WorksheetsMga Tanong Tungkol sa Kabutihan
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Si Harvey ay lumaki sa pamilyang mayroon malasakit at marunong magsakripisyo para sa iba. Nakita niya kung paano ang kanyang pamilya makibahagi sa kung ano ang meron sa kanila para sa ikakaunlad ng lahat. Kung ikaw si Harvey, paano mo isasabuhay ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?
Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
Tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay.
Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos.
Lilinangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba
Naging patakaran na sa silid-aralan ni Ginang Teresa, kung ano ang mawawala lahat ay magiging responsible at magbabayad. Ito ay sinang-ayunan ng lahat ng kanyang mag-aaral. Isang araw nakita ni Asher ang kanyang kaklase na binuksan ang wallet ni Ginang Teresa sabay kuha ng pera dito. Siya ay lubhang nag-alala sa nakita at nagdalawang isip baka siya ay mapahamak o madamay pa sakaling magsumbong, ngunit naalala niya ang kanilang patakaran. Kung ikaw si Asher, paano mo maipapakita na makamit ang kabutihan ng lahat?
Huwag na lang magsumbong
Mag-isip ng aksyon batay sa kung anong tama at mali na kailangang isagawa
Dapat ay manatili na lamang tahimik anuman ang mangyari sabagay ikaw lang ang nakakita
Ibalewala na lamang ang nakitang pangyayari at magpatuloy sa kung ano ang iyong ginagawa.
Sa bansang pinapairal ang Lipunang Politikal, HINDI "boss" ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan at hindi ang mga personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang pag-unlad ng bawat isa. Kung ikaw ang pinuno sa Lipunang Politikal, paano mo magagampanan ang tungkulin mo?
Pag-aabuso sa kapangyarihan
Pagsuko sa mga karapatan ng taong bayan
Ingatan at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng taong-bayan
Samatalahin ang yaman ng bayan dahil ikaw ang may pinamataas na kapangyarihan sa bayan.
Sa prinsipyo ng Pagkakaisa kailangan makilahok ang taumbayan. Gagawin ng bawat isa ang kanilang mga tungkulin at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan. Bilang mag-aaral, paano ka maging instrumento sa pagpapairal ng Prinsipyo ng Pagkakaisa sa mga pangkat o grupo sa pamayanan na iyong tinitirhan?
Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
Mas isasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
Nagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
Ang Barangay San Isidro ay mayroong isang parke na matagal nang hindi naaalagaan. Ang parke ay puno ng basura, sirang kagamitan, at mga ligaw na halaman. Nais ng mga residente na ayusin ang parke upang magkaroon ng ligtas at malinis na lugar para sa mga bata at pamilya. Kung ikaw ang isang residente ng Barangay San Isidro, paano mo maipapakita ang Prinsipyo ng Subsidiarity at pagkakaisa sa pag-aayos ng parke?
Magreklamo sa mga opisyal ng barangay tungkol sa kalagayan ng parke
Maghintay lamang sa pamahalaan ng barangay kung kailan nila ayusin ang parke
Iwasan ang paggamit ng parke at magreklamo sa mga taong nagtatapon ng basura
Mag-organisa ng isang grupo ng mga residente na magkukusa sa paglilinis at pag-aayos ng parke
Nagkaroon ng matinding pagbaha sa isang barangay dulot ng malakas na ulan. Ang mga residente ay naghihintay ng tulong mula sa nasyonal na pamahalaan para sa relief goods at pag-ayos ng drainage system. Gayunpaman, ang barangay council ay may sapat namang pondo at kakayahan upang agad na magbigay ng tulong at magpatupad ng pansamantalang solusyon. Kung ikaw ang lider ng barangay, ano ang iyong gagawin upang tiyaking umiiral ang parehong prinsipyo ng subsidiarity at pagkakaisa?
Iiwanan ko ang responsibilidad sa pribadong sektor, dahil mas mabilis silang makapagbigay ng tulong kaysa sa barangay council.
Iaasa ko ang lahat ng desisyon at aksyon sa mas mataas na antas ng pamahalaan, dahil mas malawak ang kanilang saklaw ng kapangyarihan.
Hihikayatin ko ang mga residente na magtulungan at magsagawa ng mga proyekto sa barangay, ngunit tanging mga maya
Kung ikaw ay isang lokal na lider, anong hakbang ang gagawin mo upang tiyakin na ang mga proyektong pang-ekonomiya ay nagdudulot ng benepisyo para sa lahat, hindi lamang sa mga mayayaman?
Magbibigay ako ng mga pondo at pagkakataon lamang sa mga malalaking negosyo at mayayamang pamilya upang mapabilis ang kanilang pag-unlad.
Magkakaroon ako ng mga programa at proyekto na nakatuon sa pagpapalago ng mga lokal na negosyo at pagbibigay ng mga oportunidad sa mga mahihirap, tulad ng pagsasanay at microloans.
Magpapataw ako ng mataas na buwis sa mga mahihirap upang makalikom ng pondo para sa mga proyektong pang-imprastruktura na makikinabang lamang ang mga mayayaman.
Magpapasa ako ng mga patakaran na magpapataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin upang mas maraming pondo ang makolekta para sa mga malalaking proyekto.
Kung ikaw ay isang miyembro ng grupong ito, paano mo bibigyan ng solusyon ang mga isyu sa pamahalaan upang masiguro na ang mga proyekto ay magsusulong ng kabutihang panlahat?
Magiging agresibo ako sa mga protesta at hindi ko pag-uusapan ang mga solusyon.
Ipagpapaliban ko ang mga proyekto hanggang magkaayos ang mga miyembro ng grupo.
Magpapadala ako ng reklamo sa mga nasyonal na ahensya at maghihintay ng aksyon mula sa kanila.
Makikipag-ugnayan ako sa mga lokal na lider at gagamitin ang mga plataporma ng media upang iparating ang mga konkretong solusyon sa mga isyu ng pamahalaan.
Paano naisasabuhay ng lipunang sibil ang kanilang mga layunin sa pag-unlad ng katarungang panlipunan, pangangalaga ng kapaligiran, at pakikilahok ng mamamayan?
Ang lipunang sibil ay hindi aktibo sa mga isyu ng katarungang panlipunan at kalikasan, at nakatuon lamang sa paggawa ng negosyo.
Ang lipunang sibil ay nakatuon lamang sa paggawa ng mga protesta at hindi nagsasagawa ng mga konkretong proyekto para sa pag-unlad.
Ang lipunang sibil ay naisasabuhay sa pamamagitan ng mga proyektong nagtataguyod ng katarungan, kalikasan, at pakikilahok ng mamamayan.
Ang lipunang sibil ay walang kinalaman sa pakikilahok ng mamamayan at hindi nagsusulong ng mga adbokasiya para sa kapakanan ng komunidad.
Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng mga tao sa Zambales upang magsagawa ng pananaliksik sa iyong pamayanan?
Maghintay na lang ng impormasyon mula sa lokal na opisyal at huwag makipag-ugnayan sa lipunang sibil.
Mag-organisa ng aktibidad ng lipunang sibil nang hindi inaalam ang layunin at programa nito.
Makipag-ugnayan sa lipunang sibil, magsagawa ng mga aktibidad na nakatuon sa mga isyu ng komunidad.
Ang mga residente sa Purok Greenville, lalo na ang mga bata at matatanda ay nahihirapang maglakad at magmaneho sa isang kalsada na matagal ng sira at may maraming butas. Ang mga residente ay nag-aalala na rin sa kaligtasan ng mga tao dahil sa panganib na matisod o mahulog sa mga butas. Sa paanong paraan maipapakita ng mga residente ang prinsipyo ng subsidiarity sa paglutas ng problemang ito?
Pagtulong sa mga may kaya lamang sa komunidad
Magbigay ng mga reklamo at kritisismo sa mga nakatataas
Aktibong pakikilahok sa mga lokal na inisyatiba at pagkilos
Mag-organisa ng isang protesta upang pilitin ang pamahalaan na ayusin ang kalsada
Ang isang non-government organization (NGO) ay nagsimula ng isang proyektong nagtuturo sa mga tao sa komunidad kung paano magtayo ng maliit na negosyo gamit ang mga lokal na materyales. Ang mga residente ay nakinabang mula sa mga pagsasanay at suportang pinansyal mula sa NGO at lokal na pamahalaan. Paano nakakatulong ang suportang pinansyal ng NGO at lokal na pamahalaan sa pagsisimula ng negosyo ng mga residente?
Ang suportang pinansyal ng NGO at lokal na pamahalaan ay nagpapataas ng presyo ng mga bilihin.
Ang mga pondo mula sa NGO at lokal na pamahalaan ay para lamang sa pampublikong lugar, hindi sa negosyo.
Ang suportang pinansyal mula sa NGO at lokal na pamahalaan ay nagdudulot ng dagdag na utang sa mga residente.
Ang suportang pinansyal ng NGO at lokal na pamahalaan ay tumutulong sa mga residente na magsimula at magpalago ng negosyo.
Sa isang komunidad, maraming pamilya ang nahihirapan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung ang yaman ng bansa ay ibabahagi nang pantay-pantay sa lahat, magkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon para sa mga mahihirap na makapag-aral, makahanap ng trabaho, at magkaroon ng mas maginhawang buhay. Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?
Masiguro na ang bawat isa ay mapapabuti ang kalidad ng buhay
Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang lamangan
Magkaroon ng patas na pag-unlad ang mga tao sa iba't ibang lugar ng bansa
Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhing at kakayahan
Ang ama ni Juan ay walang permanenteng trabaho kung kaya hindi makabili ng bagong school supplies para sa pasukan. Dahil dito, nahihirapan siyang makasabay sa kanyang mga kaklase. Kung ang bawat pamilya o pamayanan ay may kakulangan sa pera, ano kaya ang maging kalagayan ng bawat kasapi nito?
Ang lahat ng mga bata sa pamilya ay magiging masaya dahil magkakaroon sila ng libreng edukasyon.
Ang mga kasapi ng pamilya ay magkakaroon ng maraming pera dahil magsisimula silang magtulungan.
Ang bawat kasapi ng pamilya ay mahihirapang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
Ang ama ng pamilya ay awtomatikong magkakaroon ng bagong trabaho kahit walang sapat na kakayahan.
Sa isang maliit na bayan, nagpatuloy ang pag-unlad ng ekonomiya matapos maglunsad ng mga proyektong pang-imprastruktura at pang-ekonomiya. Maraming lokal na negosyo ang lumago, at nakatanggap ng trabaho at benepisyo ang mga mamamayan. Ngunit, tumataas ang presyo ng mga bilihin at may mga sektor tulad ng mga magsasaka at mangingisda na hindi pantay ang benepisyo. Ano ang mga positibong epekto ng magandang ekonomiya sa komunidad?
Tumaas ang antas ng kahirapan sa komunidad.
Nawalan ng trabaho ang mga manggagawa.
Bumaba ang kalidad ng mga produkto at serbisyo
Nagdudulot ng trabaho, imprastruktura, at paglago ng Negosyo
