wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Pamilya at Lipunan

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor na nakaapekto sa paghubog ng ating pagkatao. Ano ang pinakamaliit at pangunahing yunit ng ating lipunan?

a)

Paaralan

b)

Pamilya

c)

Pamahalaan

d)

Barangay

2.

“Sa ating bansa, likas ang pag-aaruga sa nakatatanda. Hindi hinahayaan ang ina o amang tumatanda na maiwan sa nursing home katulad ng mga dayuhan bagkus sila ay aalagaan hanggang sa huling yugto ng kanilang buhay”. Ang pahayag ay tumutukoy sa ______.

a)

Pagtutulungan sa pamilya

b)

Paghubog ng pananampalataya

c)

Pagmamahalan ng bawat mamamayan

d)

Pagiging natural na institusyon ng pamilya sa lipunan

3.

Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal at dito nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa sapagkat ang pamilya ay ________?

a)

Bahagi ng lipunan

b)

Komunidad ng mga

c)

Natural na institusyon

d)

Pampolitikal na institusyon

4.

Sa pamilya umiiral ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya. Ang paggawa ng bawat miyembro sa mga gawaing bahay na nakaatang sa kanila ay isang halimbawa ng __________?

a)

Pagmamahalan

b)

Pagtutulungan

c)

Pananampalataya

d)

Pagpapahalaga

5.

Tinuturuan ni Ben ang kaniyang mga anak kung paano manalangin at ang pagbabasa ng banal na kasulatan. Anong misyon ng pamilya ang ginagawa ni Ben?

a)

Pagbibigay edukasyon

b)

Paggabay sa pagpapasiya

c)

Paghubog ng pananampalataya

d)

Pagbuo ng sariling pagpapahalaga

6.

Maraming banta ang kinakahararap ng pamilyang Pilipino sa larangan ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. Isa sa mga banta sa larangan ng edukasyon ay _________________.

a)

Maruming politika

b)

Pagiging aktibo sa isports

c)

Kabataang nagiging kasapi ng gang

d)

Pagkakaroon ng maraming aktibidades sa paaralan

7.

Ang bawat pamilya ay may misyon sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya. Sino ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak?

a)

Guro sa paaralan

b)

Ang mga magulang

c)

Ang mga lolo at lola

d)

Ang mga lider ispiritwal

8.

Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Katuwang ng mga magulang ang mga institusyon sa lipunan sa pagkamit nito. Dapat ituro ng mga magulang sa anak ang __________.

a)

Mamuhay ng simple

b)

Magpasiya para sa sarili

c)

Makinig sa mga aral ng simbahan

d)

Mensahe ng mga aral ng pananampalataya

9.

Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), hindi posible ang mabuhay sa lipunan kung walang salita o wika. Ano ang tumutukoy sa anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa?

a)

Diyalogo

b)

Lengguwahe

c)

Komunikasyon

d)

Pananampalataya

10.

Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan ng pagsusulong ng bayanihan at pagiging bukas palad. Ang pahayag ay tumutukoy sa?

a)

Pangangalaga sa kalikasan

b)

Panlipunang papel ng pamilya

c)

Pampolitikal na papel ng pamilya

d)

Pang-ekonomikal na gampanin ng pamilya

11.

Ang pamilya ay itinuturing na unang paaralan ng pagpapakatao, kung saan natututuhan ang mahahalagang birtud tulad ng pagtutulungan. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa pamilya?

a)

Nagiging mas masaya ang pamilya

b)

Nagiging malaya sa sariling gawain

c)

Natututuhan ang pagbibigay ng regalo

d)

Natutulungan ang bawat isa sa mga gawain

12.

Ang pamilya Santos ay madalas magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Isang araw, napagpasyahan nilang maglaan ng oras upang mag-usap at linawin ang mga hindi pagkakaintindihan. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nagpapakita kung bakit mahalaga ang komunikasyon sa pagpapanatili ng pagmamahalan at pagkakaisa sa loob ng pamilya?

a)

Upang mapanatili ang pag-uunawaan

b)

Upang mapababa ang respeto sa isa't isa

c)

Upang mapataas ang kayaman ng pamilya

d)

Upang mapanatili ang kapangyarihan ng isang miyembro

13.

Napansin ni Rosa na ang kanyang anak ay nagsisimula nang magtanong tungkol sa pananampalataya. Nais niyang tulungan ang kanyang anak na lumago sa kanyang pananampalataya, kaya't nagpasya siyang maglaan ng oras upang magturo at magbigay ng gabay. Ano sa mga sumusunod ang makakatulong kay Ana sa pagpapalago ng pananampalataya ng kanyang anak?

a)

Pagpapalago ng negosyo at kayamanan ng pamilya

b)

Pagpapababa ng respeto sa ibang pananampalataya

c)

Pagbibigay ng pera para sa mga gawain ng simbahan lamang

d)

Pagpapakita ng inspirasyon, at gabay sa moral at spiritual na aspeto

14.

Abala sa trabaho si Mang Jose at hindi nakakapaglaan ng sapat na oras upang makipag-usap sa kanyang anak tungkol sa mga desisyon nito sa buhay. Ano ang maaaring epekto ng kakulangan sa komunikasyon sa pagitan nila sa paggabay sa pagpapasya ng anak?

a)

Pagkakaroon ng maraming pera

b)

Pagtaas ng interes sa pag-aaral

c)

Pagkakasalungat sa mga desisyon

d)

Pagpapabuti ng relasyon at pagpapasya

15.

Si Aling Rosa ay nagsusumikap na ituro sa kanyang mga anak ang mga aral ng pananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Paano nakakatulong ang pagtuturo ng mga aral ng pananampalataya sa pag-unlad ng kanyang mga anak?

a)

Nagdudulot ng kalituhan sa mga paniniwala

b)

Nagpapalakas ng ugnayan sa loob ng pamilya

c)

Nagbibigay ng gabay sa paggawa ng tamang desisyon

d)

Nagbibigay ng pagkakataon para sa paglago ng negosyo