wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8 Q1 Week 2- Kahulugan at Katangian ng Sinaunang Kabihasnan

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sinaunang kabihasnan ang matatagpuan sa lambak ng Ilog Indus?

a)

Kabihasnang Tsino

b)

Kabihasnang Mesopotamia

c)

Kabihasnang Mohenjo-Daro

d)

Kabihasnang Ehipto

2.

Ano ang tawag sa isang maunlad na kalagayang nilinang ng mga taong naninirahan nang pirmihan sa isang lugar sa loob ng nakatakdang panahon?

a)

Kabihasnan

b)

Kultura

c)

Panahong Neolithic

d)

Pamayanan

3.

Bakit karamihan sa mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga lambak-ilog tulad ng Nile, Tigris-Euphrates, Indus, at Huang He?

a)

Madaling maprotektahan ang kanilang teritoryo

b)

Mayaman ang lupa para sa agrikultura at sagana sa tubig

c)

Mataas ang kabundukan na pumapalibot sa lambak

d)

Napapaligiran ng disyerto na nagsisilbing natural na depensa

4.

Bakit itinuturing na mahalagang bahagi ng kabihasnan ang pagkakaroon ng sistema ng pagsulat?

a)

Upang maitala ang mga gawaing panrelihiyon

b)

Upang madaling makapagkalakalan sa ibang kabihasnan

c)

Upang mapanatili at maipasa ang kaalaman sa susunod na henerasyon

d)

Upang makalikha ng sining at panitikan

5.

Ano ang kahulugan ng salitang “kabihasnan”?

a)

Isang sistemang panrelihiyon

b)

Isang maunlad na antas ng pamumuhay at kultura

c)

Isang uri ng pamahalaan

d)

Isang uri ng sinaunang kasangkapan

6.

Saan karaniwang umusbong ang mga sinaunang kabihasnan?

a)

Sa tabi ng mga bundok

b)

Sa mga disyerto

c)

Sa mga lambak-ilog

d)

Sa gitna ng kagubatan

7.

Alin sa mga sumusunod ang kabihasnang umusbong sa pagitan ng mga ilog Tigris at Euphrates?

a)

Kabihasnang Ehipto

b)

Kabihasnang Tsino

c)

Kabihasnang Indus

d)

Kabihasnang Mesopotamia

8.

Anong katangian ng kabihasnan ang ipinapakita ng Pyramid of Giza?

a)

Maunlad na kaisipan

b)

Maunlad na kasanayang teknikal

c)

Epektibong Sistema ng pagsulat

d)

Dalubhasang manggagawa

9.

Ano ang tawag sa mga taong bihasa sa paggawa ng armas at kasangkapan noong sinaunang Panahon?

a)

Magsasaka

b)

Pari

c)

Artisano

d)

Tagapamahala

10.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maunlad na kaisipan sa kabihasnang Indus?

a)

Paglililok sa mga bato

b)

Paggamit ng kalendaryong lunar

c)

Sistema ng daluyan ng tubig

d)

Pag-aani gamit ang simpleng kasangkapan

11.

Alin sa mga ito ang kabihasnang umusbong sa lambak ng Huang He?

a)

Kabihasnang Mesopotamia

b)

Kabihasnang Shang

c)

Kabihasnang Indus

d)

Kabihasnang Ehipto

12.

Paano nakaapekto ang heograpiya sa pag-usbong ng kabihasnan?

a)

Naging daan ito upang umunlad ang ekonomiya sa lungsod

b)

Itinuro nito ang tamang relihiyon sa tao

c)

Nagbigay ito ng likas na yaman at sistemang irigasyon

d)

Naging inspirasyon ito sa panitikan

13.

Alin sa mga katangian ng kabihasnan ang naging dahilan ng pagkakaroon ng pamahalaan sa mga lungsod-estado?

a)

Maunlad na batas at alituntunin

b)

Maunlad na kaisipan

c)

Maunlad na kasanayang teknikal

d)

Epektibong sistema ng komunikasyon

14.

Ano ang pinagmulan ng salitang "kabihasnan"?

a)

Griyego – polis

b)

Latin – civis at civitas

c)

Sanskrit – bhasha

d)

Arabe – kalifah

15.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang kabihasnan?

a)

Masalimuot na institusyon

b)

Dalubhasang manggagawa

c)

Maunlad na musika at sayaw

d)

Sistema ng pagsusulat

16.

Ano ang naging epekto ng agrikultura sa pagsibol ng kabihasnan noong Panahon ng Neolitiko?

a)

Bumagal ang kalakalan

b)

Kumonti ang populasyon

c)

Dumami ang pagkain at tao

d)

Nawalan ng trabaho ang mga artisan

17.

Bakit mahalaga ang isang pamahalaan sa isang kabihasnan?

a)

Para mapalitan ang mga relihiyon

b)

Para mapabilis ang paggawa ng sining

c)

Para makontrol ang edukasyon

d)

Para mapanatili ang kaayusan at pamahalaan

18.

Ano ang tawag sa mga tagasulat sa mga sinaunang kabihasnan?

a)

scribe

b)

pari

c)

hari

d)

artisan

19.

Ano ang layunin ng pagkakaroon ng sistema ng pagsusulat sa kabihasnan?

a)

Para sa pagtatala ng buwis, batas, ritwal, at mahahalagang kaganapan

b)

Para maisulat ang kasaysayan ng ibang bansa

c)

Para lamang sa mga aktibidad ng kabataan

d)

Para makalikha ng panitikan

20.

Alin sa mga sumusunod ang patunay ng pagsulong ng teknolohiya sa sinaunang kabihasnan?

a)

Pag-awit ng panrelihiyong kanta

b)

Pagbuo ng mga templo

c)

Pagpapakasal ng mga pinuno

d)

Pagkakaroon ng sewage system sa Mohenjo-Daro