NEW
Font size
WorksheetsFROST Pre Test sa Araling Panlipunan 10
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari, paksa o ilang suliraning bumabagabag at nagpapabago sa kalagayan ng ating lipunan sa kasalukuyang panahon.
Isyung Pang-ekonomiya
Isyung Panlipunan
Isyung Personal
Kontemporaryong Isyu
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng pagiging mulat sa mga Kontemporaryong Isyu?
Nagiging mapanghusga
Nakatutulong sa pagpapayabong ng kaalaman at kritikal na pag-iisip
Paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa
Pagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa bansa at nahahasa ang kasanayan at pagpapahalaga bilang produktibong mamamayan
Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t-ibang suliranin.
Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t-ibang sektor sa lipunan.
Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito
Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t-ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
Alin sa sumusunod na epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
Pagliit ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
Pagkasira ng mga tahanan dulot ng malalakas na bagyo
Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon
Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng karagatan sa dating lupa na kinakatayuan ng kanilang tahanan
Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa basura sa inyong paaralan?
Gumamit ng mga produktong gawa sa plastic, styrofoam at goma.
Huwag makialam sa mga programa ng paaralan na nagtataguyod ng waste management.
Tumulong sa paglalagay ng basura kahit saan sa halip na maghintay ng tamang oras para sa collection.
Mag-organisa ng information at recycling drives upang hikayatin ang mga kapwa mag-aaaral na mag-resiklo ng mga materyales
Ang isang malaking mining company ay nagplano ng malawakang pagmimina sa isang kagubatan na bahagi ng ancestral domain ng isang katutubong komunidad. Ang kumpanya ay nagsagawa ng mga aktibidad nang walang wastong konsultasyon o pahintulot mula sa komunidad ng mga katutubo na nagdulot ng malalim na pinsala sa kalikasan, at nag-aalis ng mga resources na mahalaga sa kultura at kabuhayan ng mga katutubo. Bilang pinuno ng lalawigan, ano ang iyong gagawin?
Iwasan ang pakikialam sa isyu at hayaang magpatuloy ang operasyon ng mining company dahil sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
Pahintulutan ang mining company na ipagpatuloy ang kanilang operasyon at magbigay ng mga minor na reparasyon sa komunidad ng mga katutubo.
Itigil agad ang operasyon ng mining company at magsagawa ng isang imbestigasyon upang tiyakin na nasusunod ang mga batas ukol sa mga karapatan ng mga katutubo.
Ibigay ang karagdagang permiso sa mining company para sa mas malawak na operasyon, habang nangangako na ang mga katutubo ay bibigyan ng benepisyo mula sa pagmimina.
Bakit nakabubuti sa isang bansa ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t-ibang suliranin.
Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran
Bilang pinuno ng komunidad, paano mo matutugunan ang mga negatibong epekto ng kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura na nagdudulot ng sakit, polusyon, at pagkasira ng kapaligiran?
Ipagpaliban ang paggawa ng anumang aksyon dahil hindi naman ito ganoon kahalaga.
Magtatag ng mahigpit na polisiya sa tamang pagtatapon ng basura at magpatupad ng regular na clean-up drive.
Pabayaan na lamang ang mga tao sa kanilang ginagawa at hayaang magpatuloy ang mga masasamang epekto.
Magtayo ng mga pasilidad para sa recycling ngunit hindi maglaan ng oras para sa edukasyon ng mga mamamayan tungkol sa tamang pagtatapon ng basura.
Ikaw ay namamasyal sa lugar na malapit sa isang bulkan. Nararamdaman mong lumilindol. Ano ang iyong gagawin?
Tatanawin ko ang bulkan.
Sisigaw, tatakbo at aalis sa sa lugar.
Maging mahinahon, magtungo sa ligtas na lugar at umuwi kaagad.
Ipagsasawalang-bahala ito at ipagpapatuloy ko ang aking pamamasyal.
Alin sa sumusunod na sitwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
Ipinatawag ni Kapitan Daniel ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kanyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
Hinikayat ni Albert ang kanyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng tamang pamamaraan na isinasagawa ng isang pamayanan upang maiwasan ang pagkalat ng Covid 19?
Madalas na pamamasyal at pagtungo sa mga lugar na maraming tao.
Pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing.
Madalas na paghuhugas ng kamay at pag-disinfect maging ng mga establisyimento.
Pananatili ng bawat mamamayan sa loob ng tahanan maliban kung may importanteng kailangang gawin o bilhin.
Anong yugto ng DRRM Plan ang pagtukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard?
Disaster Response
Disaster Preparedness
Disaster Prevention and Mitigation
Disaster Rehabilitation and Recovery
Kung ikaw ay isang tagapamahala ng kompanya sa sektor ng industriya, paano mo magagamit ang mga epekto ng globalisasyon upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino?
Magpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa upang magtrabaho.
Magbibigay ng mas mataas na sahod at benepisyo sa mga manggagawa.
Magpapakilala ng mga makabagong teknolohiya at kasanayan upang mapataas ang produktibidad ng manggagawa.
Iminumungkahi ang pagbabawas ng oras ng trabaho at pagkakaloob ng benepisyo upang makasabay sa global na kompetisyon.
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng negatibong epekto ng globalisasyong sosyo-kultura
Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa
Sagabal sa pag-unlad ng bansa kung sariling interes ang bibigyang-pansin.
Mas lalong napaiiral ang kapangyarihan ng maunlad na bansa sa mahirap na bansa.
Unti-unting nawawala ang pagkakakilanlan at kultura ng bansa dahil sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa
Bilang isang responsableng mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang maiwasan ang intellectual dishonesty?
Kopyahin ang mga sagot mula sa internet upang mabilis matapos ang mga gawain.
Hindi magbigay ng kredito sa mga ideya ng iba sa aking mga gawaing pang-akademiko.
Maghihintay na lamang ng mga sagot mula sa ibang tao upang makapagsagawa ng aking mga takdang-aralin.
Mag-aaral ng mabuti at gagamitin ang aking sariling kaalaman at kakayahan sa paggawa ng mga proyekto at pagsusulit.
Ang mga sumusunod ay kabilng sa apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal na paggawa maliban sa isa, alin ito?
Employment Pillar
Worker’s Rights Pillar
Social Economic Pillar
Social Protection Pillar
Bilang isang manager, paano mo maisasakatuparan ang Social Protection Pillar mula sa Apat na Haligi ng Disente at Marangal na Paggawa upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa iyong kumpanya?
Magbigay ng libreng pagkain at transportasyon sa mga empleyado.
Magbigay ng mga benepisyo tulad ng health insurance, maternity leave, at retirement plans.
Magpatupad ng mas mahigpit na patakaran upang mapanatili ang disiplina sa lugar ng trabaho.
Maglaan ng regular na team-building activities upang mapalakas ang samahan ng mga empleyado.
Bilang pinuno ng Human Resource sa inyong kompanya, paano mo matutugunan ang isyu ng job-skill mismatch sa iyong organisasyon?
Tumutok lamang sa pagkuha ng mga empleyado na may kumpletong kwalipikasyon.
Magbigay ng mas mataas na sahod upang makahikayat ng mas maraming aplikante.
Tumatanggap ng mga empleyado kahit hindi angkop ang kanilang kakayahan at hayaan silang matuto sa trabaho.
Magpatupad ng training programs upang mapaunlad ang kakayahan ng mga kasalukuyang empleyado ayon sa pangangailangan ng trabaho.
Bakit nagpalipat-lipat ng tirahan ang ating mga ninuno bago dumating ang mga mananakop?
Upang humanap ng makakain
Upang humanap ng bagong kapaligiran
Upang hindi masakop ng ibang komunidad ang kanilang pamayanan
Upang humanap ng lugar na may matabang lupa na kanilang mapagtatamnan at sa pangangaso
Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng migrasyon maliban sa isa, alin ito?
Brain Drain
Brain Waste
Mataas na remittances
Pangamba sa kalusugan
Suriin ang larawan. Anong karapatan ng manggagawa ang ipinapahayag nito?
Karapatang makapagpahinga
Karapatan sa tamang pasahod
Karapatan sa kaligtasan sa trabaho
Karapatang magpahayag ng saloobin
Ang sumusunod ay hindi magawa dahil sa mas mura at mababang pasahod sa ibang bansa maliban sa isa, alin ito?
pagtaas ng pasahod
pagdadagdag ng benepisyo
pagbabawas sa oras ng paggawa
pagkakaroon ng seguridad sa trabaho
Si Cynthia ay sapilitang pinagtrabaho ng kanyang amo sa kanilang factory kahit na wala man ito sa kanyang kontrata bilang domestic helper. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang kinabibilangan na sitwasyon ni Cynthia?
Forced Labor
Human Trafficking
Job Mismatch
Slavery
Anong ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay suporta sa mga OFW sa pamamagitan ng maayos na ugnayan sa pamahalan ng mga bansang pandarayuhan?
Commission on Filipino Overseas (CFO)
Department of Foreign Affairs (DFA)
Department of Labor and Employment (DOLE)
Philippine Overseas Employment Agency (POEA)
Ang mga sumusunod ay dahilan ng migrasyon maliban sa isa, alin ito?
Upang lumayo sa pamilya
Upang makahanap ng mas mataas na sweldo
Upang makapag-aral sa kilalalang unibersidad
Upang makaligtas sa anumang panganib sa buhay
Isang kamag-aral mo ang naglantad ng kanyang tunay na kasarian bilang isang homosekswal. Paano mo maipakikita ang suporta at pagtanggap sa kanya bilang isang mabuting kaibigan?
Iwasan siyang makausap upang hindi mahawa sa kanyang impluwensya.
Irespeto at tanggapin siya bilang isang normal na bahagi ng grupo ng mga kaibigan.
Huwag nang banggitin ang tungkol sa kanyang kasarian upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Sabihan siyang huwag ipagsabi ang kanyang kasarian upang hindi siya husgahan at alipustahin ng iba.
Ang sumusunod ay mga gampanin ng babae at lalaki sa panahon ng pre-kolonyal maliban sa isa, alin ito?
Tungkulin ng kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa paghahanapbuhay.
Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang ari-arian.
Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan ay pagmamay-ari pa din sila ng mga lalaki.
Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandalling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
Ikaw ay may kaklaseng babae na working student at tumutulong sa gawaing-bahay. Nabanggit niya na minsan ay nahihirapan siyang balansehin ang kanyang mga responsibilidad. Ano ang pinakamahusay mong maaaring gawin upang suportahan siya?
Iwasang makialam dahil ito ay isang usaping pampamilya na hindi mo dapat pakialaman.
Sabihan siyang sanayin ang sarili na magsakripisyo dahil normal lang ito para sa mga babae.
Hikayatin siyang unahin ang gawaing-bahay dahil ito ang pangunahing tungkulin ng mga babae.
Hikayatin at turuan siya na magkaroon ng patas na pagbabahagi ng kanyang oras upang magampanan ang responsibilidad.
Iba’t iba ang naging gampanin ng kababaihan at kalalakihan noong panahon ng pananakop. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng papel na ginampanan ng mga kababaihan sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
Pagmamay-ari ng mga kalalakihan ang mga kababaihan.
Nabigyan ang kababaihan ng pagkakataon na makapag-aral at bumoto.
Ang mga kababaihan man trabaho man o wala ay inaasahang gagawa ng gawaing bahay.
Inaasahan na ang mga kababaihan ay matuto ng mga gawaing bahay at mag-aruga ng mga anak.
Ito ay anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang karapatan o kalayaan.
Diskriminasyon
Pananakit
Pagsasamantala
Pang-aabuso
“LGBT rights are human rights”, ayon kay Ban Ki- Moon. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
May pantay ng karapatan ang lahat ng tao.
Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang-pantao.
Natuklasan mo na ang iyong matalik na kaibigan ay isang bisexual. Siya ay lagi mong kasama simula pa noong kayo ay bata pa at para na kayong magkapatid. Ano ang iyong gagawin matapos mong malaman ang kanyang oryentasyong sekswal?
Lalayuan at ikakahiya ko siya.
Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
Kakausapin siya at susumbatan sa ginawang paglilihim nito.
Igagalang ko ang kanyang oryentasyong sekswal at pananatilihin ang aming pagkakaibigan.
Ang sumusunod ay kabilang sa mga Seven Deadly Sins Against Women maliban sa ____________.
7, 8, 9, 10
2, 5, 7, 10
Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Magna Carta for Women
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
Anti-Violence Against Women and their Children Act
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)
Nilalayon ng batas na ito na itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
Magna Carta for Women
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
Anti-Violence Against Women and their Children Act
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)
Si Malala Yousafzai ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Prinsipyo 4 Ang Karapatan sa Buhay
Prinsipyo 12 (Ang Karapatan sa Trabaho)
Prinsipyo 16 (Ang Karapatan sa Edukasyon)
Prinsipyo 25 (Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko)
Si Jennifer Laude na isang transgender ay pinatay sa Olongapo City.
Prinsipyo 25 (Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko)
Prinsipyo 16 (Ang Karapatan sa Edukasyon)
Prinsipyo 12 (Ang Karapatan sa Trabaho)
Prinsipyo 4 (Ang Karapatan sa Buhay)
Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
Gawaing Pansibiko
Karapatang Pantao
Pagkamamamayan
Mabuting Pamamahala
Ano ang tawag sa kaugalian sa sinaunang China kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang talong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan?
Female Genital Mutilation
Foot binding
Gang Rape
Purdah
Alin sa sumusunod ang hindi itinuturing na mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas?
Yaong nag-asawa ng ibang lahi
Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang;
Ayon kay Pangulong Manuel Quezon, ano ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay sa mga kabataang tulad mo hanggang sa kasalukuyang panahon?
Mahalin at igalang ang iyong mga magulang.
Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.
Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan.
Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela.
Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa.
Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
Karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran.
Karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang mga isyung pangkapaligiran.
Karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
Karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
Si Michelle, isang mag-aaral na sa murang edad ay naging mulat sa nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
Traditional NGOs
People’s Organization
Funding-Agency NGOs
Grassroot Support Organizations
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
Ito ay isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga voluntary organizations.
Civil Society
Social Enterprises
People’s Organization
Non-governmental Organizations
Batay sa International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey noong 2004, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino?
Pagboto
Pagsunod sa batas
Tamang pagbabayad ng buwis
Pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan
Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?
Upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas malawak napakikilahok sa pamamahala ng bansa
Upang masiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin.
Upang mapaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.
Upang matugunan pamahalaan ang mga suliranin at problemang kinakaharap ng mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang samahan.
Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
Democracy Index
Good Governance
Participatory Governance
Corruption Perception Index
Ang mga sumusunod ay katangian ng mabuting pamamahala ayon sa United Nations Development Program maliban sa isa, alin ito?
Pakikilahok
Transparency
Katarungan at napapabilang
Nakatuon sa sariling interes
