wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

second Quarter 2025-2026

Total questions: 40

Worksheet time: 31mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

a)

Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.

b)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.

c)

Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.

d)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.

2.

Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?

a)

Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo

b)

Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo

c)

Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer

d)

Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer

3.

Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula sa itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng_________________________________.

a)

Walang kaugnayan ang demand sa presyo

b)

Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand

c)

Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

d)

Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

4.

Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon and quantity demanded kahit pa tumataas ang presyo, ano ang ipinahiwatig nito?

a)

May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito makbibili parin tayo ng alternatibo para ditto.

b)

Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan maaari ng ipagpaliban muna ang pagbili nito.

c)

May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit.

d)

May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.

5.

Si Juanito ay nakagawian na bumili ng bananacue tuwing recess. Nang minsang tumaas ng tatlong piso ang paborito niyang bananacue, hindi na muna siya bumuli sahalip ay naghanap na lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang ipinahiwatig ng quantity demanded ni Juanito para sa bananacue?

a)

Ang quantity demanded sa bananacue ay hindi-elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng Malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananaque.

b)

Ang quantity demanded sa bananaque ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng Malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananaque.

c)

Ang quantity demanded sa bananaque ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na quantity demanded sa bananaque ay kasing dami ng quantity demanded sa pamalit na bananaque ni Juanito.

d)

Ang quantity demanded sa bananaque ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makatagal si Juanito na hindi kumain ng bananaque sa loob ng isang linggo.

6.

Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung papaano matutugunan ang walng katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin sa prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?

a)

Demand

b)

Ekwilibriyo

c)

produksiyon

d)

supply

7.

Ano ang tawag sa batas ng ekonomiya na isinasaad na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ng presyo sa quantity demanded ng isang produkto?

a)

Batas ng Supply

b)

batas ng demand

c)

batas ng Supply at Demand

d)

batas ng Ekonomiy

8.

Isinasaad na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ng presyo sa quantity demanded ng isang produkto?

a)

Batas ng Supply

b)

Batas ng demand

c)

batas ng Supply at Demand

d)

batas ng Ekonomiya

9.

Anong pamamaraan sa konsepto ng demand na nagpapakita ng talaan sa dami na kayan at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo?

a)

Demand Curve

b)

Demand Schedule

c)

Demand at Supply

d)

Demand Function

10.

Ano ang tawag sa grapikong naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded?

a)

Demand Schedule

b)

Demand Curve

c)

Demand Function

d)

Demand at Supply

11.

Ano ang tawag sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Na may Formula Qd= F(p)

a)

Demand at Supply

b)

Demand Function

c)

Demand Schedule

d)

Demand Curve

12.

May iba pang salik na nakaapekto sa demand maliban sa presyo. Anong salik na nakakaapekto na tumutukoy na tumataas ang kanyang kakayahang bumili kapag tumaas ang kanyang sweldo?

a)

Dami ng Mamimili

b)

Kita

c)

Panahon

d)

Okasyon

13.

Anong sangay ng ekonomiks na nag-aaral sa maliit nay unit ng ekonomiya?

a)

Mikroekonomiks

b)

makroekonomiks

c)

ekonomiks

d)

ekonometriks

14.

Anong uri ng elastisidad ang inilalarawan kung mas maliit ang nagging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo?

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

perfectly elastic

d)

perfectly inelastic

15.

Upang matugunan ang pangangailangananng tao, binibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na lumikha ng produkto upang kumita. Anong konsepto tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo?

a)

Demand

b)

supply

c)

presyo

d)

negosyo

16.

Ang konsepto ng supply ay naipaliwanag sa tatlong pamamaraan. Alin sa sumusunod aang hindi kabilang sa tatlong pamamaraan na nagpapakita ng konsepto ng supply?

a)

Supply Schedule

b)

Supply Curve

c)

Supply Function

d)

Supply Assumption

17.

Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa batas ng demand?

a)

May direkta at positibong ugnayan ang presyo sa quantity demanded

b)

Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang demand

c)

Kapag tumataas ang presyo, tumataas ang demand

d)

Hindi nakaaapekto ang pagbabago sa presyo sa dami ng demand

18.

Naitatakda ang presyo at dami ng produkto o serbisyo sa isang pamilihan dulot ng ekwilibriyo. Ano ang posibleng mangyari kapag magkakaroon ng paglaki ng supply samantalang hindi nagbabago ang demand?

a)

Magkakaroon ng pagbaba ng dami ng demand

b)

walang pagbabagong magaganap sa supply

c)

Magkakaroon ng shortage o kakulangan ng produkto o serbisyo

d)

magkakaroon ng surplus o kaalabisan ng produkto o serbisyo

19.

Ano ang tawag sa sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbili ng produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.

a)

Ekwilibriyo

b)

Ekwilinriyong Presyo

c)

Ekwilibriyong dami

d)

disekwilibriyo

20.

Anong uri ng pamilihan na mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng serbisyo at serbisyo?

a)

Monopoly

b)

monopsonyo

c)

oligopolyo

d)

monopolistic competition

21.

Anong uri ng estruktura ng pamilihan na maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer?

a)

Monopoly

b)

monopsonyo

c)

oligopolyo

d)

monopolistic competition

22.

Ano ang tawag sa paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto ar serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito?

a)

kartel

b)

copyright

c)

trademark

d)

natural monopoly

23.

Ano ang tawag sa paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto ar serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito?

a)

Property Rights

b)

kartel

c)

copyright

d)

trademark

24.

Ano ang tawag s karapatang tumutukoy sa pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan o akdang pansining?

a)

Kartel

b)

copyright

c)

trademark

d)

natural monopoly

25.

Ano ang tawag sa patakarang ipinapasunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtaas ng presyo ng mga produkto s pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad?

a)

Price Floor

b)

Price Ceiling

c)

Price Support

d)

Price Freeze

26.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa batas ng supply?

a)

May inverse o di-tuwirang ugnayan ang presyo sa dami ng supply

b)

Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto

c)

Kapag bumababa ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto

d)

Kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng produkto

27.

Gamit ang supply function, kompyutin ang quantity supply kapag ang Qs=0 + 10P. kapag ang P=25 Qs=?

a)

50

b)

150

c)

250

d)

350

28.

Maliban sa presyo bilang salik na nakaapekto sa supply, anong salik ang nakaapekto sa supply kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon?

a)

Pagbabago sa teknolohiya

b)

ekspektasyon ng presyo

c)

pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon

d)

pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

29.

Ano ang ipinahiwatig ng perfectly inelastic demand na mayroong coefficient na zero?

a)

Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo ay hindi naman masyadong kailangan, maaaring ipagpaliban ang pagbili nito.

b)

May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin

c)

May mga produktong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito makbibili parin ng alternatibo nito.

d)

May mga produktong kahit mataas ang presyo ay kailangang bilhin sapagkat lubhang napakahalaga nito at wala itong pamalit.

30.

Anong konsepto ang nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura?

a)

Substitution effect

b)

income effect

c)

Bandwagon effect

d)

Price Effect

31.

Ano ang tawag sa uri ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan na kilala rin bilang price support?

a)

Price floor

b)

Price Ceiling

c)

Price Clearing

d)

Price Freeze

32.

Anong konsepto ang tumutukoy sa hinuha na walang pagbabago sa ibang salik maliban sa salik pinag-aralan o other things being equal?

a)

Batas ng demand

b)

batas ng supply

c)

ekwilibriyo

d)

ceteris paribus

33.

Ano ang tawag sa sitwasyon kung saan mas Malaki ang dami ng produkto na isinusuplay kaysa sa dami ng demand?

a)

Shortage

b)

Surplus

c)

Supply

d)

Scarcity

34.

Anong salita ang tumutukoy sa nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod?

a)

Price Index

b)

Preference

c)

Utility

d)

Price

35.

Isa sa mga salik na nakaapekto sa dami ng demand ay ang kita ng isang indibidwal. Kapag dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produkto ay maituturing na normal goods. Ano naman ang tawag sa produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita?

a)

Superior goods

b)

inferior goods

c)

demand goods

d)

substitute goods

36.

  Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?

a)

Pagtaas sa sahod ng mga manggagawa

b)

  pag-imbita ng mga banyaga ng mangangalakal sa bansa

c)

Paglingkuran at pangalagaan ang sambahayan

d)

paggawa ng mga industriya na magbibigay hanapbuhay sa mga tao

37.

Alin sa sumusunod na mga pamamaraan ang hindi kabilang sa pagpapakita ng konsepto ng demand?

a)

Demand reading

b)

demand Function

c)

Demand Curve

d)

Demand Schedule

38.

Alin sa mga sumusunod na uri ng elastisidad ang may coefficient na “0”

a)

Perfectly elastic      

b)

perfectly inelastic

c)

unitary

d)

elastic

39.

  Sa panahong tumaas ang kita, ano ang nararapat gawin sa paggasta?

a)

Bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan

b)

Bumili ng mga produktong napapanahon maging ito man ay hindi pangangailangan.

c)

Bumili ng mga alternatibo ng produkto sa mataas na presyo.

d)

Bumili ng mga produktong mahalaga at kinakailangan

40.

Mahalagang matugunan ang pagbabago ng mga salik na nakaapekto sa supply. Alin sa mga sumusunod ang tuwirang nagbibigay kahulugan sa salitang efficient sa konsepto ng supply?

a)

Nakabubuo ng maraming produkto sa kakaunting salik na gagamitin.

b)

Nakabubuo ng maraming produkto gamit ang maraming salik na gagamitin

c)

Nakabubuo ng kakaunting produkto sa maraming salik na gagamitin.

d)

Nakabubuo ng kakaunting produkto gamit ang kakaunting salik ng produksiyon.