NEW
Font size
WorksheetsGrade 6 AP 2nd FA Reviewer
Total questions: 55
Worksheet time: 28mins
1. Ang kasunduang ito ay nabunyag noong Disyembre 10, 1898 dahilan upang magsimula ang tensiyon sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano.
A. Kasunduan sa Biak-na-Bato
B. Kasunduang Bates
C. Treaty of Paris
D. Treaty of Tordesillas
2. Ano ang motibo ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Palawakin ang kanilang “political empire” sa Pilipinas at patayuan ng mga
base militar
B. Palaganapin ang relihiyong Protestantismo
C. Ipatupad ang pang-ekonomiyang interes ng America sa bansa bilang
mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap
D. Lahat ng nabanggit.
3. Anong pangyayari ang naganap noong Pebrero 4, 1899 na siyang sinasabing simula ng Digmaang Pilipino – Amerikano?
A. Nagpaputok ang Amerikanong si William Walter Grayson sa mga Pilipino
habang nagpapatrolya sa panulukan ng Calle Sociego at Calle Silencio, Sta. Mesa.
B. Dinakip ng mga Amerikanong sundalo si Emilio Aguinaldo.
C. Lumusob ang mga mandirigmang Pilipino sa himpilan ng mga Amerikano
sa bayan ng Balangiga, Samar.
D. Nabunyag ang Treaty of Paris na nilagdaan ng mga Amerikano at mga
Espanyol.
4. Siya ay tinaguriang “Bayani ng Tirad Pass” dahil sa kaniyang ginawang pagharang sa mga Amerikano upang makalayo at makatakas si Emilio Aguinaldo.
A. Marcelo H. Del Pilar
B. Gregorio Del Pilar
C. Miguel Malvar
D. Macario Sakay
5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magbigay paliwanag sa pangyayaring naganap sa Balangiga noong Setyembre 28, 1901?
A. Lumusob ang mga sundalong Amerikano sa kuta ng mga Pilipino na
siyang ikinamatay ng maraming sundalong Amerikano.
B. Gumanti ang mga Pilipino at sila ay nagsagawa ng kontra-opensiba
dahilan upang lalong magalit ang mga Amerikano.
C. Lihim na umatake ang mga Pilipino sa himpilan ng mga Amerikano na
siyang ikinasawi ng apatnapung sundalo sa panig ng mga Amerikano.
D. Ninakaw ng mga Amerikano ang kampana ng simbahan ng Balangiga na
nagsisilbing war booty ng mga Pilipino.
6. Ang kasunduang ito ay isinagawa sa pagitan ng mga Amerikano at ng mga Muslim upang mapadali ang pananakop nila sa bansa.
A. Kasunduang Bates
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduang Smith
D. Kasunduan sa Tordesillas
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa nilalaman ng Kasunduang Bates?
A. Kikilalanin ng Estados Unidos ang soberanya ng arkipelago ng Sulu.
B. Igagalang ng mga Amerikano ang relihiyon at mga tradisyon ng mga
Muslim.
C. Kikilalanin ng mga Muslim ang kapangyarihan ng mga Amerikano.
D. Magbabayad ng buwis ang mga Amerikano sa mga Muslim.
8. Bakit nakipagkasundo ang mga Amerikano sa mga Muslim sa Jolo, Sulu?
Tayahin
A. upang mapadali ang kanilang pagpaparami ng mga hilaw na sangkap
B. upang marami silang maging kaibigan
C. upang mapalawak ang kanilang relihiyong Islam
D. upang mapadali ang pananakop ng mga Amerikano sa kupuluan ng
Pilipinas
9. Sang-ayon ka ba sa pakikipagkasundo ng mga Muslim sa mga Amerikano?
A. Oo, dahil pangkapayapaan naman ang kasunduang ito.
B. Oo, dahil sa kasunduang ito hindi napasama ang mga Muslim sa mga
labanan.
C. Hindi, dahil ginamit lamang ang kasunduan bilang estratehiya ng
pananakop ng mga Amerikano.
D. Hindi, dahil mga Muslim lang ang nakipagkasundo.
10. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng mga epekto ng pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano maliban sa isa.
A. Maraming mga Pilipino ang nagtago sa kabundukan at nagtayo ng sarili
nilang pamahalaan.
B. May mga Pilipino ang piniling magsulat ng mga talinhaga sa wikang
Tagalog laban sa mga Amerikano.
C. May mga Pilipino ding aktibong nagsulat sa mga pahayagan upang
maiparating sa pamahalaang Amerikano ang mga hinaing ng mga
Pilipino.
D. May mga humingi ng tulong sa pandaigdigang organisasyon upang
maiparating ang hinaing ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.
Sino ang bayaning Pilipino ang inilalarawan bilang:
Tagapayo ni Emilio Aguinaldo
Utak ng Rebolusyon
Dakilang
Lumpo/Paralitiko
Apolinario Mabini
Gregorio del Pilar
Emilio Jacinto
Jose Rizal
Sino ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan?
Andres Bonifacio
Gregorio del Pilar
Emilio Aguinaldo
Emilio Jacinto
Sino ang tinawag na “Bayani ng Pasong Tirad”?
Andres Bonifacio
Emilio Aguinaldo
Gregorio del Pilar
Jose Rizal
Bakit nakialam ang US sa digmaang ginagawa ng bansang Cuba laban sa Espanya?
Sinuportahan ng US ang paglaban ng Cuba sa Espanya dahil sa ekonomikong interes nito sa nasabing bansa.
Makadadagdag ito sa kapangyarihan ng US sa buong mundo.
May interes ang US sa Pilipinas sa pakikipagkalakalan dito.
Matagal nang pinag-aagawan ng US at Espanya ang Cuba.
Bakit pumayag ang Espanya na makipagkasundo sa US upang maganap ang Pekeng Labanan sa Maynila (Mock Battle of Manila)?
Kasama ito sa nakasulat sa Kasunduan ng Paris.
Upang ipakita sa mga Pilipino na sila ay hindi natatakot sa US.
Gustong ipakita ng Espanya na natalo sila nang lumalaban pa din.
Upang maiwasan ng Espanya ang kahihiyan sa pagsuko nila sa US.
Anong kasunduan ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang mapasuko at mapatahimik ang Mindanao?
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Kasunduan sa Malolos
Kasunduan sa Paris
Kasunduang Bates
Alin ang HINDI kasama sa Kasunduan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipinong Muslim sa Mindanao?
Paggalang sa relihiyon at tradisyong Muslim
Pagbibigay ng buwanang sahod sa mga sultan at mga datu
Paggalang sa mga karapatan ng sultan at kanyang mga datu
Pagsasailalim ng Sulu sa pamamahala ng US bilang isang estado nito
Kung ang titik ng Marcha Nacional Filipina ay nilikha ni Jose Palma mula sa tulang Filipinas, sino naman ang gumawa ng himig (o musika) nito?
Julian Felipe
Felipe Calderon
Apolinario Mabini
Ambrosio Rianzares Bautista
Sino ang matapang at mahigpit na pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) na nakapag-aral sa Europa ng taktikang militar at pinatay ng mga kapwa rebolusyonaryong Pilipino?
Gregorio del Pilar
Emilio Aguinaldo
Macario Sakay
Antonio Luna
Anong pangyayari ang naging “ganti” ng mga Amerikano sa matagumpay na pag-atake ng mga Pilipino sa Samar na ikinamatay ng maraming sundalong Amerikano?
Labanan sa Pasong Tirad
Benevolent Assimilation
Pagbagsak ng Malolos
Balangiga Massacre
Tinanggap ni Aguinaldo ang alok ng mga Amerikano upang kumampi sa kanilang sabay na pakikipaglaban sa mga Espanyol.
Tama
Mali
Nagwagi ang US laban sa Espanya sa naganap na “Battle of Manila Bay” noong Mayo 1, 1898.
Tama
Mali
Dahil sa pagkakaroon ng Saligang Batas ng Malolos, naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas.
Tama
Mali
Naniwala ang lahat ng Pilipino sa “Benevolent Assimilation Proclamation” ni Pangulong William McKinley ng EU.
Tama
Mali
Naunang nagpaputok ang mga sundalong Pilipino nang pahintuin sila ng pangkat ng mga Amerikanong sundalo sa pamumuno ni Private William Walter Grayson. Ito ang naging simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Tama
Mali
Itinayo ni Macario Sakay ang Republika ng Katagalugan bilang paglaban sa pamahalaang Kolonyal na Amerikano.
Tama
Mali
Isang mahusay na heneral at magaling sa estratehiyang pangmilitar si Gregorio delPilar. Ngunit dahil sa istriktong pagdidisiplina at pagkamainitin ang ulo, naging sanhi ito ng pagpatay sa kanya ng kapwa Pilipino.
Tama
Mali
Si Andres Bonifacio ang itinuturing na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas dahil sa pagkakatatag ng Republika ng Malolos.
Tama
Mali
Binasa ang Deklarasyon ng Kalayaan ng mga Pilipino mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Tama
Mali
Naganap ang pagtatanggol sa Balangiga Pass upang makatakas ang Pangulo ng Republika.
Tama
Mali
Sino ang naging tagapamagitan (emissary) sa mga pinunong Espanyol at Pilipino upang magkaroon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?
Emilio Jacinto
Daniel Tirona
Pedro Paterno
Emilio Aguinaldo
Siya ang naging dahilan ng pagkakadiskubre ng KKK bilang isang lihim na samahan
Trece Martires
Procopio Bonifacio
Teodoro Patiño
Daniel Tirona
Sila ang itinuturing na mga Martir ng Rebolusyon sa Cavite
Emilio Aguinaldo
Daniel Tirona
Trece Martires
Procopio Bonifacio
Kasama siya ni Anders Bonifacio na hinatulan ng parusang kamatayan.
Daniel Tirona
Trece Martires
Teodoro Patiño
Procopio Bonifacio
Madalas siyang tinatawag na "The Father of the Philippine Revolution". Sino ang bayaning ito?
Emilio Aguinaldo
Jose Rizal
Andres Bonifacio
Juan Luna
Siya ay isang heneral ng hukbong Pilipino, na lumaban sa Digmaang Pilipino – Amerikano. Tinalakay bilang isa sa pinakamabangis na heneral ng kanyang panahon.
Juan Luna
Antonio Luna
Marcelo H. del Pilar
Emilio Aguinaldo
Ay isang Pilipinong rebolusyonaryo na naging kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad sa panahon ng Himagsikang Pilipino. Kilala siya bilang "Grand Woman of the Revolution" at ang "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga naiambag.
Melchora Aquino
Gabriela Silang
Trinidad Tecson
Maria Orosa
Isang sharpshooter at isang walang takot na sundalo. Mula noon, naipalabas siya nang paulit-ulit hanggang sa siya ay naging buong heneral sa edad na 23 kaya sya ay tinaguriang "Ang Batang Heneral"
Jose Rizal
Antonio Luna
Juan Luna
Gregorio del Pilar
Patakaarang naglalayon ng pagkakaroon ng matibay na makikipagkaibigan ng mga Amerikano sa Pilipino.
Benevolent Assimilation
Ko-optasyon
Pasipikasyon
Patakarang nagsasabing walang silbi ang patakarang benevolent assimilation.
ko-optasyon
Pasipikasyon
Schurman
Patakaran nagpapakita ng panunumpa ng mga Pilipino ng katapatan sa mga Amerikano.
Benevolent assimilation
Ko-optasyon
Pasipikasyon
Sila ang unang naging guro ng mga Pilipino.
Thomasites
Mga magulang
Sundalong Pilipino
Siya ay gumawa ng isang komisyon na naglalayong mapabuti ang mga Magsasakang Pilipino.
William Taft
Schurman
Spooner
Siya ang nagsabing ang nagsabing ang "Pilipinas ay para sa mga Pilipino"
Aguinaldo
MacArthur
William Taft
Ang layunin nito ay supilin ang Nasyonalismong Pilipino na nakikipaglaban para sa kalayaan.
PATAKARANG KOOPTASYON
PATAKARANG PASIPIKASYON
PATAKARANG KOOPTIKO
PATAKARANG PALSIPIKASYON
Pumayag ang mga Pilipino na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano.
Patakarang Kooptasyon
Patakarang Administrasyon
Patakarang Koopnatco
Patakarang Tama
Sa ilalim ng patakarang ito ay ipinatupad ng mga Amerikano ang Batas Sedisyon, Batas Rekonsentrasyon, Batas sa Watawat at Batas Brigandage
Patakarang Pasipikasyon
Patakarang Kooptasyon
Sa ilalim ng patakarang ito ay napasailalim sa mga Pilipino ang pamahalaang lokal at naigawad din ang karapatang bumoto sa mga lalaking may 23 taong gulang na nakababasa at nakasusulat
Patakarang Pasipikasyon
Patakarang Kooptasyon
