Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M5_Pagtatama sa Maling Pasya

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sa paghahanap ni Pedro ng mapapasukan na paaralan, naghanap siya ng mas malapit sa kanilang tinitirhan para makatipid ng pamasahe. Gusto niyang maglakad na lamang dahil tatlo na silang magkakapatid na mag-aaral at halos hindi magkasya ang araw-araw na kita ng kanyang mga magulang. Aling salik ng pagpapasya ang isinaalang-alang niya sa paghahanap ng paaralan?

a)

Mga payo o Gabay

b)

Impormasyon

c)

Pagkakataon

d)

Sitwasyon

2.

Nalaman ni Pedro na ang hinihiling na marka para matanggap sa Senior High STEM track ay 85% pataas kaya bumuo siya ng pasya na pagbubutihin niya ang pag-aaral sa buong taon niya sa grade 10. Aling salik ng pagpapasya ang nakatulong sa kanyang pagpapasyang mag-aral ng maigi?

a)

Pagkakataon

b)

Sitwasyon

c)

Mga payo o Gabay

d)

Impormasyon

3.

Ang pag-aaral ay maituturing na mahabang paglalakbay sa buhay. Aling salik ng pagpapasya ang makakatulong sa atin para maiwasan ang lubhang pagsisisi sa bandang huli?

a)

Impormasyon sa mga pagsubok na maaring kakaharapin

b)

Sitwasyon ng paaralan

c)

Mga payo o gabay ng ating mga magulang

d)

Pagkakataong makapag-aral sa lungsod

4.

Ang pakikinig sa mga isinasagawang “Information Education Campaign” ay isang paraan para makabuo ng pasya kung aling Senior High Track ang paghahandaan.

a)

Tama dahil sa mga impormasyon nakasalalay ang ating pasya.

b)

Tama dahil makakatulong ito para maliwanagan ang bawat mag-aaral kung ano ang kanilang dapat ihanda.

c)

Walang kinalaman ang IEC sa pagpapasya ng kursong nais kunin.

d)

Hindi ito kailangan dahil hindi naman makakatulong para mabawasan ang gastusin.

5.

May nabasang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay hinggil sa pangangalaga ng kalikasan si Pilar. Pinag-isipan niyang mabuti kung sasali siya dahil ang mananalo ay magkakaroon ng gantimpalang maglakbay sa mga bansang kasapi sa ASEAN. Kung sakaling siya ay sasali, aling salik ng pagpapasya ang nagbigay ng lakas-loob para sumali sa patimpalak?

a)

Ang taglay na talino ni Pilar

b)

Ang impormasyon na nabasa

c)

Ang sitwasyon sa mga bansang kasapi sa ASEAN

d)

Ang pagkakataong malibot ang mga bansang kasapi sa ASEAN

6.

Bago sumali sa paligsahan sa pag-akyat ng bundok, inalam muna ni Pedro ang katangian ng kanyang aakyating bundok. Nalaman niya na ito ay isang “rain forest” kung saan may mga linta sa daraanan niya. Nagpasya siyang magbaon ng “anti leech sock” para hindi siya makagat ng mga linta. Alin ang nakatulong sa kanyang pagpapasya?

a)

Ang sitwasyon ng bundok na kanyang aakyatin.

b)

Ang impormasyong nabasa niya tungkol sa mga linta.

c)

Ang mga payo ng mga bihasang umaakyat sa mga rainforest.

d)

Ang una at pangalawang salik

7.

Naitala ni Pedro ang mga nasaliksik niyang dapat dalhin sa pag-akyat ng bundok. Alin kaya ang sumunod na hakbang na isinagawa niya?

a)

Pagpili ng pasya

b)

Paghahanda ng mga alternatibong dadalhin

c)

Pagninilay-nilay kung siya ba ay aakyat.

d)

Pagpili ng mahahalang kailangan sa pag-akyat

8.

Ang pagtatala ni Pedro ng kanyang mga nasaliksik ay ginamit niyang ________ sa pagsusuri para makabuo ng malinaw na tunguhin at matagumpay na paglalakbay.

a)

Payo

b)

Gabay

c)

Ilaw

d)

Wala sa nabanggit

9.

Aling salik ang lalong nakatulong sa kanyang pagpapasya?

a)

Impormasyon mula sa talaan ng kanyang araw-araw na asignatura.

b)

Mga payo ng kanyang mga magulang at guro.

c)

Ang sitwasyon na kanyang hinaharap.

d)

Ang pagkakataon o oras na maari niyang gamitin sa bawat asignatura.

10.

Aling kilos ang isinasagawa ni Pedro?

a)

Pagsusuri ng bigat ng dadalhin

b)

Pagtimbang gamit ang timbangan

c)

Pagninilay-nilay

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Aling salik ang nakaligtaan ni Maria sa pagbuo ng kanyang pasya na sapat na ang pasadong marka?

a)

Gabay ng magulang

b)

Sapat na impormasyon

c)

Kaalaman sa sitwasyon

d)

Lahat ng nabanggit

12.

Aling salik ng pagpapasya ang lalong nakatulong sa pagbuo ng ganoong pasya?

a)

Mga Gabay o pangaral ng mga magulang.

b)

Impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya.

c)

Sitwasyong kinakaharap ng kanyang pamilya.

d)

Lahat ng nabanggit

13.

Aling salik ang nag-udyok sa kanila para makabuo ng ganoong pasya?

a)

Gabay ng mga guro

b)

Impormasyon nakakalap

c)

Sitwasyong nakikita

d)

Pagkakataong tumulong

14.

Ang apat na salik ng pagpapasya ay mahalaga sa pagbuo ng pansarili, pampamilya o panlipunang pagpapasya.

a)

siguro

b)

depende

c)

tama

d)

hindi

15.

Ang pagsaalang-alang ng mga salik ng pagpapasya ay mabisang paraan ng pagiwas sa mga maling pasya.

a)

Hindi

b)

Depende

c)

Siguro

d)

Tama