wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KPWKP Quiz 2

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa wikang kinagisnan mula pagkabata?

a)

Ikalawang wika

b)

Ikatlong wika

c)

Unang wika

d)

Wikang opisyal

2.

Ano ang simbolo ng unang wika?

a)

L2

b)

L3

c)

W1

d)

L1

3.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng ikalawang wika?

a)

Wika ng ina

b)

Wika ng TV at komunidad

c)

Wika ng pagkabata

d)

Wika ng sariling kultura

4.

Ano ang ibig sabihin ng L3?

a)

Wikang panturo

b)

Ikatlong wikang natutuhan

c)

Unang wikang natutuhan

d)

Wikang opisyal

5.

Ang MTB-MLE ay tumutukoy sa:

a)

Modern Tongue-Based Learning

b)

Multilingual Based-Mother Learning

c)

Mother Tongue-Based Multilingual Education

d)

Malayang Tungkulin sa Bilingual Edukasyon

6.

Ilan ang pangunahing wikang itinakda ng DepEd sa MTB-MLE noong 2012-2013?

a)

8

b)

12

c)

11

d)

19

7.

Ano ang ibig sabihin ng bilingguwalismo?

a)

Pagpapalaganap ng wikang banyaga

b)

Paggamit ng tatlong wika

c)

Paggamit ng dalawang wika

d)

Pag-iisa ng wika

8.

Sino ang lingguwista na nagbigay ng kahulugan ng “perpektong bilingguwal”?

a)

John Manamara

b)

Uriel Weinreich

c)

Leonard Bloomfield

d)

Charles Darwin

9.

Ayon kay Manamara, ang bilingguwalismo ay:

a)

Pagkontrol ng dalawang wika

b)

Sapat na kakayahan sa isa sa apat na kasanayang pangwika

c)

Matatas sa unang wika lamang

d)

Gumagamit lamang ng Filipino

10.

Ayon sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973, ano ang mga opisyal na wika?

a)

Filipino at Cebuano

b)

Filipino at Espanyol

c)

Filipino at Ingles

d)

Ingles at Espanyol

11.

Ano ang pangunahing layunin ng Department Order No. 25 s. 1974?

a)

Magpatupad ng Ingles bilang tanging wika

b)

Gumamit ng Filipino sa lahat ng asignatura

c)

Magpatupad ng edukasyong bilingguwal

d)

Ipahinto ang paggamit ng mother tongue

12.

Anong asignatura ang itinuturo sa Ingles ayon sa bilingual education?

a)

Araling Panlipunan

b)

Health

c)

Science

d)

Edukasyong Pagpapakatao

13.

Ano ang ibig sabihin ng monolingguwalismo?

a)

Paggamit ng maraming wika

b)

Paggamit ng dalawang wika

c)

Paggamit ng isang wika

d)

Pagpigil sa pagkatuto ng wika

14.

Alin sa mga sumusunod ang bansang monolingguwal?

a)

Pilipinas

b)

South Korea

c)

India

d)

Switzerland

15.

Bakit mahirap para sa Pilipinas ang magpatupad ng monolingguwalismo?

a)

Dahil kulang sa guro

b)

Dahil maraming wika at kultura

c)

Dahil Ingles ang opisyal na wika

d)

Dahil walang resources

16.

Ano ang tawag sa taong bihasa sa dalawang wika?

a)

Poliglot

b)

Monolingguwal

c)

Bilingguwal

d)

Multilingguwal

17.

Ilan ang karagdagang wikain na idinagdag noong 2013 sa MTB-MLE?

a)

3

b)

5

c)

7

d)

9

18.

Alin ang hindi kabilang sa orihinal na walong pangunahing wika ng MTB-MLE?

a)

Tagalog

b)

Ilokano

c)

Tausug

d)

Hiligaynon

19.

Ano ang layunin ng MTB-MLE?

a)

Pataasin ang dropout rate

b)

Ituro agad ang Ingles

c)

Makatulong sa pagkatuto gamit ang unang wika

d)

Iwasan ang sariling wika

20.

Ano ang sinasabing epekto ng pagtuturo gamit ang banyagang wika sa mga bata?

a)

Mas mabilis silang natututo

b)

Bumababa ang dropout rate

c)

Mas epektibo ang pagkatuto

d)

Mas maraming nahihinto sa pag-aaral

21.

Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na "balanced bilingual"?

a)

Taong bihasa sa tatlong wika

b)

Taong marunong sa dalawang wika nang pantay

22.

Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na "balanced bilingual"?

a)

Taong bihasa sa tatlong wika

b)

Taong marunong sa dalawang wika nang pantay

c)

Taong bihasa lang sa Ingles

d)

Taong hindi marunong mag-Filipino

23.

Alin sa mga sumusunod ang wika ng pamahalaan ayon sa 1973 Saligang Batas?

a)

Tagalog at Hiligaynon

b)

Filipino at Ingles

c)

Kapampangan at Ingles

d)

Cebuano at Espanyol

24.

Ano ang kategorya ng taong nakakaintindi lang ng isang wika?

a)

Monolingguwal

b)

Bilingguwal

c)

Multilingguwal

d)

Trilingguwal

25.

Ilang kabuuang wikain ang kinikilala sa Pilipinas ayon sa modyul?

a)

8

b)

19

c)

150

d)

300

26.

Ang "lingua franca" ay tumutukoy sa:

a)

Wikang teknikal

b)

Wikang itinuturo sa mga dayuhan

c)

Pangunahing wika ng komunikasyon

d)

Wikang Latin

27.

Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing layunin ng MTB-MLE?

a)

Iangat ang edukasyon

b)

Itaguyod ang unang wika

c)

Taasan ang dropout

d)

Pagpapahusay ng pagkatuto

28.

Ang mga wikang Kapampangan at Waray ay halimbawa ng:

a)

Banyagang wika

b)

Wikang opisyal

c)

Wikang rehiyonal

d)

Wikang teknikal

29.

Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng edukasyong bilingguwal?

a)

Maging matatas sa Ingles

b)

Maging matatas sa Filipino

c)

Matutong magsalita ng Espanyol

d)

Makipagkomunika gamit ang dalawang wika

30.

Ang taong gumagamit ng tatlo o higit pang wika ay:

a)

Trilingguwal

b)

Multilingguwal

c)

Bilingguwal

d)

Politekniko

31.

Anong taon ipinatupad ang MTB-MLE sa Pilipinas?

a)

2005

b)

2010

c)

2012

d)

2015

32.

Alin ang asignaturang itinuturo sa Filipino ayon sa DO No. 25, s.1974?

a)

Mathematics

b)

Science

c)

Social Studies

d)

English

33.

Ang unang wika ay karaniwang ginagamit sa:

a)

Tahanan

b)

Paaralan

c)

Opisina

d)

Komersiyo

34.

Aling wika ang ginagamit bilang hiwalay na asignatura sa MTB-MLE?

a)

Latin

b)

Filipino at Ingles

c)

Aramaic

d)

Mandarin

35.

Ang MTB-MLE ay bahagi ng:

a)

No Child Left Behind Act

b)

K to 12 Curriculum

c)

CHED Memo

d)

Universal Kindergarten

36.

Ang wika ay ginagamit sa lahat ng sumusunod MALIBAN sa:

a)

Edukasyon

b)

Negosyo

c)

Komunikasyon

d)

Sayaw

37.

Ang taong may kakayahang makaintindi at makapagsalita sa iba't ibang konteksto gamit ang dalawang wika ay:

a)

Functional Bilingual

b)

Passive Bilingual

c)

Imbalanseng Bilingual

d)

Semi-bilingual

38.

Bakit naging mahalaga ang pagdagdag ng mga wikain sa MTB-MLE?

a)

Para ma-promote ang ibang kultura

b)

Para maparami ang subject

c)

Para maabot ang mga mag-aaral sa kani-kanilang wika

d)

Para maging komplikado ang edukasyon

39.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa idinagdag noong 2013 sa MTB-MLE?

a)

Spanish

b)

Ybanag

c)

Japanese

d)

English

40.

Alin ang pangunahing layunin ng paggamit ng mother tongue sa pag-aaral?

a)

Matuto ng banyagang wika

b)

Mas mabilis ang pagbasa

c)

Mas epektibo ang pagkatuto

d)

Maging competitive sa global market