wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN REVIEW

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

1.

Ano ang sinisimbolo ng kulay bughaw sa watawat ng Pilipinas?

a)

A. kalinisan

b)

B. kapayapaan

c)

C. katapangan

d)

D. karunungan

2.

Sinasagisag nito ang tatlong malalaking pangkat ng pulo ng ating bansa: Luzon, Visayas at Mindanao.

a)

A. araw

b)

B. kulay bughaw

c)

C. kulay pula

d)

D. tatlong bituin

3.

Ano ang ibig sabihin kapag nakabaliktad ang pagkakasabit ng watawat na kung saan ang pula ang nasa gawing itaas?

a)

A. nasa digmaan ang bansa

b)

B. mali ang pagkakalagay nito

c)

C. natalo sa palakasan ang bansa

d)

D. may di-pagkakaunawaan ang mga namumuno sa bansa

4.

Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga bagay na nagpapakilala sa mga Pilipino?

a)

A. iingatan at ipagmamalaki ko ang mga ito

b)

B. ibabahagi ko sa aking mga kamag-aral ang mga nalalaman ko

c)

C. magpapagawa ako ng mga larawan at ikakalat ko sa buong paaralan

d)

D. sasabihan ko ang aking mga kapwa mag-aaral na aralin ang mga pagkakakilanlan ng ibang

5.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paggalang sa watawat ng Pilipinas?

a)

A. tumahimik kapag nakita ito

b)

B. iwasang ito ay mabasa at marumihan

c)

C. huwag hayaang mahawakan ito ng iba

d)

D. tumayo ng tuwid habang ito ay itinataas

6.

Naglalakad kayo ng tatay mo papuntang palengke. Nadaanan ninyo ang Barangay Hall at kasalukuyang may Flag Raising Ceremony. Ano ang gagawin mo?

a)

A. sasabihan ko ang tatay ko na huminto muna kami dahil inaawit ang Lupang Hinirang

b)

B. sasabihan ko ang tatay ko na bilisan ang paglalakad habang walang nakakakita sa amin

c)

C. sasabihan ko ang mga kapwa ko naglalakad na bilisan ang kanilang paglalakad habang

inaawit ang Lupang Hnirang.

d)

D. sasabihan ko ang namumuno sa barangay hall na ihinto muna ang pagpapatugtog ng

Lupang Hinirang habang may dumadaang mga tao

7.

Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng ating pambansang awit?

a)

A. Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan.

b)

B. Ito ay nagpapakilala sa ating bansa at ipinapakita ito sa mga mahahalagang lugar

pampubliko

c)

C. Ito ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan at ang kahandaang ipagtanggol ito sa

anumang pagkakataon

d)

D. ipinapakahulugan nito na ang walong lalawigan ng Pilipinas ang naunang nagpasimula ng

himagsikan laban sa Espanya.

8.

Sa iyong palagay, bakit nararapat nating igalang ang ating watawat?

a)

A. dahil ito ang sumisimbolo sa ating bansa

b)

B. dahil ipinapakita nito ang pagsunod sa mga batas sa ating bansa

c)

C. sapagkat ito ang nagpapakita ng pagmamahal natin sa ating mga magulang

d)

D. sapagkat ito ang simbolo ng pagpapakasakit ng ating mga ninuno makamtan lang ang ating

kalayaan

9.

Isa kang dayuhang artista na hindi popular sa iyong bansa. Naisipan mong pumunta sa Pilipinas at dito ka sumikat. Nais mong manatili na dito at mapabilang sa mga mamamayan ng Pilipinas. Paano mo makakamit ang iyong ninanais?

a)

A. magpabinyag na muli

b)

B. mag-asawa ng isang Pilipino

c)

C. magpaampon sa isang Pilipino

d)

D. dumaan sa proseso ng naturalisasyon

10.

Nanirahan ka na at ang iyong pamilya sa Amerika. Nakatapos ka na ng pag-aaral doon at nakapagpasyang pumasok na US Navy. Mawawala na ba ang iyong pagkamamamayang Pilipino?

a)

A. oo, dahil naninirahan ka na sa ibang bansa

b)

B. hindi, dahil Pilipino ang iyong mga magulang

c)

C. malamang, dahil lumaki ka na sa ibang bansa

d)

D. oo, dahil naglingkod ka sa sandatahang lakas ng ibang bansa

11.

Ang dating sundalo na tumakas noong kasalukuyan ang labanan sa pagitan ng Abu-Sayaf at militar ay nagsisisi sa kanyang ginawa at nais na niyang bumalik sa Pilipinas. Kung ikaw ang dating sundalong ito, ano ang iyong gagawin?

a)

A. magpanggap na ibang tao

b)

B. maghimagsik at sapilitang pumasok sa Pilipinas

c)

C. hingin ang pagpapatawad ng hukuman ng Pilipinas

d)

D. magtiis na lang na hindi bumalik sa Pilipinas hanggang sa mamatay.

12.

Si Kapitan Armando ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang sumiklab ang labanan ng Abu-Sayaf at military, siya ay tumakas at pumunta sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya. Sa pagkakaalam mo, mananatili pa ba ang kaniyang pagkamamamayang Pilipino?

a)

A. hindi sigurado

b)

B. hindi na kailan man

c)

C. oo, dahil siya ay likas na Pilipino

d)

D. hindi, dahil tumakas siya imbes na ipagtanggol ang ating bansa

13.

Ano ang tawag sa pagiging miyembro o kasapi ng isang bansa?

a)

A. dayuhan

b)

B. expatriation

c)

C. naturalisasyon

d)

D. pagkamamamayan

14.

Sino sa mga sumusunod ang maituturing na mamamayang Pilipino?

a)

A. ipinanganak sa Amerika

b)

B. may Pilipinong magulang

c)

C. dayuhan ang mga magulang

d)

D. Hapon ang ama at Amerikano ang ina

15.

Aling sitwasyon ang nagpapakitang hindi maituturing na mamamayan ng Pilipinas ang taong pinag-uusapan sa pangungusap

a)

A. Si Ana ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas

b)

B. Si Rea ay ipinanganak sa bansang Italya pero ang mga magulang ay mga Pilipino

c)

C. Si Miguel ay ipinanganak sa China pero matagal ng nasa Pilipinas at gustong maging

Pilipino.

d)

D. Si Maria ay ipinanganak sa Malaysia, ang nanay niya ay isang Malaysian, at ang tatay ay

isang Pilipino.

16.

Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang dapat iwasan upang hindi mawala ang pagkamamamayang Pilipino?

a)

A. pag-aasawa ng dayuhan

b)

B. pagtatrabaho sa dayuhang bansa

c)

C. pagbebenta ng mga ari-arian sa dayuhan

d)

D. pagpili sa pagiging mamamayan ng ibang bansa

17.

Karapatan ng bawat mamamayan na pumili ng propesyon o hanapbuhay. Nais mong magkaroon ng maganda at matatag na hanapbuhay paglaki mo. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. maghintay ng suwerte

b)

B. mag-aral nang mabuti

c)

C. magtrabaho na habang nag-aaral

d)

D. tumigil na sa pag-aaral at magnegosyo na lamang

18.

Karapatan mong maging malusog ngunit isa ka sa mga naitalang severely wasted sa inyong paaralan dahil sa di wastong pagkain. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. kainin lang ang paboritong pagkain

b)

B. palaging kumain ng matatamis na pagkain

c)

C. kumain ng sapat at masustansiyang pagkain

d)

D. palaging kumain sa mga eat all you can na kainan

19.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin mo sa bayan?

a)

A. hindi pakikilahok sa mga programa ng barangay

b)

B. pagtatapon ng basura sa daan habang nakasakay sa bus

c)

C. paggawa ng compost pit upang tapunan ng mga nabubulok na basura

d)

D. pagtapon ng mga nabubulok na basura sa ilog para makain ng mga isda

20.

Ito ay tumutukoy sa mga bagay o kalagayan na dapat ay mayroon tayo upang makapamuhay nang malaya, mapayapa, at masaya.

a)

A. karapatan

b)

B. layunin

c)

C. pananagutan

d)

D. tungkulin

21.

Namatay ang ama at ina ni Juan sa isang aksidente at 5 taong gulang pa lamang siya. Kinupkop siya ng kaniyang kapitbahay at itinuring na tunay na anak. Anong Karapatan ang ipinakita?

a)

A. karapatang politikal

b)

B. karapatan ng mga bata

c)

C. karapatan ng nasasakdal

d)

D. karapatang pangkabuhayan

22.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit dapat gampanan ng mga mamamayan ang kanilang mga tungkulin?

a)

A. masunod ang sinasabi ng batas

b)

B. maging tahimik ang buhay ng lahat

c)

C. magkaroon ng mas maraming yaman

d)

D. magkaroon ng kaayusan at kaunlaran

23.

Napag-aralan mo na isa sa karapatan ng mga bata ang mabigyan ng sapat na edukasyon. Bilang bata ano ang nararapat mong gawin?

a)

A. mag-aral ng mabuti

b)

B. mag-aral paminsan-minsan

c)

C. hindi mag-aaral kung walang baon

d)

D. pipilitin ang mga magulang na mag-aral sa pribadong paaralan

24.

Ito ay tumutukoy sa pananagutan ng isang mamamayan sa kaniyang komunidad o bansa na naaayon sa isinasaad ng batas

a)

A. karapatan

b)

B. layunin

c)

C. pananagutan

d)

D. tungkulin

25.

Ano ang kagalingang pansibiko?

a)

A. pagiging magaling sa pagpapamalas ng angking talino at kakayahan para sa kapakanan ng

kapwa at komunidad

b)

B. pamumuno sa mga gawaing nagpapakita ng pagtulong sa kapwa at pagpapabuti ng

komunidad tungo sa kaunlaran

c)

C. ang paghahandog ng anomang mayroon para sa kapwa na nagdudulot ng mabuting

ugnayan sa mga taong kasangkot sa gawain

d)

D. pagiging handa at pagnanais ng isang mamamayan na umako ng responsibilidad na

makagawa ng bagay na ikabubuti ng kaniyang kapwa

26.

Ano-ano ang mga katangian ng mamamayang namumuhay sa lipunang may kagalingang

pansibiko?

a)

A. maasikaso, matiyaga, may pananampalataya sa Diyos

b)

B. masipag, may malasakit sa kapwa, at may pangarap sa buhay

c)

C. mapamaraan, malikhain, at may pagsisikap na makamit ang nais

d)

D. matiwasay, may malasakit sa kapwa, at may ambag sa kaunlaran

27.

Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa kalikasan?

a)

A. tumulong sa mga nasalanta ng bagyo

b)

B. maghandog ng sayaw kultural sa mga pista

c)

C. umiwas na masayang ang mga ginamit na papel

d)

D. magbigay ng kontribusyon sa mga feeding program

28.

Bilang isang bata, alin sa mga sumusunod na mga gawaing nagsusulong ng kagalingang pansibiko ang kaya mong gawin?

a)

A. pagtulong sa matanda na tumatawid sa kalsada

b)

B. pagsali sa malawakang protesta laban sa pamahalaan

c)

C. pangangampanya para sa matapat at mailinis na halalan

d)

D. pagbibigay ng tulong pinansiyal sa matalinong mag-aaral

29.

Alin sa mga katangian ng isang mamamayang may kagalingang pansibiko ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapakanan ng mga tao sa kaniyang paligid?

a)

A. may pagkukusang tumulong

b)

B. may pagkilala sa sariling kakayahan

c)

C. tinatanggap at inuunawa ang kapwa

d)

D. nakikibahagi sa gawaing nakabubuti sa kapwa

30.

Ano ang dapat gawin ng isang mamamayan upang maging kapaki-pakinabang sa mga gawain para sa komunidad?

a)

A. sumunod sa mga batas at alituntunin ng komunidad

b)

B. paunlarin ang sariling pagkatao, kakayahan, at talino

c)

C. pansinin ang mga hindi magandang nakikita sa lugar

d)

D. makibahagi sa mga pagdiriwang na gaganapin sa lugar

31.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka kapaki-pakinabang na ibubunga ng pagsali ng mga mamamayan sa mga samahang pansibiko?

a)

A. madali sa pamahalaan ang pagsasagawa ng mga programa

b)

B. maraming masasalihang organisasyon ang mga mamamayan

c)

C. nakabubuo ng magandang relasyon sa isa’t isa ang mga kasapi

d)

D. dumadami ang kikilos para sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan

32.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagtanggap ng responsibilidad?

a)

A. araw-araw na dinidiligan ni Arman ang kanilang mga halaman

b)

B. binabantayan ni Jerome ang bakanteng lote para hindi tapunan ng basura

c)

C. umiiwas si Cian sa mga bisyo dahil ayaw niyang mapagalitan ng mga magulang

d)

D. hindi na lumalabas ng bahay si Lea pagsapit ng ikasampu ng gabi dahil sa curfew

33.

Si Amira ay dumadalo sa mga workshop para mas mapaunlad ang kaniyang kakayahan sa pagsasalita. Ano ang ipinapakita ni Almira?

a)

A. pinauunlad ang pagkatao, kakayahan at talino

b)

B. lumalahok sa mga gawaing makatutulong sa pag-unlad

c)

C. tinatanggap ang responsibilidad na ibinibigay sa kaniya

d)

D. nakikisali sa samahang makabubuti sa mga mamamayan

34.

Si Ana ay nakikiisa sa mga proyekto at programang makapagpapaunlad sa kanilang barangay. Ano ang ipinapakita ni Ana?

a)

A. tumatanggap ng hamon

b)

B. inaako ang responsibilidad

c)

C. lumalahok sa mga gawain sa pag-unlad

d)

D. sumasali sa mga organisasyong pansibiko

35.

Si Ramon ay binigyan ng tungkulin ng kanilang barangay na magbantay sa gabi para mapanatili ang kapayapaan ng kanilang barangay. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

A. tanggapin ang responsibilidad na ibinigay

b)

B. sumunod sa mga batas at alituntunin ng komunidad

c)

C. paunlarin ang sariling pagkatao, kakayahan at talino

d)

D. lumahok sa mga gawaing makatutulong sa pag-unlad

36.

Lahat ng mga naninirahan sa Barangay Maligaya ay hindi nagtatapon ng basura sa malapit sa ilog mula ng ipagbawal ito. Ano ang ipinapakita nila?

a)

A. lumalahok sa mga organisayong politikal

b)

B. nangunguna sa mga programang pangkabuhayan

c)

C. sumusunod sa mga batas at alituntunin ng komunidad

d)

D. sumasali sa mga gawaing makapagpapaunlad sakomunidad

37.

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng mga mamamayang may kagalingang pansibiko maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. may tiwala sa sarili

b)

B. may sariling desisyon

c)

C. tinatanggap at inuunawa ang kapwa

d)

D. may pagkukusang tumulong sa mga nangangailangan

38.

Nagiging maganda ang relasyon mo sa ibang tao kung nalalaman at nauunawaan mo ang kanilang sitwasyon. Anong katangian ng mamamayang may kagalingang pansibiko ang tinataglay mo?

a)

A. may tiwala sa sarili

b)

B. tinatanggap at inuunawa ang kapwa

c)

C. kinikilala ang sariling kakayahan at talento

d)

D. may pagkukusang tumulong sa mga nangangailangan

39.

Paano mo maipapakita ang pagtupad sa tungkuling makapag-ambag sa kaunlaran ng bansa?

a)

A. magnegosyo sa ibang bansa

b)

B. magtrabaho sa sariling bansa

c)

C. bumili ng mga produktong Pilipino

d)

D. makilahok sa mga programang pangkabuhayan

40.

Ang mga sumusunod ay mga papel na ginagampanan ng mamamayan na nagtataguyod ng karapatan at tungkulin para sa pagtatamo ng kagalingang pansibiko maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. tinatanggap ang responsibilidad

b)

B. pinauunlad ang sariling pagkatao, kakayahan at talino

c)

C. pagsali sa mga proyektong mangangalaga sa kalikasan

d)

D. lumalahok sa mga gawaing nakatutulong sa pag-unlad