wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1 - Araling Panlipunan 6 Review

Total questions: 50

Worksheet time: 1hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa pinakamababang uri ng antas sa lipunan ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol?

a)

Indio

b)

Ilustrados

c)

Insulares

d)

Peninsulares

2.

Alin ang HINDI kabilang sa panggitnang uri ng tao sa lipunan noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol?

a)

peninsulares at insulares

b)

prayle at gobernador heneral

c)

mga ilustrado at mestizong Espanyol

d)

kapitan at ang kanilang mga kamag-anak

3.

Ano ang negatibong epekto ng edukasyong kolonyal sa buhay ng mga Pilipino?

a)

naging tamad ang mga Pilipino

b)

lalong walang natutuhan ang mga Pilipino

c)

naging masalimoot ang pamumuhay ng mga tao

d)

bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa sariling kultura

4.

Alin sa sumusunod ang pangunahing ambag ni Gobernador Heneral Carlos Maria De la Torre sa mga Pilipino?

a)

Pinalaganap niya ang nasyonalismo sa bansa.

b)

Nagbigay ito ng maraming salapi sa mga Pilipino.

c)

Minahal siya ng mga Pilipino dahil sa taglay na kabaitan.

d)

Tinulungan niya ang mga Pilipino na umangat ang pamumuhay.

5.

Bakit maraming Espanyol ang nagalit kay Carlos Maria de la Torre nang siya ay nanungkulan bilang gobernador-heneral ng bansa?

a)

dahil sa pagtatapon niya sa mga Espanyol pabalik sa Espanya

b)

dahil sa pagpapaalis niya sa mga Pilipino palabas ng ating bansa

c)

dahil sa pagbibigay niya ng antas na posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan.

d)

dahil sa pagbibigay niya ng ilang prebilihiyo at magandang turing sa mga Pilipino bilang bahagi ng lipunan

6.

Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa kanluran at silangan sa mga Pilipino?

a)

Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa.

b)

Pumasok sa Pilipinas ang iba’t-ibang paniniwala at ideya mula sa Europa.

c)

Naging maunlad ang relihiyon at sistema ng edukasyon na dala ng mga kanluranin at silangang bansa.

d)

Naging malawak ang impluwensiya ng Pilipinas sa buong mundo pagdating sa larangan ng kalakalan.

7.

Paano nakakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng mga Pilipino?

a)

Mabilis ang pagbebenta ng mga Pilipino sa mga kalakal sa ibang bansa.

b)

Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa.

c)

Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano upang kalabanin ang mga Espanyol.

d)

Nagkakaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas upang tuluyang lumayo ang nananakop sa bansa.

8.

Paano nakatutulong ang adhikain ng Rebolusyong Pranses sa mga Pilipino?

a)

Nahingan nila ng tulong ang mga Pranses sa pakikipaglaban.

b)

Nagbigay ito ng daan upang tumindi ang ugnayan ng mga Pilipino sa mga bansang kanluranin.

c)

Naging abala sa pagtulong ang mga Espanyol sa Pranses kaya’t bahagyang nakaligtaan ang Pilipinas.

d)

Nagbigay ito ng ideya sa mga Pilipino na maaaring magkaroon ng pagkapantay-pantay.

9.

Bakit hinadlangan ng mga Espanyol na maging mahusay o dalubhasa ang mga Pilipino?

a)

Walang pambayad sa paaralan ang mga Pilipino.

b)

Ayaw nilang mas lumawak ang kaisipan ng mga Pilipino.

c)

Likas na mahusay ang tingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

d)

Ayaw nilang mas maging matalino ang mga Pilipino at maunahan sila sa larangan ng imbensyon.

10.

Paano nakatutulong ang pagsibol ng kamalayang nasyonalismo sa mga Pilipino?

a)

Naiahon sa kahirapan ang mga katutubo.

b)

Nakapag-aral sa ibang bansa ang mga Pilipino.

c)

Napasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga Espanyol.

d)

Nabigyan ng pagkakataong matutuhan ang mga liberal na kaisipan.

11.

Paano mailalarawan ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol?

a)

Naghirap ang pagsasaka at produksyon.

b)

Masagana ang pagsasaka at produksyon ng pagkain.

c)

Marami ang naging alila ng mga prayle at matataas na opisyal.

d)

Bawat isa ay nagkakautang sa mga namumuhunang Espanyol.

12.

Paano mo masasabi na maayos at tahimik ang pakikibaka ng Kilusang Propaganda?

a)

Hinahangad nila na manumbalik ang sigla ng pamahalaan

b)

Hinahangad nila ang mabilis na pagbabago gamit ang lakas at puwersa

c)

Hinahangad nila ang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng kalikasan.

d)

Hinahangad nila na bumalik ang mga prayle at namumunong Espanyol sa pamamagitan ng pagwewelga.

13.

Bakit naitatag ang Kilusang Propaganda o Repormista?

a)

Nais na maitaguyod at palaganapin ang himagsikan.

b)

Hangad ng mga Pilipino ang makapag-asawa ng lahing Espanyol.

c)

Nabaling ang atensyon ng mga Espanyol sa mga kasapi ng kilusan.

d)

Napagkalooban ng kalayaan sa pamamahayag, pagpupulong at pagharap sa pamahalaan.

14.

Bakit nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino na magkaroon ng pagbabago ang bansa sa ilalim ng Pamahalaang Espanyol?

a)

sapagkat mahirap lamang sila

b)

sapagkat inaalipin ang mga Pilipino

c)

sapagkat di makatarungan ang pagbitay ng GOMBURZA

d)

sapagkat wala silang kakayahang magwagi laban sa Espanyol

15.

Bakit nawalay at tuluyang nabuwag ang Kilusang Propaganda?

a)

dahil sa pagkamatay ni Dr. Jose P. Rizal

b)

dahil umayaw na ang mga Repormista

c)

dahil pagod na sila sa pakikipaglaban

d)

dahil ginusto ng mga Pilipino na magpaalila habambuhay

16.

Ano ang ipinapahiwatig ng mga pangyayari sa Pugadlawin?

a)

Lumakas ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa bansa.

b)

Humina ang kakayahan ng mga Pilipino laban sa Espanyol.

c)

Lumaganap na ang katiwalian ng mga Espanyol sa buong bansa at ito ay buong lakas na isinisiigaw ng mga Pilipino.

d)

Nahuli ng mga guwardiya sibil ang mga Pilipinong nagnanais na maghimagsik kaya nagwakas ang Katipunan.

17.

Ano ang dahilan kung bakit hinatulan ng kamatayan ang magkapatid na sina Andres at Protacio Bonifacio?

a)

pandaraya sa eleksyon

b)

pagtataksil sa samahan

c)

pagpabaya sa kanilang tungkulin

d)

pagkampi ng magkapatid sa kastila

18.

Ano ang ibig sabihin ng kasunduan sa Biak-na-Bato?

a)

Malaya na ang mga Pilipino.

b)

Kastila pa rin ang namumuno sa bansa.

c)

Pilipino at kastila na ang namumuno sa bansa.

d)

Binigyan ng magandang buhay ang pamilya ng rebolusyonaryo.

19.

Ano ang isinasaad ng kasunduan sa Biak-na-Bato ukol sa mga rebolusyonaryong Pilipino?

a)

Ang lahat ay patatrabahuin sa mga tanggapan.

b)

Ang lahat ng mga Pilipino ay papaalisin sa Pilipinas.

c)

Ang mga rebolusyonaryong Pilipino ay papatawan ng parusa.

d)

Sundin ang mga probisyon na isinasaad ng kasunduan sa Biak-na Bato

20.

Ano ang naging bunga ng pagpapatibay ng Saligang Batas ng Malolos?

a)

Nagkaroon ng maayos na Saligang Batas ang Malolos.

b)

Nabuo ang Unang Republika o Republika ng Malolos.

c)

Nagwakas ang Pamahalaang rebolusyonaryo at itinatag ang Pamahalaang Republikano.

d)

Nagwakas ang Pamahalaang Diktatoryal at nabuo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo.

21.

Ano ang layunin ng kasunduan sa Biak-na-Bato?

a)

Ituloy ang labanan kahit may kasunduan.

b)

Ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas.

c)

Itago sa lahat ang mga anomalya ng pamahalaan.

d)

Itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa.

22.

Alin sa pahayag ang sabay-sabay na isinigaw ng mga Katipunero pagkatapos nilang punitin ang kanilang sedula?

a)

Para sa Pilipinas!

b)

Para sa Pagbabago!

c)

Mabuhay ang Kalayaan!

d)

Mabuhay ang Rebolusyonaryo!

23.

Bakit hindi nagtagumpay ang kasunduan ng Biak-na-Bato?

a)

dahil ang mga Pilipino lamang ang tumupad sa usapan

b)

dahil parehong hindi tumupad ang dalawang panig sa probisyong kasunduan

c)

sapagkat una pa lang ay tutol na ang mga Espanyol sa hinihingi ng mga Pilipino

d)

sapagkat nagkaroon ng kampihan sa loob ng samahan ng mga Espanyol

24.

Bakit nagdesisyon ang mga Katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming kakulangan sa pakikidigma?

a)

dahil mananalo sila sa labanan

b)

dahil nabulgar na ang samahan

c)

nang matantong wala silang magagawa

d)

nang magbigay ng suporta ang ibang lalawigan

25.

Paano nakaapekto ang pagkahati ng Propaganda sa pagitan nina Marcelo H. Del Pilar at Jose Rizal at ng katipunan sa pagitan nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo sa kanilang pakikipaglaban?

a)

Ang mga lider at miyembro bawat grupo ay dumami.

b)

Ang samahan ng mga katipuneros ay lalong pinagtibay.

c)

Pagkampi-kampihan sa loob ng samahan ang naging dahilan ng pag-aaway ng mga miyembro.

d)

Naging mahirap ang komunikasyon sa pagitan ng mga lider at miyembro dahil nahati din sa dalawa ang kuta ng pangkat.

26.

Paano mo mailalarawan ang tungkuling ginagampanan ng mga kababaihan sa panahon ng himagsikan?

a)

Madali. Ginagamot ang mga katipunerong nasusugatan.

b)

Maayos. Pinaghahandaan ng pagkain at nilalabhan ang mga damit ng katipunero.

c)

Mahirap. Naging tagagamot, tagaluto, tagalaba at ina sa mga kasapi ng Katipunan.

d)

Mahirap. Nagsisilbi sa mga among Espanyol at nagtatrabaho bilang tagagamot ng mga katipune

27.

Ikaw ay inatasan na mag-ulat tungkol sa partisipasyon ng mga kababaihan sa himagsikan, ano ang gagawin mo?

a)

Pakiusapan ang guro na siya na lamang ang tatalakay sa paksa.

b)

Makisuyo sa mga kamag-aral na may alam na sila ang mag-uulat.

c)

Gamitin ang natutunan sa nakaraang baitang at matulog nang maaga.

d)

Magsaliksik at piliin ang mahahalagang pangyayari na gagamitin sa talakayan

28.

Sa paanong paraan naipakita ng mga kababaihan ang kanilang suporta sa himagsikan?

a)

Sila ay nakikilahok sa labanan.

b)

Inaalagaan nila ang mga rebolusyonaryong sugatan.

c)

Pinunduhan nila ang gagawing pakikidigma ng mga rebolusyonaryo.

d)

Binilhan nila ng kagamitan gaya ng armas at damit ang mga rebolusyonaryo.

29.

Bakit mahalaga ang papel ng mga kababaihan sa himagsikang Pilipino?

a)

Napadaling talunin ang mga kalabang Espanyol.

b)

Napabilis ang pagdami ng mga kasapi ng rebolusyonaryo.

c)

Naging maayos at napadali ang mga gawain ng mga rebolusyonaryong Pilipino.

d)

Naging inspirado ang mga rebolusyonaryo dahil sa paggapi ng mga kababaihan.

30.

Ano ang implikasyon ng ginawang pakikipaglaban ng kababaihan sa panahon ng himagsikan sa kasalukuyang panahon?

a)

Naipagmalaki ang kagalingan ng mga kababaihan sa buong mundo.

b)

Nagagamit ang mga kababaihan sa larangan ng paghahanapbuhay.

c)

Ang mga kababaihan ay may kakayahan sa mga gawaing bahay at pag-aalaga.

d)

Ang mga kababaihan sa panahon ng himagsikan ay may malaking ambag sa pakikipaglaban.

31.

Nagkaroon ng halalan sa iyong paaralan. Ang kamag-aral mong si Jerric ay bumuto samantalang si Mark ay walang pakialam. Sino sa dalawa ang nagpapahalaga sa kalayaan sa pagboto?

a)

Si Jerric na isinabuhay ang karapatang bumuto.

b)

Si Mark na walang pakialam sa pangyayaring naganap.

c)

Si Jerric na inutusan ng guro na bumuto kaya niya ito ginawa.

d)

Sina Jerric at Mark na kapwa mag-aaral.

32.

Bilang isang mag-aaral, ano ang hakbang na gagawin mo upang mapanatili ang pagpapahalaga sa kalayaan ng Pilipinas?

a)

Lalahok sa mga pampamayanang aktibidad.

b)

Maging tapat sa mga kaibigan at mga kaklase.

c)

Magsasabi ng po at opo habang nakikipag-usap.

d)

Maging mapagmahal sa kapwa Pilipino at sa ibang lahi.

33.

Masasabi mo bang naging mahalaga ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos sa ating bansa? Bakit?

a)

Oo, dahil may mga Pilipino na umangat ang buhay dahil dito.

b)

Oo, dahil nanumbalik ang pagiging makabayan ng mga Pilipino.

c)

Hindi, dahil maraming aliping Pilipino ang pumapanig pa rin sa Espanyol.

d)

Hindi, dahil walang pagbabago nang naganap sa Pilipinas pagkatapos maitatag ang kongreso.

34.

Gumawa ng malaking watawat si Jose gamit ang papel at iba pang kagamitan bilang paggunita sa “Araw ng Kalayaan”. Dapat bang tularan si Jose? Bakit?

a)

Oo, dahil bilang isang mag-aaral dapat sumunod sa utos ng guro.

b)

Oo, dahil bilang mag-aaral ito ay isang paraan ng pakiisa sa paggunita sa kalayaan ng bansa.

c)

Hindi, dahil aksaya lamang ng oras ang paggawa ng watawat.

d)

Hindi, dahil may mga takdang-aralin pa na dapat unahin at kailangang tapusin upang maging handa.

35.

Patuloy sa paglalakad si Andrianne papasok sa kanyang silid-aralan kahit narinig na niyang kinakanta ng mga kamag-aral ang Lupang Hinirang. Bilang mag-aaral, tama ba ng ginawa niya? Bakit?

a)

Oo, dahil kailangan niyang magmadali para hindi mahuli sa klase.

b)

Oo, dahil kailangang ilagay muna niya ang kanyang bag sa loob ng silid-aralan bago pumila.

c)

Hindi, dahil kailangang huminto muna siya bilang paggalang at pagsaludo sa mga kabayanihang nagawa ng ating mga ninuno.

d)

Hindi, dapat dumiritso muna siya sa pila ng kanyang mga kamag-aral para ipakita na marunong siyang sumunod sa utos ng guro.

36.

Noong Disyembre 10, 1898, anong pangyayari ang ideniklara ng Estados Unidos?

a)

digmaan ng Amerikano at Pilipino

b)

digmaan ng Hapones at Pilipino

c)

digmaan ng Amerikano at Espanyol

d)

digmaan laban sa Pilipino at kapwa Pilipino

37.

Alin sa sumusunod ang kasunduang naglipat ng pamamahala sa Pilipinas mula sa mga Espanyol papunta sa Estados Unidos?

a)

Paris Treaty

b)

Batas Militar

c)

Pakto ng Warsaw

d)

Teller Amendment

38.

Kailan nagsimula ang digmaang Pilipino at Amerikano?

a)

Pebrero 4, 1899

b)

Enero 6, 1990

c)

Pebrero 5, 1991

d)

Marso 8, 1991

39.

Ilang taon ang Digmaang Pilipino-Amerikano?

a)

isang taon

b)

dalawang taon

c)

tatlong taon

d)

apat na taon

40.

Ano ang ibig sabihin ng Mock Battle sa Look ng Maynila?

a)

kunwaring labanan ng Espanya at Amerika

b)

kunwaring pakikisundo ng Amerika sa Pilipinas

c)

kunwaring sigalot sa tatlong bansa-Amerika, Pilipinas at Espanya

d)

kunwaring babayaran ng bansang Amerika ang Espanya upang sakupin ang Pilipinas

41.

Ano ang naging bunga sa nilagdaang kasunduan sa Paris ng mga kinatawan nito?

a)

Naipasa ng Espanya ang Pilipinas sa ilalim ng kapangyarihan ng Amerika.

b)

Nagpahayag ng pakikidigma ang mga Espanyol sa mga Amerikano

c)

Napadali ang gagawing pananakop ng mga Espanyol sa kapuluan.

d)

Pinapatay ang mga batang lalaki na may gulang sampung taon pataas at pinasunog ang buong bayan.

42.

Ano ang ipinapakitang tagumpay ng mga taong bayan sa Balangiga?

a)

Maayos na mga armas ng mga Pilipino.

b)

Nagpakita ito ng pag-aabuso ng mga Pilipino.

c)

Nagpakita ito ng kagitingan at lubos na pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan.

d)

Pinatunayan nito ang kakulangan ng pagkakaisa at pagkawatak-watak ng mga Amerikano.

43.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagkatalo ng hukbong Pilipino laban sa mga Amerikano sa unang laban?

a)

kakulangan sa tao

b)

kakulangan sa pagkain

c)

kakulangan sa mga sandata

d)

hindi pagkakaisa ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan

44.

Paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano?

a)

Nang patayin ng hukbong Pilipino ang mga Amerikano.

b)

Nang atakihin ng hukbong Pilipino ang hukbong Amerikano

c)

Nang patayin ni William Walter Grayson ang Pilipinong sundalo na tumawid sa Tulay ng San Juan del Monte.

d)

Nang atakihin ang hukbong Pilipino na walang kalaban-laban sa harap ng mga kababayan niya.

45.

Paano nagwakas ang kunwaring labanan sa pagitan ng mga Espanyol at mga Amerikano?

a)

Nagkaroon ng rally tanda ng pagsuko.

b)

Nagwelga ang mga Espanyol laban sa Amerikano.

c)

Sumigaw nang malakas bilang tanda sa pagkatalo.

d)

Iwinawagayway ng mga Espanyol ang puting bandila.

46.

Paano mo mabibigyang halaga ang mga natatanging kontribusyon ng mga Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan?

a)

makilahok sa mga gawaing pampamayanan

b)

maging tapat sa matalik na kaibigan at mga kaklase

c)

paggalang sa watawat at pakiisa sa mga gawaing may kinalaman sa paggamit ng kalayaan

d)

pagsikap sa pag-aaral upang makapagtapos, makahanap ng magandang trabaho upang maiangat ang pamilya sa kahirapan

47.

Bilang isang batang Pilipino, anong gintong aral ang iyong napulot sa mga kabayanihang nagawa ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan?

a)

Maaring makatulong sa bayan kahit sa maliit na paraan.

b)

Maging matapang para makatulong sa panahon ng kagipitan o digmaan.

c)

Mag-aral ng mabuti upang makatulong sa pamahalaan sa panahon ng suliranin o digmaan.

d)

Ipaalam sa pamahalaan ang kakilalang may malakas na kalooban upang maging parte sa labanan.

48.

Si Heneral Gregorio del Pilar ay tinaguriang pinakabatang bayani na nagbuwis ng buhay para sa Pilipinas. Siya ay may malasakit sa bansa. Bilang isang mabuting mamamayan, kailan mo masasabi na ikaw ay may malasakit sa bansa?

a)

Nagsasabi lagi ng tapat at totoo.

b)

Nagbibigay ng pagkain at kagamitan sa mga apektado sa sakuna.

c)

Nakikilahok sa mga gawaing patimpalak sa paaralan at sa komunidad.

d)

Nakikipagtulungan sa mga kamag-aral tuwing may clean-up-drive na programa ng pamahalaan.

49.

Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa winika ni Dr. Jose P. Rizal na “Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan”? Bakit?

a)

Oo, dahil nakasalalay ang pag-angat ng bansa sa kabataan.

b)

Oo, dahil ang kabataan ay kaakibat ng bayan sa pagbuo ng magandang kinabukasan.

c)

Hindi, dahil kapwa nakakatanda at kabataan ang pag-asa ng bayan sa pagbuo ng magandang kinabukasan.

d)

Hindi, dapat ang mga nakakatanda ang kinabukasan dahil nakasandal ang kabataan sa kanilang pag-aaruga.

50.

Ang mga repormista na pinamumunuan ni Dr. Jose Rizal ay nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop sa mapayapang paraan gamit ang kanyang kaisipan. Maaari bang gamitin sa kasalukuyan ang pananaw na ito sa paglutas ng suliraning pangkapayapaan?

a)

Oo, dahil mas mainam na lutasin ang suliranin sa mapayapang paraan.

b)

Oo, dahil maraming magagaling na Pilipino na mahusay lumutas ng suliranin sa mapayapang paraan.

c)

Hindi, dahil kapag hindi malulutas sa ayos na usapan kailangang marunong din makipaglaban.

d)

Hindi, dahil sinasanay ng pamahalaan ang sandatahang lakas upang maihanda sa laban sa oras ng suliranin.