdam ng pangungulila
d. Hinanakit at sama ng loob ang nadarama habang nasa loob ng gubat.
36. Nagkataon siyang pagdating sa gubat
ng isang gererong bayani ang tikas,
putong na turbante ay kalingas-lingas,
pananamit Moro sa Persiyang s'yudas (Saknong 69)
a. Ang paghawak ng kaniyang baba at sintido
b. Pagpapahinga sa gubat
c. Ang pagdating ng mandirigma sa gubat na isang taga Persiya.
d. Ang pagdating ni Balagtas sa mapanglaw na gubat.
37. "At kung kay Flerida'y iba ang umagaw at di ang ama kong dapat na igalang, hindi ko masabi kung ang pikang tanga'y bubuga ng libo't laksang kamatayan." (Saknong 77)
a. Bubugbugin ni Aladin ang sinuman na umagaw kay Selya
b. Papatayin ni Aladin ang sinuman aagaw sa kaniyang Flerida.
c. Masisiyahan siya sa aagaw sa kaniyang iniibig
d. Magmamakaawa sa may may nais pa kay Flerida
38. Ulo'y ipinatong sa kaliwang kamay
at saka tinutop ang noong kanan,
anaki'y mayroong ginugunam-gunam,
isang mahalagang nalimutang bagay (Saknong 73)
Ano ang pangunahing kaisipan ng Ika-73 na saknong sa akdang Florante at
Laura?
a. Ito ay patungkol sa paghawak ng baba at sentido ni Aladain habang malalim na nag-iisip.
b. Ang pagpapahinga ni Aladin sa tabi ng ilog.
c. Ang pananakit ng puso niya sa pagtataksil ng ama
d. Siya ay napagod sa paglalakbay
Para sa bilang 39-45.
Panuto: Unawain at kilalanin ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at
Laura batay sa mga sumusunod na pahiwatig.
39. "Sa loob at labas ng bayan kong sawi
Kaliluha'y siyang nangyayaring hari
Kagalinga't bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa't pighati."
a. Upang malaman ang naranasang malupit na pamamahala ng mga Kastila sa mga Pilipino.
b. Mapatunayan sa mga Kastila sila'y mabuti
c. Himagsik sa hidwaang pananampalataya
d. Upang malaman ang Paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga mananakop na Kastila.
40. "Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay salat,
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak."
a. Upang maipaalam ang labis na pagmamahal sa anak ay hindi nakabubuti sa halip ay nagiging dahilan ng pagiging suwail.
b. Maipabatid sa mga mambabasa ang aral tungkol sa wastong pagpapalaki ng kapatid
c. Ito ay patungkol sa hidwaang laban sa malupit na pamahalaan
d. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
41."Ipinahahayag ng pananamit mo,
Taga Albania ka at ako'y Persiano,
Ikaw ay kaaway ng bayan at sekta ko,
Sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo."
a. Upang maipamalas na maaaring maging magkaibigan ang Moro at
Kristiyano na makikita sa katauhan nina Aladin at Florante.
b. Ito ay isang uri ng hidwaang pananampalataya
c. Ipinapabatid nito na ang dalawang magkaibang relihiyon ay hindi na magkakasundo.
d. Nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapakita ng pagmamahal.
42. Ang mga Pilipino ay may matibay na paniniwala sa mga prayle (mga kastilang pari) at labis nilang pinahahalagahan ang labis labis na pagbibigay ng limos sa simbahan. Anong uri ito ng himagsik ni Balagtas?
a. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
b. Himagsik laban sa simbahan
c. Himagsik laban sa magandang kaugalian
d. Himagsik ni Balagtas
43. Hindi pinapayagang sumulat ng mga akdang laban sa mga Kastila ang mga Pilipino, ang sinumang magtangka ay pinararatangan ng Pagiging pilibustero. Anong uri ito ng himagsik ni Balagtas?
a. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
b. Himagsik laban sa pagsulat ng akda
c. Himagsik laban sa pananampalataya
d. Himagsik laban sa mga Kastila
44. Nabuhay ang ugali ng pagkainggit sa mga Pilipino dahil na rin sa maling pagpapamulat ng mga mananakop na Kastila. Saang uri ng himagsik kaya ito nabibilang?
a. Himagsik laban sa maling kaugalian
b. Pagiging masama ng mga tao
c. Himagsik laban sa magandang kaugalian
d. Himagsik laban sa mga Espanyol
45. Ang pamahalaan at ang simbahan ay pinamumunuan ng mga prayle at hindi pinapayagan ang mga Pilipino na pumasok sa politika. Ito ay himagsik laban sa ______________.
a. hidwaang pananampalataya
b. malupit na gobyerno
c. malupit na pamahalaan
d. prayle
46. Para sayo, makabuluhan ba ang pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ang Florante at Laura? Ipaliwanag.
a. Oo, dahil dito malalaman kung ano ang tunay na kalagayan ng mga
Pilipino sa pamamahala ng mga Kastila.
b. Oo, dahil para maging matalino tungkol sa kasaysayan.
c. Hindi, sapagkat maaawa lamang ko sa naging kalagayan ng kapwa ko mga Pilipino.
d. Hindi, pagka't walang itong kabuluhan para malaman pa.
47. Bakit mahalagang matukoy ang layunin ng pagsulat ng akdang Florante ni Balagtas?
a. Upang malaman kung sino si Balagtas.
b. Upang maipaalam sa mga mambabasa ang malabis na sakit, kabiguan,kaapihan, himagsik at kawalang katarungang naranasan ni Balagtas sa lipunang kaniyang ginagawalan.
c. Hindi, sapagkat maaawa lamang ko sa naging kalagayan ng kapwa ko mga Pilipino.
d. Hindi, pagka't walang itong kabuluhan para malaman pa.
49. Kung ikaw ay nasa kinalalagyan ni Aladin na inagaw mula sayo ng iyong sariling ama ang pinakamamahal mong babae, ano ang magiging gagawammo?
a. Ito'y higit na naging mabisa dahil mismo ang dalawang bayani na sina Dr.
Jose Rizal at Apolinario Mabini ay naging inspirasyon nila sa pagsulat ng mga akda ang Florante at Laura.
b. Naging mabisa dahil napalimbag ito.
c. Ito'y sikat na babasahin
d. Ginamitan ng mga alegorya na nakapag-aakit sa isang mambabasa.
49. Kung ikaw ay nasa kinalalagyan ni Aladin na inagaw mula sayo ng iyong sariling ama ang pinakamamahal mong babae, ano ang magiging reaksyon o mararamdamn mo?
a. Labis akong makakaramdam ng poot sa aking ama at hindi ko siya papatawarin.
b. Magagawa ko pa rin na patawarin ang aking ama sa kabila ng kaniyang pagtataksil sa akin. Dahil ang ama ay ama pa rin.
c. Magpaparaya ako kahit na ako'y may hinanakit sa aking ama.
d. Kakalimutan ko na mayroon akong ama.
50. Kung ikaw si Florante, paano mo ipapakita ang iyong tunay pag-ibig sa isang babae na pinaniniwalaan mong nagtaksil siya sayo?
a. Magtatanim ako ng galit kahit na siya pa rin ang iniibig ko.
b. Hihintayin ko siya mismo ang magpaliwanag ng totoong nangyare sa pagitan nila ni Adolfo
c. Mamahalin ko siya kahit siya ay isang taksil.
d. Ako'y magpaparaya kahit na ito'y masakit sa aking damdamin.
