NEW
Font size
WorksheetsValues Education 7
Total questions: 30
Worksheet time: 13mins
1. Ano ang ibig sabihin ng pagtitipid?
A. Pag-aaksaya ng pera
B. Pag-iimpok ng sobra-sobra
C. Maingat na paggamit ng yaman
D. Pagbibigay ng pera sa iba
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagtitipid?
A. Pagbili ng bagong cellphone buwan-buwan
B. Pagkain sa labas araw-araw
C. Pagbili ng kailangan lamang
D. Pagsusugal
3. Ano ang ibig sabihin ng pag-iimpok?
A. Paggasta ng lahat ng kita
B. Pagtatago o pag-iipon ng pera
C. Pag-utang ng pera
D. Pagbibigay ng limos
4. Ano ang layunin ng pag-iimpok?
A. Magmayabang
B. Magkaroon ng gamit na mamahalin
C. Maghanda para sa hinaharap
D. Maging sikat
5. Alin sa mga ito ang hindi dapat gawin kung nais mag-impok?
A. Gumawa ng budget
B. Gumastos sa hindi kailangan
C. Magsubi ng pera sa alkansya
D. Maglista ng mga gastusin
6. Saan maaaring mag-impok ng pera?
A. Sa palengke
B. Sa computer shop
C. Sa bangko o kooperatiba
D. Sa mall
7. Ano ang pinakamainam na gawin sa perang natira sa baon?
A. Bilhin ng kendi
B. Ibigay sa kaklase
C. Itabi sa alkansya
D. Ipagbili ng tsokolate
8. Bakit mahalaga ang pagtitipid?
A. Para hindi mapagod magtrabaho
B. Para magamit sa mga di inaasahang pangyayari
C. Para may maipagmayabang
D. Para bumili ng luho
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggasta?
A. Pagbili ng mamahaling sapatos kahit may maayos pa
B. Pagkain sa mamahaling restoran
C. Pagbili ng sale items na kailangan
D. Paggamit ng credit card palagi
10. Kapag ikaw ay nag-impok, ikaw ay:
A. Mapagwaldas
B. Mapag-aksaya
C. Mapanagot at responsable
D. Mainggitin
11. Ano ang alkansya?
A. Uri ng bangko
B. Lalagyan ng ipon
C. Pamahalaang institusyon
D. Tindahan ng gamit
12. Isa sa mga benepisyo ng pag-iimpok ay:
A. Magkaroon ng utang
B. Matutong gumasta ng sobra
C. Maghanda sa emergency
D. Mag-enjoy sa luho
13. Ano ang unang hakbang sa pagtitipid?
A. Maglista ng mga gusto
B. Mag-budget ng pera
C. Gumastos agad
D. Manghiram ng pera
14. Alin sa mga ito ang maaaring maging epekto ng hindi pagtitipid?
A. Magkakaroon ng ipon
B. Magkulang sa badyet
C. Makabili ng lupa
D. Maging masaya palagi
15. Bakit mahalaga ang disiplina sa paggastos?
A. Para hindi makalimot
B. Para may mabili
C. Para makapag-impok at hindi magkulang
D. Para masayang gumastos
16. Ano ang tamang gawin sa sobrang pera?
A. Gastusin agad
B. Ibigay sa kaibigan
C. Iimpok para sa hinaharap
D. Ipamili ng laruan
17. Paano makatutulong ang bangko sa pag-iimpok
A. Pinapautang lang
B. Nagbibigay ng libreng gamit
C. Ligtas paglagyan ng pera
D. Bumibili ng pera
18. Ano ang tawag sa perang inilalagay sa bangko?
A. Kita
B. Deposito
C. Sukli
D. Buwis
19. Kapag nagtatabi ka ng pera para sa kinabukasan, ito ay:
A. Pagtatapon
B. Pagtitipid
C. Pagpapabaya
D. Pagpapaliban
20. Kung gusto mong makabili ng gusto mong bagay, ano ang dapat gawin?
A. Mangutang agad
B. Mag-impok muna
C. Manghingi sa magulang
D. Magalit
21. Paano matutulungan ang pamilya sa pagtitipid?
A. Pagsasayang ng kuryente
B. Pagtitipid sa tubig at kuryente
C. Pag-iiwan ng bukas na ilaw
D. Pagbili ng sobra-sobra
22. Ano ang tawag sa perang natira matapos gastusin ang kailangan?
A. Kita
B. Gastos
C. Sukli
D. Ipon
23. Kailan pinakamainam mag-umpisa mag-impok?
A. Kapag matanda na
B. Kapag wala ng pera
C. Ngayon na
D. Bukas na lang
24. Saan hindi ligtas mag-impok?
A. Sa bangko
B. Sa ilalim ng unan
C. Sa alkansya
D. Sa kooperatiba
25. Ang taong mapagtipid ay:
A. Madamot
B. Matalino sa pera
C. Kuripot
D. Walang pakialam
26. Anong gawain ang nakakatulong upang mapalaki ang ipon?
A. Paggasta ng sobra
B. Regular na pag-iimpok
C. Pagsusugal
D. Pag-utang
27. Ano ang hindi tamang dahilan ng pag-iimpok?
A. Para sa kinabukasan
B. Para sa emergency
C. Para may ipambili ng hindi kailangan
D. Para makapag-aral
28. Ano ang epekto ng maayos na pagba-budget?
A. Magkulang sa pera
B. Mas mapag-aksaya
C. Makontrol ang gastos
D. Mapilit bumili
29. Isa sa mga paraan ng pagtitipid sa kuryente ay:
A. Mag-aircon buong araw
B. Gumamit ng energy-saving bulbs
C. Magbukas ng maraming appliances
D. Mag-iwan ng TV na bukas
30. Ano ang matututuhan sa pagtitipid at pag-iimpok?
A. Pagiging maluho
B. Pagiging mapagbigay
C. Pagiging responsable
D. Pagiging pabaya
