NEW
Font size
WorksheetsESP 10 1ST QUARTER LONG QUIZ
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ano ang pinakamainam na kahulugan ng “mahirap magpakatao”?
Hindi madaling maging mabuting tao.
Kailangan ng sipag at tiyaga upang maging moral na nilalang.
Ang pagiging tao ay nangangailangan ng disiplina sa isip at kilos-loob.
Ang tao ay likas na marupok at kailangan ng patuloy na paghubog.
Sa paggamit ng kalayaan, kailan ito nagiging makabuluhan?
Kapag nakakamit ang sariling kagustuhan.
Kapag walang hadlang sa pagpili.
Kapag ginagamit ito para sa ikabubuti ng sarili at kapwa.
Kapag ginagamit ito ayon sa personal na pananaw.
Bakit hindi sapat na maging "mabait" lang ang isang tao?
Dahil kailangan ding marunong makisama.
Dahil ang tunay na pagpapakatao ay may katotohanan, kabutihan, at pananagutan.
Dahil ang kabaitan ay pwedeng pakitang-tao lamang.
Dahil kailangan ding maging matalino.
Ano ang pangunahing layunin ng likas na batas moral?
Upang mapanatili ang kaayusan ng lipunan.
Upang maiwasan ang kasalanan.
Upang ituro sa tao ang tama at mali.
Upang bigyan ng direksyon ang tao tungo sa kabutihan.
Sa aling sitwasyon naipapakita ang tunay na kamalayan sa sarili?
Kapag nagalit ka pero napigilan mong sumigaw.
Kapag hindi ka nag-react sa pang-aasar.
Kapag iniisip mo ang epekto ng kilos mo sa iba.
Kapag umiiwas ka sa pag-aaway.
Ano ang pinakamalalim na layunin ng paghubog ng konsensiya?
Upang maging masunurin sa batas.
Upang matuto sa tamang pagpapasya.
Upang maging mas mapanagutan at maka-Diyos.
Upang magkaroon ng kapayapaan sa sarili.
Bakit mas mataas ang antas ng tao kaysa sa hayop?
Dahil ang tao ay may damdamin at pagmamahal.
Dahil ang tao ay may isip at kilos-loob.
Dahil ang tao ay may kakayahang magnilay at magmahal.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng umiiral na nagmamahal?
Paghingi ng tawad sa kaibigan
Pagbibigay ng pagkain sa pulubi
Paggalang sa magulang
Pagtulong kahit mahirap ang sitwasyon
Ano ang dapat isaalang-alang bago gumawa ng isang moral na pasiya?
Payo ng magulang
Konsensiya
Bunga ng kilos
Katotohanan at kabutihan
Paano mo masasabi na ikaw ay may mataas na antas ng pagka-personalidad?
Kapag may tiwala ka sa sarili
Kapag hindi ka nagpapadala sa opinyon ng iba
Kapag ginagawa mo ang tama kahit walang nakakakita
Kapag inuuna mo ang tama kaysa sa madali
Ano ang pinakamabisang hakbang upang mahubog ang konsensiya?
Pananalangin
Pagsusuri ng sariling motibo
Pagkilala sa moral na prinsipyo
Pagtugon sa hamon ng kabutihan
Ano ang mas malinaw na tanda ng malayang kilos-loob?
Kapag gumagawa ng desisyon ng kusa
Kapag may kakayahang kumilos ng hindi pinipilit
Kapag may kakayahang piliin ang kabutihan sa kabila ng tukso
Kapag sinusunod ang sariling kagustuhan
Paano makatutulong ang positibong kamalayan sa sarili sa pagpapakatao?
Nagiging mas maingat sa mga desisyon
Nakikita ang kahalagahan ng sarili
Nakatutulong sa tamang pagtugon sa mga sitwasyon
Lahat ng nabanggit
Alin ang nagpapakita ng buod ng mga umiiral?
Kapag naisip mong ang kahirapan ay hamon, hindi kapalaran
Kapag naiintindihan mong ang tao ay may halaga
Kapag naunawaan mo ang layunin ng buhay
Kapag ginagawang oportunidad ang bawat suliranin
Ano ang pinakaangkop na deskripsiyon ng konsensiya?
Tinig ng Diyos
Gabay ng isip
Moral na hatol sa isang kilos
Panloob na paghatol kung ano ang dapat gawin
Alin sa mga sumusunod ang mas epektibong paraan ng paghubog ng konsensiya?
Pag-aaral ng moral na prinsipyo
Pagninilay sa sariling karanasan
Panalangin at espiritwal na paglalim
Pinagsama-samang proseso ng pagninilay, panalangin, at pag-aaral
Bakit mahalaga ang pag-unlad ng konsensiya mula pagkabata?
Para maging mabait
Para madaling magpasya
Para matiyak na tama ang kilos sa hinaharap
Para hindi maparusahan
Anong katangian ang taglay ng taong may buo at matatag na personalidad?
Marunong mag-adjust
Hindi madaling matukso
Nakabatay sa katotohanan ang pagpapasya
Hindi natitinag sa prinsipyo
Sa anong sitwasyon makikitang ginagamit ang kalayaan nang responsable?
Tumanggi sa barkadang nagyayaya ng bisyo
Pumili ng kurso base sa hilig
Gumawa ng proyekto kahit walang grupo
Gawin ang bagay kahit di ito inutos sa iyo
Bakit masasabing may kakayahan ang tao na umiwas sa mali?
Dahil may batas
Dahil natatakot sa parusa
Dahil may konsensiya
Dahil may isip at kilos-loob
Alin ang mas nagpapakita ng integridad sa isang moral na sitwasyon?
Pagsunod sa guro kahit ayaw mo
Pagsasauli ng sobrang sukli
Pagpapaliwanag ng sarili sa maling paratang
Pag-amin sa pagkakamali nang walang pilitan
Ano ang dapat mong piliin kapag may salungatan sa damdamin at konsensiya?
Damdamin
Konsensiya
Wala sa dalawa
Sitwasyon ang magdidikta
Anong antas ng konsensiya ang nagpapakita ng malayang pagpapasya batay sa sariling pag-unawa?
Superego
Likas na pakiramdam
Moral na konsensiya
Disiplinang konsensiya
Paano tumutugon ang konsensiya sa isang maling kilos?
Nanghihinayang
Nakakaramdam ng galit
Nagninilay at natututo
Umiiyak
Sa anong sitwasyon mas mainam gamitin ang prinsipyo ng “unang hakbang” ng konsensiya?
Kapag may alitan sa kaibigan
Kapag pipili ng kurso
Kapag kailangang iwasan ang tukso
Kapag may pasiya na mahalaga sa kabutihan
Saang bahagi ng sarili nagsisimula ang konsensiya?
Sa emosyon
Sa panlabas na kilos
Sa isip at pagninilay
Sa kilos-loob
Aling pahayag ang nagpapakita ng likas na batas moral?
Ang mabuti ay natural na pinipili
Ang lahat ng batas ay dapat sundin
Ang mali ay mali kahit tinatanggap ng nakararami
A at C lamang
Paano makatutulong ang pagsulat ng talaarawan sa paghubog ng konsensiya?
Nagpapahayag ng saloobin
Nagpapalalim ng pagkamakasarili
Nakakatulong sa pagsisiyasat ng dapat gawing kasamaan
Basta trip lang para aesthetic
Anong prinsipyo ang naaayon sa “gawin ang mabuti, iwasan ang masama”?
Prinsipyo ng hustisya
Prinsipyo ng kabutihan
Unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Prinsipyo ng konsensiya
Aling ugali ang lumalabag sa prinsipyo ng likas na batas moral?
Pagkikibit-balikat sa mali
Pagpapabaya sa kapwa
Pagpapanggap sa harap ng iba
Lahat ng nabanggit
Ano ang tamang tugon kapag alam mong mali ang desisyong pinili mo?
Balewalain
Magpakumbaba at itama ito
Ipagpatuloy na lang
Sisihin ang iba
Anong aspeto ang pinagbubuklod ng pagkatao upang maging “personality”?
Pananalita
Pagkagusto
Paninindigan
Pag-iisip, pagkilos, paniniwala
Paano pinatitibay ng isip ang kilos-loob?
Sa pamamagitan ng pangangatwiran
Sa pagdedesisyon ng damdamin
Sa pag-iwas sa pagsunod
Sa pananakot
Aling pahayag ang nagpapakita ng mataas na moral na konsensiya?
Sinunod ang batas para di maparusahan
Tumulong kahit walang kapalit
Nagbigay dahil pinilit
Nagpasa ng proyekto dahil may grade
Alin sa mga sumusunod ang mas nagpapakita ng tunay na kalayaan?
Ang kakayahang umayaw sa bisyo
Ang kalayaang ipaglaban ang sariling opinyon
Ang kakayahang piliin ang tama sa kabila ng tukso
Ang kakayahang gawin ang gustong gawin
Sa anong paraan nahuhubog ang kabuuang pagkatao ng isang tao?
Sa bisyo
Sa karahasan
Sa pagninilay at aksyon
Sa scatter at bingo
Aling prinsipyo ang mas makatutulong sa moral na pagpapasya?
Emosyon
Likas na batas moral
Konsensiyang nahubog sa tama
B at C
Anong ugali ang nagpapakita ng mataas na moralidad?
Pagkakawanggawa
Pagsunod sa batas
Pagpapasiya batay sa konsensiyang gabay ng Diyos
Pagpapatawad kahit mahirap
Kapag isinabuhay mo ang “ens amans,” ano ang layunin ng kilos mo?
Udyok ng kapalit
Udyok ng damdamin
Pagpapalalim ng halaga ng minamahal
Pagsunod lang sa utos
Anong pinakamataas na antas ng konsensiya ang inaasahan sa isang responsableng kabataan?
Superego
Moral na konsensiya
Konsensiyang paalala ng magulang
Panlabas na utos ng Lipunan
Ang pagiging ganap na tao ay nangangailangan ng:
Maraming kaalaman
Edukasyon at trabaho
Pagpupunyagi upang linangin ang isip at kilos-loob
Pagtanggap sa pagkakamali
Ano ang pangunahing katangian ng tao bilang isang umiiral?
Kakayahang makibagay
Kakayahang magmahal at magpasiya
Kakayahang matuto
Kakayahang sumunod sa utos
Ano ang papel ng isip sa paghubog ng pagkatao?
Upang magdesisyon ng mabilis
Upang suriin kung alin ang tama sa mali
Upang iwasan ang tukso
Upang gumawa ng solusyon
Ang konsensiya ay gumagana bilang:
Tinig ng damdamin
Instinct ng katawan
Moral na paghatol batay sa isip
Batas ng Lipunan
Ano ang epekto ng kakulangan ng kamalayan sa sarili?
Madalas na tama ang desisyon
Pag-unlad ng pagkatao
Kawalan ng layunin
Lahat ng nabanggit
Sa isang sitwasyong may tukso, ano ang unang dapat gamitin upang pumili ng tama?
Damdamin
Isip
Konsensiya
Kaibigan
Paano magiging makabuluhan ang paggamit ng kalayaan?
Kung ito ay ginagamit sa sariling layunin
Kung ito ay tumutugon sa kabutihan ng lahat
Kung ito ay hindi kinokontrol ng iba
Kung ito ay pasya ng karamihan
Ang tao ay may mataas na dignidad dahil:
Siya ay nakaaangat sa iba
Siya ay may isip, puso, at kakayahang magmahal
Siya ay sinusunod
Siya ay may pangalan
Paano maipapakita ang pagiging “ens amans” sa tahanan?
Pagsunod lang kapag may kapalit
Pag-aalaga sa magulang kahit pagod
Paghingi ng regalo sa tuwing may tulong
Pagtatalo sa kapatid tuwing may di-pagkakaunawaan
Alin ang pinakamahusay na hakbang sa isang moral na desisyon?
Isiping mabuti ang kapalit
Suriin ang intensiyon, kilos, at epekto
Gamitin ang damdamin bilang batayan
Tanungin ang kaibigan
