WorksheetsAng Pambansang Teritoryo ng Pilipinas - Araling Panlipunan 4
Total questions: 54
Worksheet time: 54mins
Ito ay mga linyang pahiga o mga linyang tumatakbo pasilangang-kanlurang direksiyon paikot sa mundo.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Tinutukoy nito ang distansya ng mga lugar sa mundo mula sa ekwador.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Mga linyang patayo o mga linyang tumatakbo mula sa polong hilaga patungong polong timog.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Isinasaad nito ang mga distansya mula sa Prime Meridian.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Ito ay kumakatawan sa simula ng mga guhit longhitud.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Ito ay nasa zero longhitud at may kabuoang sukat na 180°.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Hinahati nito ang mundo sa Kanlurang Hemisphere at Silangang Hemisphere kaya't sa tulong nito masasabi kung pasilangan o pakanluran ang kinalalagyan ng isang lugar.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Ito ay isang malakit guhit parallel na may sukat na 360° at matatagpuan ito sa zero digri (0°) latitud.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Hinahati nito ang mundo sa Hilagang Hemisphere at Timog Hemisphere.
latitud
longhitud
Prime Meridian
ekwador
Ito ang tawag sa parallel na nasa 23.5° hilaga ng ekwador.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ito ang pinakahilagang hanggahan na naabot ng bertikal na sinag ng araw.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ito ay parallel na nasa 23.5° timog ng ekwador.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ito ang pinakatimog na lugar na naaabot ng bertikal na sinag ng araw.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ito ang parallel na nasa 66.5° hilaga ng ekwador.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ito ang pinakahilagang hanggahan na naabot ng pahilis na sinag ng araw.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ito ang parallel na nasa 66.5° timog ng ekwador.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ito ang pinakatimog na hanggahan na naabot ng pahilis na sinag ng araw.
Ang Tropiko ng Kanser
Ang Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Arktiko
Kabilugang Antarktiko
Ang pinagsama-samang guhit latitud at longhitud ang bumubuo dito.
Grid
Latitud
Ekwador
Kabilugang Antarktiko
Ginagamit itong batayan sa pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar gamit ang kinalalagyan nito sa latitud at longhitud.
Grid
Latitud
Ekwador
Kabilugang Antarktiko
Naibibigay ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longhitud at latitud.
Grid
Tiyak na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Guhit Pangkaisipan
Ang lawak na nasasaklaw ng isang bansa sa pamamagitan ng mga distansyang longhitudinal at latitudinal.
Lawak na Heograpikal
Tiyak na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Guhit Pangkaisipan
Naibibigay ito sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hanggahang lupain o mga katubigang nakapaligid dito.
Lawak na Heograpikal
Tiyak na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Guhit Pangkaisipan
Ito ang tawag sa lokasyon kung saan ang mga lugar ay lubusang napaliligiran ng mga lupain.
Tiyak na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Relatibong Lokasyong Kontinental
Relatibong Lokasyong Maritime
Ito ang tawag sa lokasyon kapag ginagamit ang nakapaligid na katawan ng tubig sa isang lugar.
Tiyak na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Relatibong Lokasyong Kontinental
Relatibong Lokasyong Maritime
Ito ang paglalarawan sa lokasyon sa pamamagitan ng paggamit sa mga bansang nakapaligid dito.
Lokasyong Bisinal
Relatibong Lokasyon
Relatibong Lokasyong Kontinental
Relatibong Lokasyong Maritime
Ano ang nasa hilaga ng Pilipinas?
Taiwan at Japan
Laos, Cambodia at Vietnam
Borneo, Brunei at Indonesia
Guam
Ano ang nasa kanluran ng Pilipinas?
Taiwan at Japan
Laos, Cambodia at Vietnam
Borneo, Brunei at Indonesia
Guam
Ano ang nasa timog ng Pilipinas?
Taiwan at Japan
Laos, Cambodia at Vietnam
Borneo, Brunei at Indonesia
Guam
Ano ang nasa silangan ng Pilipinas?
Taiwan at Japan
Laos, Cambodia at Vietnam
Borneo, Brunei at Indonesia
Guam
Elemento ng mapa na nagsasabi kung ano ang nilalaman o uri ng mapang tinitingnan.
eskala
titulo
mapa
legend
Grapikal na representasyon ng lugar sa isang patag na ibabaw.
eskala
titulo
mapa
legend
Nagpapaliwanag sa iba't ibang simbolo o palatandaan na ginagamit sa isang mapa.
eskala
titulo
mapa
legend
Pinaliit na sukat at distansiya ng isang aktuwal na lugar sa makikita sa mapa.
eskala
titulo
mapa
legend
Binubuo ito ng hilaga, timog, silangan at kanlurang direksyon.
Pangunahing direksiyon
Pangalawang direksiyon
mapa
legend
Ito ay tumutukoy sa sukat ng lupaing saklaw ng hurisdiksyon nito.
Pangunahing direksiyon
teritoryo
mapa
legend
Ito ang kasunduan o batas na nilagdaan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagsasabing ang mga pulo ng Kalayaan ay sakop ng Pilipinas.
Saligang Batas 1935
Kasunduan sa Paris
Atas ng Pangulo Bilang 1596
Kasunduan sa Washington
Ito ang pulo na nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas dahil sa naganap na kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya noong Enero 2, 1930.
Mangsee at Turtle Islands
Isla ng Sabah
Spratlys Islands
Batanes group of islands
Ang kasunduang nagpapahayag na ang mga pulo ng Mangsee at Turtle ay sakop ng kapuluan ng Pilipinas.
Kasunduan sa Washington
Atas ng Pangulo Blg. 1596
Kasunduan ng Estados Unidos at Espanya
Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya
Ang kasunduang nagpapahayag na ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, at Sibutu ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Kasunduan sa Washington
Atas ng Pangulo Blg. 1596
Kasunduan ng Estados Unidos at Espanya
Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya
Ang rehiyon ng Asya kung saan nabibilang ang Pilipinas.
Silangang Asya
Hilagang Asya
Timog Asya
Timog-Silangang Asya
Doktrinang pinagtibay noong 1982 kung saan ipinahahayag ang nasasakop na teritoryo ng mga bansa sa kani-kanilang mga karagatan kabilang na ang mga katubigang nakapaligid sa bansa, kalapagang insular, at mga pook submarina na kinalalatagan ng arkipelago.
Doktrinang Pangkapuluan
Exclusive Economic Zone
Spratlys Islands
UNCLOS
Ito ay nagsasaad na ang isang kapuluang estado ay may hurisdiksyon hanggang sa 200 nautical miles mula sa batayang guhit kung saan sinusukat ang territorial sea.
Doktrinang Pangkapuluan
Exclusive Economic Zone
Spratlys Islands
UNCLOS
Mas kilala ito sa tawag na Kalayaan Group of Islands na matatagpuan sa gitna ng Dagat Timog Tsina.
Doktrinang Pangkapuluan
Exclusive Economic Zone
Spratlys Islands
UNCLOS
Ito ay tumutukoy sa bahagi ng kalawakang sumasakop sa teritoryong lupain at karagatan ng Pilipinas.
Kalawakang Panghimpapawid
Dagat Teritoryal
Ilalim ng Dagat
Kalaliman ng Lupa
Bahagi ng dagat na sumasaklaw ng 3 nautical miles palabas papuntang dagat, ito ang hanggahan ng bansa
Kalawakang Panghimpapawid
Dagat Teritoryal
Ilalim ng Dagat
Kalaliman ng Lupa
Tumutukoy ito sa lupang nasa ilalim ng dagat.
Kalawakang Panghimpapawid
Dagat Teritoryal
Ilalim ng Dagat
Kalaliman ng Lupa
Tumutukoy ito sa lupang nasa ilalim ng kalupaan.
Kalawakang Panghimpapawid
Dagat Teritoryal
Ilalim ng Dagat
Kalaliman ng Lupa
Sumasakop ito sa lahat ng mga dagat na nasa pagitan at nag-uugnay sa lahat ng pulo, maging anuman ang lawak at sukat.
Kalawakang Panghimpapawid
Dagat Teritoryal
Ilalim ng Dagat
Mga Dagat na napapaloob sa Pilipinas
Ito ay sumasakop sa mga talampas na nasa ilalim ng tubig na bahagi ng kalatagan ng dagat na nakadugtong sa baybayin ng isang pulo o kontinente.
Kalawakang Panghimpapawid
Dagat Teritoryal
Ilalim ng Dagat
Kalapagang Insular
Ito ay pag-uuri ng teritoryo bilang kalupaan.
terristrial
fluvial
maritime
aerial
Ito ay pag-uuri ng teritoryo bilang katubigan.
terristrial
fluvial
maritime
aerial
Ito ay pag-uuri ng teritoryo bilang karagatan.
terristrial
fluvial
maritime
aerial
Ito ay pag-uuri ng teritoryo bilang kalawakang itaas.
terristrial
fluvial
maritime
aerial
Ito ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng daigdig, iba't ibang bansa o lugar sa mundo, at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran.
heograpiya
mapa
titulo
legend
