NEW
Font size
Worksheets3BSED GGCAST MIDTER EXAM, MALIKHAING PAGSULAT
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Napansin ni Gng. Dela Cruz na maraming mag-aaral sa ikatlong baitang ang nahihirapang magsimula ng kanilang sulatin. Alin sa mga sumusunod na hakbang sa proseso ng pagsulat ang dapat niyang bigyang-pansin upang matulungan ang mga ito?
Pag-edit at pagwawasto
Pre-writing o paghahanda
Pagsusulat ng final draft
Pagbibigay ng rubrik
Gusto ng isang guro na unti-unting paunlarin ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat. Sa una, mahigpit ang kanyang patnubay ngunit unti-unti niya itong binabawasan. Alin sa mga sumusunod na simulain ang ginagamit niya?
Teknikal na pagtuturo
Collaborative learning
Scaffolding sa pagsusulat
Mastery-based instruction
Upang masiguro na ang kanyang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng lohikal na organisasyon ng ideya, anong yugto ng proseso ng pagsulat ang dapat bigyang-diin ni Bb. Santos?
Drafting
Editing
Revising
Publishing
Nais bigyang pansin ni G. Alvarado ang nilalaman kaysa sa gramatika. Alin sa mga sumusunod ang naaangkop na paraan ng pagmamarka sa mga sulatin?
Pagmamarkang holistik
Dalawang pokus na pagmamarka
Mapiling pagmamarka
Pagmamarkang teknikal
Habang sinusuri ni Ma’am Reyes ang sanaysay ng kanyang mag-aaral, napansin niyang walang tamang gamit ng mga bantas at maraming kamalian sa baybay. Anong yugto ng pagsulat ang dapat niyang ipatupad upang ito ay maituwid?
Pre-writing
Drafting
Revising
Editing
Sa isang klase, pinayagan ni G. Manalo ang kanyang mga estudyanteng pumili ng sarili nilang paksa at istilo ng pagsulat. Anong antas ng kontrol sa pagsulat ang kanyang isinagawa?
Kontrolado
Patnubay
Malayang pagsulat
Peer collaboration
Ang DepEd ay nagpanukala ng programang Reading Recovery para sa mga mag-aaral sa mababang baitang. Bilang guro, paano mo ito maisasama sa pagsasanay sa pagsulat?
Pagsasanay ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng tula gamit ang mga napag-aralan sa pagbasa
Pagpapaunlad ng kasanayan sa pagkopya ng mga salita mula sa aklat
Pagbibigay ng diksyonaryo sa bawat mag-aaral
Pagpapatest ng vocabulary araw-araw
Sa gitna ng pandemya, maraming guro ang lumipat sa paggamit ng mga digital platform sa pagtuturo ng pagsulat. Anong prinsipyo ang dapat isaalang-alang sa bagong pamamaraan ng pagtuturo?
Paggamit ng teknolohiya sa patuloy na pagsasanay
Mahigpit na patnubay ng guro
Pag-aasa sa pagsusulat lamang sa papel
Limitadong interaksyon ng guro
Nais ng guro na mahasa ang malikhaing pagsulat ng kanyang mga mag-aaral. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na estratehiya?
Pagsusulat ng iskor ng pagsusulit
Paggamit ng rubrik sa pormal na liham
Pagsulat ng tula gamit ang anyong diyamante
Pagmemorisa ng talasalitaan
Ang guro ay gumagamit ng tulang patnigan sa klase upang turuan ang mga mag-aaral ng lohika at malikhaing tugon. Anong uri ng tula ang kanyang ginagamit?
Tulang pasalaysay
Tulang pantanghalan
Tulang liriko
Tulang patnigan
Upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng tula, pinayuhan ni Gng. Ramos ang kanyang klase na gumamit ng tayutay. Ano ang layunin ng paggamit nito?
Upang mapahaba ang tula
Upang mapadali ang pagsusulat
Upang maging masining ang pagpapahayag
Upang makaiwas sa pagkakamali
Sa pagtuturo ng malikhaing pagsulat, ipinapagamit ni Sir Torres ang font styles at layout bilang bahagi ng kahulugan. Anong uri ng eksperimental na teksto ito?
Tulang paralel
Tulang diyamante
Typography
Tula na may sukat
Anong uri ng tula ang may partikular na anyo at estruktura?
Tulang malaya
Tulang tradisyonal
Tulang haiku
Tulang soneto
Kung ang guro ay nais na matukoy kung natamo ng mag-aaral ang mga layunin sa pagsulat, anong uri ng pagtataya ang kanyang gagamitin?
Formative test
Peer feedback
Ebalwasyon sa komposisyon
Oral recitation
Kung ang layunin ng guro ay maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin at karanasan, anong anyo ng tula ang dapat niyang ituro?
Tulang liriko
Tulang pasalaysay
Tulang patnigan
Tulang pantanghalan
Si Ginoo Alano ay gumagamit ng peer editing bilang bahagi ng proseso ng pagsulat. Ano ang pangunahing layunin nito?
Mapalitan ng guro ang sulatin ng mag-aaral
Matukoy ng mag-aaral ang kanilang sariling mali
Makakuha ng konkretong puna mula sa kapwa mag-aaral
Makapagsumite agad ng final draft
Ginamit ni Ma’am Valerio ang “Think-Aloud Protocol” habang nagtuturo ng pagsulat. Ano ang pangunahing layunin ng estratehiyang ito?
Mapabilis ang pagsulat ng mag-aaral
Maituro ang wastong gramatika
Maipahayag ng guro ang iniisip habang sumusulat bilang modelo
Mabigyan ng rubrik ang pagsusulat
Sa pagbuo ng rubrik para sa pagsulat, bakit mahalagang isama ang mga kategoryang nilalaman, organisasyon, estilo, at mekaniks?
Upang gawing mahirap ang pagsusulat
Upang magbigay ng pantay-pantay na batayan sa pagtataya
Upang maikli ang pagbibigay grado
Upang itago ang pamantayan sa mag-aaral
Sa panukalang “MATATAG” Curriculum ng DepEd, mas pinaiikli ang nilalaman upang bigyang-diin ang pagkakaugnay ng kaalaman at kasanayan. Alin sa sumusunod ang aplikasyon nito sa pagtuturo ng pagsulat?
Pagpapasulat ng sanaysay na may kaugnayan sa mga tekstong binasa sa Araling Panlipunan
Paghihiwalay ng pagsusulat sa lahat ng asignatura
Pagpapalista ng mahahabang salita araw-araw
Pagpapagawa ng sulating walang koneksiyon sa leksiyon
Nais gamitin ng guro ang multi-literacies approach sa pagtuturo ng pagsulat. Alin sa sumusunod ang halimbawa nito?
Paggamit ng tradisyunal na sanaysay lamang
Pagsasanay ng mag-aaral sa pagsulat gamit ang email, vlog script, at infographics
Pagpapagawa ng sulat-kamay araw-araw
Pagbasa ng aklat panitikan araw-araw
Ano ang tamang hakbang para sa isang guro kung makapansin siya ng AI-generated essay na isinumite ng mag-aaral?
Ibagsak agad ang mag-aaral
Iwasan ang pagbanggit sa isyu
Turuan ang mag-aaral ng etika sa paggamit ng AI sa pagsulat
Tawagin ang magulang at patawan ng suspensyon
Paano makatutulong ang pagkakaroon ng writing portfolio sa metakognitibong pag-unlad ng mag-aaral?
Nakikita ng mag-aaral ang sariling progreso sa pagsusulat
Mas madali para sa guro ang pag-grade
May koleksyon ng iba’t ibang papel
Nagagamit sa parent-teacher conference
Sa isang peer review session, hindi aktibo ang isang mag-aaral. Anong estratehiya ang maaaring gamitin ng guro upang mapaaktibo siya?
Bigyan ng solo task
I-assign bilang timekeeper
Ipares sa isang mas aktibong kaklase at bigyan ng guided questions
Tawagin sa harap para magbasa
Ano ang epekto ng writing across the curriculum (WAC) sa pagkatuto ng mag-aaral?
Nahahati ang atensyon sa iba’t ibang asignatura
Napapalalim ang pag-unawa sa nilalaman sa pamamagitan ng pagsulat
Napapabigat ang workload
Naiiwasan ang pagsusulat sa asignaturang di-Filipino
Ang pagbuo ng writing conference sa pagitan ng guro at mag-aaral ay naglalayong:
Pagtibayin ang pagkamahiyain ng bata
Tapusin agad ang draft
Magbigay ng agarang puna upang mapaunlad ang akda
Makakuha ng marka
Upang maisabuhay ang prinsipyo ng inclusive education, anong dapat isaalang-alang ng guro sa pagtuturo ng pagsulat?
Iisang pamantayan para sa lahat
Pagbibigay ng iba't ibang istratehiya batay sa kakayahan ng mag-aaral
Mahigpit na pagmamarka sa gramatika
Pagsusulat ng parehong paksa ng sabay-sabay
Anong uri ng sulatin ang humihiling ng pagkumbinsi sa mambabasa?
Deskriptibo
Ekspositori
Argumentatibo
Naratibo
Kapag isinama ng guro ang freewriting sa kanyang klase, ano ang kanyang pangunahing layunin?
Pataasin ang dami ng output ng mag-aaral
Mahikayat ang malayang pag-iisip bago bumuo ng ideya
Mabilisang makakuha ng grado
Maabot agad ang final draft
Sa isang panayam, inirekomenda ng isang guro ang paggamit ng “journal writing” bilang bahagi ng online class. Ano ang layunin nito?
Gawing busy ang mag-aaral
Magamit sa pagbibigay grado
Matulungan ang mag-aaral sa pagninilay at pagpapahayag ng damdamin
Mapalitan ang mga pagsusulit
Sa pagsasanay ng akademikong pagsulat, ano ang pangunahing dapat ituro?
Personal na damdamin
Pormalidad, obhetibidad, at estruktura
Malikhaing paglalarawan
Di-pormal na tono
Nais gamitin ni Ma’am Jimenez ang self-assessment checklist sa klase. Anong benepisyo ang pangunahing matatamo ng mag-aaral?
Makikita kung ilang pahina ang naisulat
Matutukoy ang sariling lakas at kahinaan sa sulatin
Mabibilang ang maling baybay
Mabibilisan ang pagbibigay grado
Sa gitna ng usapin sa AI sa edukasyon, paano dapat gabayan ng guro ang paggamit nito sa pagsulat?
Ipagbawal sa lahat ng pagkakataon
Gamitin ito bilang tool sa brainstorming at ideya
Gamitin ito sa kabuuan ng sanaysay
Hayaan ang mga mag-aaral na gumamit ng kahit anong paraan
Kung ang layunin ng guro ay magamit ng mag-aaral ang pagsulat sa paghahanap ng solusyon, anong uri ng pagsulat ang angkop?
Pagsasalaysay
Paglalarawan
Problema-solusyon
Paghahambing
Ano ang pangunahing dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng pagsasanay sa pagsulat?
Availability ng kopya
Konteksto, layunin, at antas ng kasanayan ng mag-aaral
Dami ng takdang-aralin
Estilo ng guro
Bakit mahalaga ang peer feedback sa proseso ng pagsulat?
Para makakuha ng sagot sa pagsusulit
Para sa kooperatibong pagkatuto at higit na kamalayang pampanitikan
Para tapusin agad ang draft
Para sa kumpetisyon sa klase
Anong anyo ng pagsusulat ang dapat isama sa Araling Panlipunan upang palawakin ang pag-unawa?
Paglalarawan ng karakter
Replektibong sanaysay tungkol sa isyung panlipunan
Malikhaing tula
Resumé
Sa pagtuturo ng pagsulat gamit ang metakognitibong diskarte, ano ang pangunahing tanong na dapat isama?
Ano ang spelling ng salita?
Paano ko naunawaan ang aking isinulat?
Anong leksyon ang hindi ko natutunan?
Sino ang guro ngayon?
38. Ano ang ibig sabihin ng recursive process sa pagsulat?
A. Isang dire-diretsong proseso
B. Proseso na maaaring balikan ang naunang hakbang
C. Isang beses lang sinusulat
D. Hindi maaaring baguhin ang draft
Sa pagtuturo ng pagsulat, ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng brainstorming?
Upang matukoy ang tamang gramatika
Upang makakuha ng feedback mula sa guro
Upang mapabilis ang pagsusulat
Upang makabuo ng maraming ideya
Sa anong sitwasyon mas mainam gamitin ang collaborative writing?
Kapag ang mga mag-aaral ay hindi marunong magsulat
Kapag ang guro ay may limitadong oras
Kapag may mga proyekto na nangangailangan ng iba't ibang pananaw
Kapag ang mga mag-aaral ay nag-iisa
