wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Makabansa 5 Quarter 1

Total questions: 40

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing layunin ng pag-aaral ng kasaysayan?

a)

Alamin lamang ang mga petsa at lugar

b)

Tukuyin ang kasalukuyang kalagayan ng bansa

c)

Maunawaan ang ugnayan ng mga pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan

d)

Malaman kung sino ang pinuno ng mga sinaunang pamayanan

2.

Paano nakatutulong ang pananaw sa kasaysayan sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng isang bansa?

a)

Nililimitahan ang impormasyon

b)

Pinapalawak ang ugnayan ng tao sa kalikasan

c)

Tinutulungan tayong maghanda sa sakuna

d)

Binibigyang halaga ang mga karanasan ng mga mamamayan

3.

Anong uri ng sanggunian ang ginagamit upang matukoy ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa?

a)

Primarya

b)

Sekundarya

c)

Personal na opinion

d)

Pananaw ng eksperto

4.

Ang diksyunaryo, almanac, at encyclopedia ay tinatawag na ________ sanggunian.

a)

Primarya

b)

Sekundarya

c)

Pampanitikan

d)

Elektroniko

5.

Ang mga litratong kuha noong EDSA Revolution ay anong uri ng sanggunian napapabilang?

a)

Primarya

b)

Sekundarya

c)

Pampanitikan

d)

Oral na kasaysayan

6.

Ito ang sangguniang kadalasang ginagamit bilang batayan sa mga textbook sa paaralan?

a)

Primarya

b)

Sekundarya

c)

Elektroniko

d)

Malikhaing akda

7.

Bakit maituturing na primaryang sanggunian ang ulat ng reporter tungkol sa pagbaha sa Leyte?

a)

Dahil kinuha ito mula sa mga aklat

b)

Dahil wala ito sa talaan ng kasaysayan

c)

Dahil ito ay tinipon at inayos ng ibang tao

d)

Dahil ito ay orihinal na ulat ng saksi sa pangyayari

8.

Paano naiiba ang pahayagan sa iba pang sanggunian sa pagbibigay ng impormasyon?

a)

Nakasentro ito sa opinion

b)

Luma ang impormasyon nito

c)

Hindi ito itinuturing na sanggunian

d)

Nagbibigay ito ng agarang ulat sa mga pangyayari

9.

Kung ikaw ay nakasaksi mismo ng isang mahalagang kaganapan, anong uri ng sanggunian ang mabubuo mo?

a)

Primarya

b)

Sekundarya

c)

Elektroniko

d)

Malikhaing akda

10.

Kapag ikaw mismo ang nakaranas ng isang pangyayari, anong uri ng sanggunian ang iyong magagamit kung magsusulat ka tungkol dito?

a)

Primarya

b)

Sekundarya

c)

Elektroniko

d)

Malikhaing akda

11.

Ano ang tawag sa malaking masa ng lupa na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas?

a)

Crust

b)

Bulkan

c)

Tectonic

d)

Pangaea

12.

Aling teorya na nagsasaad ng unti-unting paggalaw ng mga kalupaan mula sa isang supercontinent ay ang _____________?

a)

Teorya ng Bulkanismo

b)

Teorya ng Tulay na Lupa

c)

Teorya ng Tectonic Plate

d)

Teorya ng Continental Drift

13.

Ang teorya ang nagsasaad na ang Pilipinas ay nagmula sa pagputok ng mga bulkan sa paligid ng Pacific Basin.

a)

Teorya ng Bulkanismo

b)

Teorya ng Tulay na Lupa

c)

Teorya ng Tectonic Plate

d)

Teorya ng Continental Drift

14.

Ano ang tawag sa mga ideya at paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa kanilang pananaliksik?

a)

Batas

b)

Teorya

c)

Dekreto

d)

Opinyon

15.

Aling teorya ang nagsasaad na dating pinagdurugtong ng mga tulay na lupa ang mga pulo ng Pilipinas?

a)

Teorya ng Bulkanismo

b)

Teorya ng Tulay na Lupa

c)

Teorya ng Continental Drift

d)

Teorya ng Pagguho ng Kalupa

16.

Sino ang siyentistang German na nagpanukala ng Continental Drift Theory?

a)

Alfred Wegener

b)

Grete Hermann

c)

Johannes Brahms

d)

Max Planck

17.

Alin sa mga sumusunod ang paniniwalang pangrelihiyon ukol sa pinagmulan ng Pilipinas?

a)

Isang makapangyarihang manlilikha ang gumawa ng daigdig na kinabibilangan ng Pilipinas.

b)

Ang Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan.

c)

Magkakaugnay ang mga kontinente sa isang malaking kontinente.

d)

Nabuo ang Pilipinas dahil sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.

18.

Ano ang tawag sa mga labi ng halaman at hayop na naging bato dahil sa tagal ng pagkakabaon?

a)

archipelago

b)

bato

c)

fossil

d)

teorya

19.

Sino ang siyentistang Amerikano na nagsabing nabuo ang Pilipinas dahil sa bulkanismo?

a)

Alfred Wegener

b)

Bailey Willis

c)

Ferdinand Magellan

d)

Harry Hess

20.

Ano ang tawag sa lugar sa mundo na maraming aktibong bulkan at madalas ang lindol?

a)

archipelago

b)

fault

c)

Pacific Ring of Fire

d)

Pacific Theory

21.

Sino ang nagsulong ng Teoryang Austronesyano na nagsasabing nagmula ang mga Austronesian sa Taiwan o Timog Tsina?

a)

Armand Mijares

b)

Felipe Landa Jocano

c)

Peter Bellwood

d)

Wilhelm Solheim II

22.

Ayon sa Teoryang Austronesyano, ano ang pangunahing ebidensyang ginamit upang patunayan ang ugnayan ng mga Austronesian?

a)

Katulad ng paniniwala sa relihiyon

b)

Katulad ng teknolohiya sa paggawa ng bangka

c)

Magkakapitbahay na bansa

d)

Pagkakatulad ng mga wikang ginagamit

23.

Ayon kay Wilhelm Solheim II, saan nagmula ang mga Austronesian bago makarating sa Pilipinas?

a)

China

b)

Indonesia

c)

Taiwan

d)

Vietnam

24.

Ano ang layunin ng mga Austronesian sa pagtungo sa Pilipinas ayon kay Solheim?

a)

Maghanap ng pagkain

b)

Magtayo ng kaharian

c)

Manakop ng lupa

d)

Makipagkalakalan

25.

Ang tawag sa teorya ni Felipe Landa Jocano tungkol sa pinagmulan ng mga Pilipino ay __________.

a)

Teoryang Austronesyano

b)

Teoryang Core Population

c)

Teoryang Cultural Diffusion

d)

Teoryang Ebolusyonaryo

26.

Ano ang pagkakaiba ng pamumuhay sa Ilaya at Ilawud noong sinaunang panahon?

a)

Pareho silang naninirahan sa kabundukan

b)

Ang Ilawud ay nakatuon sa agrikultura habang ang Ilaya ay sa pangingisda

c)

Ang Ilaya ay naninirahan sa mataas na lugar at ang Ilawud ay sa kapatagan

d)

Lahat ay nasa iisang lugar lamang

27.

Anong kahalagahan ng kalakalan sa sinaunang lipunan?

a)

Nagdulot ito ng kaguluhan

b)

Nakabawas ito sa likas na yaman

c)

Nakatulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya

d)

Nakabawas ito sa populasyon

28.

Sino ang kabilang sa pinakamataas na antas panlipunan sa sinaunang lipunang Pilipino?

a)

Alipin

b)

Maginoo

c)

Maharlika

d)

Timawa

29.

Ano ang tawag sa pinuno ng isang barangay na karaniwang nagmumula sa pangkat ng maginoo?

a)

Alipin

b)

Bayani

c)

Datu

d)

Dumatu

30.

Ano ang tawag sa pinuno ng pinagsanib o malalaking barangay?

a)

Gat

b)

Maharlika

c)

Raha o Lakan

d)

Timawa

31.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga maaaring dahilan upang maging datu ang isang tao?

a)

Katandaan

b)

Katapangan

c)

Kayamanan

d)

Pagiging oripun

32.

Anong tungkulin ang ginagampanan ng mga maharlika sa sinaunang lipunan?

a)

Mag-ani ng palay para sa datu

b)

Maglingkod sa mga piging lamang

c)

Mamili ng alipin sa pamilihan

d)

Tumulong sa pamahalaan at digmaan

33.

Ano ang layunin ng paggawa ng mga sasakyang-pantubig ng mga sinaunang Pilipino?

a)

Paglalakbay sa bundok

b)

Pagtatanim sa palayan

c)

Pang-aliwan sa mga kabataan

d)

Pakikipagkalakalan at pakikidigma

34.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga industriyang pantahanan ng mga sinaunang Pilipino?

a)

Pagluluto ng instant noodles

b)

Paggawa ng alak mula sa niyog at tubo

c)

Paggawa ng palayok at banga

d)

Paghahabi ng tela mula sa abaka

35.

Saang panahon nabuhay ang Taong Tabon?

a)

Panahong Kasalukuyan

b)

Panahong Metal

c)

Panahong Neolitiko

d)

Panahong Paleolitiko

36.

Saang panahon nananirahan sa mga yungib ang mga sinaunang tao?

a)

Panahong Katutubo

b)

Panahong Mesolitiko

c)

Panahong Neolitiko

d)

Panahong Paleolitiko

37.

Ipagpalagay mong isa kang lider ng isang barangay sa sinaunang Visayas. Anong estratehiya ang iyong gagamitin upang mapanatili ang pagkakaisa sa inyong pamayanan?

a)

Isara ang ugnayan sa ibang barangay

b)

Hayaang gumawa ng sariling alituntunin ang bawat pamilya

c)

Magbigay ng gantimpala sa mayayamang mamamayan lamang

d)

Magtalaga ng mga tagapagpatupad ng batas at magsagawa ng pulong pampamayanan

38.

Bilang isang sinaunang negosyante mula sa Mindanao, anong produkto ang iyong ipagpapalit sa mga dayuhang mangangalakal upang mas mapalawak ang iyong kabuhayan?

a)

Alahas mula sa ibang bansa

b)

Palayok mula sa kabundukan

c)

Ginto mula sa kalapit na barangay

d)

Perlas at tela na yari sa lokal na materyales

39.

Lumikha ng isang plano para sa isang barter system sa sinaunang pamayanan. Ano ang mahalagang isaalang-alang upang ito’y maging matagumpay?

a)

Pagbibigay ng labis na halaga sa dayuhang produkto

b)

Paglilimita sa pakikipagpalitan sa iisang grupo lamang

c)

Pagbubuwis sa lahat ng mamamayang nakikipagbarter

d)

Pagtitiyak na patas ang halaga ng ipinagpapalit na produkto

40.

Paano mo mailalarawan ang ugnayan ng kababaihan sa politika at ekonomiya ng sinaunang pamayanan?

a)

Tahimik lamang sila sa kanilang tahanan

b)

Ginagampanan lamang nila ang gawaing bahay

c)

Pinagbabawalan silang makisalamuha sa lipunan

d)

Lumalahok sila sa pagpapasya at kalakalan ng komunidad