wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Digmaang Pandaigdig Quiz

Total questions: 29

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pag-aagawan ng mga bansa sa teritoryo at kolonya

b)

Pagkamatay ng isang mahalagang lider ng isang bansa

c)

Pagpapalakas ng mga alyansa sa pagitan ng mga bansa

d)

Pagkakaroon ng matinding salungatan sa relihiyon

2.

Ano ang pangalan ng alyansa na binuo ng mga bansang France, Russia, at United Kingdom bago sumikò ang digmaan.

a)

Axis Powers

b)

Triple Alliance

c)

Triple Entente

d)

United Nations

3.

Anong kasunduan ang nagtakda ng mga kondisyon matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Treaty of Paris

b)

Treaty of Versailles

c)

Treaty of Berlin

d)

Treaty of London

4.

Bakit itinuturing na isang mahalagang sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pagkakaroon ng mga alyansa sa pagitan ng mga bansa?

a)

Dahil ang mga alyansa ay nagbigay daan sa mabilis na pagkilos at pag-deklarang digmaan.

b)

Dahil pinatibay nito ang pagkakaisa sa mga bansang may magkatulad na interes.

c)

Dahil nagkaroon ng pagkakataon ang mga bansa na magtulungan sa kalakalan.

d)

Dahil nakapagbigay ito ng pantay na pagtingin sa mga bansa.

5.

Paano nakaapekto ang Treaty of Versailles sa mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nagpataw ito ng matinding parusa sa Germany, na nagdulot ng mga problemang pang-ekonomiya.

b)

Pinatawad ang Germany sa mga responsibilidad ng digmaan.

c)

Binago nito ang mga sistema ng pamahalaan sa mga bansa.

d)

Pinalakas nito ang pagkakaisa ng mga bansa sa Europa.

6.

Paano maiiwasan ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig gamit ang mga alyansa?

a)

Palakasin ang alyansa para sa pagtutulungan sa oras ng pangangailangan.

b)

Magparusa sa mga bansang lumalabag sa kasunduan.

c)

Magtatag ng bilateral na kasunduan sa kapayapaan

d)

Iwasan ang alyansa at manatiling neutral.

7.

Paano mo gagamitin ang iyong posisyon sa League of Nations upang maiwasan ang digmaan?

a)

Magpataw ng parusa sa mga bansang lumalabag sa mga polisiya ng samahan.

b)

Mag-organisa ng diplomatikong pag-uusap upang lutasin ang alitan.

c)

Magtakda ng kondisyon sa pagpapalawak ng teritoryo.

d)

Magbigay ng tulong militar sa mga nanganganib na bansa.

8.

Paano magagamit ang Treaty of Versailles upang maiwasan ang hinaharap na problema?

a)

Magbigay ng reparasyon upang mapabilis ang pagbangon ng mga bansa.

b)

Pagtibayin ang mga kondisyon ng digmaan upang hindi maulit.

c)

Magtatag ng bagong alyansa para sa mas matatag na relasyon.

d)

Magpataw ng parusa sa mga lumalabag sa kasunduan.

9.

Anong taon nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

1912

b)

1914

c)

1916

d)

1920

10.

Anong bansa ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand na nagpasikò ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

France

b)

Germany

c)

Russia

d)

Serbia

11.

Bakit nagdulot ng mas malawak na epekto ang pagkakaroon ng mga alyansa sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga bansa na magpatuloy ng mga kasunduan.

b)

Pinabilis nito ang pagkilos ng mga bansa at pagpasok sa digmaan.

12.

Ano ang epekto ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga bansa na magpatuloy ng mga kasunduan.

b)

Pinabilis nito ang pagkilos ng mga bansa at pagpasok sa digmaan.

c)

Pumayag ang mga bansa na magkaisa para sa kapayapaan.

d)

Pinalakas nito ang mga kalakalang internasyonal.

13.

Paano nakatulong ang pagsasanib ng Germany at Austria (Anschluss) sa pagpapalawak ng kapangyarihan ni Hitler?

a)

Nagbigay ito ng mga bagong teritoryo at yaman na nagpapatibay sa ekonomiya ng Germany at nagpalakas ng militar.

b)

Nagbigay ito ng pagkakataon na magpatuloy ang mga negosasyon ng mga bansa para sa kapayapaan.

c)

Pinayagan nito ang Germany na magtakda ng mga kapayapaang kasunduan sa ibang bansa.

d)

Pinalakas nito ang mga alyansa sa mga bansang kaalyado ng Germany.

14.

Anong taon nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

1937

b)

1939

c)

1941

d)

1945

15.

Paano nakatulong ang Treaty of Versailles sa pagsikò ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pinahintulutan nito ang Germany na muling magpalakas ng kanilang militar.

b)

Nagbigay ito ng mga kondisyon para sa permanenteng kapayapaan.

c)

Nagtakda ito ng mga kasunduan na magpapalakas sa mga alyansa.

d)

Nagbigay ito ng proteksyon sa mga bansang Asyan.

16.

Ano ang epekto ng pagsalakay ng Germany sa Poland noong 1939?

a)

Nagpasiklab ito ng digmaan nang magdeklara ng digmaan ang France at United Kingdom laban sa Germany.

b)

Nagbigay ito ng pagkakataon para sa mga alyansa na magsanib-puwersa.

c)

Nagbigay ito ng proteksyon sa Poland mula sa mga karatig-bansa

d)

Nagdulot ito ng kasunduan sa pagitan ng Germany at Poland

17.

Anong taon itinatag ang United Nations?

a)

1941

b)

1945

c)

1950

d)

1960

18.

Ano ang pangunahing layunin ng United Nations?

a)

Pagtaguyod ng kapayapaan at seguridad sa buong mundo.

b)

Paglikha ng mga kasunduan para sa libreng kalakalan

c)

Pagpapaunlad ng mga ekonomiya ng bawat bansa.

d)

Pagpapalaganap ng mga relihiyon.

19.

Paano makakatulong ang United Nations sa mga bansang nag-aalangan sa pagkakaroon ng kalayaan?

a)

Pagbibigay ng tulong sa pagbuo ng mga demokratikong institusyon.

b)

Pagpapalakas ng mga kasunduang pangkalakalan.

c)

Pagbibigay ng suporta sa mga digmaan.

d)

Pagpapalawak ng mga relihiyon.

20.

Anong ideolohiya ang nagpapalaganap ng pribadong pag-aari ng mga negosyo at ang market-driven economy?

a)

Feudalismo

b)

Kapitalismo

c)

Komunismo

d)

Sosyalismo

21.

Ano ang pangunahing layunin ng ideolohiyang sosyalismo?

a)

Pagpapalaganap ng pantay-pantay na yaman at kapangyarihan.

b)

Pagpapalawak ng demokratikong mga Karapatan.

c)

Pagtangkilik sa malalaking negosyo at industriya.

d)

Pagbibigay ng kalayaan sa merkado

22.

Paano nakakaapekto ang ideolohiyang liberalismo sa mga estabilisadong institusyon ng lipunan?

a)

Nagbibigay ito ng kapangyarihan sa mga institusyon upang palawakin ang karapatan at kalayaan ng bawat isa.

b)

Binabawasan nito ang mga karapatan ng mga indibidwal upang magpatupad ng kolektibong interes

23.

Ano ang tawag sa alyansa ng Alemanya, Italy, at Japan sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Allied Powers

b)

Axis Powers

c)

CentralPowers

d)

UnitedNations

24.

Ano ang epekto ng ideolohiya ng Kapitalismo sa mga bansa sa panahon ng Cold War?

a)

Pagpapalawak ng mga demokratikong hakbang at mga liberal na reporma.

b)

Pagpapalakas ng sistema ng ekonomiyang merkado at pribadong pag-aari.

c)

Pagtangkilik ng mga bansa sa mga prinsipyo ng sosyalismo.

d)

Pagpapalaganap ng mga totalitaryong rehimen

25.

Ano ang nagpapahalaga sa mga karapatan ng mga indibidwal at malayang pamilihan?

a)

Fascismo

b)

Kapitalismo

c)

Komunismo

d)

Sosyalismo

26.

Paano makakatulong ang ideolohiyang sosyalismo sa pagbabawas ng kahirapan sa ilalim ng estabilisadong institusyon ng lipunan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na kalayaan sa mga mamamayan na magdesisyon para sa kanilang sarili.

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na kalayaan sa mga mamamayan na magdesisyon para sa kanilang sarili.

c)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng malayang kalakalan at mas maraming pagkakataon para sa mga negosyo.

d)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sistemang mga pribadong negosyo.

27.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka-epektibong hakbang upang mapigilan ang negatibong epekto ng Neo-kolonyalismo?

a)

Palakasin ang lokal na industriya at edukasyon.

b)

Ipatupad ang proteksyonistang patakaran at ibalik ang tradisyonal na kalakalan.

c)

Panatilihin ang kolonyal na polisiya at pigilan ang lokal na kultura.

d)

Suportahan ang banyagang mamumuhunan sa lokal na ekonomiya.

28.

Ano ang pinakamabisang hakbang upang mapigilan ng mga bansang Asyano ang epekto ng Neo-kolonyalismo sa kanilang ekonomiya?

a)

Pagsusulong ng alyansa sa mga bansang may katulad na ideolohiya.

b)

Pagpapatibay ng lokal na produksiyon at suporta sa sariling industriya.

c)

Pagsunod sa patakaran ng mga banyagang bansa para sa industriyalisasyon.

d)

Pagtanggap ng banyagang patakaran upang mapabilis ang industriyalisasyon.

29.

Ano ang pinakamainam na solusyon upang maiwasan ang epekto ng Cold War sa mga bansang nasa pagitan ng dalawang superpower?

a)

Pagpapatibay ng alyansa sa mga bansang hindi kasapi sa ideolohiya.

b)

Pag-aampon ng ideolohiya ng isang superpower para sa proteksyon.

c)

Pagpapalaganap ng komunismo upang labanan ang kapitalismo.

d)

Pagpapanatili ng neutralidad at pagsuporta sa kapayapaan.