WorksheetsUnang Kwarter na Pagsusulit
Total questions: 50
Worksheet time: 38mins
Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo?
Pagagalitan ko ang aking kapatid.
Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase.
Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
Sasali sa paligsahan.
Hindi ka sasali sa paligsahan.
Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
Sasama kang maligo sa ilog.
Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
Sasama ka ngunit hindi maliigo.
Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
Pagagalitan ko ang aking kapatid.
Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.
Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.
Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong bumili, nalaman mong sobra ang isinukli sa 'yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.
Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
Isasaui ko agad sa tindera ang sobrang sukli.
Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon. Alin sa mga sumusunod ang tamang sagot?
malikhaing pag-iisip
mapanuring pag-iisip
pagkabukas ng isipan
pagsusuring personal
Alin sa mga sumusunod ang isang proseso na nagbibigay -daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari?
pagsusuring personal
mapagmatyag
pagkamalikhain
pagkabukas ng isipan
Sino sa mga sumusunod ang may bukas na isipan?
Si Aida na sobrang talino sa klase.
Si Lorna na laging nag-iisip ng maraming bagay
Si Fe na mahilig makipagtalo sa mga kaklase
Si Alma na nagsusuri ng mga bagay bago magbigay ng opinion
Ang pasiya ay dapat gawin para sa kabutihang _______. Ano ang tama salita na akma sa puwang?
panlahat
pang-isahan
pansarili
pandalawahan
Mahalaga ang may mapanuring pag-iisip upang maging ________. Ano ang tamang salita na bubuo sa pangugusap?
sikat sa klase
gumaling sa pangagatuwiran
matalinong bata
timbang sa pagbibigay ng desisyon
Ang pagpapahalaga at ang pagsang ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.
Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
May dumating, nagpakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at tatay mo. Hinihingi niya ang cellphone number ng mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
Hindi papasukin ang tao at tawagan ang iyong ina sa cellphone.
Papasukin ang tao sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.
Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
Ano ang dapat na isaalang-alang sa pagkilala ng tamang impormasyon?
ano ang mayroon
datos at patotoo
larawan
lugar kung saan nakuha
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang impormasyon ay nakakatulong?
Si Anabelle ay nakinig ng tsismis ng kapitbahay.
Sumunod si Beth sa ipinag-uutos ng mga frontliners.
Palagi si Luis nanonood sa Youtube.
Mas pinahalagahan ni Dante ang sabi ng kapitbahay na hindi alam kung totoo.
Alin ang nagsasaad na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon?
Nanood si Melvin ng sine.
Naglaro si Raul ng mobile legend
Si Martin ay gumamit ng Google upang makatulong sa kanyang mga aralin.
Si Myla ay nagtanong sa kanyang ate ng tamang sagot sa kanyang
Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera?
Awayin ang mga magulang
Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.
Isusuplong sa pulis ang mga magulang at ipapakulong sila.
Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang maipagpatuloy ang pag-aaral.
Nagchat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika .Nagtanong siya kung ano ang isusuot sa palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.
Hayaan na makadalo sa palatuntunan ng paaralan na walang dala.
Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas at kung ano ang dapat.
Ibigay agad sa kaniya ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol sa programa sa Buwan ng Wika.
Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugsobugsong ulan. Ano ang gagawin mo?
Maniwala at huwag ng pumasok.
Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.
Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.
Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa.
Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa isa, alin dito ang HINDI?
Bukas ang isipan sa makawitrang opinion ng iba.
May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan.
Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o sulusyon.
madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon
Ano ang mabuting naidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?
Pagiging tamad
Pagiging limitado ng iyong kaalaman
Nagiging palaasa sa iba sa paggawa ng desisyon
Paglawak ng iyong pananaw at tumutulong na maging bukas ang isip sa anumang ideya para lumutas ng suliranin.
Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa opinion ng iba. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon sa nakararami?
"Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?"
"Kaisa mo ako sa bahaging iyan. Lubos akong nananalig."
"Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.��
"Wala na ba kayong maisip na paraan?"
Bakit natin pinahahalagahan ang makabubuti para sa nakakarami? Upang __________
mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
maiwasan ang pagkamakasarili
Lahat ng sagot ay tama
Natalo ang inyong grupo sa paligsahan sa pagsayaw. Ano ang dapat niyong gawin bilang ikaw ang lider ng grupo? Nagpasya kang _____________
ibahin ang miyembro ng inyong grupo
pagsigawan at sisihin ang mga kasaping nagkamali
tanggalin ang mga miyembrong di-gaanong marunong sumayaw
mag-ensayo pang mabuti ang bawat miyembro upang manalo sa susunod na paligsahan
Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng pamilya mo sa iyong mga sasagutin. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama?
Buong pangalan ng tatay at pinagta-trabahuhan niya.
Pangalan ng nanay mo sa pagkadalaga.
Iyong mga kaibigan at nakaraang mga kaklase.
Edad at pangalan ng iyong mga kapatid.
Paano ang wastong paggamit ng social media?
maglaro ng online games
mag-tiktok
maglalaan ng oras sa paggamit
buong araw naka-online
Nagsasagot ng modyul sa Matematika si Ana. May dalawang aralin na hindi pa niya maintindihan. Ano ang dapat niyang gawin?
Huminto na sa pagsasagot ng modyul.
Pasasagutan sa ama o ina ang hindi maunawaang aralin
Tawagan ang mga kaklase at humingi ng tamang sagot
Ituloy ang pagsasagot sa ibang aralin at saka balikan at pag-aralan ang di maintindihang aralin
Alin ang makakatulong upang makapagsuri ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa sarili?
Mag-isip sa tahimik na lugar
Makipag-saya sa mga kaibigan
Bigyan ng oras ang sarili upang makapag-isip
A at C
Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at matatag na pamilya?
Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at payapa.
Pagdami ng mga anak.
Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi ng pamilya.
Pagbibigay ng luho sa mga anak.
Ang pamilya De Jose ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama-sama ring nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan? Pamilyang may _________
malasakit sa karapatan ng bawat isa
pagmamahal at respeto sa isa't isa
nagkakaisa sa pananampalataya
nagkakaunawaan at nagbibigayan
May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at nagbalitang naaksidente ang kapatid mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa ang mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan na sumama sa ospital.
Ikaw na lang ang sasama sa ospital.
Ipaaalam sa mga magulang ang nangyari at hintayin ang kanilang desisyon.
Magtatanong sa kapitbahay ano ang gagawin.
Nawawala ang pitaka ng iyong ina. Alam mo nawala mo ito ng ipahabilin niya ito sa iyo sa palengke. Hindi niya ito maalala. Sinabi niyang hindi kakain ang lahat hangga't walang umaamin kung nasaan ito. Ano ang pasya mo?
Ililihim mo na lamang ito sapagkat wala naman talagang nakakaalam.
Nagpasya kang aminin na ito upang hindi madamay ang iba sa iyong kasalanan.
Sinabi mong nakita mo na nalaglag ito habang hawak ito ng iyong ina.
Magsawalang kibo na lang at magsakripisyo na hindi kakain ang lahat para hindi mapagalitan.
Nakita mo ang lalaking nagtatapon ng basura sa ilog na nakakalason sa mga isda at naninirahan malapit dito. Namukhaan mo ito at pinaghahanap ito ng mga opisyal ng barangay. Ano ang pasya mo?
Ituturo ko ang lalaking ito sa mga opisyal ng barangay.
Hindi ko ito pakikialaman sapagkat malayo naman ako sa ilog.
Ituturo ko ang ibang tao para siya ang mananagot sa kasalanan niya.
Mananahimik ako kahit may alam ako sapagkat baka ako ang balikan ng lalaki.
Apat na pirasong tinapay na lamang ang natira sa mesa. Gutom na gutom ka at napansin mong gayon din ang apat mo pang mga kapatid mo. Ano ang pasya mo?
Hahati-hatiin ko ang tinapay upang makakain ang lahat.
Itatago ko na lamang ang tinapay upang di magkainggitan ang bawat isa.
Pababayaan ko silang magugutom at ako na lang ang kakain sa tinapay.
Kakainin ko ang isa sapagkat di naman nila alam at hahati-hatiin ko ang tatlo ang natira para sa aming lahat.
Nalaman mo sa balita na ang simula ng klase ay maaaring sa buwan ng Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito totoo, ano ang gagawin mo?
Magsasaliksik gamit ang internet.
Magtatanong sa nanay.
Magtatanong sa kaklase.
Pumunta ka sa isang aklatang-bayan. Hinihingi ang impormasyon ng iyong tirahan. Ano ang gagawin mo?
Ibibigay mo ang address ng iyong paaralan.
Ibibigay mo ang kumpletong address ayon sa hinihingi.
Ibibigay mo ang buong pangalan ng tatay at nanay mo.
Alamin muna bakit hinihingi.
Magkaibigan kayo nina Hanna at Trisha. Isang araw, nag-away sila at di nagkikibuan. Tinawag mo sila at kayo'y nag-usap-usap. Tinanong mo ang dahilan ng kanilang di - pagkikibuan at pareho silang may katwiran. Ano ang iyong pasiya?
Hindi na ako makikipagkaibigan sa kanila.
Iiwasan ko na sila at maghahanap ng bagong kaibigan.
Kampihan kung sino ang pinakamalapit sa iyong puso.
Pagbatiin ang dalawa at hikayating kalimutan na ang nakaraan at di - ppagkakaunawaan.
May umugong na balita na may naganap na nakawan sa barangay. Isang araw, kumatok sa pinto ang isang lalaki at sinasabing kaibigan siya ng kaniyang mga magulang. Pinapasok naman siya ng bata sa kanilang bahay kaya malayang nakapagnakaw ang kawatan. Kung ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?Kung ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?
Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang iatanong kung totoong kaibigan siya.
Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
Humingi ng opinion ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
Una mong nabasa sa inyong group chat na mayroong Clean-Up drive sa inyong paaralan upang maiwasan ang pagbara ng estero at makaiwas sa sakit na dengue. Batid mong hindi pa ito alam ng iyong mga kaklase at kaibigan. Ano ang gagawin mo?
Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan mo na sumama sa Clean-Up drive.
Ikaw na lamang ang sasama sa Clean -Up Drive
Ipaalam sa mga kaklase kung tapos na ang Clean - Up Drive dahil marami pa namang pagkakataon.
Wala ang sagot sa mga nabanggit.
Sunud-sunod na may nawawalang gamit sa inyong silid-aralan. Kilala mo ang kumuha nito at ito ay isa sa mga kaibigan mo. Nagagalit na ang guro at kung hindi pa aamin ang gumagawa nito ay pare-pareho silang mapaparusahan. Ano ang pasya mo?
Tatahimik na lamang ako sapagkat baka magalit sa akin ang aking kaibigan.
Kakausapin ko ang aking kaibigan at sasabihin kong ibalik na ang mga kinukuhang gamit ng palihim.
Kakausapin ko ang guro at sasabihin kong alam ko kung sino ang kumukuha ng mga gamit sa silid-aralan.
Aawayin ko ang kaibigan ko sa harap ng aming guro at kaklase para mapahiya siya.
May dumating sa bahay ninyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas pa uuwi ang mga magulang ninyo. Ano ang gagawin mo?
Patuluyin mo siya at patulugin sa gabi.
Hayaan mo siyang maghintay sa labas ng bahay.
Pabalikin siya kinabukasan.
Ipagbibigay alam sa kaniya na ang mga magulang mo ay umalis at uuwi ang mga ito kinabukasan.
Si Juni ang napiling lider sa pangkatang gawain sa Filipino. Iniasa na sa kanya ng lahat ng kanyang mga ka-miyembro ang lahat ng gawain. Minsan nagalit na siya sapagkat hindi siya sinusunod ng kanyang mga ka-miyembro. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang gawin?
Bibitawan na niya ang pagiging isang lider sa isang pangkatang gawain.
Itatanong niya sa kanyang mga ka-miyembro ang problema upang agad na masolusyonan ito.
Gagawin na lamang niyang mag-isa ang proyekto upang di magalit ang guro.
Sisigawan at aawayin ang mga ka-miyembro. Huwag na tatapusin ang gawain.
Nagbigay ng anunsyo ang punungguro ng paaralan na nararapat na gumamit ng computer ang lahat ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang hindi susunod dito ay kukwestyunin at hindi mabibigyan ng promosyon. May ilang nagmungkahing mga guro. Alin kaya dito ang makatwiran?
Bigyan muna ng ilang linggong pagsasanay ang lahat bago ito matupad.
Kailangang ipatupad agad ito sapagkat mayroong mga guro na marunong gumamit ng computer at maaari na silang makauna sa promosyon.
Sa sariling bulsa kukunin ang gastos sa pag-aaral ng computer sa mga gurong hindi pa marunong gumamit ng computer bago ipatupad.
Sabihin na magretiro na lang ang mga gurong hindi marunong gumamit ng computer sa pagtuturo.
1. Nais ninyong bumili ng karagdagang electric fan sa inyon silid-aralan. Iminungkahi ninyo ito sa inyong president. Alin kaya sa mga sumusunod ang kanyang pasya?
Bawat isa ay magbibigay ng limampung piso.
Ang mayayaman ay magbibigay ng mas mataas na halaga kaysa mahiir
Alamin muna kung magkano ang maiaambag ng nakakarami bago magpasya.
Ipagsawalang bahala lang ang mungkahi at hayaan silang solusyunan ito.
Napagpasyahan ng SELG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Ano ang gagawin mo?
Magsasawalang kibo na lamang.
Hindi ako papayag sa gusto nila.
Tatanggapin ko nang buong kusa ang desisyon ng nakararami
Hindi na lang ako sasali sa kanila kung gagawin nila akong lider.
Bakit kinakailangang timbangin muna kung para sa ikabubuti ang pasya ng karamihan bago ka sumang-ayon? Upang _________
Mapansin ng karamihan
Maging batayan ng iyong pagsang-ayon
Tumagal ang proseso ng pagpapasya
Maging hadlang sa ninanais ng nakararami
May umugong na balita na may naganap na nakawan sa Barangay. Isang araw, kumatok sa pinto ang isang lalaki at sinasabing kaibigan siya ng kanyang mga magulang. Pinapasok naman siya ng bata sa kanilang bahay kaya malayang nakapagnakaw ang kawatan. Kung ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?
Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong kung totoong kaibigan siya.
Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
1. Una mong nabasa sa inyong group chat na mayroong Clean-Up Drive sa inyong paaralan upang maiwasan ang pagbara ng estero at makaiwas sa sakit na dengue. Batid mong hindi pa ito alam ng iyong mga kaklase at kaibigan. Ano ang gagawin mo?
Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan mo na sumama sa Clean-Up Drive.
Ikaw na lamang ang sasama sa Clean-Up Drive
Ipaaalam sa mga kaklase kung tapos na ang Clean-Up Drive dahil marami pa namang pagkakataon.
Wala ang sagot sa mga nabanggit.
Nalaman mo sa isang pagsaliksik sa social media na ang palagiang paglalaro ng mobile legend ay nakakasama. Alam mo na ang iyong kapatid na lalaki ay palaging naglalaro nito. Ang gagawin mo ay…
Sabihin na iwasan ang palagiang paglaro ng mobile legend dahil may masamang epekto ito.
Sasabihin sa magulang ang iyong natuklasan.
Hahayaan ang kapatid.
Pagagalitan ang kapatid.
Tinatanong ka ng principal ng pangalan ng mga magulang mo.
Sasabihin mo ang buong pangalan ng mga magulang mo.
Itanong muna sa guro kung ano ang gagawin mo.
Alamin sa mga kaibigan kung ano ang ginawa nila.
Isusulat mo sa papel ang mga pangalan nila.
Sa application form kailangan mong isulat ang petsa ng kapanganakan ng nanay mo.
Tatanungin mo ang kuya mo kung sasagutin ito.
Sasagutin at isusulat mo ang petsa.
Mamaliin ang petsa.
Laktawan ang tanong sa application form.
