WorksheetsG9 MT 1.2 Review
Total questions: 25
Worksheet time: 29mins
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng maayos na pagbibigay ng sariling pananaw?
A. “Hindi ko alam, basta gano’n lang iyon.”
B. “Para sa akin, mahalagang magtanim tayo ng puno upang makatulong sa kalikasan.”
C. “Hindi mo naiintindihan ang punto ko, kaya wala kang karapatang sumagot.”
D. “Wala akong opinyon diyan kasi hindi ko gusto ang paksa.”
Kung sasagot ka sa tanong na “Ano ang pinakamahalagang gawin upang maging disiplinado ang kabataan?”, alin sa mga pahayag ang angkop?
A. “Dapat magpatupad ng parusa sa lahat, iyon lang ang paraan.”
B. “Sa aking palagay, mas epektibo kung tuturuan ang kabataan sa murang edad tungkol sa kahalagahan ng responsibilidad.”
C. “Hindi ko gusto ang mga kabataan ngayon.”
D. “Bahala na sila sa buhay nila.”
Alin sa mga sumusunod ang gumagamit ng malinaw at magalang na paraan ng pagbibigay ng opinyon?
A. “Para sa akin, mas mainam na gumamit ng bisikleta kaysa kotse upang mabawasan ang polusyon.”
B. “Kung gusto mo, gawin mo; kung ayaw mo, huwag mo.”
C. “Hindi ako naniniwala sa sinabi mo at wala na akong pakialam.”
D. “Hindi tama ang sinabi mo dahil mali ka.”
Alin sa sumusunod na pananda ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw?
A. “Ayon sa kanya”
B. “Batay sa batas”
C. “Base sa ulat”
D. “Para sa akin”
Anong pananda ang nagpapahiwatig na personal na opinyon ng nagsasalita ang susunod na pahayag?
A. “Sa aking palagay”
B. “Sinabi sa balita”
C. “Ipinaliliwanag ng guro”
D. “Tinukoy sa aklat”
Alin sa sumusunod ang pares ng salita na magkasingkahulugan?
A. kaalyado – kalaban
B. kaalyado – kakampi
C. kaalyado – katunggali
D. kaalyado – kasalungat
Alin sa sumusunod ang pares ng salita na magkasingkahulugan?
A. balikwas – tumagilid
B. balikwas – baliktad
C. balikwas – sumubsob
D. balikwas – umupo
Sino ang pinunong Kristiyano na nanguna sa kampanya ng pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano sa Slovenia sa epikong “Ang Pagbibinyag sa Savica”?
(a)
Sino ang batang pinuno ng mga pagano na matatag na lumaban para sa kanilang pananampalataya?
(a)
Ano ang naging pangunahing dahilan ng paghina ng hukbo ni Crtomir habang sila ay nakakubli sa bundok?
A. Paglipat ng ilang kasamahan sa panig ng Kristiyano
B. Matinding gutom at kakulangan ng tulong
C. Pag-alis ni Crtomir sa kanilang kuta
D. Pagdating ng bagyong sumira sa kanilang armas
Paano natapos ang labanan sa pagitan ng puwersa ni Valjhun at ni Crtomir?
A. Nagkasundo ang dalawang panig na hatiin ang lupain
B. Tumakas ang hukbo ni Crtomir papunta sa karatig na bayan
C. Nanaig ang mas maraming puwersa ni Valjhun at natalo ang hukbo ni Crtomir
D. Dumating ang ibang hukbo upang tulungan ang mga pagano
Tukuyin kung ang nakasalungguhit na panghalip ay panghalip panao o panghalip pamatlig.
Ako ay pupunta sa palengke upang mamili ng prutas at gulay.
(a)
Bibigyan ka ni Liza ng regalo sa kanyang kaarawan.
(a)
Ito ang aklat na hinahanap mo kanina.
(a)
Ipagluluto tayo ni Nanay ng paborito nating ulam mamayang gabi.
(a)
Iyan ba ang laruan na iniwan mo sa silid-aralan?
(a)
Kami ay magkasama sa pag-uwi mula sa paaralan araw-araw.
(a)
Ibabalik niya sa may-ari ang pitaka na kanyang napulot.
(a)
Iyon ang bag na nabili ni Maria sa palengke kahapon.
(a)
Ito ang pangunahing ideya o paksa ng isang talata na kadalasang matatagpuan sa unahan o gitna ng talata.
(a)
Anong kababalaghan ang kumalat na balita matapos ang pagkamatay ng pulubi?
Sino ang may-ari ng kastilyong malapit sa Locarno sa kwentong “Ang Babaeng Pulubi ng Locarno”?
(a)
Ano ang naging dahilan ng paghihirap ng mga Marquez?
Ano ang masasabing kabayaran o kaparusahan na naranasan ng Marquez sa huli ng kwento?
Ano ang pangalan at apelyido ng iyong guro sa Filipino?
