WorksheetsSUMMATIVE TEST 2 Q1
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sino ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan?
Andres Bonifacio
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini
Marcelo H. del Pilar
Ano ang pangunahing layunin ng tekstong persweysib?
Maglahad ng impormasyon
Magkuwento ng karanasan
Manghikayat ng paniniwala o aksyon
Magsalaysay ng opinyon
Alin sa mga sumusunod ang propaganda device na gumagamit ng kilalang personalidad?
Transfer
Name-calling
Testimonial
Glittering Generalities
Ano ang ibig sabihin ng pathos sa tekstong persweysib?
Katotohanan
Lohikal na pangangatwiran
Emosyon
Kredibilidad
Ano ang layunin ng Kartilya ng Katipunan ayon sa konteksto nito?
Gawing tanyag ang may-akda
Ituro ang kasaysayan ng rebolusyon
Gabayan ang mga bagong kasapi sa pamantayang moral
Manghimagsik laban sa Espanyol
Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa kohesyong gramatikal?
Pananaw at tono
Panghalip, elipsis, at pangatnig
Uri ng panitikan
Wika ng teksto
Paano ginagamit ang ethos sa isang patalastas?
Pagbanggit ng emosyon
Pagsuporta gamit ang sikat na tao
Pagpapakita ng kredibilidad ng tagapagsalita
Pagtuligsa sa kalaban
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng bisa ng tekstong persweysib?
Pagsunod ng mambabasa sa panawagan
Pagtanggap ng parangal
Pagkuha ng impormasyon
Pagpapalawak ng imahinasyon
Bakit mahalagang gumamit ng cohesive devices sa pagsulat ng persweysib?
Para sa mas maikling mensahe
Upang mapaikli ang salita
Para maging makulay ang teksto
Para malinaw ang ugnayan ng mga ideya
Sa tulong ng Kartilya, ano ang ugnayan ng dangal at gawaing makabayan?
Ang dangal ay para sa mga pinuno
Hindi kailangan ang dangal sa rebolusyon
Ang taong may dangal ay karapat-dapat maglingkod sa bayan
Mas mahalaga ang pera kaysa dangal
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng bisa ng logos?
Gumamit ng salitang teknikal
Nagbigay ng estadistika at datos
Gumamit ng pahiwatig
Umiyak habang nagtatalumpati
Kung ikaw ay isang guro, paano mo gagamitin ang Kartilya upang paunlarin ang asal ng kabataan?
A. Itago ito sa silid-aklatan
B. Ipakopya lang bilang takdang-aralin
C. Talakayin ang mga aral nito at ipalapat sa tunay na buhay
D. Ikwento sa mga bata araw-araw
Itago ito sa silid-aklatan
Ipakopya lang bilang takdang-aralin
Talakayin ang mga aral nito at ipalapat sa tunay na buhay
Ikwento sa mga bata araw-araw
Paano mo maiuugnay ang Kartilya sa tema ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay?
Ang Kartilya ay tula
Ito ay kwento ng rebolusyon
Isa itong gabay sa pakikitungo sa kapwa nang may respeto
Isa itong kasaysayang pampulitika lamang
Sa paggawa ng patalastas, paano mo masisiguro na balanse ang paggamit ng ethos, logos, at pathos?
Tumutok lamang sa emosyon
Umasa sa sarili mong opinyon
Ibigay ang kredibilidad, datos, at apela sa damdamin
Gumamit ng magagarbong salita
Paano nasasalamin ng tekstong persweysib ang realidad ng lipunan?
Dahil ito ay pabor sa iisang panig
Nagpapakita ito ng bias
Naipapahayag ang opinyon gamit ang datos at damdamin ukol sa isyu
Nililito nito ang mambabasa
Gumawa ng panimulang patalastas gamit ang bandwagon technique upang hikayatin ang kabataan na magbasa ng aklat.
Sumulat ng kwento ukol sa kabataan
Sabihing “lahat ay nagbabasa, ikaw na lang ang kulang!”
Gumamit ng scientific term
Magbigay ng kasaysayang pampanitikan
Gamit ang aral mula sa Kartilya, paano mo ilalarawan ang isang tunay na lider?
Mayaman at makapangyarihan
Marunong magsalita
May dangal, malasakit, at naglilingkod ng tapat
Maraming tagasunod
Lumikha ng slogan batay sa tekstong persweysib na may temang pangkalikasan.
“Basura? Itapon mo!”
“Kalikasan ay kayamanan, huwag paglaruan.”
“Ang kalikasan ay hindi importante.”
“Kalikasan, sayang naman.”
Pumili ng aral mula sa Kartilya ng Katipunan na maaari mong gamiting gabay sa pagbuo ng adbokasiyang “Makataong Pakikitungo sa Lahat,” at ipaliwanag kung bakit ito angkop.
Turo 2 – Ang gawang kabutihan na may paghahambog ay di tunay na kabaitan
Turo 4 – Lahat ng tao'y magkakapantay anuman ang kulay ng balat
Turo 6 – Sa taong may hiya, ang salita’y panunumpa
Turo 10 – Ang lalaki ang dapat gumabay sa daang matinik ng buhay
Lumikha ng angkop na pamagat ng tekstong persweysib na maghihikayat sa mga kabataan na itaguyod ang aral mula sa Kartilya ng Katipunan na:
“Ang kabutihang-loob ay mas mahalaga kaysa pansariling interes.”
“Ang kabutihang-loob ay mas mahalaga kaysa pansariling interes.”
“Ako Muna: Ang Gintong Panahon ng Kabataan”
“Ako'y Para sa Bayan: Serbisyo Bago Sarili”
“Pilipino Ako: Laging Handa sa Selfie at Trend”
