NEW
Font size
WorksheetsEsP 8
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang ating lipunan ay binubuo ng ibat’-ibang institusyon o sector. Alin sa mga sumusunod ang pinakamaliit
at pangunahing yunit ng lipunan?
paaralan
pamilya
pamahalaan
barangay
Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa ay tinatawag na ______?
paternal love
conjugal love
couple love
puppy love
“Paternal Love”, ano ang ibig sabihin nito?
Pagmamahal ng magulang sa anak
Pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa
Pagmamahal ng magkakapatid
Pagmamahal ng isang pamilya
Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya
Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa
Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
Buo at matatag
May disiplina ang bawat isa
Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag sa pagdami ng pamilya.
Nabuo ang pamilya sa pamamagitan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay. Ito ay ayon kay ________.
Mother Teresa
Aristoteles
Pierre Angelo Alejo
Jesse Robredo
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya maliban sa:
Sama-samang gumagawa ng gawaing bahay ang buong pamilya.
Pag-unawa sa kakaibahan ng isang anak sa ibang kasapi ng pamilya.
Paghingi ng payo ng anak sa kanyang magulang hinggil sa kanyang problema.
Pagsisinungaling ng anak sa kanyang mga magulang.
Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng ___.
Pagmamahal
Pagkakaisa
Pag-asa
Pagmamalasakit
Ang ______ ng dalawang taong nagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya.
Pagsasama
Pag-uusap
Pagpapakasal
Pagtutulungan
Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
kalusugan
buhay
edukasyon
pagkain at tahanan
Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
pagtanggap
katarungan
pagmamahal
pagtitimpi
Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mahalagang misyon ng pamilya maliban sa:
Misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon
Paggabay sa mabuting pagpapasya
Paghubog ng pananampalataya
Sanayin sa marangyang pamumuhay
Ang mga sumusunod ay ilan sa kakaharapin ng mga anak, ito ay hadlang upang hindi maisakatuparan ang misyon ng isang pamilya maliban sa:
peer pressure
droga
maruming pulitika
edukasyon
Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na ____.
pamayanan ng mga tao
institusyon ng lipunan
pag-asa ng bayan
paaralan ng pagmamahal
