wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO3:ACTIVITY

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ipinaghanda ka ng masarap na baon ng nanay mo.

Anong sasabihin mo?

a)

Magandang umaga po.

b)

Paumanhin po.

c)

Salamat po.

d)

Magandang tanghali po.

2.

Madadaanan mo ang dalawang matandang nag-uusap.

Anong sasabihin mo?

a)

Makikiraan po.

b)

Salamat po.

c)

Magandang hapon po.

d)

Magandang tanghali po.

3.

Nagpasalamat ang tatay mo sa pag-abot mo ng kanyang sapatos.

Anong sasabihin mo?

a)

Makikiraan po.

b)

Salamat po.

c)

Magandang hapon po.

d)

Walang anuman po.

4.

Uuwi na ang inyong mga bisita.

Anong sasabihin mo?

a)

Paalam po.

b)

Kumusta po?

c)

Magandang hapon po.

d)

Walang anoman po.

5.

Hindi mo sinasadyang maapakan ang paa ng iyong kaklase.

Anong sasabihin mo?

a)

Paalam

b)

Kumusta

c)

Pasensya na, hindi ko sinasadya.

d)

Walang anoman

6.

Pinuntahan mo sa kanilang bahay si Ken, Ngunit kapatid niya ang nagbukas ng pintuan. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Nandiyan ba si Ken?

b)

Hinahanap ko si Ken, nandyan ba siya?

c)

Magandang umaga po, nandiyan po ba si Ken?

7.

Inutusan ka ng iyong itay na bumili ng mantika sa tindahan. Ano ang isasagot mo?

a)

Ayoko, itay.

b)

Opo, itay.

c)

Mamaya na may ginagawa pa ako.

8.

Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang?

a)

Maari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?

b)

Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.

c)

Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.

9.

Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Sige na inay, payagan na po ninyo ako.

b)

Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako payagan.

c)

Opo, Inay gagawa na lang po ako ng aking takdang aralin.

10.

Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng inyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?

a)

Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.

b)

Maari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?

c)

Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.

11.

Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong isasagot?

a)

Maraming salamat po, Ma'am.

b)

Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.

c)

Wala iyon, Ma'am

12.

Si _______ Tonio ang nagtitinda ng gulay sa labas ng aming bahay.

a)

Aling

b)

Mang

c)

Ate

13.

Tinutulungan ako ng aking nakatatandang kapatid na babae na si _____ Viela.

a)

Kuya

b)

Ate

c)

Mang

14.

Siya ang boss ng Mama ko. Si _______ Reyes .

a)

Mang

b)

Ginoong

c)

Ginang

15.

Si _______ Diane ang guro namin sa Filipino.

a)

Mang

b)

Ginoong

c)

Binibining