wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP5-PASS REVIEW-1.1

Total questions: 44

Worksheet time: 44mins

Name
Class
Date
1.

Ang iyong kaibigan ay bibisita sa Pilipinas mula Marso hanggang Mayo. Ano ang dapat mong ipaalala sa kanya?

a)

Magsuot ng maninipis na damit

b)

Magsuot ng makakapal na damit.

c)

Manatili sa loob ng bahay upang makaiwas sa sakit na dulot ng ulan.

d)

Manatili sa labas ng bahay upang maranasan ang sobrang init ng araw.

2.

Paano nabuo ang Pilipinas batay sa teoryang bulkanismo?

a)

pagyanig ng lupa

b)

pagkatunaw ng yelo

c)

pagguho ng mga lupa

d)

pagsabog ng mga bato sa ilalim ng lupa

3.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang mga unang taong nanirahan sa Pilipinas ay mga Austronesians?

a)

Magkakatulad ang binuo nilang mga tirahanan

b)

Magkakatulad ang paraan ng kanilang pananampalataya.

c)

Magkakahawig ang mga paniniwala ng mga tribong nagmula sa rehiyong Austronesyano.

d)

Magkakahawig ang wika ng mga tribong nagmula sa Austronesians tulad ng mga tribo sa Malaysia, Indonesia, Pilipinas, at Madagascar.

4.

Paano mo ilalarawan ang Pilipinas bilang bansang arkipelago?

a)

nasa Pacific Ring of Fire

b)

binubuo ng maraming pulo

c)

madalas nakararanas ng lindol

d)

katatagpuan ng iba't ibang bulubundukin

5.

Alin sa mga sumusunod ang wastong paglalarawan ng lokasyon ng Pilipinas?

a)

Ito ay matatagpuan sa Gitnang Silangang Asya.

b)

Ito ay matatagpuan sa 4° hanggang 21° hilagang latitud at 116° hanggang 127° silangang longhitud.

c)

Nasa hilaga ng Pilipinas ang Taiwan, nasa timog nito ang Malaysia, nasa silangan nito ang Vietnam, at nasa kanluran nito ang Marianas.

d)

Nasa hilaga ng Pilipinas ang Celebes Sea, nasa timog nito ang Bashi Channel, nasa silangan nito ang Pacific Ocean, at nasa kanluran nito ang West Philippine Sea.

6.

Kung ikaw ay nasa Hong Kong, saang direksyon makikita ang Pilipinas?

a)

Hilaga

b)

Silangan

c)

Timog

d)

kanluran

7.

Nagkakaiba-iba ang panahon at klima sa iba't ibang bahagi ng mundo dahil sa___

a)

mga likas yaman na matatagpuan sa mga bansa sa mundo

b)

mga katangiang heograpikal at pisikal ng mga bansa sa mundo

c)

iba't ibang uri ng taong naninirahan sa bawat bansa sa mundo

d)

bilang ng mga mamamayang naninirahan sa mga bansa sa mundo

8.

Maraming aktibong bulkan sa Pilipinas.Ito ay nagpapahayag na marahil __________.

a)

ang Pilipinas ay kabilang sa Pacific Ring of Fire

b)

ang Pilipinas ay mababa ang lupain at maaaring lamunin ng dagat

c)

ang Pilipinas ay nabuo dahil sa pagtaas ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan

d)

ang mga bulkan ang bumuo sa mga tulay na lupa na nagdudugtong sa Pilipinas

9.

Alin ang wastong paglalarawan sa mga taong Tabon?

a)

nabuhay sa pagsasaka

b)

mayroong napakatandang kultura

c)

gumamit ng mga kagamitang yari sa metal

d)

nagmula sa Gitnang Asya, Indotsina, at Malaysia

10.

Nagiging malaya ang isang alipin noon kapag siya ay __________.

a)

namatay sa digmaan

b)

nahirang na datu ng barangay

c)

naipagbili ng kanyang panginoon

d)

nakagawa ng kabayanihan sa digmaan

11.

Paano ipinatutupad ang mga batas noon?

a)

Ang mga mamamayan ang humahatol sa may sala.

b)

Iginagawad ang parusa sa taong nagkasala pagkatapos ng paglilitis.

c)

Agad na pinaparusahan ang mga may sala na hindi dumaraan sa paglilitis.

d)

Ipinagwawalang bahala ang mga testimonya at ebidensya ng mga inaakusahang lumabag sa batas.

12.

Paano iniangkop ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang pamumuhay sa kanilang kapaligiran?

a)

Ang pamahalaan ay nakabatay sa tradisyon ng mamamayan.

b)

Ang kagamitan ay inaayos ayon sa pangangailangan ng pamilya.

c)

Ang tirahan ay binuo ayon sa lawak ng mga lupaing pagmamay-ari

d)

Ang hanapbuhay ay nakabatay sa mga likas yaman sa kanilang lugar.

13.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong sa paniniwala ng paghahambing sinaunang Pilipino sa kasalukuyan?

a)

Noon, may mga babaylan. Samantalang ngayon, may mga katalonan.

b)

Noon, naniniwala sila sa mga anito. Samantalang ngayon, ito ay napalitan ng mga santo.

c)

Noon, sila ay sumasamba sa mga anito at diwata. Samantalang ngayon, sila ay sumasamba sa mga diyos-diyosan.

d)

Noon, naniniwala silang sagrado ang mga bagay sa kalikasan. Samantalang ngayon, pinaniniwalaan itong tirahan ng mga kaluluwa.

14.

Bakit pinahahalagahan ng husto ng mga sinaunang Pilipino ang kalikasan?

a)

Dito naninirahan ang mga mababang diyos.

b)

Dito naninirahan ang mga espiritu at kaluluwa.

c)

Ito ang nagiging tagapamagitan sa kabilang buhay.

d)

Ito ang tagapaghatid ng mensahe sa mga namayapa.

15.

Para sa mga sinaunang Pilipino, ang banga ay ginagamit sa paglilibing ng patay. Kung pagmamasdan ang bangang Manunggul, sa itaas nito ay mayroong imahen ng dalawang taong nakasakay sa bangka, ang isa ay nakaupo, habang ang isa ay,nagsasagwan. Anong kaisipan ang ipinakikita nito?

a)

Sa tubig inililibing ang mga,namayapa.

b)

Ang bangang Manunggul ay,isang alay sa mga patay.

c)

Mayroong paniniwala sa,kabilang buhay ang mga Pilipino.

d)

Ang kaluluwa ng namatay ay binibigyang-halaga ng mga sinaunang Pilipino.

16.

Nag-alsa ang mga katutubo laban sa,mga Espanyol upang ____.

a)

maibalik ang kalayaan

b)

makaranas ng kaunlaran

c)

payagang maging Kristiyano

d)

makapag-aral sa mga unibersidad

17.

Ano ang naging epekto ng pagsiklab ng mga rebolusyon sa mga kolonya ng Espanya sa Hilaga at Timog Amerika?

a)

Nagpalit ng mga pinuno ang pamahalaan.

b)

Nagbago ang mga batas na pinairal sa kolonya.

c)

Nagbigay daan ito sa pagsasarili ng mga kolonya at paghiwalay sa Espanya

d)

Nag-away ang mga liberal na Espanyol at mga konserbatibong nais ibalik ang dating kaayusang politikal.

18.

Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdigan?

a)

Tumaas ang presyo ng mga bilihin.

b)

Lumago ang agrikultura sa Pilipinas.

c)

Dumami ang mga bangko sa Pilipinas.

d)

Lumakas ang kompetisyon ng mga mangangalakal.

19.

Paano nakaapekto sa mga Pilipino ang pagsibol ng kaisipang liberal?

a)

Nagbunga ito ng paglago ng agrikultura.

b)

Natatag ang mga paaralang pampubliko.

c)

Namulat ang mga Pilipino tungkol sa kanilang karapatan.

d)

Napabilis ang paglabas at pagpasok ng kalakal sa bansa.

20.

Bakit hindi naging matagumpay ang mga Espanyol sa pakikipaglaban sa mga Muslim?

a)

Lahat ng sumusunod ay tama.

b)

Hindi sila sumuko sa labanan.

c)

Hindi napalitan ang kanilang relihiyon.

d)

Naniniwala sila na ang pagtatanggol sa sarili ay isang karapatan

21.

Bakit hindi nakabuti sa Pilipinas ang kalakalang galyon?

a)

Naantala ang pag-unlad ng bansa.

b)

Piling tao lamang ang pinayagang lumahok.

c)

Lalong yumaman ang mga nakaririwasang Pilipino.

d)

Hindi naging mabenta ang mga produktong galing sa Pilipinas.

22.

Alin sa mga sumusunod ang pagbabagong pampulitika ang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas?

a)

Ang mga datu ay itinalaga bilang visitador heneral.

b)

Ang mga batas sa Pilipinas ay nagmumula sa datu.

c)

Ang mga barangay ay pinamunuan ng mayor

d)

Ang pinakamakapangyarihang opisyal ay ang gobernador heneral.

23.

Ang mga mananakop na Espanyol ay nagpatayo ng mga paaralang parokyal at misyonero. Ito ay upang _____________.

a)

makasingil ng buwis

b)

palaganapin ang wikang Espanyol

c)

sanayin ang mga katutubo sa pamamahala

d)

ituro ang tungkol sa relihiyong Kristiyanismo

24.

Tinayo ng mga Espanyol ang Poblacion upang maging sentro ng bayan ang _____________.

a)

munisipyo

b)

paaralan

c)

sementeryo

d)

simbahan

25.

Paano nagkaiba ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan bago dumating ang mga Espanyol at sa panahon ng kolonyalismo?

a)

Ang mga katutubong nakapag-aral ay naatasan na mamuno sa pamahalaan.

b)

Ang mga datu na pinuno ng barangay ay itinalaga bilang mga alkalde mayor ng mga lalawigan.

c)

Ang mga magsasaka , mangingisada at manggagawa na nabibilang sa timawa ay naging ilustrados

d)

Ang mga datu na nabibilang sa maharlika ay nabibilang sa principalia o sa ikatlong antas nang dumating ang mga Espanyol

26.

Alin ang tamang paglalarawan sa pag-aangkop na ginawa ng mga Pilipino sa kulturang ipinakilala ng mga Espanyol?

a)

Nag-aral sa ibang bansa ang mga mayayamang katutubo.

b)

Nanatili ang mga katutubo sa mga barangay sa kabundukan.

c)

Nagpagawa ang mga mayayamang katutubo ng mga bahay na bato.

d)

Naging paksa ng mga panitikan ang tungkol sa pagsamba sa mga bagay sa kalikasan.

27.

Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong naganap sa kulturang Pilipino noong panahon ng Espanyol, MALIBAN sa:

a)

paggamit ng apelyido

b)

pagkakaroon ng ugaling 'bahala na'

c)

pagsuot ng polo, sapatos, at sombrero

d)

paglalaro ng sabong, cara y cruz, at pangginggi

28.

Ano ang nangyari sa mga katutubo nang pairalin ang kalakalang galyon sa Pilipinas?

a)

Pinagbayad sila ng malaking buwis.

b)

Nakinabang sila sa kalakalang galyon.

c)

Nalugi sila sa paglahok sa kalakalang galyon.

d)

Ipinagbawal na makilahok sila sa kalakalang galyon.

29.

Sino ang lubos na nakinabang sa pagtatag ng pamahalaang sentralisado?

a)

Ang mga datu dahil itinalaga silang cabeza de barangay.

b)

Ang mga ilustrados dahil nakapag-aral sila sa ibang bansa.

c)

Ang mga principalia dahil binigyan sila ng karapatang bumoto.

d)

Ang mga peninsulares dahil sila lang ang may karapatan sa mga usaping nangangailangan ng desisyon.

30.

Ito ang polisiyang pang-ekonomiya sa panahon ng mga Kastila na puwersahang ibinebenta sa pamahalaan ang mga produkto. Ano ito?

a)

Bandala

b)

Encomienda

c)

Monopolyo

d)

Polo y Servicio

31.

Bakit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa pananakop sa mga pamayanang Muslim sa Mindanao?

a)

dahil sa pagtataksil ng ilang kawal na Espanyol

b)

dahil sa proteksyon mula sa mga paring regular

c)

dahil sa pagsasanib puwersa ng mga pinuno mula sa Luzon at Visayas

d)

dahil sa pakikipaglaban ng malalakas at mayayamang sultanato ng Sulu at Maguindanao

32.

Paano napigilan ng mga Espanyol ang pag-aalsa ng mga Igorot sa Cordillera?

a)

Pinatay nila ang mga lider na nag-aalsa.

b)

Pinakiusapan nilang isuko ang mga armas.

c)

Pinatawad ang mga sumama sa pag-aalsa.

d)

Binalik ang pribelehiyong hindi magbayad ng buwis.

33.

Alin ang tamang sabihin tungkol sa di-matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol sa mga Ifugao sa Hilagang Luzon?

a)

Nanalo ang mga Ifugao dahil sa tulong ng kanilang mga anito.

b)

Nakatulong sa pakikipaglaban ng mga Ifugao ang kanilang bulubunduking kapaligiran.

c)

Nagwagi ang mga Ifugao laban sa mga Espanyol dahil sa kakaibang klima sa kabundukan.

d)

Nagtagumpay ang mga Ifugao laban sa mga Espanyol dahil sa mahigpit na pagsunod sa Islam.

34.

Nabuo ang panibagong pagkakakilanlan sa mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo dahil sa pagkakaroon ng ugnayan ng mga ________.

a)

insulares at mestizo

b)

principalia at ilustrados

c)

peninsulares at sangley

d)

paring secular at regular

35.

Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng kolonyalismo?

a)

Tumutukoy ito sa panahon ng pagtuklas

b)

Ito ang pagbuhay ng interes ng mga Europeo sa sining at siyensya.

c)

Tumutukoy ito sa pananakop at pagkontrol ng isang bansa sa ibang lupain o teritoryo.

d)

Ito ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang estado ay nakabatay sa makuku

36.

Bakit maituturing na matagumpay si Miguel Lopez de Legazpi sa pananakop sa Pilipinas?

a)

Nakapagtatag siya ng mga pamayanang Espanyol sa Pilipinas.

b)

Naging maunlad ang bansa sa panahon ng kanyang pananakop.

c)

Nahikayat niya ang lahat ng Pilipino na tanggapin ang Kristiyanismo.

d)

Naging kaibigan niya ang mga pinuno sa iba't ibang pulo sa Pilipinas.

37.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Kolonyalismo?

a)

Ito ang pagtatanggol sa kolonya laban sa pananakop ng ibang bansa.

b)

Ito ang pag-ubos sa lahing katutubo na naninirahan sa bansang kinokolonya.

c)

Ito ang maayos na relasyong pang-kalakalan na may pantay na benipisyo ang kolonya.

d)

Ito ang pagsakop ng isang bansa sa isang lugar upang kamkamin ang likas na yaman nito.

38.

Paano isinakatuparan ng mga Espanyol ang Kristiyanisasyon sa Pilipinas?

a)

Lahat ng mga sumusunod ay tama.

b)

Pinangalanan ang mga baryo at bayan ng santo.

c)

Nagtayo sila ng mga pamayanan na paikot sa plasa ng simbahan.

d)

Tinuruan ang mga katutubo ngkatekismo at mga aralin tungkol sa relihiyong Katoliko.

39.

Paano naapektuhan ang mga katutubo sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa?

a)

Naipatayo ang maraming simbahan

b)

Napabayaan ng mga kalalakihan ang kanilang pamilya.

c)

Nagkaroon ng milyong pisong utang ang gobyerno sa mga katutubo.

d)

Nawalan ng pagkakataon ang mga kasama na mangasiwa ng kanilang sariling lupain.

40.

May kaugnayan ba ang sistemang reduccion sa paglaganap ng Kristiyanismo ng Pilipinas?

a)

Meron, dahil nalipat ang kapangyarihan ng pamamahala sa mga prayle.

b)

Meron, dahil napalitan ang sistemang kompederasyon ng mga barangay.

c)

Wala, dahil lumawak lamang ang sakop ng pamamahala.

d)

Wala, dahil pinadali lamang nito ang pagsubaybay sa mga katutubong ayaw panakop.

41.

Bakit maraming Espanyol ang nagkaroon ng mga lupain nang ipatupad ang sistemang Kasama?

a)

Itinaas ang upa sa lupa.

b)

Naging madalas ang alitan ng inquilino at kasama.

c)

Pilit na kinukuha sa mga katutubo ang mga lupain kapag hindi makabayad ng buwis.

d)

Humiling ang mga prayle na magkaroon sila ng lupain upang may pagkunan ng kanilang ikabubuhay.

42.

Paano nakinabang ang kahariang Espanya at simbahan sa doktrinang Patronato real?

a)

Lahat ng mga sumusunod ay tama.

b)

Pinayagan ang kaharian na manakop ng mga lupain sa ngalan ng Kristiyanismo.

c)

Nakatipid ang mga simbahan sa pagpapadala ng mga misyonero sa ibang lupain.

d)

Naitatag ang pamahalaang kolonyal bilang pangunahing institusyong pampulitika sa bansa.

43.

Maraming Pilipino ang nagalit sa mga paring Espanyol dahil sa

a)

pagtutol sa pagdiriwang ng mga pista

b)

pagkuha ng mga lalaking magiging polista

c)

pagpigil sa mga tao na magtipon sa simbahan

d)

paghingi ng bayad bago matanggap ang sakramento

44.

Paano ipinasok ng mga Espanyol ang paniniwalang Katoliko sa kultura ng Pilipino?

a)

lahat ng mga sumusunod ay tama

b)

sa paggamit ng mga pamilyar na tradisyon sa mga Pilipino

c)

sa pag-aaral ng wikang Pilipino ng mga misyonaryo at mga pari

d)

sa pagpapakita ng mga pagkakapareho ng paniniwalang Katoliko sa mga kinagisnang paniniwala ng mga Pilipino