Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 7 Filipino Q2 Exam

Total questions: 26

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang tamang halimbawa ng pahambing na magkatulad?

a)

Mas matalino siya kaysa sa akin.

b)

Siya ang pinakamabilis sa klase.

c)

Kasing-ganda ng bulaklak ang kanyang ngiti.

2.

Alin ang halimbawa ng pahambing na di-magkatulad?

a)

Mas malaki ang bahay niya kaysa sa amin.

b)

Kasing-init ng araw ang init ng kape.

c)

Kasing-tamis ng pulot ang kendi.

3.

Ano ang tawag sa paghahambing na ipinapakita ang pinakamatindi o sukdulan ng isang katangian?

a)

Palamang

b)

Pahambing na Magkatulad

c)

Pasukdol

4.

Alin ang pinakamainam na paglalarawan ng pahambing na magkatulad?

a)

Nagpapakita ng pagkakapareho ng katangian

b)

Nagpapakita ng pagkakaiba ng katangian

c)

Nagpapakita ng sukdulan

5.

Ano ang layunin ng pahambing na di-magkatulad?

a)

Ihambing upang ipakita ang pagkakapareho

b)

Ihambing ang dalawang bagay o tao upang ipakita ang pagkakaiba

c)

Ipakita ang sukdulan ng katangian

6.

Sa pagdiriwang ng pista, sinabi ng Guro: “Kasing-liit ng palad ang lobo ng bata.” Anong uri ng paghahambing ito?

a)

Pahambing na Magkatulad

b)

Pahambing na Di-magkatulad

c)

Pasahol

7.

Sa laro ng paligsahan, sinabi ng hurado: “Pinakamalakas sa lahat ng kalahok ang huling manlalaro.” Anong uri ng paghahambing ito?

a)

Pasukdol

b)

Palamang

c)

Pahambing na Magkatulad

8.

Ano ang maituturo ng paghahambing sa mga mambabasa o tagapakinig?

a)

Kulay ng pangungusap

b)

Mas malinaw na paglalarawan at detalye

c)

Laki ng bagay

9.

“Mas mahalaga ang kalikasan kaysa kayamanan.” Ano ang layunin ng paghahambing sa pangungusap na ito?

a)

Ipakita ang kulay

b)

Ibigay sukat sa pangunahing ideya o konsepto

c)

Ibigay diin sa pangunahing ideya o konsepto

10.

Alin ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng paghahambing?

a)

Nagpapakita ng pangalan ng tao

b)

Nagbibigay diin sa ideya

c)

Nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakapareho

11.

Ano ang tamang depinisyon ng komiks?

a)

Isang akdang grapiko na gumagamit ng larawan at salita upang magkuwento

b)

Isang akdang tula na gumagamit ng matatlinhagang salita upang magkuwento

c)

Isang akdang awit na gumagamit ng larawan at salita upang magkuwento

12.

Sa komiks ni Liza, makikita ang isang guro na nagtuturo sa klase. Ang guro ay may mga salitang nakasulat sa speech bubble. Ano ang kahalagahan ng speech bubble sa komiks?

a)

Para ipakita ang sinasabi ng tauhan at malinaw ang komunikasyon

b)

Para ipakita ang ganda ng tauhan bilang isang dekorasyon sa kuwento

c)

Para magdagdag ng kulay

13.

Alin ang tamang halimbawa ng kahalagahan ng komiks sa lipunan?

a)

Maipahayag ang mensahe, aral, o impormasyon sa mahirap maunawaang paraan

b)

Maipahayag ang mensahe, aral, o impormasyon sa isang madaling maunawaan at nakakaaliw na paraan

c)

Maipahayag ang ar

14.

Maipahayag ang mensahe, aral, o impormasyon sa mahirap maunawaang paraan

a)

Maipahayag ang mensahe, aral, o impormasyon sa mahirap maunawaang paraan

b)

Maipahayag ang mensahe, aral, o impormasyon sa isang madaling maunawaan at nakakaaliw na paraan

c)

Maipahayag ang aral ng mga awitin at tula, o impormasyon sa isang madaling maunawaan at nakakaaliw na paraan

15.

Sa komiks, ginagamit ang ilustrasyon, dialogue, at caption. Bakit mahalaga ang kombinasyon ng larawan at salita?

a)

Para mas mahaba ang pahina

b)

Para mas maganda ang kulay ng komiks

c)

Para mas malinaw at madaling maintindihan ang kwento o mensahe

16.

Bakit mas epektibo ang komiks kaysa sa teksto lamang para sa mga batang mag-aaral?

a)

Dahil pinagsasama nito ang biswal at salita, kaya mas madaling matandaan ang aralin

b)

Dahil pinagsasama nito ang tula at awit, kaya mas madaling matandaan ang aralin

c)

Dahil pinagsasama nito ang mga instrumento kaya mas madaling matandaan ang aralin

17.

Ginagamit ang Tulis-tulis na speech balloon kapag ang nagsasalita ay

a)

galit, sumisigaw, tumitili

b)

masaya, nagdiriwan

c)

nais magpahayag ng opinyon

18.

Ginagamit ang speech balloon na ito sa mga tunog na nagmumula sa kasangkapang gaya ng radyo, telebisyon, o robot na nagsasalita.

a)

Double Boarded

b)

Brodkast/Elektrika

c)

Tulus-tulis

19.

Ginagamit ang speech balloon na ito kapag ang nagsasalita ay bumubulong

a)

Double Boarded

b)

Brodkast/Elektrika

c)

Tuldok-tuldok

20.

Ginagamit ang speech balloon na ito kapag ang nagsasalita ay sumisigaw ng malakas

a)

Double Boarded

b)

Brodkast/Elektrika

c)

Tuldok-tuldok

21.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang gamit ng komiks?

a)

Para sa pagpapahayag ng aral

b)

Para sa pagsusulit sa matematika lamang

c)

Para sa malikhaing komunikasyon

22.

Ano ang ibig sabihin ng “tanong na may limitadong sagot”?

a)

Tanong na puwedeng sagutin ng kahit ano

b)

Tanong na may nakatalagang sagot lamang

c)

Tanong na walang sagot

23.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tanong na may limitadong sagot?

a)

Sumulat ng kwento tungkol sa bahay

b)

Ano ang kabisera ng Pilipinas?

c)

Ilarawan mo nga ang nararamdaman mo ngayon

24.

Bakit mainam gamitin ang tanong na may limitadong sagot sa malalaking klase?

a)

Para hindi magsalita ang estudyante

b)

Para mas makulay ang silid-aralan

c)

Para mas mabilis at mas madaling suriin ang sagot ng maraming estudyante

25.

Ano ang epekto ng paggamit ng tanong na may limitadong sagot sa pagsusulit?

a)

Ginagawang mas organisado at madaling i-check ang sagot

b)

Ginagawang mas mahaba ang sagot

c)

Ginagawang mas mahirap ang pagsusulit

26.

Ano ang pangunahing gamit ng multiple-choice questions?

a)

Para masukat ang tiyak na kaalaman ng estudyante

b)

Para sa essay lamang

c)

Para sa dekorasyon