wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagbasa at Pagsusuri - Athena

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Anong kasanayan ang kinapapalooban ng pagkilala, pagkuha at pag-unawa ng anumang anyo ng impormasyon o ideya na sinasagisag ng mga salita at simbolo?

a)

Pagbasa

b)

Pakikinig

c)

Pagsasalita

d)

Pagsusulat

2.

Ayon sa "Ama ng Pagbasa" na si William S. Gray, may apat na proseso ang pagbabasa. Alin ang tamang pagkasunod-sunod nito?

a)

Asimilasyon, Komprehensyon, Persepsyon, Reaksyon

b)

Komprehensyon, Persepsyon, Reaksyon, Asimilasyon

c)

Persepsyon, Komprehensyon, Reaksyon, Asimilasyon

d)

Reaksyon, Asimilasyon, Komprehensyon, Persepsyon

3.

Upang ganap na maging interaktibo ang pagbabasa, anong ugnayan o interaksyon ang kinakailangan?

a)

Mambabasa at Teksto

b)

Mambabasa at Tagapakinig

c)

Manunulat at Teksto

d)

Manunulat at Mambabasa

4.

Habang nagbabasa si Lea ng kuwentong pag-ibig sa wattpad, nahuhulaan na niya ang susunod na mangyayari. Anong istilo ito ng pagbabasa?

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Interpreting

d)

Predikting

5.

Sa inyong panimulang pananaliksik sa Filipino, si Bb. Domingo ay nagbigay ng paksa ukol sa Epekto ng social media sa Kabataan. Anong istilo ng pagbabasa ang iyong gagamitin upang makapaggalugad ka ng mga materyal na mga susing salita o key word lamang o pamagat at sub-titles agad ang iyong mahahanap sa internet?

a)

Iskaning

b)

Iskiming

c)

Interpreting

d)

Predikting

6.

Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.

Ang sakit na ito ay lubhang nakahahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa ng hanggang sa 18 na iba pa, bata o matanda. Ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon mula sa Pertussis na nakakamatay lalo na sa mga sanggol.

                 https://caro.doh.gov.ph/pertussis-o-whooping-cough/

Anong uri ng teksto ang binasang sipi mula sa balita?

a)

Deskriptibo

b)

Impormatibo

c)

Persweysib

d)

Prosidyural

7.

Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.

Ang sakit na ito ay lubhang nakahahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa ng hanggang sa 18 na iba pa, bata o matanda. Ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon mula sa Pertussis na nakakamatay lalo na sa mga sanggol.

                 https://caro.doh.gov.ph/pertussis-o-whooping-cough/

Batay sa binasang teksto, ano ang pangunahing kaisipan ang nakapaloob sa talata?

a)

Ang mga sintomas ng sakit na Pertussis

b)

Ang bakuna kontra sa sakita na Pertusis

c)

Ang benepisyo ng bakuna laban sa Perstussis

d)

Ang mga kumplikasyon ng sakit na Perstussis sa bata at matanda

8.

Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.

Ang sakit na ito ay lubhang nakahahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa ng hanggang sa 18 na iba pa, bata o matanda. Ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon mula sa Pertussis na nakakamatay lalo na sa mga sanggol.

                 https://caro.doh.gov.ph/pertussis-o-whooping-cough/

Bakit mahalagang mabakunahan ang mga sanggol ng Kontra Pertussis?

a)

upang hindi mahawaan ang mga matatanda

b)

upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit na Pertussis

c)

upang mabigyan ng babala ang mga Pilipino sa kumakalat na sakit na Pertussis.

d)

upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon at kamatayan sa mga sanggol

9.

Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.

Ang sakit na ito ay lubhang nakahahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa ng hanggang sa 18 na iba pa, bata o matanda. Ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon mula sa Pertussis na nakakamatay lalo na sa mga sanggol.

                 https://caro.doh.gov.ph/pertussis-o-whooping-cough/

Alin sa mga sumusunod na sintomas ang HINDI kabilang sa binasang teskto?

a)

pangangati

b)

pagsusuka

c)

pagkahirap sa paghinga

d)

apnea o pagtigil sa paghinga

10.

Hindi ko siya maintindihan minsan pero alam ko kung ano ang kanyang iniisip. Hindi niya masyadong ipinapakita ang totoong emosyon pero kapag nakilala mo na, makikita na ang makulay nitong ginuntuang pagkatao. Nararamdaman ko kung kailan siya malungkot o masaya. Alam ko kung anong gusto niyang sabihin ngunit hirap siyang bigkasin. Masipag siya ngunit isang dakilang tamad rin. Siya ay maraming nagawang mal isa buhay pero tanggap ko siya.

Anong uri ng teksto ang binasang akda?

a)

Argumentatibo

b)

Deskriptibo

c)

Naratibo

d)

Persweysib

11.

Alin sa pangungusap ang naglalarawan ng magkasalungat na katangian ng isang tao?

a)

Masipag siya ngunit isang dakilang tamad rin.

b)

Siya ay maraming nagawang mali sa buhay pero tanggap ko siya.

c)

Alam ko kung ano gusto niyang sabihin ngunit hirap siyang bigkasin.

d)

Hindi ko siya maintindihan minsan pero alam ko kung ano ang kanyang iniisip.

12.

Hindi ko siya maintindihan minsan pero alam ko kung ano ang kanyang iniisip. Hindi niya masyadong ipinapakita ang totoong emosyon pero kapag nakilala mo na, makikita na ang makulay nitong ginuntuang pagkatao. Nararamdaman ko kung kailan siya malungkot o masaya. Alam ko kung anong gusto niyang sabihin ngunit hirap siyang bigkasin. Masipag siya ngunit isang dakilang tamad rin. Siya ay maraming nagawang mal isa buhay pero tanggap ko siya.

Batay sa mga paglalarawan na nakasaad sa talata, kanino pinatutungkulan ng may-akda ang kaniyang paglalahad?

a)

Sa kaniyang sarili

b)

Sa kaniyang kapatid

c)

Sa kaniyang kaibigan

d)

Sa kaniyang kakambal

13.

Hindi ko siya maintindihan minsan pero alam ko kung ano ang kanyang iniisip. Hindi niya masyadong ipinapakita ang totoong emosyon pero kapag nakilala mo na, makikita na ang makulay nitong ginuntuang pagkatao. Nararamdaman ko kung kailan siya malungkot o masaya. Alam ko kung anong gusto niyang sabihin ngunit hirap siyang bigkasin. Masipag siya ngunit isang dakilang tamad rin. Siya ay maraming nagawang mal isa buhay pero tanggap ko siya.

Anong mahalagang mensahe ang nangibabaw sa huling bahagi ng talata?

a)

Kalabanin ang sarili

b)

Pagtanggap sa sarili

c)

Kaawaan ang sarili

d)

Pagpapalaya sa sarili

14.

“Joy Cologne”

Ito ang aking produkto, na sa inyo ay magbibigay-aliwalas at bangong walang kapantay. Gamit ito sa araw-araw at ang wisik nito'y tunay na nakaaakit ang amoy. Sa mga tao na sa iyong paligid ay tiyak mapasusunod at mahahalina nang husto. Sa mga kabataan, lalo na sa mga kababaihan, ito'y angkop na pabangong dapat gamitin sa araw- araw. Isandaang porsyentong ang bango ay tumatagal. Kasiyahan ay mapapasaiyo, kumpiyansa sa pakikipaghalubilo at walang kapantay na bango. Sa amoy palang ay walang pagsisisi, maging sa presyo ay sulit man din, sa murang halaga lamang na apatnapung peso (P40.00). Kaya sa'n ka pa? Sulit na mabango pa. Bili na! Masisiguro ko sa inyo, na ang"Joy Cologne" tunay na mabango, tinatangkilik pati ng mga artistang Pilipino, at higit salahat sulit ang presyo.

Anong uri ng teksto ang binasang akda?

a)

Deskriptibo

b)

Naratibo

c)

Persweysib

d)

Prosidyural

15.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI benepisyo ng pagtangkilik ng produktong "Joy Cologne"?

a)

sulit ang presyo

b)

mataas ang kalidad

c)

nakaaakit ang amoy

d)

bango ay tumatagal

16.

“Joy Cologne”

Ito ang aking produkto, na sa inyo ay magbibigay-aliwalas at bangong walang kapantay. Gamit ito sa araw-araw at ang wisik nito'y tunay na nakaaakit ang amoy. Sa mga tao na sa iyong paligid ay tiyak mapasusunod at mahahalina nang husto. Sa mga kabataan, lalo na sa mga kababaihan, ito'y angkop na pabangong dapat gamitin sa araw- araw. Isandaang porsyentong ang bango ay tumatagal. Kasiyahan ay mapapasaiyo, kumpiyansa sa pakikipaghalubilo at walang kapantay na bango. Sa amoy palang ay walang pagsisisi, maging sa presyo ay sulit man din, sa murang halaga lamang na apatnapung peso (P40.00). Kaya sa'n ka pa? Sulit na mabango pa. Bili na! Masisiguro ko sa inyo, na ang"Joy Cologne" tunay na mabango, tinatangkilik pati ng mga artistang Pilipino, at higit salahat sulit ang presyo.

Kung ikaw ay mamimili, tatangkilikin mo ba agad ang produkto?

a)

Oo, sapagkat maraming magandang dulot ang "Joy Cologne".

b)

Hindi, sapagkat hindi ko pa naman ito nasusubukang gamitin.

c)

Maaari, susubukan ko muna saka ako bibili kapag nagustuhan ko.

d)

Mag-aalangan ako, kasi masyadong mabulaklak ang pagsasalita ng Nagtitinda.

17.

“Joy Cologne”

Ito ang aking produkto, na sa inyo ay magbibigay-aliwalas at bangong walang kapantay. Gamit ito sa araw-araw at ang wisik nito'y tunay na nakaaakit ang amoy. Sa mga tao na sa iyong paligid ay tiyak mapasusunod at mahahalina nang husto. Sa mga kabataan, lalo na sa mga kababaihan, ito'y angkop na pabangong dapat gamitin sa araw- araw. Isandaang porsyentong ang bango ay tumatagal. Kasiyahan ay mapapasaiyo, kumpiyansa sa pakikipaghalubilo at walang kapantay na bango. Sa amoy palang ay walang pagsisisi, maging sa presyo ay sulit man din, sa murang halaga lamang na apatnapung peso (P40.00). Kaya sa'n ka pa? Sulit na mabango pa. Bili na! Masisiguro ko sa inyo, na ang"Joy Cologne" tunay na mabango, tinatangkilik pati ng mga artistang Pilipino, at higit salahat sulit ang presyo.

Sa iyong palagay, mabisa ba ang mga nabanggit na katangian ng produkto upang mahikayat ang mga mamimili?

a)

Mabisa ito sapagkat may istratehiya at datos na ginamit sa pag-alok.

b)

Hindi ito mabisa, kulang ang kaniyang mga paglalarawan sa produkto.

c)

Hindi ito mabisa, sapagkat mabulaklak ang ginamit nitong paglalarawan.

d)

Mabisa ito sapagkat nakawiwili ang kaniyang mga pahayag at tunay na nakaaakit sa mamimili.

18.

Anong uri ito ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang pangkasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik?

a)

Argumentatibo

b)

Naratibo

c)

Persweysib

d)

Prosidyural

19.

Kung ikaw ay magbibigay ng pagsang-ayon na pahayag. alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng pahayag na pagsang-ayon?

a)

"ayaw ko ang pahayag na sinabi mo"

b)

"maling-mali ang kaniyang inihaing pagbabago"

c)

"lubos akong nananalig sa sinabi mong pagpapaliwanag na iyan."

d)

"ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabi ng hindi maganda sa Kapwa."

20.

Kung ang Tekstong Persuweysib ay may layuning manghikayat ng mambabasa, ang Tekstong Argumentatibo ay may layunin din na mangumbinsi ngunit batay sa anong aspeto?

a)

katotohanan

b)

narinig

c)

naunawaan

d)

sariling opinyon

21.

Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunod-sunod ng pagsulat ng tekstong persuweysib?

a)

I, II, III, IV

b)

II I, III, IV

c)

III, II, IV, I

d)

IV, II, I, III

22.

Malakas ang pagbuhos ng ulan. Malamig at madilim ang lugar na aking kinalalagyan. Hinigpitan ko ang kapit sa rehas na bakal upang maibsan ang lamig na nararamdaman ko. Di ko man masyadong maaninag ay ramdam na ramdam ko ang mga sugat na nakalatay sa buo kong katawan. Ngunit ang sakit na dulot ng mga sugat ay walang-wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa aking kalooban. Ipinikit ko ang aking mga mata upang balikan ang nakaraan at alalahanin ang dahilan ng akin ngayo’y kinalalagyan.

Anong uri ng teksto ang binasa?

a)

Deskriptibo

b)

Naratibo

c)

Persweysib

d)

Prosidyural

23.

Malakas ang pagbuhos ng ulan. Malamig at madilim ang lugar na aking kinalalagyan. Hinigpitan ko ang kapit sa rehas na bakal upang maibsan ang lamig na nararamdaman ko. Di ko man masyadong maaninag ay ramdam na ramdam ko ang mga sugat na nakalatay sa buo kong katawan. Ngunit ang sakit na dulot ng mga sugat ay walang-wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa aking kalooban. Ipinikit ko ang aking mga mata upang balikan ang nakaraan at alalahanin ang dahilan ng akin ngayo’y kinalalagyan.

Batay sa paglalarawan at pagsasalaysay sa teksto, saang lugar kaya naroroon ang pangunahing tauhan?

a)

sa kaniyang silid

b)

sa loob ng kulungan

c)

sa sementeryo

d)

sa gitna ng kagubatan

24.

Malakas ang pagbuhos ng ulan. Malamig at madilim ang lugar na aking kinalalagyan. Hinigpitan ko ang kapit sa rehas na bakal upang maibsan ang lamig na nararamdaman ko. Di ko man masyadong maaninag ay ramdam na ramdam ko ang mga sugat na nakalatay sa buo kong katawan. Ngunit ang sakit na dulot ng mga sugat ay walang-wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa aking kalooban. Ipinikit ko ang aking mga mata upang balikan ang nakaraan at alalahanin ang dahilan ng akin ngayo’y kinalalagyan.

Kung ikaw ay nasa ganoong sitwasyon o kinalalagyan, ano ang iyon dapat maramdaman?

a)

Iiyak na lamang ako sa sitwasyon na aking kinalalagyan.

b)

Matatakot ako dahil madilim, masikip at malamig ang lugar.

c)

Mananaig ang kagustuhan kong makatakas agad sa lugar na iyon.

d)

Hindi ako mawawalan ng pag-asa, sapagkat habang may buhay ay may pag-asa.

25.

"Malakas ang pagbuhos ng ulan. Malamig at madilim ang lugar na aking kinalalagyan. Hinigpitan ko ang kapit sa rehas na bakal upang maibsan ang lamig na nararamdaman ko". Anong elemento ng maikling kuwento ang nakaitalisadong pangungusap?

a)

Banghay

b)

Paksa

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

26.

Sa pagsulat ng Tekstong Naratibo, ano ang dapat isaalang-alang ng nagsasalaysay upang mabisa ang kaniyang akdang gagawin?

a)

A.   Mahalagang malinaw na alam kung saan sasang-ayon sa paksang

          tinatalakay.

b)

B.   Mahalagang malinaw sa paglalarawan ng tauhan ng kuwento o  

akdang gagawin.

c)

C.   Mahalagang malinaw na naisasalaysay ang layunin ng kuwento o akdang gagawin.

d)

D.   Mahalagang malinaw na makapanghikayat ng mga manonood o tagapakinig sa iyong sasabihin.

27.

Ano ang tawag sa sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na pagsusuri sa mga haypotetikal na proposisyon ukol sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay sa isang phenomena?

a)

Pananaliksik

b)

Sulating-pang-agham

c)

Akademikong Pagsulat

d)

Teknikal na Pagsulat

28.

Gustong malaman ng iyong guro kung may pakinabang ba ng iyong pananaliksik sa buong institusyon. Saan bahagi ng pananaliksik siya titingin?

a)

Kalahok sa pag-aaral

b)

Kahalagahan ng pag-aaral

c)

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

d)

Mga Terminong ginamit sa pag-aaral

29.

Sa pananaliksik na may tiyak na paksang: "Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaaral sa Kursong Humanities and Social Sciences sa Mariposa National High School," sa anong larangan ito nabibilang?

a)

Edukasyon

b)

Komersyo

c)

Pilosopiya

d)

Siyensya

30.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pananagutan ng isang matapat na mananaliksik?

a)

Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala.

b)

Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos o impormasyon.

c)

Ikinikiling niya sa kanyang pag-aaral ang partikular na pananaw sa isang paksa.

d)

Maingat na tinatala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos o impormasyon

31.

Paano makatutulong ang pananaliksik sa patuloy na pag-unawa sa mga pagbabagong nagaganap sa

      mundo?

a)

a) Sa pamamagitan ng pag-aakalang ang lahat ng bagay ay hindi nagbabago

b)

b) Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-aaral na naglalayong suriin at ipaliwanag ang mga         

                pagbabagong ito

c)

c) Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga teoryang walang batayan

d)

d) Sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga makabagong kaalaman

32.

Kung nais mong makahanap ng solusyon sa isang suliraning kinakaharap ng iyong komunidad, anong

     hakbang ang dapat mong gawin bilang isang mananaliksik?

a)

a) Mag-imbento ng impormasyon upang makumbinsi ang ibang tao

b)

b) Gumamit ng sistematikong pamamaraan upang pag-aralan at tukuyin ang pinakaangkop na

                solusyon

c)

c) Umasa lamang sa mga paniniwala at tradisyon nang walang ebidensya

d)

d) Gumamit ng opinyon ng mga taong hindi eksperto sa paksa

33.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasulat ng Saklaw at Hanggan ng Pag-aaral sa isang pananaliksik?

a)

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng kaalaman patungkol sa Sex Education ng mga mag-aaral ng Malhacan National High School sa Senior High School para sa Taong Panuruan 2023-2024.

b)

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa Sex Education sa Senior High School ng Malhacan National High School para sa Taong Panuruan 2023-2024.

c)

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng kaalaman patungkol sa Sex Education ng mga mag-aaral sa Senior High School ng Malhacan National High School para sa Taong Panuruan 2023-2024.

d)

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagtuklas ng kaalaman patungkol sa Sex Education ng mga mag-aaral ng Malhacan National High School para sa Taong Panuruan 2023-2024 sa Senior High School.

34.

Ayon sa pag-aaral ni Adesope et al. (2010), ang WordSift ay isa pang

      libreng word cloud tool na magagamit sa Internet. Tulad ng Wordle, isang

      salita sa loob ng ulap ay nilikha batay sa teksto na pinutol at ipinasok

      bilang application? Anong layunin ng pananaliksik ang mahahalaw mula

      rito?Anong layunin ng pananaliksik ang mahahalaw mula rito?

a)

Ma-satisfy ang kuryosidad ng pananaliksik.

b)

Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.

c)

Makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas.

d)

Mapalawak pa, mapatunayan at magamit ang mga umiiral na kaalaman.

35.

Alin ang wastong pagkasunod-sunod na bahagi ng isang pananaliksik?

a)

Ang Suliranin at Sanligan nito, Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral, Metodolohiya at Pamamaraan, Resulta at Diskusyon, Lagom, kongklusyon at Rekomendasyon

b)

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral, Metodolohiya at Pamaaraan, Resulta at Diskusyon, Lagom, kongklusyon at Rekomendasyon, Ang Suliranin at Sanligan nito

c)

Ang Suliranin at Sanligan nito, Resulta at Diskusyon, Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral, Metodolohiya at Pamamaraan, Lagom, kongklusyon at Rekomendasyon

d)

Ang Suliranin at Sanligan nito, Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral, Metodolohiya at Pamamaraan, Lagom, kongklusyon at Rekomendasyon, Resulta at Diskusyon

36.

“Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa”

Tukuyin ang mga sumusunod na bahagi ng pananaliksik. Piliin ang letra nang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

a)

A. Abstrak

b)

B. Fly Leaf

c)

C. Pahina ng Pamagat

d)

D. Dahon ng Pasasalamat

37.

Ayusin ang mga hakbang sa panimulang pananaliksik. Alin sa mga

      sumusunod ang tamang pagkasunod-sunod?

I.            pag-interpret                                III. pagpili ng paksa 

II.          pagpili ng mga kasangkot             IV. pangangalap ng datos

a)

A. I, II, III, IV

b)

B. II I, III, IV          

c)

C. III, II, IV, I           

d)

D. IV, II, I, III

38.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang makatotohanan sa paggamit ng talatanungan sa pananaliksik?

a)

Ito ay batayan ng argumento.

b)

Ito ay mahalagang bahagi sa pagsulat ng rasyonal.

c)

Dito nakasaad ang mga impormasyon na pagbabatayan ng resulta ng pananaliksik.

d)

Makikita rito ang mga tanong tungkol sa personal na impormasyon ng mga kasangkot.

39.

Bakit mahalaga ang paghingi ng permiso sa mga kasangkot sa iyong Pananaliksik?

a)

para maipakita ang paggalang

b)

upang hindi lumabag sa privacy rights

c)

dahil ito na ang naging kalakaran sa pananaliksik

d)

sapagkat ito ang dapat unahing gawin ng mananaliksik

40.

Sa pagsulat ng liham sa mga kasangkot sa pananaliksik, ano ang hindi dapat pagtuunan ng pansin?

a)

layunin ng pag-aaral

b)

suliranin ng pag-aaral

c)

resulta ng pag-aaral

d)

paksa ng pananaliksik

41.

Alin sa mga sumusunod na propayl ng kasangkot ang hindi kabilang upang maiwasan na maging malawak ang paksa ng pananaliksik?

a)

Lugar ng kasangkot

b)

Kasarian ng mga kasangkot

c)

Edad o gulang ng mga kasangkot

d)

Paboritong kulay ng mga Kasangkot

42.

Ano tawag sa hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang pagtatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng salita?

a)

Paglalahad ng Layunin

b)

Pinal na Balangkas

c)

Pagwawasto at Pagrebisa

d)

Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

43.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng pananaliksik para sa preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhan?

a)

Makatuklas ng mga mabisang sangkap na magagamit ng mga namumuhunan.

b)

Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.

c)

Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.

d)

Makalikha ng batayan ng pagpapasiya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamamahala at iba pang larangan.

44.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang pahayag tungkol sa pagsusuri ng datos?

a)

Ang metodolohiya ng pananaliksik ang pinagmulan ng talakayan.

b)

Ang opinyon at pananaw ng mananaliksik ang pinagmulan ng talakayan.

c)

Ang impormasyong galing sa ibang pag-aaral at literatura ang pinagmulan ng talakayan.

d)

Ang mga talahanayan, graph o anomang uri ng presentasyon ng datos ang pinagmulan ng talakayan.

45.

Bakit itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang presentasyon, pagsusuri, at interpretasyon ng datos?

a)

Dahil ito ang bahaging pinakamahaba.

b)

Dahil sa bahaging ito ipinakikita ang dayagram at talahanayan.

c)

Dahil dito makikita kung gaano kahusay ginampanan ng mananaliksik ang mga tungkulin niya.

d)

Dahil dito nakasaad ang mga bagong impormasyon, nadiskubre at resulta na ambag ng mananaliksik sa pagbuo ng kaalaman.

46.

. Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit patuloy ang mga siyentipiko at iskolar sa paggawa ng

      pananaliksik?

a)

a) Upang makagawa ng bagong imbensyon o kaalaman na makatutulong sa pag-unlad ng lipunan

b)

b) Upang makipagkumpetensya sa ibang mga mananaliksik

c)

c) Upang makilala bilang isang eksperto nang hindi sinusuri ang mga datos

d)

d) Upang manatili lamang sa tradisyunal na kaalaman nang walang pagsasaalang-alang sa pagbabago

47.

. Habang nagsusulat ng kanyang pananaliksik, napansin ni Mark na ang ilan sa kanyang mga datos ay mula lamang

sa social media at walang sapat na batayan. Ano ang dapat niyang gawin upang masigurong ang kanyang            pananaliksik ay may tamang katangian?

a)

a) Panatilihin ang impormasyon at lagyan na lang ng personal na opinyon

b)

b) Hanapin ang orihinal na pinagmulan ng datos upang masigurong batay ito sa ebidensya

c)

c) Palitan ang impormasyon ng mas madaling unawaing paliwanag

d)

d) Gumamit ng iba pang social media sources na mas kilala

48.

Habang nagsusuri ng mga resulta ng survey, napansin ni Jose na may ilang datos na hindi tugma sa kanyang  

      inaasahang sagot. Sa halip na baguhin ang datos, masusing inanalisa niya ito upang maintindihan kung bakit

      ganito ang resulta. Anong katangian ng pananaliksik ang kanyang ipinakita?

a)

a) Mapanuri

b)

b) Walang pagkiling

c)

c) Napapanahon

d)

d) Malinaw at lohikal

49.

. Si Paul ay gumamit ng parehong datos mula sa isang lumang pananaliksik ngunit nagdagdag siya ng bagong

       interpretasyon at pagsusuri. Paano nito ipinakita ang pagiging orihinal ng pananaliksik?

a)

a) Binago niya ang datos upang umayon sa kanyang pananaw

b)

b) Gumamit siya ng bagong paraan ng pagsusuri sa parehong datos

c)

c) Inulit lamang niya ang lumang pananaliksik nang walang binago

d)

d) Pinagsama-sama niya ang iba’t ibang opinyon nang walang masusing pagsusuri

50.

Bakit mahalagang magsagawa ng pananaliksik bago gumawa ng isang bagong batas na may malaking epekto sa

     lipunan?

a)

a) Upang magkaroon ng basehan sa paggawa ng tamang desisyon

b)

b) Upang mauna sa ibang bansa sa paggawa ng batas

c)

c) Upang makakuha ng atensyon mula sa media

d)

d) Upang mabawasan ang gastusin ng gobyerno sa pagpaplano