NEW
Font size
WorksheetsEpekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pisikal na epekto ng paglabag sa karapatang pantao?
Kawalan ng tiwala sa pamahalaan
Panghihina ng loob at takot
Pagkakasakit o pagkasugat dulot ng karahasan
Pagkawala ng trabaho
Kapag ang isang tao ay nakararanas ng matinding takot, pagkabalisa, o trauma matapos ang pag-abuso, anong uri ng epekto ito?
Pisikal
Sikolohikal
Istruktural
Politikal
Ang kawalan ng access sa maayos na edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at hanapbuhay dahil sa diskriminasyon ay halimbawa ng anong epekto?
Sikolohikal
Pisikal
Istruktural
Emosyonal
Anong epekto ang direktang nararanasan sa katawan ng biktima?
Sikolohikal
Pisikal
Istruktural
Moral
Ang depresyon at pagkakahiwalay sa lipunan ay maaaring bunga ng anong epekto?
Pisikal
Sikolohikal
Legal
Sosyal
Ang isang komunidad na hindi na nagtitiwala sa hustisya at batas dahil sa paulit-ulit na paglabag sa karapatan ay nakararanas ng:
Pisikal na epekto
Istruktural na epekto
Emosyonal na epekto
Moral na epekto
Ang pananakit sa mga detenidong walang due process ay halimbawa ng:
Sikolohikal na epekto
Pisikal na epekto
Istruktural na epekto
Wala sa nabanggit
Kapag ang buong sistema ng pamahalaan ay hindi na gumagana ng tama dahil sa paglabag ng karapatang pantao, ito ay anong uri ng epekto?
Pisikal
Emosyonal
Sikolohikal
Istruktural
Alin sa mga sumusunod ang hindi saklaw ng sikolohikal na epekto?
Pagkabalisa
Trauma
Sugat sa katawan
Pagkawala ng pag-asa
Ang pagsira sa mga institusyon gaya ng korte, paaralan, o health centers ay kabilang sa anong epekto?
Sikolohikal
Pisikal
Istruktural
Mental
