WorksheetsPagsasanay 1.1
Total questions: 25
Worksheet time: 8mins
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.
Alin sa mga sumusunod na paniniwala ang batay sa agham at masusing pag-aaral?
Mitolohiya
Relihiyon
Teorya
Alin sa mga ito ang batay sa pananampalataya at karaniwang nagmumula sa mga banal na kasulatan?
Mitolohiya
Relihiyon
Teorya
Alin sa sumusunod ang batay sa kwento, salaysay, at pamahiin hingil sa mga masalamangkang bayan, nilalang, at nilikha?
Mitolohiya
Relihiyon
Teorya
Alin sa sumusunod ang tinuturing sa kasalukuyan na pinakamatandang labi ng tao na nahukay sa Pilipinas?
Austronesyano
Taong Callao
Taong Tabon
Ang labi ng Taong Tabon ay natagpuan sa Palawan noong 1962. Anong teorya ang sumusuporta sa paniniwala na ang mga sinaunang Pilipino ay narito na bago pa man dumating ang ibang lahi?
Teoryang Migrasyon ng Austronesyano
Teoryang Bulkanismo
Teoryang Core Population
PANUTO: Tukuyin kung ang paniniwala tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas at pinagmulan ng sinaunang Pilipino ay Teorya, Mitolohiya, o Relihiyon.
Ang Austronesyano ang ninuno ng mga Pilipino.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Ang kwento ng paglalaban ng tatlong higante na naging sanhi ng pagkabuo ng kapuluan.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Ang mga Austronesyano ay lumaganap sa Timog-Silangang Asya dahil sa pandarayuhan.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Ang mundo ay nilikha ng makapangyarihang Diyos at ito ay nakasaad sa banal na aklat ng mga Kristiyano.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Ang Pilipinas ay nabuo dahil sa pagtambak ng materyales mula sa pagsabog ng mga submarinong bulkan.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Mayroon nag-iisang kontinente sa mundo at ito ay tinawag na Pangaea.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Mayroong mga sinaunang Pilipino dito mismo sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga nandayuhan.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Nagmula ang unang babae at lalaki sa kawayang tinuka ng isang ibon.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Paniniwalang ang lupa ay nagmula sa libag ng Kataas-taasang diyos na si Melu.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
Si Adan at Eba ang unang tao na nilikha ng Diyos ayon sa Bibliya.
Teorya
Mitolohiya
Relihiyon
PANUTO: Tukuyin kung anong teorya ang inilalarawan sa bawat bilang.
Ayon kay Bailey Willis, nabuo ang Pilipinas mula sa pagsabog ng mga bulkan sa Karagatang Pasipiko.
Teoryang Bulkanismo
Teoryang Continental Drift
Teoryang Core Population
Teoryang Plate Tectonics
Ipinaliliwanag sa teoryang ito ang paggalaw ng mga platong tektoniko na naging sanhi ng pagkabuo ng kalupaan sa Pilipinas.
Teoryang Bulkanismo
Teoryang Continental Drift
Teoryang Core Population
Teoryang Plate Tectonics
May iisang superkontinente lamang ang dating mundo na tinawag na Pangaea.
Teoryang Bulkanismo
Teoryang Continental Drift
Teoryang Core Population
Teoryang Plate Tectonics
Ang mga Pilipino ay unti-unting nabuo at umunlad sa Pilipinas mismo sa pamamagitan ng pagbabago sa kultura at migrasyon.
Teoryang Bulkanismo
Teoryang Continental Drift
Teoryang Core Population
Teoryang Migrasyon ng Austronesyano
Ang mga ninuno ng Pilipino ay nagmula sa Timog Tsina at kumalat sa Timog-Silangang Asya.
Teoryang Bulkanismo
Teoryang Continental Drift
Teoryang Core Population
Teoryang Migrasyon ng Austronesyano
Ito ang pag-aaral ng mahahalagang pangyayari sa nakaraan.
Mitolohiya
Kasaysayan
Teorya
Relihiyon
Tawag sa sangguniang mula mismo sa nakasaksi ng pangyayari.
Primarya
Pantayo
Sekundarya
Pangsila
Ang encyclopedia ay halimbawa ng _______________ sanggunian.
Primarya
Sekundarya
Anong uri ng pananaw ang ipinakikita sa pahayag?
Ipinaliwanag ng isang German tour guide ang kasaysayan ng Freedom Park sa mga kaibigang German.
Pangsila
Pangkami
Pantayo
Anong uri ng pananaw ang ipinakikita sa pahayag?
Isang guro ang nagturo ng kasaysayan sa kanyang klase gamit ang wikang Filipino.
Pangsila
Pangkami
Pantayo
