Font size
WorksheetsELYSSE AP
Total questions: 72
Worksheet time: 6hrs 0mins
Ito ay isang linya o landas na sinusundan patungo sa isang bagay o lugar. Ano ang tawag dito?
a. linya
a. direksyon
a. distansya
a. bayan
Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing direksyon?
Hilaga
Silangan
Timog-kanluran
Kanluran
Saang direksyon sumisikat ang araw?
a. Kanluran
a. Hilaga
a. Silangan
a. Timog
Kapag papunta ka sa kanan gamit ang karaniwang mapa, saang direksyon ka tumutungo?
a. Hilaga
a. Silangan
a. Timog
a. Kanluran
Ano ang gamit ng direksyon sa pang-araw-araw na buhay?
a. Pang-aliw
a. Para malaman ang patutunguhan
a. Para malaman ang edad ng isang tao
a. Para malaman ang panahon
Alin sa mga sumusunod ang kasalungat na direksyon ng hilaga?
a. Silangan
a. Kanluran
a. Timog
a. Timog-kanluran
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing direksyon?
a. Hilagang-kanluran
a. Timog-silangan
a. Kanluran
a. Hilagang-silangan
Ano ang ibig sabihin ng relatibong lokasyon?
a. Ang eksaktong kinaroroonan ng isang lugar gamit ang latitude at longitude
a. Ang direksyon ng hangin sa isang lugar
a. Ang lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng ibang lugar sa paligid nito
a. Ang anyong-lupa sa isang lugar
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng relatibong lokasyon?
a. Ang Lungsod ng Cebu ay nasa 10° Hilagang Latitud
a. Ang Maynila ay nasa kanluran ng Quezon City
a. Ang Pilipinas ay may 7,641 na isla
a. Ang temperatura sa Baguio ay 18°C
Ano ang ginagamit na batayan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon?
a. Mga linyang latitud at longitud
a. Mga kalapit na lugar o anyong lupa/tubig
a. Eksaktong sukat ng lupa
a. Sukat ng populasyon
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gamit ng mapa?
Paglalaro ng board game
Pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar
Pagbilang ng populasyon
Pagsusulat ng liham
Ano ang tawag sa talaan na nagpapaliwanag ng kahulugan ng mga simbolo sa mapa?
Legend
Compass rose
Grid
Scale
Ano ang apat na pangunahing direksiyon na makikita sa compass rose?
Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran
Hilaga, Gitna, Timog, Itaas
Kaliwa, Kanan, Harap, Likod
Silangan, Kanluran, Kanan, Kaliwa
Alin sa mga sumusunod na Mapa ang nagpapakita ng mga rehiyon, lalawigan, at mahahalagang lungsod?
Mapang pisikal
Mapang pangklima
mapang pampolitika
mapa ng daan
Alin sa mga sumusunod na Mapa ang nagpapakita ng tipo ng klimang nararanasan sa iba't ibang bahagi ng bansa?
Mapang pisikal
Mapang pangklima
mapang pampolitika
mapa ng daan
Alin sa mga sumusunod na Mapa ang naglalarawan ng pisikal na kapaligiran ng isang lugar kabilan ng anyong lupa at tubig?
Mapang pisikal
Mapang pangklima
mapang pampolitika
mapa ng daan
Alin sa mga sumusunod na Mapa ang nagpapakita ng mga kalsada, kalye, at gusali sa isang lugar?
Mapa ng daan
Hazard Map
mapang pampolitika
mapang demograpiko
Alin sa mga sumusunod na Mapa ang nagpapakita ng mga lugar na maaaring maapektuhan ng isang partikular na kalamida gaya ng bagyo, lindol, o pagbaha?
Mapa ng daan
Hazard Map
mapang pampolitika
mapang demograpiko
Ano ang ikalawang pinakamalaki sa mga pangunahing pangkat ng mga pulo?
Luzon
Visayas
Mindanao
Palawan
Ang Visayas ang ...
pinakamalawak na isla ng Pilipinas
pinakamaliit na isla ng Pilipinas
pangalawa sa pinakamalawak na isla ng Pilipinas
pinakabilog na isla ng Pilipinas
Anong yunit na panukat ang madalas na ginagamit sa Lawak at Sukat ng Lupain?
metro
kilo
kilometro kuwadrado
metro kuwadrado
Isang pabilog na dayagram na hinati sa mga bahagi
bar graph
pie chart
mapa
Isang dayagram na ginamitan ng mga parihabang panukat
bar graph
pie chart
mapa
Lungsod sa NCR na may pinakmalaking populasyon
Makati
Caloocan
Quezon
Ano ang pangunahing tungkulin ng PSA?
Magtayo ng paaralan
Mag-imbak ng pagkain
Mag-ipon at magbigay ng opisyal na datos senso
Magbigay ng libreng transportasyon
Ano ang ibig sabihin ng dayagram?
Isang larawan o drowing na nagpapakita ng mga datos na nais ipaliwanag
Isang kwento tungkol sa isang pangyayari
Isang talaan ng mga pangalan ng tao
Isang awit na may tugma
Ang populasyon na nasa 53.3 milyon ay nasa anong Rehiyon?
Palawan
Luzon
Visayas
Mindanao
Ang pinakamaliit na populasyon na nasa 19.3 milyon ay nasa anong Rehiyon?
Palawan
Luzon
Visayas
Mindanao
Ilan ang kabuoang Populasyon ng Rehiyon ng Mindanao?
53.3 milyon
24.1 milyon
1 million
19.3 milyon
Ano ang ibig sabihin ng salitang “isla”?
Bahaging dagat na napapalibutan ng lupa
Bahaging bundok na walang halaman
Bahaging lupa na napapalibutan ng tubig
Bahaging kagubatan na walang ilog
Ano ang tawag sa grupo ng maraming magkakalapit na isla?
Kapuluan
Disyerto
Peninsulang dagat
Golpo
Ano ang ibig sabihin ng bundok?
Malawak na anyong tubig na may alat
Patag na anyong lupa
Hukay na puno ng tubig-ulan
Mataas at matarik na anyong lupa
Ano ang karaniwang katangian ng bulubundukin?
May patag na ibabaw
Binubuo ng sunud-sunod na bundok na magkadikit
May malalim na hukay
May tubig na dumadaloy
Ano ang ibig sabihin ng talampas?
Mababa at patag na lupain malapit sa dagat
Mataas na bundok na matarik ang gilid
Patag na lupain sa mataas na lugar
Malawak na kagubatan sa kapatagan
Ano ang ibig sabihin ng burol?
Isang anyong lupa na mas mababa kaysa bundok at may pakurba na tuktok
Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa
Isang patag na lupain
Isang malalim na bahagi ng dagat
Saan matatagpuan ang Chocolate Hills?
Cebu
Bohol
Palawan
Davao
Ano ang ibig sabihin ng kapatagan (plain)?
Mataas na lugar na napapalibutan ng bundok
Bahaging mababa at napapaligiran ng tubig
Malawak at patag na anyong lupa
Matatarik na gilid ng bundok
Ano ang ibig sabihin ng lambak?
Patag na lugar sa gitna ng dagat
Mataas na talampas
Disyertong tuyo
Mababang lupain sa pagitan ng mga bundok o burol
Ano ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig sa mundo?
Karagatan
Ilog
Lawa
Sapa
Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo?
Atlantic Ocean
Indian Ocean
Pacific Ocean
Arctic Ocean
Ano ang tawag sa malaking anyong tubig na mas maliit kaysa karagatan?
a. Lawa
b. Ilog
c. Dagat
d. Talon
Ano ang ibig sabihin ng golpo?
a. Malaking anyong tubig na napapaligiran ng lupa sa tatlong panig
b. Maliit na lawa sa bundok
c. Malalim na hukay sa dagat
d. Isang uri ng talon
Ano ang ibig sabihin ng look o bay?
a. Isang anyong lupa na napapaligiran ng tubig sa lahat ng panig
b. Isang anyong tubig na napalilibutan ng lupa sa tatlong panig at may bukas na bahagi patungo sa dagat
c. Isang maliit na ilog
d. Isang talon na bumabagsak mula sa bundok
Ano ang kahulugan ng kipot?
a. Isang mataas na bundok
b. Makitid na anyong-tubig na nagdurugtong sa dalawang mas malaking anyong-tubig
c. Malawak na ilog
d. Bahagi ng karagatan na malapit sa baybayin
Ano ang ibig sabihin ng lawa o lake?
Malaking anyong tubig na nakapalibot sa isla
Tubig na dumadaloy patungo sa dagat
Malaking anyong tubig na maalat
Malaking anyong tubig na napapaligiran ng lupa
Ano ang ibig sabihin ng ilog?
Isang lawa na walang agos
Isang maliit na hukay na may tubig-ulan
Isang malaking anyong tubig na nakapaligid sa lupa
Isang anyong tubig na paliko-likong dumadaloy sa lupain mula sa kabundukan patungong dagat o look.
Ano ang ibig sabihin ng “talon o waterfall” sa heograpiya?
Isang anyong lupa na may damuhan
Isang uri ng bundok na matarik
Isang anyong tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar
Isang ilog na tuyo
Ano ang tawag sa enerhiyang nalilikha mula sa pagdaloy ng tubig sa talon?
a. Solar energy
b. Geothermal energy
c. Hydroelectric energy
d. Wind energy
Ano ang tinutukoy ng salitang “bukal o spring” sa agham pangkalikasan?
a. Lugar ng pagsasaka
b. Pinagmumulan ng tubig na natural na lumalabas mula sa lupa
c. Uri ng puno sa kagubatan
d. Malaking lawa
Ito ay tumutukoy as taglay nitong mga anyong lupa at anyong tubig na ang ilan ay magkakaugnay sa mga karatig o kalapit na lalawigan.
Katangiang Pisikal
Katangiang Natural
Katangiang Memoryal
Katangiang Kakaiba
Ang Rehiyon ng Cordillera ay napapaligiran ng lupain, na nasa hilaga ng Luzon.
Dito din makikita ang "Sea of Clouds"
Nandito din ang kaakit-akit na mga hagdang-hagdang palayan na nasa Ifugao, sa paanan ng Cordillera.
TAMA
MALI
Ang panahon o weather, at and klima o climate, ay magkaiba dahilsa sukat ng oras.
TAMA
MALI
Hindi nagbabago-bago ang lagay ng panahon sa isang araw.
TAMA
MALI
Nakararanas ng dalawang tiyak na panahon, tag-init at tag-ulan.
Tipo I
Tipo II
Tipo III
Tipo IV
Hindi nakakaranas ng tag-init; pinakamaulan sa buwan ng Disyembre hanggang Pebrero
Tipo I
Tipo II
Tipo III
Tipo IV
Nakararanas ng kalat-kalat na pag-ulan na may maikling panahon ng tag-init.
Tipo I
Tipo II
Tipo III
Tipo IV
Nakararanas ng pantay na distribusyon ng pag-ulan sa buong taon.
Tipo I
Tipo II
Tipo III
Tipo IV
asukal
yamang tubig
yamang lupa
yamang mineral
yamang gubat
perlas
yamang tubig
yamang lupa
yamang mineral
yamang gubat
Ano ang ibig sabihin ng likas na yaman?
Mga bagay na ginawa ng tao
Mga bagay na nagmumula sa kalikasan na ginagamit ng tao para mabuhay
Mga bagay na makikita sa tindahan
Mga bagay na ginagamit sa paglalaro
Nasa Rehiyong ito ang pinakmalawak na kapatagan na taniman ng mais, palay, tubo, at lamang ugat.
Ito rin ang tinauriang "Kamalig ng Pilipinas".
Western Visayas
Zamboanga
Central Luzon
Nasa Rehiyong ito makikita ang malalawak na taniman ng tubo, lalo na sa Megros Occidental na tinaguriang "Sugar Bowl" ng Pilipinas.
Western Visayas
Zamboanga
Central Luzon
Mahaba ang baybayin ng rehiyon na ito kaya sagana ito sa yamang tubig, at naging ikatlo sa may pinakamataas na produksiyon ng isda.
Western Visayas
Zamboanga
Central Luzon
Ano ang ibig sabihin ng illegal logging?
a. Legal na pagputol ng puno ayon sa batas
b. Ilegal o labag sa batas na pagputol ng puno sa kagubatan
c. Pag-aalaga ng puno sa kagubatan
d. Pagtatanim ng bagong puno
Ano ang tinutukoy ng “dynamite fishing”?
Paraan ng pangingisda gamit ang lambat
Paraan ng pangingisda gamit ang pain na uod
Paraan ng pangingisda gamit ang pagsabog ng dinamita
Paraan ng pangingisda gamit ang pamingwit
Ano ang ibig sabihin ng cyanide fishing?
Pangingisda gamit ang nakakalasong kemikal
Pangingisda gamit ang bitag na kahoy
Pangingisda gamit ang lambat na maliliit ang butas
Pangingisda gamit ang kuryente
Ano ang ibig sabihin ng kaingin?
Pagtatanim gamit ang makinarya
Pag-aalaga ng hayop sa bukid
Paggawa ng terrace sa bundok
Pagsusunog at pagputol ng halaman upang gawing sakahan
Ano ang ibig sabihin ng endangered species?
a. Mga hayop o halaman na matatagpuan lamang sa isang lugar
b. Mga hayop o halaman na nanganganib nang mawala o maubos
c. Mga hayop o halaman na mabilis dumami
d. Mga hayop o halaman na inaalagaan sa zoo
Ano ang ibig sabihin ng endemic species?
Mga hayop o halaman na matatagpuan sa iba’t ibang bansa
Mga hayop o halaman na lumilipat-lipat ng tirahan
Mga hayop o halaman na matatagpuan lamang sa isang partikular na lugar
Mga hayop o halaman na malayang namumuhay kahit saan
Ano ang ibig sabihin ng 3Rs sa pangangalaga ng kapaligiran?
a. Reduce, Reuse, Recycle
b. Read, Write, Recite
c. Rest, Relax, Run
d. Remove, Replace, Repair
Ano ang pangunahing layunin ng Philippine Clean Air Act?
Pagpaparami ng mga sasakyan sa bansa
Paglinis ng mga kalsada
Pagbawas ng polusyon sa hangin at pangangalaga sa kalidad ng hangin
Pagpapatayo ng mas maraming pabrika
Anong pandaigdigang parangal ang natanggap ng PUERTO PRINCESA SUBTERRANEAN RIVER NATIONAL PARK?
Isa sa New 7 Wonders of Nature
Guinness World Record sa pinakamahabang ilog sa mundo
UNESCO World Heritage Site
National Cultural Treasure
