Font size
WorksheetsDEMAND
Total questions: 26
Worksheet time: 23mins
Si Mang Tonyo ay dating bumibili ng 3 kilong karne bawat linggo. Nang tumaas ang presyo nito, bumibili na lamang siya ng 1 kilo kada linggo. Ano ang konseptong ipinapakita sa sitwasyon?
Law of Supply
Law of Demand
Elasticity
Demand Schedule
Mas pinipili ng pamilya ni Aling Norma ang bumili ng instant noodles kaysa sa canned goods dahil mas mura ito. Anong epekto ng demand ang ipinapakita?
Income Effect
Law of Supply
Substitution Effect
Market Equilibrium
Bumaba ang presyo ng isda sa palengke. Dahil dito, mas maraming pamilya ang bumili ng isda para sa hapunan. Anong prinsipyo ng demand ang inilalarawan?
Supply Curve
Demand Curve
Law of Demand
Marginal Utility
Si Ana ay may ₱500 na budget sa pamamalengke. Sa pagtaas ng presyo ng gulay, mas kaunti ang kanyang nabili. Ano ang epekto ng pagtaas ng presyo sa kanyang kakayahang bumili?
Income Effect
Demand Curve
Elasticity
Price Ceiling
Sa panahon ng tag-ulan, bumababa ang demand sa sorbetes. Ano ang salik ng demand ang nakaaapekto sa ganitong sitwasyon?
Presyo ng produkto
Kita ng mamimili
Panahon o klima
Kalagayang panlipunan
Mas pinipiling bumili ng mamimili ng mga produkto na may kasamang libreng items. Ano ang salik ng demand ang ginagamit ng mga negosyante dito?
Okasyon
Panlasa ng mamimili
Pagbabago sa teknolohiya
Dami ng mamimili
Dahil sa lumalawak na pamilya ni Mang Lando, nadagdagan ang kanilang konsumo ng bigas bawat buwan. Anong salik ng demand ang nakaaapekto rito?
Kita
Populasyon
Presyo
Panahon
Bumaba ang demand sa sapatos mula sa isang kilalang brand matapos ang isang negatibong balita tungkol sa kalidad nito. Ano ang dahilan ng pagbaba ng demand?
Presyo
Ekspektasyon
Panlasa ng mamimili
Kita
Tumaas ang kita ng pamilya ni Aling Joy. Dahil dito, mas madalas na silang kumain sa restaurant. Anong salik ng demand ang nagpapakita ng pagbabagong ito?
Kita
Presyo
Panahon
Panlasa
Maraming estudyante ang bumili ng school supplies bago magsimula ang pasukan. Anong salik ang nakaaapekto sa demand sa sitwasyong ito?
Panahon
Kita
Okasyon
Populasyon
Bumaba ang demand sa electric fan sa isang lugar matapos lumamig ang panahon.
Kita
Panahon o klima
Populasyon
Panlasa ng mamimili
Dumami ang taong bumibili ng vitamin C dahil sa balitang pagkalat ng isang bagong virus.
Ekspektasyon
Presyo ng kaugnay na produkto
Panlasa
Kita
Tumaas ang sahod ng mga manggagawa kaya mas marami ang bumibili ng branded na sapatos.
Kita
Populasyon
Okasyon
Presyo ng kaugnay na produkto
Dahil inaasahang tataas ang presyo ng gatas sa susunod na linggo, maraming mamimili ang bumili na agad ngayon.
Presyo ng produkto
Ekspektasyon
Panlasa
Kita
Sa isang lugar na maraming kabataan, mataas ang demand sa gadgets at fast food.
Kita
Populasyon
Panahon
Panlasa
Sa paglabas ng bagong bersyon ng cellphone, bumaba ang demand sa lumang modelo.
Kita
Ekspektasyon
Presyo ng kaugnay na produkto
Panlasa
Bumili ang mga mamimili ng mas maraming kape nang tumaas ang presyo ng tsaa.
Presyo ng kaugnay na produkto
Ekspektasyon
Kita
Panahon
Dahil tag-init, tumaas ang demand sa halo-halo at malamig na inumin.
Panahon o klima
Kita
Panlasa
Ekspektasyon
Mas pinipiling bumili ng mamimili ng eco-friendly products sa halip na single-use plastics.
Panlasa
Kita
Ekspektasyon
Populasyon
Sa pagtaas ng bilang ng mga turista sa isang lungsod, dumami rin ang demand sa mga souvenir items.
Kita
Ekspektasyon
Populasyon
Panahon
Tumaas ang presyo ng LPG. Upang hindi lumobo ang gastos, nagdesisyon ang pamilya ni Aling Josie na lumipat sa paggamit ng uling.
Ano ang salik na nagbago na nakaapekto sa desisyon nila?
Ano ang matalinong desisyon na ginawa ng pamilya ni Aling Josie?
Dumami ang promosyon ng softdrinks sa tindahan. Bumili si Mang Tonyo ng isang kahon para sa nalalapit na handaan.
Ang salik na nakakaapekto sa demand ay:__________
Ang dahilan ng kanyang pagbili ay:__________
Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa susunod na linggo. Bumili agad ng isang sakong bigas si Aling Nena.
Ang salik na nakaaapekto ay:__________
Ang naging desisyon niya ay: __________
Dahil trending ang isang mobile game, dumami ang bumili ng cellphone na may mataas na specs.
Ang salik na nakaapekto ay:__________
Ang dahilan ng pagtaas ng demand ay: __________
Dahil may bagong variant ng virus, maraming bumili ng face mask at alcohol.
Ang salik na nagbago ay:__________
Ang dahilan ng pagtaas ng demand ay:__________
Sa panahon ngayon, mabilis magbago ang presyo ng mga bilihin tulad ng pagkain, kuryente, pamasahe, at iba pa. Bilang isang mamimili, paano mo ipaliliwanag ang epekto ng mga pagbabagong ito sa iyong desisyon kung bibilhin mo pa ba ang produkto o hahanap ng ibang alternatibo? Ipaliwanag kung paano ito may kinalaman sa elastisidad ng demand. Magbigay ng halimbawa ng isang produkto o serbisyo na may elastic demand, at isa na may inelastic demand. Ipaliwanag kung bakit ganoon ang reaksyon mo at ng ibang tao sa presyo ng mga iyon.
