Font size
WorksheetsESP9-Subsidiarity at Pagkakaisa
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ito ay tumutukoy sa mga nabuong gawi ng pamayanan na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
Habit
Kultura
Komunidad
Lipunan
Sa mga sumusunod ay masasalamin ang Kultura ng ating bansa, MALIBAN sa:
sining
awit
mga pagdiriwang
mga banyaga
________________ ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na matutugunan ang pangangailangan ng bawat miyembro nito.
Pampolitika
Management
Leadership
Pagsisilbi
Anong sektor ng lipunan ang nangunguna sa pagsisiguro na matutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, upang makamit ang kanilang mithiin kasabay ang kabutihang panlahat?
Pamilya
Simbahan
Pamahalaan
Pamilihan
Ang mga Pinuno ay mayroong mabigat na tungkulin at kapangyarihang mamahala. Namimili tayo sa pamamagitan ng pagboto, kasabay nito ipinagkakaloob ng tao ang kanilang __________________.
kinabukasan
pagtitiwala
pagsunod
pananalig
Ang prinsipyong ito ay tumutukoy sa pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan upang umunlad at makamit ang kanilang mithiin sa buhay.
Subsidiarity
Solidarity
Pagkakaisa
Pamumuno
Sa kabila ng krisis pangkalusugan dulot ng virus na COVID 19, marami ang sumusunod sa panawagan na "stay at home", nagpapaabot ng tulong at nag-aalay ng panalangin para sa kagalingan at kaligtasan ng lahat. Ito ay pagsasabuhay ng prinsipyo ng:
Subsidiarity
Pamumuno
Pagkakaisa
Pakikisama
Kanino nakasalalay ang pag-unlad ng isang lipunan?
Sa mahusay na pamumuno.
Sa pag-aambag ng talino at lakas ng mga mamamayan.
Sa tulong ng pamahalaan sa mga mamamayan
Sa magandang kwalipikasyon ng pinuno.
Ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang mga mamamayan, gayundin ang pananagutan ng mga mamamayan na maging mabuting kasapi ng pamayanan ay tumutukoy sa ____________________
mahusay na pamumuno
mahusay na tagasunod
lipunang politikal
panlipunang ugnayan
Sa lipunang politikal, ano o sino ang itinuturing na tunay na "boss"?
batas
pinuno
taumbayan
kabutihang panlahat
Alin sa mga sumusunod ang kaugalian ng mga Pilipino? Higit sa isa ang sagot.
Palabra de Honor
Bayanihan
Utang na Loob
Halloween
Alin sa sumusunod ang bumubuo sa 3 Sangay ng Pamahalaan?
Lehislatibo
Ehukatibo
Kapulungan
Hudikatura
Alin sa mga sumusunod ang pagpapatupad ng pamahalaan ng Prinsipyo ng Subsidiarity? Higit sa isa ang sagot.
Pantawid Program (4P's)
Education for All
Donasyon ng mga pribadong kumpanya
Pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan
Paano masasabi na mayroong pagkakaisa ang isang pamilya?
Ang bawat kasapi ay ginagampanan ang kanilang nakatakdang tungkulin.
Ang mga anak ay kani-kanyang handa ng pagkaing kanilang nais.
Ang mga magulang ay nagsisikap bigyan ng magandang buhay ang pamilya.
Ang mga anak ay nagsisikap na makapagsarili.
Alin sa sumusunod ang makikita sa matiwasay na lipunan? (Credit to the rightful owners of the pictures)
