Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Mahabang Pagsusulit sa Komunikasyon at Pananaliksik sa

Total questions: 36

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga antas ng wika?

a)

A. Pambansa

b)

B. Pampanitikan

c)

C. Balbal

d)

D. Pidgin

2.

Anong barayti ng wika ang nabubuo sa loob ng tahanan at karaniwang likha ng bata?

a)

A. Ekolek

b)

B. Etnolek

c)

C. Sosyolek

d)

D. Pidgin

3.

Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang barayti ng wika sa isang lipunan?

a)

A. Para mapili kung anong wika ang mas maganda

b)

B. Para maunawaan ang iba’t ibang gamit ng wika sa iba’t ibang grupo ng tao

c)

C. Para malaman kung sino ang matalino

d)

D. Para maiwasan ang paggamit ng wika

4.

Paano naiiba ang dayalek sa sosyolek?

a)

A. Dayalek ay batay sa edad, sosyolek sa lugar

b)

B. Dayalek ay para sa edukadong tao, sosyolek para sa bata

c)

C. Dayalek ay batay sa lugar o rehiyon, sosyolek ay batay sa grupo o lipunan

d)

D. Pareho lang ang dalawa

5.

Anong antas ng wika ang ginagamit kapag kausap ang matataas na opisyal sa isang pormal na okasyon?

a)

A. Balbal

b)

B. Kolokyal

c)

C. Pampanitikan

d)

D. Pormal o Pambansa

6.

Bakit may mga salitang balbal at kolokyal na mas ginagamit ng kabataan?

a)

A. Dahil hindi nila alam ang tamang grammar

b)

B. Dahil mas madali at mas malapit ito sa kanilang karanasan

c)

C. Dahil ayaw nilang magsalita ng pormal

d)

D. Dahil wala nang ibang salitang puwedeng gamitin

7.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-unawa sa konsepto ng pidgin?

a)

A. Isang pansamantalang wika na nabubuo kapag ang dalawang taong may magkaibang wika ay kailangang magkaintindihan

b)

B. Isang wika na namamana ng isang bata mula sa kanyang mga magulang sa tahanan

c)

C. Isang anyo ng wika na ginagamit lamang sa panitikan

d)

D. Isang wika na itinuturo sa paaralan bilang pormal na asignatura

8.

Isang guro sa Filipino II si Bb. Dela Cruz at mula sa iba’t ibang lugar nagmula ang kanyang mga mag-aaral. Sa oras ng klase sa araling rehistro ng wika, pinabigkas niya ang salitang ganda na may damdamin sa apat na mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang lugar.

Cavite : Aba, ang ganda !

Batangas : Aba, ang ganda ah !

 Bataan : Kaganda ah !

Rizal : Ka ganda hane !

Anong paraan ng pagsasalita ang ginamit?

a)

A. Sosyolek

b)

B. Dayalek

c)

C. Ekolek

d)

D. Creole

9.

Ang isang politiko ay gumagamit ng pormal na wika sa kanyang talumpati, ngunit kapag nasa harap ng kanyang mga kabarkada ay gumagamit siya ng balbal. Ano ang ipinapakita ng paggamit niya ng wika?

a)

A. Wika ay para lang sa matatalino

b)

B. Lahat ng tao ay dapat gumamit ng pormal na wika

c)

C. Nakadepende ang wika sa kausap at sitwasyon

d)

D. Mas maganda kung puro balbal ang gamitin

10.

Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang sa barayti ng wikang jargon ang mga termino tulad ng account, balance, diagnosis at test paper? 

a)

A. Sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan

b)

B. Sapagkat ito ay mula sa isang particular na komunidad

c)

C. Sapagkat ito ay mula sa mga etnolinggwistikong grupo

d)

D. Sapagkat ito ay wikang di pag-aari ninuman

11.

Saang teorya nakabatay ang ideya na ang lahat ng bagay sa paligid ay may sariling tunog na kinakatawan ng wika?

a)

A. Bow-wow

b)

B. Ding-dong

c)

C. Pooh-Pooh

d)

D. Eureka

12.

Aling teorya ang tumutukoy sa pagkatuto ng wika mula sa ritmo ng pagtatrabaho o puwersang pisikal?

a)

A. Yo-he-ho

b)

B. Ding-dong

c)

C. Bow-wow

d)

D. Pooh-pooh

13.

Ano ang ipinahihiwatig ng teoryang pooh-pooh tungkol sa pinagmulan ng wika?

a)

A. Ang wika ay nagmula sa mga hayop

b)

B. Ang wika ay likha ng mga mangangalakal

c)

C. Ang wika ay nag-ugat sa biglaang bugso ng damdamin

d)

D. Ang wika ay resulta ng pagtawa ng mga sinaunang tao

14.

Bakit itinuturing na teoryang bow-wow ang pagbuo ng wika mula sa tunog ng mga hayop o kalikasan?

a)

A. Dahil masaya itong gamitin sa tula

b)

B. Dahil ginaya ng tao ang mga tunog ng paligid upang makipagkomunikasyon

c)

C. Dahil may tunog ang mga salita ng tao

d)

D. Dahil ito ang ginagamit sa mga kanta ng mga tribo

15.

Kung ang isang grupo ay sabay-sabay na nagtutulungan sa pagbubuhat ng bato at sumisigaw ng

“heave-ho,” anong teorya ang inilalarawan?

a)

A. Pooh-Pooh

b)

B. Bow-wow

c)

C. Yo-he-ho

d)

D. Ding-dong

16.

Siya ang nagmungkahi na turuan ang mga Indio ng wikang kastila.

a)

A. Felipe II

b)

B. Carlos I

c)

C. Gobernador Tello

d)

D. Wala sa nabanggit

17.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K Halliday?

a)

A. Interaksiyonal

b)

B. Personal

c)

C. Pampanitikan

d)

D. Regulatori

18.

Bakit mahalagang maunawaan ang teoryang Wave Migration ni Dr. Henry Otley Beyer sa pag-aaral ng kasaysayan ng wikang pambansa?

a)

A. Dahil ipinapakita nito ang epekto ng kolonyalismo sa wika

b)

B. Dahil ipinapakita nito kung paano nagsimula ang kulturang Pilipino at ang pagbuo ng pagkakakilanlan, kabilang ang wika

c)

C. Dahil ginagamit ito sa pagsulat ng modernong tula

d)

D. Dahil ito ang nagturo ng Baybayin sa mga Espanyol

19.

Paano naiiba ang Baybayin sa alpabetong ginagamit natin ngayon?

a)

A. Mas mahirap intindihin ang Baybayin kaysa sa Alpabeto

b)

B. Mas kaunti ang titik ng Baybayin at gumagamit ito ng kudlit para ipakita ang tunog ng patinig

c)

C. Mas maraming titik ang Baybayin

d)

D. Pareho lamang ang dalawa

20.

Sa isang pormal na talumpati, ipinapahayag ng isang lider ang kanyang damdamin tungkol sa kalagayan ng bansa. Anong gamit ng wika ang mas nangingibabaw sa sitwasyong ito?

a)

A. Heuristik

b)

B. Personal

c)

C. Imahinatibo

d)

D. Instrumental

21.

Ala! Ang kanin eh malata eh! Malata eh! 

a)

Pooh-Pooh

b)

Baybayin

c)

Alibata

d)

Regulatori

e)

Dayalek

22.

Ang husay mo naman! Pa’no mo nagawa yun nang mag-isa? 

a)

Kolokyal

b)

Pambansa

c)

Coo-Coo

d)

Alibata

e)

Baybayin

23.

Beks, Where na you? Dito na me! You’re so tagal ha!

a)

Panitikan

b)

Sosyolek

c)

Coo-Coo

d)

Baybayin

e)

Dayalek

24.

Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang alingawngaw ng kanyang tinig.

a)

Lalawiganin

b)

Pambansa

c)

Regulatori

d)

Panitikan

e)

Baybayin

25.

Malinis ang kanilang balay kahit maraming bisita.

a)

Baybayin

b)

Alibata

c)

Sosyolek

d)

Panitikan

e)

Lalawiganin

26.

“Waaaah” Pag-iyak ng sanggol.

a)

Pooh-Pooh

b)

Coo-Coo

c)

haah - haah

d)

maa - maa

e)

oongaa - oongaa

27.

Hoo! Ang bibigat ng mga sakong binubuhat natin.

a)

Yo-he-ho

b)

Coo-Coo

c)

Pooh-Pooh

d)

Kolokyal

e)

Panitikan

28.

Hala! Nabasag ang flower base ni mama.

a)

Pooh-Pooh

b)

Sosyolek

c)

Dayalek

d)

Coo-Coo

e)

Lalawiganin

29.

Bawal Tumawid, Nakamamatay! 

a)

Dayalek

b)

Kolokyal

c)

Regulatori

d)

Pambansa

e)

Alibata

30.

ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ    

a)

Alibata

b)

Baybayin

c)

Lalawiganin

d)

Pambansa

e)

Kolokyal

31.

Ilista ang (5) limang Teoryang Pinagmulan ng Wika at ibigay ang isang halimbawa nito.  

4 lines
32.

Ito ay imbento o inilikha lamang ng tao ang wika.

(a)  

33.

Ayon sa kaniya, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook.

(a)  

34.

Ito pagpapares ng katinig at patinig.

(a)  

35.

Ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat. 

(a)  

36.

Ito ay naglalahad ng pinagmulan ng iba’t ibang wika.

(a)